AGENT JOANNA
2 days later.....
Napaunat ako ng balikat ko, pasado alas singko na ng hapon, at ilang oras din kaming walang ginagawa kundi ang umupo o tumayo rito sa labas ng bahay ni Vice Pres. para magbantay. Almost three weeks din kaming ganito! Lalo na kapag nasa palasyo kami, sobrang boring doon!
"Hay, utang na loob, napakaboring ng layp! Namimiss ko na ang Cebu!" Mahinang saad ko.
"Miss ko na ang SS. Umuwi na kaya ako? Iwan ko na kayo," sabi ng isang tamad-na tamad na boses.
Hinagkisan ko ng matalim na titig si Kyle na nakaupo lang.
"As if naman miss ka rin ng SS!" asar ko naman dito.
"Who you? Kilala ba kita?" Nakakalokong tanong ni Kyle na bored na bored ang mukha.
Pigil ang tawa nina Mike. Magsasalita na sana ako ng muling magsalita ang lintik na bangkay na 'to!
"Uy Mike, patahimikin mo nga 'yang alien mong gf!" Anito na nakatingin kay Mike na noon ay napatingin sa akin sabay ngisi.
Napamaang akong nakatitig kay Mike, nanukso naman agad sina Joseph at James, pagkuwan ay ako napaiwas ng tingin. Actually, until now hindi pa rin ako makapaniwala na— na— kami na ng lalaking 'to!
Paano nga ba nangyari 'yon? Hahaha. Biglaan lang talaga.
"Mike, kung bakit naman kasi nagpagayuma ka sa hippo na 'yan." Singit pa ni Kyle.
Nagpanting ang tenga ko sa sinabi nito. Padaskol akong lumapit sa kinauupuan nito saka kami nagsukatan ng titig! Bwisit na bangkay na 'to!
"Hoy bangkay-"
"Hoy ka rin hippo, bumalik ka na nga roon sa pwesto mo—" he paused for a bit, pero hindi siya sa akin nakatingin. "—Nakakasira ka ng view."
Nagtaka ako sa kanyang sinabi at nagulat nang sabay na magsipagtayuan sina Mike at Red na gulat na gulat ang mga mukhang nakatingin din sa iisang direksyon, kahit sina Abet ay ganoon din ang reaksyon. Kaya naman ay dagli rin akong napalingon—
Ganoon na nga ang panlalaki ng mata ko ng mapagsino ang taong iyon na kasama ng C/Supt. namin na noon ay kabababa lang ng sasakyan.
Nananaginip ba ako?! Ano ang ginagawa niya rito?
"Yo!" ang nakangiti niyang bati sa amin nang makalapit siya pero hindi na huminto sa paglalakad dahil sumunod rin kay Chief papasok sa loob ng kabahayanan!
Maging sina Arnel ay napalapit sa amin nang makita rin siya. At lahat kami ay natigilan at napanganga na lamang!
"Tsk! Tsk!" palatak ni Kyle. "Buti naman buhay pa siya."
Maliban sa baliw na ito na hindi kailanman tinubuan ng pakiramdam! Pinukulan ko si Kyle nang matalas na tingin na kampante pa ring nakaupo.
"Ikaw, imbes na matuwa ka dahil andito siya, umaatittude ka na namang bangkay ka!" asik ko sa kanya at nagcrossed arms.
Humikab lang ito pero nagulat kami ng biglang tumalim ang tingin. Napalingon ako sa tiningnan niya. Ah, kaya naman pala e. Palapit na sa kinaroroonan namin ang Team ni Travis at ang mortal na kaaway ni Kyle na si Xena. They're from SSPD (Special Security Protection Division) na itinalaga ng PNP na magiging katuwang namin. They are special agents which the main priority is to protect a higher official/VIPs. Kumbaga, parang secret service rin but with a rank in PNP.
"Sino iyong kasama ni Chief?" Bungad na tanong ni Travis.
Ang agent-in-charge ng team nila. Kung hindi lang ako nainlove kay Mike baka sa kanya ako nahulog! A 28 yrs old, macho at gwapo.
"Kilala niyo ba?" Tanong ni Travis.
"Oo nga, nakita naming binati kayo," singit na tanong naman ng kasamahan nitong si Aries.
"Ang ganda niya, ah!" puna naman ni Ram.
"Ah, 'yon ba. Yes, kilala namin siya, actually, she's also from our agency, and is one of the best in the female division. She was supposed to be one of our teammates pero marami ang nangyari kaya hindi siya nakasama," panimulang paliwanag naman ni Abet, kaswal ang mukha nitong nakatingin sa kanila.
Sa totoo lang, hindi maganda ang turingan ng mga team namin. Nagkaroon ng wall sa pagitan ng bawat team. Iyon ay dahil sa kayabangan ng team ni Travis. Ang paglapit nila sa amin ngayon ay paniguradong magiging away na naman...
"May bagong dagdag pala sa team niyo, hanep mga pre!" anas naman ni Garry.
Tumawa ng pagak si Ken. "One of the best kamo? Ah, kaya siguro ipinadala na siya rito kasi naisip siguro ng Boss niyo na loser kayo," tatawa-tawa nitong sabi.
Nagpanting ang tenga ko sa sinabi nito pero nagpigil ako dahil mapapahiya ang Ahensiya kapag nalaman na nakipag-away kami sa kapwa namin agents. Kaya naman nagsasawalang-kibo na lang kami. Though ramdam ko na may namumuong tensyon na sa mga kasama ko.
"Gaano ba siya kagaling para magpa-importante siya ng ganyan na kailangan pa siyang ihatid ni Chief dito? Haha. Sabihin niyo wala talagang mahuhusay sa agency niyo! Pasecret-secret service pa kayo." Tumatawang sabi ni Aries na may halong pang-uuyam.
"Pero ang ganda kaya niya. Ayain ko kaya makipagdate!" Dugtong na singit ni Ram na nakangisi.
Tumawa naman ang mga kasamahan nila na sina Ken, Garry, at Aries samantalang wala namang kibo sina Travis at Xena. Lihim kong naikuyom ang aking kamao!
Mga gag*ng 'to!
"Inpernez! May taste ka pala," pormal na sabat ni Kyle na ikinalingon namin. "Yon nga lang, kahit ikaw na lang ang lalaki sa mundo siguradong hindi ka niya papatusin. Hindi kasi pumapatol 'yon sa nilalang na tinubuan ng balon sa mukha." Kyle gave them an evil smirk.
Napalis ang ngiti sa mga labi ng apat sa sinabing iyon ni Kyle! Napakurap naman ako sa sinabi nito, kita ko namang nagpipigil ng tawa sina Mike. Hindi talaga nito napipigilan ang bunganga! At ang problema, away na 'to!
"Anong sinabi mo!" gigil na asik ni Ram na akmang susugurin na sana ang nakaprenteng upo na si Kyle ngunit maagap naman na napigilan ni Travis.
"Oh, did you like how I described you? Ok, ulitin ko—"
"Enough!" angil naman ni Travis na sinamaan ng tingin ang dalawa.
"Itali niyo kasi 'yang alaga niyo, mahirap na baka makasakmal 'yan, wala pa namang anti-rabies para sa unique species ng isang 'yan," nakakalokong asar pa ni Kyle.
Bwisit talaga ang bunganga ng isa na 'to! Pigil kami sa pagtawa ng makita ang itsura ni Ram na gigil na gigil at parang papatay na ang tinging pinukol nito kay Kyle!
"Tss. Sigurado ba kayong matino pa ang utak ng kasamahan niyong 'yan?" seryosong sabat naman ni Xena na nakacrossed arms. "Kailangan ata ipaconfine niyo na 'yan, mas malala pa 'yan sa rabies."
Napasimangot si Kyle. "You're stupid, aren't you? Idiot, don't contaminate me with your stupidity," baong ganti naman ni Kyle.
Seryoso pa rin ang mukha ni Xena ngunit bahagyang umangat ang isang kilay nito.
"Those are the kind of words you should keep to yourself."
Kunwari ay napaisip si Kyle. "Oh, then let's exchange now."
Tila naumid ang dila ni Xena pero agad ring nahimasmasan. "Thanks, but no thanks. Ayokong mahawaan ng kabobohan mo," prangkang sabi ni Xena sabay talikod.
"Sabihan mo lang ako kung gusto mo! Sharing is caring, you know!" pahabol na sigaw ni Kyle na nakangisi.
Naiiling na lang kami sa palitan ng linyahan ng dalawang ito.
"Sige na. Babalik na kami sa pwesto namin." Pagkaraan ay sabi ni Travis.
Humakbang na nga palayo ang mga ito. Pero nang muling lumingon ang apat na lalaki ay tila may pagbabanta sa mga mata nila! Hmp! Pasalamat sila hindi kami pumapatol sa mga katulad nila, kung hindi lang namin iniisip ang pangalan ng ahensiya.
Ilang sandali pa ay nakita na naming muling lumabas si Chief at si—
------------
ALEXIS ALEJO
Nang matapos akong ipakilala ni C/Supt. Dominggo sa Head ng security ay agad rin naman kaming lumabas kung saan naroon ang siyam. Lihim akong napangiti ng makita ko ang mga gulat nilang reaksyon. Namiss ko rin sila.
"O, kayo na ang bahalang magpakilala sa kanya sa ibang kasamahan niyo tutal ay kilala niyo naman siya," pormal ngunit maawtoridad na wika ni C/Supt. Dominggo.
Tumango naman agad ang siyam na nakangiti. Nang tuluyan na ngang makaalis si Chief ay agad akong niyakap ni Joanna! Malalaki ang ngiti namang iginawad sa akin nina Abet.
"Namiss kitang bruha ka!" masayang bulalas nito sabay layo ng bahagya sa akin.
"Pasensiya na ngayon lang ako nakasunod, marami kasi ang nagyari—"
"Sus! Naiintindihan namin! Sinabi sa amin ni Myka ang nangyayari, at nakakalungkot isiping—" ngunit hindi na nito nagawang ituloy pa ang sasabihin ng may baliw na bigla bigla na lang sumasabat!
"Oy suspicious character, what are you doing here?" walang kabuhay-buhay na sabi ni Kyle na noon ay nakapamulsa ang dalawang kamay sa tagiliran.
Hindi pa rin nagbabago ang isang to! Ako na kaya ang humampas ng paso sa ulo ng baliw na 'to! Ngunit bakit may pakiramdam ako na talagang sinadya nitong ibahin ang usapan? Well, kahit naman ganyan ang nilalang na iyan, may kabutihan din namang tinatago iyan.
"Suspicious character 'yang mukha mo! Mukha ka pang suspicious keysa sa akin! Buhay ka pa rin?!" nakangisi kong asar sa kanya.
Natawa naman sina Joseph.
"Naku, Alex, sinabi mo pa!" si James.
"Alive and kicking. Gusto mo ng sample?" nakakalokong sabi ni Kyle sabay ngisi.
Natawa ako sa sinabi nito. Loko talaga!
"Hoy bangkay—"
"Hoy hippo, bakit ba ang hilig mo sumingit! Para kang tinga."
Pfft! Punyiemas na nilalang talaga 'tong si Kyle! Mukha kasing timang, alam mo 'yong sinabi niya ay joke pero mukha niya seryoso! Baliw lang! Tawanan naman ang iba.
"Haha! Joanna, hindi ka talaga mananalo sa pambabara ni Kyle! Dakilang mambabara 'yan e!" tatawa-tawa namang sabat ni Joseph.
"Shut up!" asik ni Joanna.
"Oy Mike, busalan mo na nga ang bunganga ng alien mong gf." Bored ang mukhang utos nito kay Mike.
"Wag naman!" natatawang tugon ni Mike!
Agad namang umakbay si Mike kay Joanna. Actually, namimilog ang mata kong binalingan ang dalawa dahil sa sinabing iyon ni Kyle!
"Wait! What? Kayo na?!— mmff!" bulalas ko saka tinakpan ni Joanna ang bibig ko.
"Oo sila na. Ginayuma kasi niya si Mike," nakasimangot na sabi ni Kyle.
Tawa ng tawa sina Abet na nakikinig. Nangunot naman ang noo kong sinuri ng tingin si Kyle.
"Eh, bakit kung makasimangot ka riyan akala mo, eh, ikaw ang inagawan!"
"Paano kasi, hindi napunta sa kanya si Mike!" hagikhik naman na singit ni Gavin.
"Alam mo naman ang dalawang 'yan, kulang na lang iharap sa altar!" dugtong pa ni Arnel.
"Kaya no'ng maging sina Mike at Joanna, lagi nang aburido ang mukha ni Kyle. Hindi na kasi siya pinapansin ng Mike niya." Tatawa-tawa namang saad ni James.
"Wait! Paano nangyari?" naguguluhan ko pa ring tanong though masaya ako para kay Joanna.
"Si hippo kasi, nir*pe si Mike— arayy!!" isang malakas na kutos mula kay Mike ang iginawad nito sa nag-hihimutok na si Kyle!
Himala! Ang daldal ata ng isang 'to?
"Gag*! Nir*pe ka r'yan!" angil naman ni Mike sa kanya sabay ipit sa leeg ni Kyle.
"Totoo naman ah! Hindi ba pinilit ka ni hippo— t-teka, aray!" impit na daing ni tanga!
"Bwisit kang bangkay ka! Anong r*pe pinagkakalat mo!" resbak naman ni Joanna!
"Pasensiya ka na Alex, nakadrugs kasi si Kyle nang time na 'yon!" si James.
"Eh, kasi first time niyang matalo sa barahan that time! Kaya ayon!" si Gavin naman na nagpupunas ng luha dahil sa kaligayahan!
"Ang totoo niyan, Alex. Ito kasing si Joanna, hindi sinasadyang nasabi niya kay Mike 'yong feelings niya. Tapos nang mahimasmasan sinapak niya si Mike sa pagkapahiya niya! But Mike hugged her and the rest is history," natatawa namang paliwanag ni Abet.
Natatawang nagpatango-tango ako. Ah, ayon naman pala ang nangyari. So, ibig sabihin may feelings din pala itong si Mike kay Joanna. At least, hindi nabigo ang friend ko.
"Well, I'm happy for you Joanna. At least positive ang response na nakuha mo."
Kita ko ang pamumula ng bruha!
Diyos miyo! Kinikilig ang bruha!
"O, tayo na Alex, ihahatid ka na namin sa magiging quarters mo," mayamaya ay pukaw ni Red.
Oo nga pala, andito pala ang isang 'to! Hindi kasi nagsasalita e.
"Wala kang dalang maleta?" Tanong ni Joanna.
"Kinuha iyon ng maid kanina pagbaba namin ng sasakyan at dadalhin na lang daw sa quarters natin kasi didiretso na kami sa head ng security." Paliwanag ko.
"Ah, ok."
"Siya sige na, Alex. Mabuti pa magpahinga ka muna," sinserong ani ni Abet na nakangiti.
Tumango naman ako. Hindi na ako nagulat ng umakbay sa akin si Joanna at ang laki laki ng ngiti. Pustahan! Hindi ako makakapagpahinga nito!
But I'm glad na nakita ko uli ang mga baliw na ito. It is a new life for me. Even though I'm broken but my life needs to go on. Those memories I have with Terrence will always remain, and I will always cherish them. Iyon ang magpapatatag sa akin. Kasama ang patuloy na pagdarasal na sana... Sana ay makabalik na siya...
"Ahm, Alex."
Muli akong napalingon kina Abet.
"Huh?"
Lumukso ang puso ko ng makita ang mga ngiti nila.
"Welcome back!" nakangiting sabi ni Abet.
Nagpatango-tango naman sina Mike.
"Yeah, masaya kaming makita ka uli. Welcome back!" si James.
"Oo nga. We know you're still in pain. But we are really glad you've decided to come back," sinsero namang ani ni Arnel saka ngumiti.
"Welcome back, Alex!" nakangiting wika naman ni Joseph.
"Glad you're back, Alex!" si Gavin.
Nakaramdam ako ng malamig na kamay na humaplos sa puso ko dahil sa mga ngiting ipinakita nila. Napabaling ako kay Kyle na noon ay nakangiti rin. Kahit hindi ito magsalita, alam kong winiwelcome rin ako ng baliw na ito. Natawa ako sabay hinga ng malalim...
"Yes, I'm finally back."