Chapter 36

2968 Words
ALEXIS ALEJO Kinabukasan... Nang araw na iyon ay nasa residence lang kaming lahat ni Vice Pres. Hindi ito umalis ng mansyon. Nang umaga ring iyon ay isang itim na sasakyan ang pumasok sa gate ng residence ni Vice-Pres. Ilang sandali pa ay lumabas mula sa loob ng front seat at pasenger's seat ang isang matangkad na lalaki at isang babae. They're both wearing black suit with shades. Buksan ng lalaki ang pangalawang pinto at lumabas roon ang isang may-edad na lalaki, marahil ay nasa early 60's na ito. Kung susuriing mabuti ang matanda mukhang bigtime nga ito. Mula sa suot na damit hanggang sa mga alahas na nakasukbit sa leeg at pulsuhan nito. Idagdag pa ang tila mamahalin nitong baston na may animo diyamante sa dulo ng hawakan niyon. Nakita naming sinalubong ito ng assistant ni Vice-Pres. pagkaraan ay pumasok na ang mga ito kasunod ang dalawa. Pero bago tuluyang pumasok ay napasulyap pa sa gawi namin ang babaeng kasama ng matanda. "Ngayon ko lang nakita ang matandang 'yan. Kilala niyo ba siya?" tanong ni Gavin kay Travis na nilingon pa ito. Napahimas si Travis sa kanyang baba at nag-iisip kapagkuwan ay ipinilig nito ang ulo. "Hmm... Hindi ko sila kilala. Marahil ay kaibigan ni Vice Pres." "Mukhang mayaman din, eh, kita mo naman dalawa ang bodyguard," puna naman ni Mike. "Bodyguard ba 'yon? Parang mga hitman sa ayos! Nakashades pa!" singit naman ni Aries. Napangiwi na lang ako sa sinabi nito. Ang sama talaga ng ugali nito! Lakas makaduda! Anong problema sa mga ayos nila? Sapakin ko na tong bwisit na 'to! Kairita! "Anyway, it's none of our business," seryosong sabi ni Travis saka tumalikod na ito. Nagpapalatak naman si Mike. "Kunsabagay! Tara na nga sa basement! Baka nagsisimula na sila roon." Speaking of basement. Ahem! Nagtungo kaming apat sa gilid ng malaking bahay ni Vice-Pres. pagkatapos ay bumaba kami sa isang hagdan patungong basement. "Yaahh!" Pagkabukas na pagkabukas namin sa pinto na nasa dulo ng hagdan ay agad naming narinig ang malakas na sigaw na iyon kasabay ng malakas na paglagabog! "Ugh! Sh*t!" piksi ni Ram na nakahilata sa lapag matapos siyang ibalibag ni Red. "Nadislocate ata ang spinal cord ko!" Pfft! Binalibag lang ni Red eh! "Winner by knockout, Red!" ang malakas na announce ni Joseph! Nagtawanan naman ang mga naroon na sina Joanna, James, Arnel at Abet. Nagpapalatak naman ang team ni Ram sa pagkatalo kay Red. May ilan d ing bahagi ng ibang team na tuwang-tuwa sa napanood na close-combat practice ng team namin. Actually, limang magkakaibang team kami. Ang team namin at ang team ni Travis ang main priority ay ang safety ni Vice Pres. especially kapag nasa labas ito. Ang tatlong team naman ay for counterattack. Kapag nasa residence kaming lahat ay nagkakaroon kami ng rotation para sa pagbabantay at pagroronda. At ngayong free time namin, eto ang pinagkakaabalahan ng dalawang team. Buti na lang ay malaya kaming gamitin ang basement as our practice area. Before, magkahiwalay na nagpapractice ang dalawang team dahil sa alitan nila and since magkasundo na ang lahat. Eto ang kinalabasan! Sangkatutak na ingay at kulitan! "Next Kyle versus Xena!" malakas na tawag ni Arnel sa dalawa. Kalmado namang gumitna si Xena na nakasuot ng black jeans at plain black tshirt. Napakunot naman ang noo ko ng wala pang Kyle ang lumapit at nagtungo sa gitna. "Nasaan na naman nagsuot ang kumag na iyon?!" asik ni Mike na hinagilap ng tingin si Kyle sa loob ng basement. "Hinahanap niyo ba ang isang kasama niyo?" tanong ni Carlos na mula sa kabilang team. "Ayon, oh." sabay nguso nito. Napadako ang tingin naming lahat sa kabilang corner ng basement na may mga ilang nagkalat na mga kahon at plywood. At doon nakita namin ang nakaupo sa sahig na si Kyle na tumutulo pa ang laway at naghihilik! Sheta! Late na nga gumising tapos nagbaon pa rin ng antok ang baliw na 'to rito?! Mabilis na nakalapit si Mike sa walang kamalay-malay na si Kyle! Hanggang sa— "Waahh!!" gulat na napasigaw si kyle matapos magising at kaladkarin ni Mike sa kwelyo! "Oy, Kyle, oras na ng pinakahihintay naming laban kaya huwag kang magtulog-tulogan d'yan at baka ingudngod kita!" gigil na angil ni Mike habang patungo sila sa gitna habang si Kyle nagpakaladkad na lang din at muling ipinikit ang mga mata. Matapos bitawan ni Mike si Kyle, agad niyang tinanguan si Arnel saka lumayo. "Kyle ng SS Team versus Xena ng SSPD Team! Let the practice match begin!" malakas na sigaw ni Arnel sabay kampay ng kamay sa hangin bilang hudyat ng pagsisimula ng laban! At si Kyle? Ayon inaantok na tatayo na sana si tanga ng isang malakas na tadyak sa sikmura ang natikman nito mula kay Xena na seryoso ang mukha! Napangiti ako. Mukhang may ibabatbat naman yata ang team na ito. "Uh-huff!" napaubo ng hangin si Kyle pero hindi pa roon natatapos ang pag-atake ni Xena. Tatayo sana muli si Kyle ng bigyan ito ni Xena ng round side kick! Tinamaan si Kyle sa mukha na ikinaupo muli nito, muli pa iyong sinundan ng isa pang sipa na ikinahiga na ni Kyle. Pero hindi siya tinantanan ni Xena dahil ilang ulit siya nitong pinagsisipa! Hiyawan naman ang mga naroon. Nagsimulang magbilang si Arnel at kapag umabot ng sampu na hindi pa nakakabangon si Kyle, si Xena ang panalo! Tahimik naman ang team namin pero bakas sa mga mukha namin ang pagiging kampante. "Bugbog-sarado na si Kyle, ni hindi man lang nakalaban kay—" "Tsk!" palatak ko na ikinatahimik ni Aries saka napatingin sa akin ngunit hindi ako nag-abalang lingunin. "Sabi ko naman hindi ba, huwag niyo minamaliit ang kakayahan naming mga SS Agents especially that one," ang tukoy ko kay Kyle. Naumid bigla ang dila ni Aries ng muli niyang lingunin si Kyle na ngayon ay nagawa nang mahawakan ang paa ni Xena na pilit nitong binabawi. "Yon! Magsisimula na ang tunay na laban! Heto na ang super saiyan!" excited namang sabi ni Mike na tutok na tutok sa dalawang naglalaban. "Hoy, nakaka-labing-anim ka nang sipa, ha." naging seryoso ang boses ni Kyle. Napangisi ako. Bugbugin niyo na ang lasing huwag lang ang bagong gising na baliw dahil panigurado sasabog ang mundo ng makakalaban nito. Binitawan ni Kyle ang paa ni Xena na agad namang napaatras, bumangon naman agad si Kyle sa bilang na siyam kaya tumigil si Arnel sa pagbibilang. Blangko ang mukha ni Kyle na tumingin kay Xena na noon ay biglang naging alerto. Marahil ay naramdaman nito ang kakaibang presensiya ni Kyle. "When Kyle becomes serious in a practice match or real battle—" I paused and crossed my arms. Napalingon sa akin sina Aries at Travis, nakangisi akong nilingon sila. "—No one wins." Napamaang ang dalawa na bahagya pang nakauwang ang mga labi. I silently enjoyed their reaction. "Oy, meron namang nananalo 'no. Kabilang ka na at si Abet. Huwag mo naman masyadong pinupuri ang taong 'yan!" nakangiwi namang sabat ni Joanna sabay irap sa akin. "Yon nga lang, kailangan pa itrigger ang killer instinct ng isang 'yan," singit naman ni Abet. Muli kong binalingan si Kyle. "Despite his innocent-looking baby face, he has a beastly side hidden beneath... But since Kyle has the unique capability to control himself, it is very rare to see this side of him. Kaya siguro nabaliw ang taong 'to kakapigil sa dark side niya!" saad ko. Natawa nalang sila Joanna. Samantalang tila naumid naman ang mga dila ng kabilang team. "Do you think you can beat me with those skills?" narinig namin na naging matalas ang tono ng boses ni Kyle. "Why are people so stupid?" dagdag pa nito na hinagod ng tingin si Xena. "You don't even have 1% chance to beat me." Xena narrowed her sharp eye to Kyle as if she were ready to attack soon! "Hindi ka rin mayabang huh." palatak ni Xena kapagkuwan ay itinali nito ang buhok ng papusod. "But it is very tiring to be nice to a stupid human being." Natawa ako. I find her cute though despite of her serious demeanor! But she must be careful, kapag nagseryoso na si Kyle sa laban he doesn't care if his opponent is a girl. Kung ako nga nahirapan noong magpractice match kaming dalawa with that state. Ilang sandali pa ay mabilis na sumugod si Xena kay Kyle, sunod-sunod na atake mula sa dalaga ang pinakawalan nito samantalang si Kyle ay tila balewala lamang na iniilagan ito. Isang malakas na suntok mula sa kanan ang pinakawalan ni Xena subalit mabilis na nakailag si Kyle at sinangga ang kamao niya gamit ang kanang kamay pagkatapos ay hinawakan niya ang braso ni Xena. "99.9% you'll be down in my next two attack," seryosong sabi ni Kyle sabay igkas ng kaliwang kamao nito patungo sa tagiliran ni Xena na ikinanlaki ng mata ng dalaga sabay na napaubo ito. Binitawan ni Kyle ang wrist ni Xena ng mapayuko ang dalaga dahil sa tama nito. Narinig ko naman ang paghigit ng hininga ni Aries at pagpiksi ni Travis. Hindi nila inaasahan iyon sa loob lamang ng ilang segundo. Napangisi ako. In close or long-range combat, hindi kami nag-aaksaya ng oras. Kapag may pagkakataon ay umaatake kami. *THUG!* Isa pang malakas na atake ang pinakawalan ni Kyle gamit ang kanyang kamao na tumama sa sikmura ni Xena na lalong ikinaubo ng babae at napaatras ito. Pumalatak si Kyle sabay talikod. Tapos na ba agad? Tsk! Akala ko pa naman ay tatagal si Xena sa kabila ng kalkulasyon ni Kyle. Si Kyle na— Pero nagulat ako kahit ang team ko ng akala namin ay babagsak na si Xena ngunit mabilis nitong ibinalanse ang paa kahit nakitaan namin ang pangangatog ng tuhod nito marahil sa atakeng iyon ni Kyle na dalawang beses na tumama sa mid-section ng katawan nito. "I-is that all—all you've got?" ang seryosong sabi ni Xena na kinakapos pa ng hininga. Pumalatak ito. Gulat namang napatingin si Kyle pero pagkaraan ay siningkitan ng tingin si Xena. Hah! So mukhang may ibubuga rin naman pala ang team ni Travis. Pero naaawa ako sa kanya— "A-ang akala ko ba— ay 99.9% babagsak ako sa ikalawang— a-atake mo?" naging malalim ang paghinga ni Xena wari ba ay kinokontrol nito ang paghinga. Pilit itong tumayo ng diretso. "H-huwag kang masyadong tiwala sa s-sarili mo dahil baka kainin mo ang mga sinabi mo— tulad ngayon—" nagawa pa nitong mamilosopo. "Pfft! Hanep sa fighting spirit ng isang 'yan ha!" natatawang pahayag naman ni Gavin sa nakitang determinasyon sa mga mata ni Xena. "Lol! Huwag niyo rin kaming mamaliitin!" anas naman ni Ken! "Bakit, may sinabi ba kami? Kayo lang naman itong mahilig mangmaliit." nakangiwing reklamo ni Joanna sabay irap kay Ken! "Tsk! Tsk! Is she that stubborn?" tanong ni Abet . "Ah, yeah. Si Xena ang tipong hindi nagpapatalo," ang sagot naman ni Travis. Napailing ako. "Maybe she can still fight—" ang sabat ko na ikinalingon ni Travis. "Pero kung hindi niyo ititigil ang match na ito, I don't think makakatayo pa ang isang 'yan." "Hah! Yabang, hindi mananalo si—" si Aries. "Oy, kung hindi niyo pipigilan ang dalawang 'yan, baka sa halip na practice match maging death match 'to," biglang sabat ni Mike na nilingon kami. Pero mukha ngang wala rin itong balak na awatin ang namumuong tensyon sa dalawa! Seryoso pa rin ang ekspresyon ni Xena sa kabila ng tinamo. Kakaiba ang tensyon na namumuo ngayon sa pagitan nila ni Kyle. Kahit pa kaya nitong tapatan si Kyle ngayon, pero sa sitwasyon ng babae, hinding-hindi ito mananalo. "Then I'll finish you off." seryosong sabi ni Kyle na may kalakip na pagbabanta sa tinig. Bago pa man makahakbang sina Joseph at James para pakalmahin si Kyle, mabilis na nakakilos si Kyle leaving them wide-eye as the idiot came towards Xena and attacking using his left fist, which would probably hit Xena in her jaw! Pero bago pa iyong maglanding sa panga ni Xena mabilis na nakabend ito ng tuhod sabay igkas rin ng kamao ngunit agad rin namang nasangga ng braso ni Kyle ang suntok na tatama sana sa kanyang sikmura. Palitan lamang sila ng suntok ngunit walang tumatama either naiilagan o nasasangga nilang pareho. Hanggang isang scissor kick ang pinakawalan ni Kyle na tumama kay Xena na sinundan pa ng side kick na dalawang beses nito inulit. Sa pagkakataong iyon ay napasandal na si Xena sa pader at napaubo na ng dugo na ikinataranta naman ng bawat team. Muli pa sanang susugod si Kyle ng pumigil na sina Abet at pumagitna naman sina Travis. "Tama na Kyle!" si Abet. "Hey-hey! Enough already guys!" malakas na bulalas ni Travis na nag-aalalang napasulyap kay Xena. "Uy Xena, ano ok ka pa ba?" nag-aalalang tanong naman ni Ken at inalalayan ang dalaga. "Practice match lang ito ano ba kayo!" asik naman ni Ram ng makita ang sinapit ng kateam. Pero nakita namin ang pagpupumiglas ni Kyle mula sa pagkakahawak ni Abet at Gavin. "Hey! Easy Kyle! Easy!" taranta naman si Joseph sa nakitang reaksyon ni Kyle! Hindi na ako nagtaka dahil ganito talaga ang nangyayari everytime na nagigising ang beast side ng baliw na ito! Pagkaharap mo siya sa laban ay napakaseryoso pero oras na hindi ito nasatisfy sa laban, nagwawala ito. Its either siya ang matalo o siya ang manalo. Hanggang hindi sumusuko ang kalaban at sa tingin niya ay kaya pang lumaban, ipagpapatuloy pa rin niya ang laban. Not to the point na napapatay niya, in that terms, maliwanag naman ang pag-iisip niya. "Hoy, pigilan niyo na 'yan!" tila nahintakutan naman si Garry sa nakitang pagwawala ni Kyle. "Oo nga! Baka mareport pa kayo niyan!" concern na ani naman ng isa membro ng ibang team. Hah! Sino makakaimagine na may ganyang side si Kyle? Ang akala mo innocent-look baby face ay kaya rin palang maging mabangis! Parang nagsusuper saiyan 4! Napapailing na lang ako saka sinulyapan si Xena na parang hihimatayin na. You should know your enemy first, sa isip ko. "Ano ba! Bitaw!" mabangis na hiyaw ni Kyle sa mga nakahawak sa kanya. "Tss! Mike patahimikin mo na nga ang baliw na 'yan!" iritang utos ni Joanna sa kasintahan! Tinanguan naman namin si Mike. Dalawang paraan lang para mapakalma si Kyle, una ay patulugin ito using brute force! (ah, eh, ayaw niya kasi makinig e) Pangalawa, bigyan mo ng malalamon niya for sure tatahimik yan! "Argh!" Narinig namin ang mahinang pagdaing ni Xena habang hawak hawak ang tagiliran na nabugbog ni Kyle! Sh*t! Baka nabugbog masyado ang laman-loob nito! Punyemas! Naserious injury pa nga ata! "Xena!" halos sabay na bulalas ng kateam nito na agad itong dinaluhan. Nakita ko ang pagngiwi ni Xena sa tuwing hahakbang ito. Nalintikan na! "Tsk. I told you but you're stupid." ani ng walang-ganang boses. Nagulat kami sa nagsalita, paglingon namin ay si Kyle na tila ba bumalik na sa dating katinuan! "Bitawan niyo na ako, inaantok pa ako, istorbo kayo sa cute na natutulog," dugtong pa ni Kyle na ang sinabihan ay sina Abet. Napanganga naman sina Abet na binitawan si Kyle. Pagkatapos ay parang walang nangyari na tumalikod ito, ngunit huminto ito sa paghakbang saka bahagya kaming nilingon. "Ang OA niyo, wala namang serious damage sa ginawa ko," sabi pa ni tanga sabay hikab. "Kapag namatay 'yan, hindi bale ipapalibing ko," pagkasabi noon ay tuluyan na nga itong lumabas ng basement. Naiwan kaming lahat na tulala at nawalan ng kibo. Ilang sandali rin bago kami nahimasmasang lahat! Walanghiya! Nagkatinginan kaming lahat. At halos iisa lamang ang mga nasa isip naming siyam. Baliw talaga! Pagkatapos ay inakay na nila Travis si Xena sa quarters nila. "Wow! Hindi ko akalain na ganoon kabagsik si Kyle! Kinabahan talaga ako! Ny*ta!" ani ng isa mula sa ibang team. "Oo nga! Kahit ako nga natakot, akala ko talaga magkakaroon na ng lamay dito!" natatawa namang sabi no'ng isa. Bulungan naman ng iba pa. "Oy, huwag niyo sabihin na ganoon din kayo?" tanong naman ng isa pa sa amin. Napangiwi si Joanna sabay tikwas ng kilay! "Hoy hindi 'no! Iba kasi ang planetang pinagmulan no'n kaya huwag na kayong magtaka." "Pfft! May split personality kamo!" gatong naman ni Mike. Napailing na lang kami nina Abet. Talaga 'tong magjowang 'to! Sarap pag-umpugin! Split personality!? Nang mapagdesisyunan na naming lumabas ng basement at magtungo sa harapan ng bahay sakto namang kakalabas lang din nang bisita ni Vice Pres.! Napatingin ako sa matandang lalaki. Sino kaya ito? Jeez! Naipilig ko na lang ang ulo ko sa iniisip ko. Ganoon na alng ang pagtaas ng kilay ko ng lumingon ang matanda sa direksyon naming lahat. "Sa atin ata nakatingin 'yong matanda." ani ni Gavin. Bumaling din sa direksyon namin ang dalawang bodyguard nito. Kapagkuwan ay napansin kong ngumiti ang matanda. "Huh? Bakit nakangiti 'yon?" si James naman ang nagsalita na may pagtataka sa boses. Subalit hindi ko maunawaan kung bakit parang may kakaiba sa ngiti ng matanda. Hindi iyon ngiti bilang pagbati o anupaman. I just— sense something odd! Pagkaraan ay lumulan na ang mga ito sa kanilang sasakyan. "Sus! Malay niyo naman ngumiti lang, kayo talaga napapraning na," natatawang sabi ni Joseph na sinundan ng tingin ang papalabas na sasakyan. "Nakita niyo ba ang ngiti niya? Parang may kung ano," ang sabat naman ni Red. Tumatawa namang inakbayan ito ni Gavin. "Minsan ka na nga lang magsalita, Red ganyan pa sinasabi mo." Natahimik naman si Red at nagkibit balikat. "Napansin ko rin 'yon! Tsk! Tsk! Buti pa si Red alerto!" kunwari ay inis kong sabi. Nagkatinginan naman ang mga ito na parang nag-isip. Napatingin naman ako kay Red at Abet na noon ay nagpalitan ng makahuluhang tinginan. Sa tingin ko ay napansin din iyon ni Abet. Hmm... Bigla tuloy akong nacurious sa taong iyon. Sino kaya ito? Ano ang relasyon nito kay Vice-Pres.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD