Chapter 35

2317 Words
ALEXIS ALEJO Gabi na nang makabalik kami sa Residence ni VP kaya muli na namang nagkaharap ang team namin at team ni Travis. Kanina kasi ay hindi naman nag-uusap ang bawat team dahil nasa labas kami at dapat maging alerto. And for sure, may round two ngayong araw, lalo pa't palapit na ang mga ito sa amin! Heto na ang gyera! "Hi." nakangising bati no'ng Ram na nakatingin sa akin. Kasama nito ang tatlong lalaki kanina, naroon din si Travis at isang babae na hindi ko pa nakikilala. Ngunit bakas ang pagiging seryoso sa mukha ng babae na mukhang hindi tumatanggap ng biro. Napaarko pa ang kilay ko nang hagurin ako nang mapanukat na tingin ng babae mula ulo hanggang paa at pabalik. Hah! Ano problema ng babaeng 'to?! "Oy, Abet, pakigapos 'yong alaga natin, kapag nagwala 'yan di na 'yan mapipigilan. Kawawa 'yong mga alaga ni Travis, baka hindi na abutan ng hapunan 'yan!" Hinagkisan ko ng pamatay-look si Kyle! Sabay lapit sa kanya na noon ay prenteng-prenteng nakasandal sa pader habang nakapamulsa. Tinignan ko siya sa mata pero humikab lang ang gag* wari walang pakialaman sa maaari kong gawin sa kanya. "Mukha ba akong aso, Kyle?" nakataas ang kilay ko at pilit na ngumisi. "Huh? When did I said that? You're the one who said that," papilosopong tugon ni Kyle. "Are you?" bigla niyang tanong. Napalis ang ngiti ko sa labi! Nagpigil ng tawa sina Mike! Bwisit talaga ang taong 'to! Parang gusto kong hambalusin ng mesa ang mukha nito. "Bored ka na ba talaga sa buhay mo, Kyle?" may pagtitimpi sa boses ko pero may halong pagbabanta. Muli itong humikab, balewala lang ang narinig niyang pagbabanta sa boses ko. "I'm bored... I'm bored of being bored because being bored is boring," ang walang gana nitong sagot. "Wah—aw! Araayyy!" daing ni Kyle nang pilipitin ko ang isang braso sa kanyang likod pagkatapos ay tinadyakan ang likod ng kanyang tuhod na ikinaluhod niya. I put my right foot on his back. "Pfft! Ayan, si Alex pa hinamon mo!" tatawa-tawang sabi ni Joanna. "Paslangin mo na nga 'yan, Alex!" "Aw!—Aw!— Aray!" daing pa rin nito nang higpitan ko ang pagpilipit sa braso. "Sorry na po— aray koooo!" Ngumisi ako kay Mike. "Mike, 'yong kadena nitong alaga natin. Mahirap na baka makawala! Sayang galing Cebu pa naman din 'to!" Humagalpak ng tawa sina Abet! Ayan, langya kasi tong si Kyle! Kasi naman, ako pa nagawa niyang pagtripan! "Katayin na lang natin 'yan, Lex." natatawang suhestyon naman ni Mike! Pilit na tumingala si Kyle kay Mike. "Alam kong 'di mo magagawa 'yan dahil mamimiss mo ako, wala ng mamimilosopo sa'yo at wala ka na ring babalian ng leeg, wala ng magpapasaya sa 'yo. Baka kapag nawala ako ngumawa ka riyan, kapag nangyari 'yon huwag kang mag-alala, isasama kita." Pfft! Punyemas! Tuksuhan naman sina Abet samantalang napalis naman ang ngiti ni Mike. "Hindi na, oy! Mag-isa ka!" Mabilis na angil ni Mike. "Langya, may namumuong BL pala sa team niyo!" tumatawang sabi ni Aries na may halong panunukso sa boses. Napukaw ang atensyon namin sa nagsalita. Nga pala, may mga ibang taga planeta palang naligaw rito! Ano naman ang pakay ng mga 'to?! "We almost forgot, may mga engkanto palang nakikisawsaw rito!" Pagtataray ni Joanna saka pinagkrus ang mga braso at tinaasan ng kilay ang mga ito. "Ano na naman ang kailangan niyo?" "Travis, kung maaari lang ilayo mo na sa amin ang team mo," pormal na wika naman ni Abet. "Nakakasawa na kasi lagi ang ganito sa tuwing nagsasangga ang mga landas ng team natin." "Nga naman pre, lalo lamang lumalaki ang tensyon dahil sa mga matatalas na bunganga ng mga kasamahan mo," si Joseph. "Isa pa hindi kami narito para makipag-bangayan sa kapwa agents, nandito kami dahil sa trabaho," singit din ni James. Nakita lang namin ang mapang-uyam na tawanan ng apat na lalaki na kateam ni Travis. Sa mga sinabi ng team ko, parang nais ipahiwatig ng mga tawa nila na bahag ang aming mga buntot dahil hindi namin sila pinapatulan. "Kuu! Tigilan niyo na nga 'yan! Kahit anong sabihin niyo sa mga 'yan, hindi makakaintindi 'yan!" iritableng sabi ni Gavin. "Ganoon talaga kapag bulok na ang utak," walang-ganang sabat ni Arnel. I saw Travis step forward. "Ako na ang humihingi ng pasensiya sa nangyari kaninang umaga. At aminado akong sumobra ang team ko sa mga sinabi nila sa inyo and especially sa bagong dating, pasensiya na." I feel sincerity in his voice. It looks like he's different from his other members. Gulat naman ang nakabadha sa mukha ng lima nitong kasama. Pagkaraan ay nagkatinginan ang mga ito na nakakunot ang noo. "Tatanggapin namin ang sorry mo Travis kung aaminin din nila ang pagkakamali nila," kaswal naman na saad ni Abet. "Alam mo naman ang mga nangyaring pangmamaliit nila sa amin at sa aming ahensiya." "Tama si Abet. Saka kahit ikaw pa ang in-charge sa kanila dapat matuto rin silang tumanggap ng pagkakamali dahil hindi magiging maayos ang lahat kung hindi nila iyon tatanggapin," singit naman ni Arnel. Nagpatango-tango naman ang iba kong kasamahan. Well... they have a point though. "Ano ang masasabi mo Travis?" ani ni Mike. "Kung ayaw nilang makipag-ayos sa amin, well, not our problem," kibit balikat pa nito. Nakita ko ang paglingon ni Travis sa mga kasama nito. Natigilan naman ang mga itong nakatingin kay Travis ngunit batid sa mga titig nila ang hindi pagsang-ayon sa mga sinabi ng team ko. "Sige na, humingi na kayo ng tawad sa mga pinagsasabi niyo sa kanila. Besides, it is more convenient to make friends with them keysa naman para kayong aso at pusang nagtatalo everytime you see each other. Go, make peace with them. And be sincere, guys." Mahabang litanya ni Travis sa mga kasamahan. Wait, that include the girl? Ah, siya marahil iyong kaalitan ni Kyle, her name is— ano nga ba 'yun?Ah, Xena is the name! Nagkatinginan muna sa isa't isa ang mga ito. Parang nagpapakiramdaman kung isusuko na ba nila ang puting bandera o itataas ang pulang bndera. Ngunit hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. Ram step forward with a huge smile painted in his face while staring at me. "Kung ganoon, ayos lang sa akin na makipagbati sa kanila since I have my reasons now para makipaglapit sa kanila," he looked me directly in the eyes as he said those words, which made me frown, then he looked at my teammates. "So, kung ano man ang mga pinag-awayan natin before I hope you will forgive us," inilahad nito ang kanang kamay kay Abet. "Can we be friends?" nakangiti nitong sabi. Nababakas ko naman sa tono ng boses nito na sincere ito sa mga sinabi. Pero ang hindi ko lang maintindihan ay ang tila pagpapahangin niya! Putek! Mukhang magiging sakit ko pa ata ito sa ulo?! "Kung bukal naman sa loob mo ang paghingi ng tawad, sino naman ako para hindi iyon tanggapin," mayamaya ay tugon ni Abet sabay abot sa kamay ni Ram. Nagkangitian ang dalawa. "Cool!" anas naman ni Joseph na tinaggap din ang palad ni Ram. "Then let us work as a team from now on!" nakangisi namang ani ni Mike na tinaggap din ang palad ni Ram upang makipagkamay. Nakipagkamay rin sina James, Gavin at Arnel. "How about you guys?" kapagkuwan ay pukaw ni Travis sa apat niya pang kasamahan. Binalingan ni Ram ang iba niyang kasamahan na napakamot na lang ng ulo. "Com'on guys, it is not bad being friends with them, you know. Let's have a ceasefire now." Muling nagkatinginan ang mga ito pagkatapos ay lumapit sa amin. Parang gusto kong matawa sa mga itsura nila, para kasi silang mga batang napagalitan. Nakipagkamay na rin ang mga ito sa team ko. Naagaw ang pansin ko ng makita ang pakikipagkamay sana ni Xena kay Kyle na noon ay hinagod ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Parang gusto kong sapakin itong si Kyle sa ginawa niya! Ano na naman ang problema ng baliw na 'to? "I'm really against a ceasefire especially with this witch here, but we SS Agents must uphold our honor regardless— aray!" binatukan ito ni Mike, hinagkisan ko naman si Kyle ng matalim na tingin. Napanguso naman agad itong nag-iwas ng tingin sa akin. "Nakikipagbati na nga—" si Mike "That's why I never argue with Idiots," ang seryoso namang banat ni Xena na pareho naming ikinalingon dito. Nakacrossed arms na ito saka pairap na tinalikuran kami. Napanganga ako sa sinabi niya! Pfft! Kaya naman pala hindi ito kasundo ni Kyle! "Same to you!" pahabol na sigaw ni Kyle ng lumayo na sa grupo si Xena. Marahas akong napabuntong-hininga. 'Yong totoo! Sinaniban ba ng kung anong espirito itong si Kyle at nagkaganito na? Aba matindi! Hindi ko lang siya nakita ng tatlong linggo naging super hyper na! "Ngayong ok na ang mga team natin, can we also become friends?" Halos mapaigtad pa ako sa gulat ng may biglang nagsalita sa tabi ko. Napatingin ako kay Ram na ang tamis-tamis ng ngiti! Nagpapacute ba ito?! Nakita ko ang paglalahad niya ng kamay... Ilang sandali ko iyong tinitigan, kapagkuwan ay akmang tatanggapin ko na sana iyon ng may ibang kamay ang umagaw niyon! "Yeah, sige na— tinatanggap na namin kayo," naging pormal ang itsura ni Kyle. "But piece of advice, DON'T touch Alex," seryoso nitong sabi na ipinagdiinan pa ang salitang 'Don't'. Napamaang naman ako sa sinabi ni Kyle. Maging sina Joanna ay ganoon din, nagtaka ang mga ito sa ginawa ni Kyle. Nangunot naman ang noo ni Ram. Naguguluhan naman ang mga reaksyon nina Travis. "Why's that?" takang tanong ni Ram. "There's only one person who can touch her, and my approval goes only to that person," may kung ano sa himig ng boses ni Kyle. Agad ko namang nakuha ang ibig nitong sabihin na nagpabalik ng alaala ng nakaraan. Parang may malamig na kamay ang humaplos sa puso ko ng maalala ko si Terrence. Nagtanguan naman sina Mike at ang iba ng marealize rin ang sinabi ni Kyle. "Pero kung gusto mo o magpipilit ka talagang ligawan ang amazonang 'to, ito lang masasabi ko, maghanda ka na ng sangkaterbang reserbang dugo dahil paniguradong anemia ang abot—ugh!" Napaubo si Kyle ng hampasin ni Mike ang likuran niya. Sabay pilipit ng kanyang leeg! "Gag* ka talaga, eh 'no! Ok na sana 'yong nauna mong linya, eh, humirit ka pa talagang baliw ka!" gigil na sabi ni Mike. "Amp!— t-teka m-masakit!" muling daing ni Kyle! "Kasi naman, Kyle, pigil pigilan mo rin kasi 'yang matabil mong bunganga!" singit naman ni Arnel. "Sus! 'Yan pa? Si dakilang mambabara 'yan plus pilosopotasyo equals baliw ang kinalabasan!" si Gavin na tumatawa pa. "Haha! Ano pa bang inaasahan niyo sa leader ng mga baliw?" si James. Nagtawanan naman ang iba. Naiiling namang tumatawa si Red. "Totoo naman! Saka kay Terrence lang ang boto ko!" sabat pa ni Kyle ng makahulagpos siya mula sa pagkakaipit sa kanya ni Mike. Napatampal na lang ako ng aking noo, pagkaraan ay naramdaman kong inakbayan ako ni Joanna. "Haha! Paano ba 'yan, Alex. Bantay-sarado ka pala kay Kyle hanggang hindi pa siya nakakabalik!" Makahulugang ngiti naman ang iginawad ni Joanna. "Terrence? Sino siya?" naguguluhan man ngunit tila may hinuna na si Ram sa sinabi ni Joanna. "Ang boyfriend ni Alex," diretsahan namang sagot ni Joanna. Sa sinabi nito parang nanikip na naman ang dibdib ko at tila tinusok iyon ng libo-libong karayom. Bigla ko tuloy siyang namiss... "Oh, you already have a boyfriend?" tila biglang nalungkot naman ang boses at ngiti ni Ram. "Oo." Maagap na tugon ni Kyle na inilagay pa ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa. "Even though he's missing in action, walang wala ka sa kalingkingan niya. Mayaman na, gwapo pa. At saka at least siya, mahal ako." Wha— Halos masamid kami ni Joanna sa sarili naming laway sa sinabi iyon ni Kyle. "Pfft! Haha!" muling humagalpak ng tawa sina Mike! Punyemas! Anong sinasabi— ah marahil ay no'ng binigyan siya ni Terrence ng chippy! "Hindi ka rin ambisyoso 'no?" biro ni Joanna! "Feeling mo mahal ka ni Terrence? Wow ha! Kelan pa naging bakla 'yon?" "Porke ba mahal na kailangan bakla agad?" kunot-noong ani ni Kyle saka pumalatak. "Porke ba crush, love na agad? Porke ba tinitigan lang, pinagnanasaan na? Tsk! Romance affects your brain like being high in psychoactive drugs. It also makes one act stupid! Pareho kayo ni Mike! Magsama na nga— ahk! Arraayy!" "Nakakapikon na talaga ang kapilosopohan mong bwisit ka!" gigil na reklamo ni Mike nang muli nitong ipitin ang leeg ni Kyle at kinukutusan ito! Tuksuhan naman ang ibang kasama ko. "Ibang klase 'tong mga 'to! Napakahyper!" puna naman ni Ken na natatawa na lang dahil sa kaguluhan ng mga kasama ko. "Well, isn't it nice na makilala sila?" narinig ko pang sabi ni Travis na natatawa ring nakatingin kina Kyle at Mike. Napailing na lang ako, hay, everytime na magkakasama kaming lahat, daig pa namin ang nag-aaway sa kanto sa sobrang kaingayan! Pero lihim akong napangiti dahil hindi ko inakala na magiging ganoon din pala ang impact ni Terrence sa mga kasama ko lalo na kay Kyle na akala mo walang pake sa mundo. But I was amazed that he even saw such details— katulad na lang noong nagsuot ako ng gown sa victory party ni Gov. Altamonte. Tanging siya lang ang nakapansin ng pagkailang ko ng sandaling iyon. Well, atleast nalaman kong marunong din siyang mag-obserba sa mga taong nakapaligid sa kanya... At mas lalong nakakatuwang isipin na pinahahalagahan niya ang relasyon namin ni Terrence... Hah! Ibang klase talaga ang mga kaibigan ko. Terrence... Kung naririto ka lang at naririnig sila, siguradong matutuwa ka rin. Malalaman mong pinapahalagahan ka rin ng mga kaibigan ko. Kaya naman, bumalik ka na agad! Ang lihim kong dasal sa aking sarili. Lingid sa aking kaalaman na nakatitig pala sa akin si Ram...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD