Chapter 12

1946 Words
ALEXIS ALEJO "O Alex, mabuti nakauwi ka na!" ang ngiting-ngiti na salubong sa akin ni Mama na ikinataka ko. "Ma, may nangyari po ba? Parang ang saya-saya mo ha." Natatawa ko na ring tanong sa kanya sabay halik sa pisngi nito. "Naku, wala naman. Masaya lang talaga ako ngayon. Siya nga pala, malalate raw ng uwi ang papa mo dahil marami silang inaasikaso para bukas. Si Kuya Jazz mo naman ayun, overnight daw siya sa tropa niya." "Naku, si Kuya talaga!" naiiling ko na lang na sabi at sabay na kami ni mama na pumasok sa loob ng bahay. "Siya nga po pala ma... ano... ah may tumawag ba dito?" actually nag-aalangan akong itanong ang bagay na iyon. Tila nanunukso ang ngiting iyon ni mama nang makita ko. "Namiss mo na ano?" Pakiramdam ko nag-init ang pisngi ko sa tuksong iyon ni mama. "Tsk. Mama talaga. T-tinatanong ko lang naman kung may tumawag at hinahanap ako— 'yong ano kasi—'yong head chief para sa operasyon bukas— ano eh—" "Naku bata ka. Hindi ka talaga magaling magsinungaling pagdating dyan." tinuro pa ni mama ang puso ko. "Halatang-halata ka," naiiling na puna ni mama. Napabuntong-hininga na lang ako. Kilalang kilala talaga ako nitong si mama. "Walang Chief ng kung ano ang tumawag dito, o kung sino mang naghanap sa iyo." Kaswal na wika ni mama na ikinadisappoint ko naman. "Pero may nagpadala ng regalo para sa 'yo." Nangunot ang noo ko. "Regalo po?" Sino naman ang magbibigay--- Natigilan ako at iisang tao lang ang pumasok sa isip ko. Tila nahulaan naman ni mama ang iniisip ko kaya nakangiti siyang nagpatango-tango. "Nandoon sa garden 'yong regalo mo. Doon ko na lang nilagay para masolo mo saka ambigat kasi, alam mo naman matanda na ako para magbuhat nang mabibigat at dalhin iyon sa itaas sa kwarto mo," saad niya. Bahagya pa nga akong tinutulak ni mama patungo sa garden pero maya-maya ay natigilan ako. I smell something... "Ma, ano po ang niluluto niyo? Ambango, ha!" Napalingon pa ako sa lokasyon ng kusina habang sinisimot ng ilong ko ang amoy na iyon. "Naku, oo nga pala—huwag mo namang singhutin lahat, mang-iwan ka naman para mamaya sa papa mo." Natatawang biro nito na ikinatawa ko rin. "Mamaya matitikman mo iyon. Sige na buksan mo na ang regalo mo. Pupuntahan ko lang ang niluluto ko." Pagkasabi noon ay dali-dali na itong tumungo sa kusina. Napangiti na lang ako. So, speaking of this gift. Humakbang na ako patungo sa garden... Nanggaling nga kaya kay Terrence ang regalong iyon? Iyon ang nasa isip ko habang patungo ako sa garden.Nang makarating ako'y nanlaki ang mata ko sa aking nakita! Bigla na lang kasi nagkaroon ng maraming ilaw sa paligid, pinalibutan ng mga led lights ang bawat halaman sa garden. Namangha rin ako nang magkaroon ng ilaw ang makipot na daang iyon na may mga naggagandahang bulaklak na nakahilera pa hanggang pumalibot iyon sa isang maliit na lamesa sa di-kalayuan na may puting mantle na tela at isang napakagandang kandila sa gitna na napapalibutan ng magagandang disenyo, may nakahanda ring plato, kubyertos at baso ng champagne. Subalit—Iisang upuan lamang ang nakita ko? Ngunit nawala lahat ng nasa isip ko at biglang tumahip ang puso ko nang aking makita ang muling pagliwanag ng mga mumunting ilaw na nakapalibot sa lamesang iyon at naghugis puso! Napakagat labi ako sa aking nakita —siya lang ang maaaring gumawa nito... "Ms. Alexis Alejo, may I lead you to your seat?" ani ng pamilyar na boses na iyon sa aking likuran. Halos maumid ang dila ko ng malingunan ko siya—si Terrence. Hindi lang ako nabighani sa ngiti niyang iyon kundi pati ang ayos niya na tila ba kay linis niyang tignan sa suot na puting damit na pang... waiter? Hep, 'di ko sinabing bagay sa kanya ang maging waiter 'no. Isa pa, pansin ko rin na bagong gupit siya at medyo nakabrushed up pa ang buhok niya. Though agad ko ring napansin ang maitim na linya sa ilalim ng mata niya. Ngunit hindi pa rin iyon sapat upang mawala ang kagwapuhan ng nilalang na ito. Napakapresko niyang tingnan. Ang bango rin niya ang sarap lapain! Argh! Saan ang hustisya! "Ms. Alexis?" nakangiti niyang inilahad ang kanyang palad na nakaturo sa daan patungo sa gitna ng garden. Naguguluhan man ay humakbang na ako patungo sa lamesang iyon. Nang makarating kami ay iniusod niya ang upuan upang paupuin ako at ginawa ko naman. "I will be your personal server for tonight, so you can ask me anything you want. And first, I will get your appetizer," he replied in a soft voice. Natigilan ako. Huh? Ano daw? Akmang hahakbang na sana siya paalis nang hilahin ko ang damit niya kaya napalingon siya sa akin. "Ano ang ginagawa mo?" nalilito kong tanong. "Anong personal server ang sinasabi mo?" kunot noong tanong ko sa kanya. Hindi ko talaga maintindihan ang taong 'to. Isang matamis na ngiti ang ibinigay niya sa akin. Ngiting dalawang araw ko ring tiniis na hindi makita... "Dahil sa nangyari sa atin noong araw ng monthsary natin at nasaktan pa kita so I thought I could at least do something like this as an apology. I know it is not enough, but I want to make it up to you. I'll do whatever you want, Alex. Kahit pa maging servant mo uli ako hanggang kailan mo gustuhin, it's fine with me. I just want you to know that I regretted what I'd done that day." I felt the sincerity in his voice. He's really annoying sometimes, but when I see this side of him... parang gustong matunaw ng puso ko... "But first, I'm going to serve you today. I prepared a lot of good dishes—" napakamot siya ng ulo, para itong bata na namumula pa. "Ah, dahil hindi naman ako marunong magluto at gustuhin ko man na ako ang gumawa pero wala na akong sapat na panahon para matuto kaya sinama ko ang isang chef at nagpatulong kay mama. And atleast let me take care of you as your server. So just sit there and enjoy." Nawalan ako ng imik habang nakatitig lang sa nakangiti niyang labi. May bahagi ng isip ko na gustong matawa sa reaksyon ng mukha niya dahil hindi ako sanay na ganoon ito. Sanay kasi akong lagi siyang nakaangil o nakasimangot. Nang may biglang pumasok na alaala sa isipan ko. Bakit, ikaw lang ba talaga ang laging umiintindi sa relationship niyo? Alam mo, kung minsan naiisip ko, sino ba ang immature sa inyong dalawa ni Terrence? Actually, kanina pa paulit-ulit iyon sa isip ko. At kanina ko pa rin hinahanap ang sagot. Ngunit ang sagot sa mga katanungang iyon ay narito lang pala sa harapan ko at kailangan ko lang din iyon marealize. How foolish of me na laging sisihin si Terrence sa pagiging immature niya which is bahagi lang iyon ng Terrence na kilala ko at minahal ko and yet hindi ko kaagad nakita na he's mature enough to understand someone like me... "Umupo ka lang d'yan, kukunin ko lang ang appetizer." He said it in a sweet voice and with that sweet smile. --------------- TERRENCE ALTAMONTE Sa totoo lang hindi ako sanay na ginagawa ito. Ito ang unang pagkakataon na maging ganito ako sa isang babae. Ako si Terrence Altamonte pero heto ako ngayon, nagpapakawaiter sa babaeng mahal ko. Ngunit kahit tanungin ko ang sarili ko kung ayos lang ba na ginagawa ko ito, malayo sa Terrence Altamonte na alam ng lahat, still I don't feel the regrets of my action. Sapat na sa akin ang ganito. Ang pagsilbihan si Alex. Bago man lang ako umalis bukas, kahit papaano ay may nagawa ako para masaiayos ang lahat. We have enough time later para makapag-usap, sa ngayon ay kailangan ko pagbutihin ang pagsisilbi sa mahal ko. "Umupo ka lang d'yan, kukunin ko lang ang appetizer." Ang malumanay at nakangiti kong sabi. Tumalikod na ako at akmang hahakbang na sana nang bigla kong maramdamang yumakap si Alex mula sa aking likuran. Nagulat ako sa kanyang ginawa ngunit ang puso ko sobrang lakas ng t***k ng mga sandaling 'yon! "A-alex—" "Stay." mahina niyang utos. Mukha ba akong aso? Kidding aside. Ang puso ko parang gusto nang lumabas sa dibdib ko! "Pero kailangan kitang pagsilbihan ngayong—" napahinto ako sa pagsasalita ng maramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya. Sa totoo lang gustong-gusto ko na siyang yakapin kanina pa, ngunit pinigilan ko ang sarili ko dahil baka mas lalo lamang siyang magalit sa gagawin ko. Subalit hindi dapat masayang ang pinlano ko. "Tsk. Idiot, it's supposed to be our monthsary date, right? But how could you call it a date if I'm the only one having this dinner?" mahina pa rin ang boses niya at hindi pa rin siya bumibitiw sa pagkakayakap sa akin. Subalit ang sinabi niyang iyon ay tila nagbuhay pag-asa sa akin. Ang kaninang labis kong pag-asam na yakapin siya ay mas lalong tumitindi. "Besides, you are neither my server nor my servant—You are my boyfriend. My idiot, babe!" She said in a gentle voice as she buried her face in my back. Nagulat ako sa sinabi niya dahilan para matulala ako ng ilang segundo. Tila may nakabara sa aking lalamunan ng mga sandaling iyon. Pagkaraan ay itinakip ko ang isa kong kamay sa mga mata ko. Damn! My heart is pounding like crazy and my face is totally red! Namalayan ko na lang na may rumaragasa nang ilog sa mukha ko! I'm damn happy! Mayamaya ay naramdaman ko ang biglang pagbitaw ni Alex at pinaharap ako. Pilit niyang inalis ang kamay ko na nakatakip sa mukha ko ngunit hindi ko inalis ang aking kamay dahil makikita niya ang umiiyak kong mukha! Takte! I'm crying! "Ano ba ang iniiyak mo?" natatawa niyang tanong pero bakas sa tinig niya ang pagtataka. Psh! Pagtawanan ba daw ako! "Wala!" maagap kong tugon. "M-masaya lang ako dahil pinapatawad mo na ako," patuloy pa rin sa pagluha ang mga mata ko! Takte naman! Bakit hindi ko mapigilan?! Saan ka ba nanggagaling luha ka! "Kapag hindi ka tumingin sa akin, talagang hindi kita mapapatawad!" Hay! Pagtatawanan niya lang ako kapag nakita niya ang itsura kong ganito! Nakakaasar! "Isa!" nagsisimula na itong magbilang. Takte! "Dalawa!" Napabuntong-hininga na lang ako. Saka si Alex lang naman ang makakakita... Bahala na kung magmukha akong katatawanan sa kanya! Dahan-dahan kong inalis ang kamay ko subalit nanlaki ang mga mata ko nang kwelyuhan ako ni Alex at salubungin ako ng halik sa labi! I felt the warmth of her lips with mine. Ilang segundo lamang iyong lumapat sa labi ko pagkatapos ay bahagya niyang inilayo ang kanyang mukha na gahibla lamang ang agwat sa akin. Tumambad sa paningin ko ang matamis na ngiti niya. Natulala ako—para iyong liwanag sa dilim... After those days, I finally saw it. That enlightened face of yours is all I ever wanted to see... And the burst of emotions builds within me. I hugged her tightly as if there was no tomorrow and kissed her head. Yes, I'm crying! So what? I just I missed her so much! Ang dalawang araw na hindi kita nakasama gusto kong sulitin iyon. Gusto kong bumawi... "I love you! I love you! I love you so much, Alex!" masaya at puno ng pagmamahal kong sambit. Na kahit sa salita ay maramdaman niya kung gaano ko siya kamahal! "I love you too, Terrence." ang halos pabulong niyang sambit sa tenga ko dahilan para lalong malunod sa tuwa ang puso ko. I'm so damn happy! Lingid sa aming kaalaman ay nakatanaw pala mula sa loob ang mama ni Alex na nakangiti...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD