ALEXIS ALEJO
"A-ano po ang tungkol doon?" nauutal kong tanong. May gumapang na kaba sa puso ko.
Ito ba ang nais sabihin ni JP na dapat kong makausap si Boss? Ni wala akong ideya kung ano ang tunay na dahilan nang pagbagsak ng eroplano dahil na rin sa pagluluksa ko ng time na 'yon at sinuspende ako ni Boss. At wala rin naman ni isa sa mga co-agents ko ang nagbanggit tungkol doon.
"According to the testimonies of the passengers, four women were fighting inside the plane, which caused it to crash."
What?!
"Po?! Sino po sila? H*jack po ba—"
"No-no. Hindi naman daw h*jack ang motibo ng mga taong 'yon. Marahil daw ay nais nang tatlo na patayin ang babaeng nakalaban ng mga ito. Nalaman na ang pagkakilanlan ng dalawang iyon na kasalukuyan ding nawawala, they both came from US and unfortunately ang passport record na nakuha namin sa airport ay fake. Meaning gumamit sila ng ibang pangalan. Ang dalawa naman ay marahil taga-rito sa Pilipinas ngunit walang makaidentify kung sino sila and both are dead, para bang hindi sila nag-exist yet they're here. So, it would be really difficult to know who those people are. I already assigned another team to investigate this matter." mahabang paglalahad ni Boss.
Argh! What the hell! Ang dame ko palang hindi nalalaman! Punyemas! At sa isiping naranasan iyon ni Terrence bago sila maaksidente—na baka takot ang naramdaman nito habang may nangyayaring gulo sa loob ng eroplano, tila sinaksak ang puso ko. Those moments na dapat ay naroon ako sa tabi niya upang protektahan siya. Lihim akong napakagat-labi upang muling supilin ang nagbabadya na namang mga luha. Pinilit kong pakalmahin ang aking sarili.
Ano pa ang mga balitang sasalubong sa akin?
"Hindi ko akalaing marami na palang impormasyong hindi umabot sa akin," may halong disappointment sa boses ko, disappointment para sa sarili ko.
Malalim na bumuntong-hininga si Boss. "I know what you're thinking, Alex, but it doesn't end there, not yet."
"May iba pa po?!" gulat kong bulalas!
"Actually, this other case— well, hindi pa kami nakakasigurado subalit patuloy pa rin iyong iniimbestigahan ng team ni Ian."
Ah, speaking of Ian nga pala. Hindi ko nakita ang loko na kasama ni Myka. So may bago naman pala itong kasong hinahawakan.
"We found two other passengers in Cabilao, isa sa mga lugar na pinagmulan ng mga mangingisdang tumulong sa mga pasahero ng eroplano. Subalit, ang dalawang iyon kabilang na ang mangingisda at asawa nito ay natagpuang patay."
Nangunot ang noo ko. "Paano nangyari iyon?"
"Iyon ang inaalam pa rin nina Ian at ang posible nilang suspek ay ang babaeng inampon daw ng mag-asawa na nakita nilang palutang-lutang sa karagatan at sugatan, dalawang araw bago ang plane crash," makahulugan ang tinging ipinukol sa akin ni Boss wari ba may nais siyang ipabatid sa akin.
Sandali—
"Dalawang araw bago ang— plane crash? Babaeng sugatan na tinulungan ng mag-asawa na nakita nila sa—"
Biglang nanlaki ang mata ko sa aking naisip. Napaiwas ako ng tingin kay Boss habang nag-iisip. Posible ba iyon?! Pero kung tutuusin, wala kaming maidentify na bangkay o pagkilanlan ng babaeng iyon, kaya hindi tuloy namin malaman kung buhay ito o patay!
Nang muli kong balingan si Boss, tila alam na agad nito ang nais kong itanong.
"Hindi pa naman kami sigurado sa bagay na iyon, subalit kung iisiping mabuti at pagtatagpi-tapiin ang pangyayari, isa lamang ang tinutumbok niyon. That killer your team fought and the girl who was taken in by the couple, we speculated that the person responsible for their deaths, as well as the deaths of the two passengers, was likely the same individual. The criminal we've been looking for," seryosong pahayag ni Boss.
Tila naumid ang aking dila sa sinabi nito. Kung ang babaeng iyon nga— grabe rin ang kapit nito kay kamatayan! Mantakin mong mabubuhay pa iyon matapos ng pagsabog?!
I gritted my teeth as I remember that day. How could I forget those eyes?!
"At wala ring improvement sa kasong iyon?" tanong ko pagkaraan.
Umiling ito. "Ganoon na nga. Kung titignan, para tayong maghahanap ng karayom sa tumpok ng dayami. Ni hindi nga natin malaman kung ano ang itsura nito, dahil ayon sa mga taga-roon, hindi naman daw ito lumalabas ng bahay, bukod pa sa malayo ang kani-kanilang tirahan, may pagkakataong nasusulyapan nila ito mula sa malayo subalit hindi naman nila maibigay ng maayos ang imahe nito dahil hindi naman nila nakakasama ang dalaga ng malapitan sapagkat ayon sa mag-asawa ay mahiyain daw at takot sa tao," Muli itong nagpakawala ng marahas na buntong-hininga. "Kaya halos busy ang ahensya ngayon, we even asked those on vacation."
Laglag naman ang balikat ko sa sinabi niya. Tama si Boss, imposibleng makita namin ang babaeng iyon na ang tanging makakapagturo sana sa itsura nito ay pinatay pa.
Pero kung siya nga ang pumatay sa mag-asawa... napakawalang kwenta nga niyang tao, walang puso! Ilan pa bang inosente ang kaya niyang patayin para lamang pagtakpan ang kanyang pagkatao?!
"Marami pang kasong hinahandle ang mga co-agents mo. And since nagbalik ka na, I hope you are ready to be deployed again. But this time, ikaw ang papipiliin ko kung anong kaso ang nais mong hawakan," pagkasabi niya na iyon inilatag niya ang mga files na naglalaman ng mga kasong hinahawakan ngayon ng ahensiya.
To be honest, hindi ko talaga inaasahan na hahayaan ako ni Boss na mamili. Sandali— Pinapapili niya ako kung anong kaso ang nais kong hawakan?
May pagdududang tumingin ako kay Boss. Ano ang nais nitong mangyari? Is he testing me?
"May problema ba, Agent?" Kaswal nitong tanong as he crossed his arms and leaned his back to his chair.
"Boss, hindi ko po maintindihan, simula pa noon ay kayo na ang pumipili ng magiging misyon namin na naaayon sa aming kakayahan at hindi naman kayo nabibigo. Ngunit ngayon, ano ang dahilan bakit ako ang pinapapili niyo?"
"It's because I trust your judgement," maikli niyang tugon sa tanong ko.
Napamaang ako sa sinabing iyon ni Boss.
"And these cases in front of you are also connected to you."
Napababa ang tingin ko sa mga files na naroon. He wants me to choose according to my judgement and these cases in front of me are all connected to me. At kung iisipin kong mabuti mula sa mga kasong sinabi niya kanina—ah...
"Nakapili ka na ba?" untag niyang tanong.
I looked directly into his eyes. I saw his smile as if he knew what I was thinking.
"Yes, Sir."
MATAPOS ng pag-uusap naming iyon ni Boss ay nagtungo ako kung saan naroon ang kulungan ni Nathan. Nasa isang restricted at highly protected ang kulungang kinaroroonan niya since he has the skills na makatakas. The property belongs to the Government, not SS.
I waited for him in a small room na may bullet proof glass sa pagitan ng isa pang maliit na silid kung saan papasok si Nathan, may maliliit na butas ang salamin upang magkarinigan ang magkabilang panig. Ilang sandali pa ay pumasok na nga ito. I saw his haggard face, ibang-iba sa Nathan na kilala ko na alagang-alaga ang sarili.
Ngumiti ito ng makita ako. "Alex." Saka umupo roon sa upuan na nakaharap sa salamin at kaharap ako. "Hindi ko inaasahang dadalawin mo ako o ang kahit na makita ako."
"Hindi ko rin naman talaga planong makita ka pa, Nathan. Kung hindi lang dahil sa trabaho," ang walang kangiti-ngiti kong sabi na ikinapalis ng ngiti niya.
"I see," maya-maya ay biglang naging mapang-uyam ang muling gumuhit na ngiti sa labi nito na ikinaasar ko ng lihim. "By the way, condolence. I heard he's dead."
Nagtagis ang ngipin ko ngunit hindi ako nagpahalata.
"He's not dead—"
"Is he? But he's already been missing for three weeks, Alex. Do you really think he's alive?" tumawa siya ng pagak na ikinapanting ng tenga ko subalit kinalma ko ang aking sarili.
"Let's finish this, as I don't want to stare at your face any longer. I only have three questions for you, and it's about the Black Dragon Organization. Who are they? Where can we find them? Do you have any accomplices inside the Agency?" Hindi ko siya binigyan ng pagkakataong makasabat dahil sa dire-diretso kong sabi.
Biglang naging seryoso ang mukha ni Nathan.
"So, they sent you because they knew the feelings I had for you and wanted to use it para mapaamin ako tungkol sa organisasyon? Hah! I already told the Agency about it, and I won't give any more details."
"Bakit mo ba pinoprotektahan ang organisasyong ito? Ganoon ba kayo kaloyal sa kanila? Kahit pa walang halaga ang mga buhay niyo sa kanila na kahit kayo ay kaya nilang patayin para lamang hindi mabunyag ang kanilang sekreto?" sarkastiko kong tanong sa kanya.
"You don't know them, but I do. I told you before, hindi sila basta-bastang kalaban, Alexis. They have many connections, kaya malalakas ang mga loob nila. Hindi mo alam kung gaano nila kami tinitrain upang maging expert killers. You don't know how much we suffered just to be alive. Do you really think na gusto namin ang aming mga ginagawa? We don't have a choice. Wala kaming kawala sa kanila. Our only way from them is death."
"Then why don't you just tell us about this organization? We can protect you until—"
"Hindi mo alam kung gaano na kalayo ang nararating ng mga galamay nila, Alexis. We don't even know na nakikinig na pala sila sa usapan natin ngayon. Their existence is unknown and broad. You might kill them, but another will rise, kill them again, and a new one will hunt you. They are ghosts. You cannot get rid of them." Gigil nitong saad.
Ilang sandali kaming nagsukatan ng titig.
"Tsk! Tsk! Alex, kahit anong gawin niyo, wala kayong makukuhang sagot mula sa akin. At kahit meron man... you will never defeat them." Pagkaraan ay nang-mamaliit ang ngiti niyang iyon sa akin na para bang sinasabi na wala kaming laban sa organisasyon nila.
Marahan akong bumuntong-hininga, walang patutunguhan ang usapang ito.
"So, you will not gonna tell me their whereabouts?"
Muling sumeryoso ang mukha nito.
"I can only advise you, Alex." He leaned his serious face toward the bulletproof glass. Sinsero ang bumakas sa kislap ng mga mata nito. "Alex, never involve yourself with them. You, and even the agency, can't defeat them. Even our government cannot eliminate them. You will just end up dead kung ipipilit mong kalabanin sila, not just you, maging ang pamilya mo ay kaya nilang balikan. You can never find and defeat them, Alex."
Alam kong hindi siya nagsisinungaling dahil kilala ko si Nathan. Ngunit hindi ako maaaring magpatinag sa kanya kaya tumawa ako ng pagak saka tumayo, nakatitig lamang sa akin si Nathan.
"You don't trust me, Alex."
I saw pain glimmering in his eyes. Yumuko ito sandali pagkatapos ay pabagsak na isinandal ang likuran sa sandalan ng upuan saka muling tumingin sa akin.
"I just want you to be alive, Alex. But, I am telling you, no one can eliminate the Black Dragon Organization."
Marahan akong umiling. "Then watch me. Watch us how we destroy this organization of yours," pagkasabi niyon ay walang lingon-likod akong lumabas sa silid kahit pa naririnig ko ang makailang pagtawag ni Nathan sa aking pangalan.
Yeah, ipapakita ko sa kanya ang kakayahan ng mga SSA. He shouldn't underestimate us just because he infiltrated us easily.
Inireport ko kay Boss ang pag-uusap naming iyon ni Nathan. Wala man kaming nakuhang sagot mula sa kanya sigurado akong makakahanap pa rin kami ng paraan upang makakuha ng impormasyon tungol sa organisasyon.
At ngayon... kelangan ko muna asikasuhin ang bago kong misyon...