ALEXIS ALEJO
Kinabukasan...
"Ah, ikaw pala ang bagong salta!" ang bungad ng isang lalaki na malamang ay ang nagngangalang Garry base na rin sa deskripsiyon ni Joanna.
Isa ito sa apat na kaaway na tinutukoy nina Joanna.
Napalingon ako sa nagsalita, maging sina Joanna ay napalingon din. Nag-aayos na kami para sa pag-alis namin patungong palasyo.
Tinignan ko mula ulo hanggang paa ang apat na lalaking nakatayo sa harapan ko na animo ba nanghahamon ng away kung makangisi.
Tsk! Itsura!
"Mas maganda ka pala sa malapitan," kumindat pa nang nakakadiri ang isa. "Ram by the way," pakilala nito sabay lahad ng kamay.
May itsura naman ang nilalang na ito pero wala ito sa kalingkingan ng idiot babe ko! Tatanggapin ko na sana ang kamay nito bilang respeto na rin dahil kasamahan namin sila rito sa trabaho subalit nagsalita ang isa nitong kasamahan.
"Ang sabi ng mga kasama mo, you are one of the best daw," may halong pangmamaliit ang himig ng boses ng isa pang lalaki na si Aries at bahagyang lumapit sa akin saka sinukat nito ako ng tingin. "Talaga, ha? Can you prove it?"
"Hoy, Travis, 'yong mga alaga mo nakawala na naman," malakas na tawag pansin ni Kyle roon sa isang lalaki na palapit sana sa kabilang van ngunit napatigil at napatingin ito sa amin. "Sabi ko naman itali mo ang mga 'to. Kayo rin, baka kapag nagwala rin 'tong alaga naming bagong dating, buto na lang matira sa mga 'to!"
"Pfft!" pigil na pigil sa pagtawa ang walong co-agents ko.
Mga loko-loko!
Sinamaan ko ng tingin si Kyle na binigyan lang ako nakakalokong ngisi! Ano kala niya sa akin aso?! Gusto kong kutusan itong si Kyle, eh!
"Gag*!" gigil namang asik ng isa pa na ang pangalan ay Ken.
"Ang aga-aga nagsisimula na naman kayo!" Sabi ng lalaking nagngangalang Travis nang tuluyan itong makalapit sa amin.
"Eh, itong mga 'to kasi!" Sisi naman ng lalaking naghahamon sa akin.
"Oy, anong kami?" singit ni Joanna na salubong na ang kilay. "Kayo itong lalapit-lapit at biglang nanghahamon!"
"Anong hinahamon? Nakikipagkilala lang kami ng maayos sa bagong salta!" ganti naman nang isa na ang pangalan ay Ram.
"Ano ba yan? Daming made in China!" muling sumabat si Kyle mula sa loob ng sasakyan. "Pustahan, kahit 'yong China ay tatanggi na gawa nila kayo, your fake level is too low to compare to their works!"
Punyemas! Heto na naman ang bunganga ni Kyle!
"Huwag niyo nga binabaligtad ang katotohanan, mga loser! Magsipag-uwian na lang kayo mga bisaya! Wala naman kayung matotolong detu!" nakangising pangmamaliit sa amin ni Aries na nagpuntong bisaya pa, nakakainsulto rin ang tawa ng mga kasamahan nito!
Tila nagpanting naman ang tenga ko sa sinabing iyon ng lalaki. Loser? Hah! Baka sila ang magmukhang loser kapag pinakitaan namin sila sa kahit anong combat! Tsk! Kakarating ko lang ay heto may nagpapainit na agad ng dugo kong gusto nang sumulak sa bumbunan ko!
Upang maibsan ang nagpupuyos na galit ay tumawa na lang ako ng pagak saka tinaasan ang mga ito ng isang kilay!
"Loser?" pasarkastiko kong tanong na ikinalingon ni Aries sa akin na nabigla sa pagsabat ko. "Sa tingin ko hindi niyo pa nakikita kung paano magtrabaho ang mga SS Agents, right? You shouldn't judge us until you fully know about us. Tsk! Anyway, mahirap magpaliwanag sa mga taong makikitid ang utak." Walang kaabog-abog kong sabi na ikinatanga nila, wari nagulat sa pagiging prangka ko. Mabait pa nga ako sa lagay na 'yan.
Tahimik namang nakatitig sa akin si Travis na parang amaze na amaze sa pagiging prangka ko.
Agad naman akong pinuri ng mga baliw kong kasamahan! Akmang papasok at tatalikuran ko na sana sila nang makita ko ang paglabas ni Vice Pres. ng mansyon na agad sinalubong ng ibang personal guards nito.
"Wow, ang sungit mo naman nakikipagkilala lang, eh. And you're rude—" narinig kong ani ni Ram na kunwari nagtatampo ang boses pero agad akong sumabat sa anupamang sasabihin nito.
"I'm not rude. I'm just being honest. It's not my problem if you can't handle the truth. Besides, if you can't accept us being your co-teams, then I don't want to waste my precious time talking with trash like you," muling prangka kong sabi ng walang kakurap-kurap! Away na 'to kung away!
Pagkasabi ko no'n ay pumasok na ako sa loob ng sasakyan, lalong napanganga ang mga 'to! Tameme ang mga gag*!
"Ano?! Tahol palang 'yan! Paano pa pagnagwala 'yan!" nakakalokong sabi ni Kyle na sumilip pa talaga mula sa loob.
Tsk! Bwisit talaga ang bunganga nitong si Kyle! Ginawa pa akong aso!
"Wohoho! That's our Alex!" tuwang-tuwa na bulalas ni Mike ng maisara na ang pinto ng van at nagsimula nang umandar ang nasa unahan.
"Yan tayo, eh! Tibay talaga! Walang kakupas-kupas ang 'The fearless'!" si Joseph!
"But this will be the start of a big war," seryoso namang sabat ni Red na noon ay nakaupo sa harap ng manibela.
"Sus, kahit naman hindi nagsalita si Alex, nasa war pa rin tayo. Mga mayayabang kasi mga bwisit na 'yon!" angal naman ni James.
Ang kwento nina Joanna, hindi raw tanggap ng mga 'yon na kasama nila ang SS team na nanggaling sa probinsiya! Masyado nilang minamaliit ang mga probinsiyano! Hah! Well, tignan na lang natin kung sino ang magmumukhang tanga bandang huli. Kakarating ko lang pinapakulo na agad nila ang dugo ko!
----------------
THIRD PERSON POV
Nang mga sandaling iyon ay kasalukuyan nang nakababa ng ferry boat ang isang binata at dalaga na mula sa Tubigon, Bohol. Pagkatapos ay sumakay ang mga ito ng Taxi upang magpahatid sa kanilang destinasyon. Halos isang oras rin ang kanilang ibabiyahe.
Nangungunot ang noo ng binatang pasahero nang mapansin niyang nakakailang sulyap ang driver sa kanya mula sa rearview mirror.
"May problema ba, manong?" magalang niyang tanong na nakakunot ang noo at nakatingin sa rearview mirror.
Napaiwas naman ng tingin ang may edad na lalaki.
"Kanina pa po kasi kayo tumitingin sa akin." Muling untag ng binata ng hindi sumagot ang matanda. "Manong—"
"Ah, pasensiya ka na iho," naging apologetic naman agad ang tono ng boses nito. "Alam mo kasi, kamukhang-kamukha mo iyong nawawalang anak ni Governor Altamonte." ang sabi nito na pinakatitigang mabuti ang binata...