Chapter 37

1693 Words
ALEXIS ALEJO Nang gabing iyon ay nasa quarters ang team ko at ang team naman ni Travis ang nagroronda ngayon. Lumabas ako ng quarters upang magpahangin. Despite everything that happened, hindi pa rin mawaglit sa isipan ko si Terrence. Alam kong dapat ay hinahanap ko ito ngayon subalit mas pinili ko ang maaasign dito. The reason why I choose this case was because the person behind the assassination is the same person who's behind Ninong Hans case. Kapag nalaman namin kung sino ang mga taong iyon o organisasyon, mabibigyan ko rin ng hustisya si papa... Napaupo ako sa may bench na nasa gilid ng hardin. Naramdaman ko ang pagbigat ng dibdib ko at ang pangingilid ng mga luha ko subalit agad ko rin iyon pinigilang umagos! I really missed my dad and him... Kung sana lang ay narito siya sa tabi ko, sana kahit papaano ay maibsan ang sakit sa puso ko... Napabuga ako ng malalim na buntong-hininga kapagkuwan... "Wow, ang lalim no'n ah?" a voice with an intrigued tone asked. Paglingon ko ay lihim akong napangiwi ng mapagsino iyon, si Ram lang pala. Mula noong maging maayos ang mga team namin, siya naman itong nagpapalipad hangin! Ang tigas din ng bumbunan ng bwisit na 'to! Nakakastress! "Ah, ikaw lang pala," ang sabi ko sa disappointed na boses. Tumawa ito ng pagak pagkatapos ay tumabi sa akin sa pag-upo. Argh! Ayoko talagang kausap mag-isa ang bwisit na ito! "Kung maka-lang ka ah." Sabi nito sabay sandal ng kanyang likuran sa sandalan ng bench ngunit nakatitig pa rin sa akin. "Anong ginagawa mo dito mag-isa?" Tumingin ako sa malayo. Nakakawalang-gana kasi tignan ang nilalang na ito! "Eh, ikaw ano ang ginagawa mo rito? Are you following me?" I asked in a cold tone. Tumawa lang ito. "Hindi ah, nagkataon lang na dito ang punta ko at nakita nga kita. It's destiny!" Bakas sa boses nito ang panunukso. I frowned and rolled my eyes. Punyemas! These are the conversations I'm avoiding when I'm with this annoying guy! "Tsk! Hoy Ram—" but he immediately cut me off! "You know what? Ever since you came here, this boring job has become exciting and fun. Everytime I see you..." Ibinaling nito ang katawan paharap sa akin na ikinailang ko pero hinagkisan ko lang ito ng malamig na tingin. "I felt contented. Para bang makita ka lang ay ok na ang araw ko, na para bang ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. And I know what is the meaning of this feeling," tahasan nitong sabi. Napaubo ako sa mga sinabi nito! Jeez! Ayaw niya talaga ako tantanan sa pagpapalipad hangin niya! "Grabe naman makareact. Alam ko-alam ko! May boyfriend ka na—" ang natatawang sabi nito na nakataas pa ng dalawang kamay. "—But Alex, you are far from each other. Do you really think a long-distance relationship would work? " Tila may umahong inis sa dibdib ko sa sinabi ni Ram. May nais itong tumbukin, eh! At may hinuna na ako kung ano iyon! "Wala iyon sa layo o anupaman. Distance does not ruin people's relationships. Sometimes it makes feelings grow stronger." ang kaswal kong wika. Natawa ito. "Oh really? The thing about long-distance relationships is that there is no assurance that the other person will miss you or forget you. And almost all long-distance—" Ako na mismo ang nagpatigil sa pagsasalita nito nang agad akong sumingit. "Almost all, sabi mo nga. Sa almost all na iyon ay may maliit na porsyentong hindi nabibilang at kasama kami sa maliit na porsyentong iyon. Isa pa hindi ganoon kababaw ang relasyon naming dalawa para lamang maghiwalay sa isang mababaw na dahilan." pasarkastiko kong sabi na ikina-amuse nito. "Ah, pero kahit hindi ganoon kababaw ang relasyon niyo, you still can't be sure about each other's actions—" "Malaki ang tiwala namin sa isa't isa," prangka kong sabi na may halong pagkairita na sa boses ko. Hindi ko na kasi nagugustuhan ang pinapatunguhan ng mga sinasabi nito. "Cheating is a choice, but trust is not. It is built with many good and bad things that happened to both, yet you are still holding on to each other. At alam mo kung ano ang ibig sabihin no'n? Kahit gaano kalayo ang dalawang taong nagmamahalan as long as the trust is unshakable, as long as the love is strong— They will always want each other. They will always find their way to each other," seryoso kong pahayag. Napatitig naman si Ram sa akin na hindi malaman kung ano ang isasagot! Subalit wala akong nakitang pagsisisi sa mukha nito sa mga sinabi, at mukhang hindi rin siya kumbinsido sa mga isinagot ko. Kapagkuwan ay nakita ko ang pagbuka ng bibig nito na tila may sasabihin nang isang mukha ang sumingit sa pagitan namin. "Hoy-hoy. Anong kababalaghan 'to?" Tanong ng inaantok na boses ni Kyle. Napamura tuloy ako ng di oras sa pagsulpot ni Kyle mula sa likuran na muntikan ko nang ikatalon sa sobrang pagkagulat! Paksh*t! Aatakehin ako sa bwisit na 'to! Kulang na lang ay lumabas ang puso ko sa gulat! Kainis! Tumingin sa akin si Kyle na namimilog ang mata. "Alex, sabing masama magmura. Tang**a bad nga 'yon!" Gigil akong napakagat ng labi para pigilan ang sarili kong makutusan si Kyle! Lintik talaga! Lakas makasita pero siya rin pala! Mamamatay ako ng maaga sa baliw na 'to! Binalingan nito si Ram. "Didn't I tell you na may boyfriend na siyang tao? Why are you bothering her? Do you want me to put a placard above Alex head saying she's not available? Ay, baka hindi ka marunong magbasa o kaya naman ay masyado atang mabilis pagkakasabi ko na hindi na naintindihan ng mabagal mong utak. I-slow-mo ko para maintindihan mo?" ang nang-aasar na sabi ni Kyle ngunit poker face. Napangiwi si Ram saka pinaalis ang mukha ni Kyle na nakaharang sa pagitan namin. "Iwan mo nga kami! Hindi ka naman kasama sa usapan naming dalawa." Angil ni Ram. Pero nagmatigas si Kyle. "Kung may sasabihin ka kay Alex, dumaan ka muna sa akin. Tapos ako na bahala kung sasabihin ko o hindi. Pero asahan mo nang hindi iyon makakarating sa kanya. 'Di kasi kayang iproseso ng utak ko ang sasabihin mo," barado na naman si Ram na natulala, ako naman ang binalingan ni Kyle. "If Terrence finds out about this, lagot ka," he gave me a bored look, then he stands straight as he put his two hands in his pockets, natawa naman ako ng pagak. "I'm sleepy." Pero nagulat ako ng bigla akong hawakan ni Kyle sa wrist at hinila patayo, napamaang naman si Ram. "Tara na, let's sleep together." "What?!" gulat kong bulalas na namimilog pa ang mga mata! "In our own quarters. Tsk! Assuming ka rin, Alex. Hindi kita type," walang gana niyang sabi sabay sinimangutan ako saka ako hinila. "Saka tigilan mo ang makipag-usap sa pangit na 'yan, baka maging pangit ka rin, ikaw rin, matuturn-off sa 'yo ang bff Terrence ko." Naiwang nakatanga si Ram na nakasunod lang ng tingin sa amin. Puniemas! Ako pa naging assuming? Ngali-ngali kong sabunutan ang sarili kong buhok sa sobrang inis! But—I was thankful though, kung hindi siya dumating baka sumabog na ako sa sobrang inis kanina! Hah! Ang kapal ng mukha ni Ram para magsalita ng ganoon! Palibhasa wala siyang alam! Bwisit! KINABUKASAN...Pasado alas-dos ng hapon... Napaunat ako ng aking likod matapos kong tumayo mula sa ilang oras na pag-upo! Syet! Ang boring naman ng ginagawa namin! Ang sakit na ng pwetan ko kakaupo! Kasama ko rito sa labas ng office ni Vice-Pres ang team. Nasa labas naman ng pasilyong ito sina Abet at team ni Travis. Napangiwi ako ng mahuli kong naglalampungan ang dalawa! Sina Mike at Joanna. "Tsk! Utang na loob! Oras ng trabaho naglalandian kayong dalawa!" sita ko sa kanila ngunit mahina ang boses na inirapan lang ako ni Joanna saka muling nagpatuloy sa paglalampungan ang dalawa. Magkagayunpaman, masaya ako para sa kaibigan ko, sana lang magtagal sila ni Mike! Bigla akong napaigtad ng may marinig ako na humilik! Nang lingunin ko ay nakita ko si Kyle na nakaupong natutulog na lungayngay ang ulo at tumutulo ang laway! "Ano ba naman ang taong ito! Ang gwapo pero walang kapoise poise sa pagtulog!" napapailing kong sambit. "Pfft!" Napalingon ako sa nagpigil ng tawa. Si Red iyon na nakaupo sa upuan sa katapat na dingding. Naiiling itong nakatakip ang bibig. Natatawang napailing din ako. Nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko sa loob ng aking suit ay dinukot ko iyon upang kunin. Nakaramdam ako ng kaba ng mabasa ang pangalan ni Gov. Altamonte sa phone screen ko! Napatakbo ako sa may kanto ng pasilyong iyon upang sagutin ang phone. Taka naman ang bumadha sa pagmumukha ng tatlo! "Hello po Gov.?" [Ah, hello, iha.] "M-may balita na po ba tungkol kay Terrence?" natataranta kong tanong, kumakabog din ng husto ang puso ko. [Sa katunayan kaya ako tumawag sa 'yo iha ay para sabihing narito ako ngayon sa Manila at... kasama ko si Terrence.] Nanlaki ang mata ko saka nanghihinang napasandal sa dingding. Parang gusto kong maiyak sa tuwa dahil sa magandang balita! Kumakabog ng husto ang puso ko sa sobrang kaba na may halong kasiyahan. "T-talaga po?!" [Oo iha.] "N-nasaan po k-kayo ngayon?" [Nasa bahay na kami. I'll text you the address later.] "Sige po! Pupunta ako, magpapaalam lang po ako—" [Ah, maaari bang umalis ka sa trabaho kahit hindi pa oras ng free time mo?] "Naku, sa trabaho po namin wala kaming free time. Nagkakaraoon lang kami ng kaunting oras kapag nasa residence na si Vice Pres. Kaya baka mamaya pa po akong hapon o gabi makapunta," ang tugon ko, though I'm very dissappointed kasi hindi ko agad makikita si Terrence kahit pa sobrang excited na akong makita ang idiot babe ko! "S-si Terrence po... K-kumusta naman po siya?" Napansin ko ang sandaling pananahimik ni Gov. Hindi ko maiwasang makaramdam ng takot na baka may injury ito o may— Ugh! Napaparanoid na ata ako pagdating kay Terrence! "M-may problema po—" [No. Walang problema—] Muli itong natahimik. [—actually Alex, Terrence is—]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD