AGENT JOANNA
Nang marinig ko na si Goernor ang kausap ni Alex at naging masaya ang aura ng kaibigan ko. Naisip ko na marahil isang magandang balita ang hatid ni Gov! Sana naman nang kahit papaano ay maibsan ang sakit na nararamdaman ng kaibigan ko.
"Mukhang nakita na ni Gov. si Terrence, ang laki ng ngiti ni Alex, eh," untag ni Mike na malaki rin ang ngiti nang lingunin ko.
"Iyon din nasaisip ko!" maikli kong tugon.
"Sana naman para maging masaya na ang kaibigan natin."
Nakagat ko ang pang-ilalim kong labi saka huminga ng malalim.
"Tama ka. Kahit pa nagpapanggap si Alex na ok siya still hindi iyon maitatago ng mga mata niya. She's smiling even though she's suffering. It is hard to keep and swallow your own pain to pretend you're totally ok."
"And I admire her for being a strong person sa kabila ng mga nangyari sa kanya this past few weeks. Hindi ganoon kadaling tanggapin ang pagkawala ni Terrence at ang pagkamatay ng kanyang papa," malalim itong bumuntong-hininga. "Napakaraming nangyari dahil lamang sa bwisit na kasong ito!"
"Tss. As if naman may kinalaman ang aksidente ni Terrence sa kasong 'to!" yamot kong sabi kay Mike!
Oo nga pala at ilan sa kaso ngayon sa ahensiya ay may kinalaman dito sa misyon namin. Mabibigyan lamang ng hustisya ang pagkamatay ng ama ni Alex sa oras na mahuli ang pasimuno ng gulong ito. Ang katanungan sa likod ng pagkamatay ng lalaking assassin at ang misteryong bumabalot sa nawawalang babaeng assassin.
"Joanna."
"Bakit?"
Tanong ko sabay lingon muli kay Mike noon ay bakas sa mukha ang pagtataka na nakatingin kay Alex kaya muli akong napabaling sa kaibigan ko. Nangunot din ang noo ko ng makita ko ang reaksyon ng mukha ni Alex.
"Parang biglang naging seryoso ang pag-uusap nila ni Gov." Ani ni Mike na may pag-aalala sa tono ng boses.
Pero ang mas lalong ikinapagtaka ko ay ang nawalang kasiyahan sa mukha ni Alex na napalitan ng pagkalito at para bang binagsakan ito ng langit! Ano kayang nangyari?!
Ilang sandali pa ay tapos na makipag-usap si Alex sa phone pero para itong lutang na nakatingin lang sa phone niya. Napagdesisyunan kong lapitan siya.
"Alex? Anong nangyari?"
Pero mas nagulat ako ng makita ang pangingilid ng mga luha niya!
-----------
ALEXIS ALEJO
Napalingon ako kay Joanna at tinangkang pigilan ang mga luha kong pumatak. Napatingala ako sa kisame.
"Alex?" untag niya sa pananahimik ko.
I swallowed painfully, and then I took a deep breath to steady my nerves, but I think it didn't help because I got a bomb dropped on me today!
"Al—"
Napalingon ako kay Joanna. "H-he's alive— Tere-Terence is alive..." hindi ko napigilan ang pagpiyok ng boses ko and yet I manage a half smile.
"Talaga?" namimilog ang mata ni Joanna.
Natawa ako ng pagak at muling napatingala sa kisame para pigilan muli ang luha ko na ikinakunot ng noo niya.
"Anong problema? Bakit ganyan ang mukha mo? Hindi ba dapat masaya ka dahil buhay si Terrence?" Joanna's expression is full of confusion. Bahagya siyang tumawa. "Huwag mong sabihing nagka-amnesia siya? Hah! Anong klaseng kwento 'yan! Teleserye?"
Napapikit ako ng mariin sabay hinga ng malalim at nilingon si Joanna na nakatitig sa akin. Ilang sandali ring kaming nagtitigan bago tuluyang napalis ang ngiti sa labi niya. I think nakuha na niya ang sagot ko...
"M-may amnesia si Terrence?" gulantang niyang anas.
"Ano ang gagawin ko?" tila nanghihina kong tanong.
Hindi naman lumapit sa amin sina Mike at Red though mukhang interesado ang una sa pinag-uusapan namin ng jowa niya!
"Tss! Ano ka ba! Amnesia lang 'yon! Pasasaan ba't maaalala ka rin niya! Alam mo naman kung gaano ka niya kamahal! Kahit magka-amnesia 'yon, kilala ka naman ng puso niya!" paniniyak niya. "Hay naku! Ayos lang iyon, as long as hindi siya magkakaroon ng bagong lovelife!"
Napakagat-labi ako at depressed na tingin ang pinukol ko kay Joanna na muli niyang ikinatahimik!
"Don't tell me—" she was hesitant to continue.
Sa pagkakataong iyon ay hindi ko na napigilan pa ang mapaiyak sa sobrang panibughong nararamdaman ko! Niyakap ako ni Joanna at tinapik sa likod. Napalapit naman si Mike ng makita akong umiiyak.
"Anong problema? Bakit ka umiiyak, Alex?" nag-aalalang tanong ni Mike. "Joanna, ano na naman ang ginawa mo?" sita niya sa kasintahan.
"Sira! Wala akong ginawa! Si Terrence ang sisihin mo!" bulyaw namang tugon ni Joanna na sinamaan ng tingin si Mike.
"Huh?" lito itong nagpapalit-palit ng tingin sa amin.
"Doon ka na nga sa pwesto mo! Hambalusin kita riyan, eh!" Asik ni Joanna na tinataboy ang kasintahan habang nakasubsob naman ako sa balikat niya at umiiyak!
Ang malamang may amnesia si Terrence ay masakit na para sa akin ngunit ang mas malamang may bago itong kasintahan ay parang dumudurog sa naghihintay kong puso! Pakiramdam ko I was stabbed in the back by him. Parang tinotorture ang pakiramdam ko!
I just had my heart broken! Isipin ko lang na may mahal na itong iba ay suicide para sa puso ko! It hurt like hell!
*FLASHBACK*
[Alam kong masakit para sa iyo na malaman ito, iha pero hindi ko naman ito maaaring ilihim sa 'yo dahil alam kong naghihintay ka. And I want you to understand the situation. Dahil sa amnesia ni Terrence at marahil ay sa utang na loob kaya naging kasintahan niya si Hanna.]
Nawalan ako ng kibo. Hindi sa wala akong masabi kundi kasalukuyan pa ring pinoproseso ng utak ko ang lahat ng sinabi ni Gov tungkol sa amnesia ni Terrence at sa bago nitong kasintahan na si Hanna.
[That is why I want you to know this before you come here. At least hindi magiging shock sa 'yo ang makikita at malalaman mo. Nagbabakasakali rin ako na magbalik ang alaala niya kapag nakita ka dahil naging malaki ang kontribusyon mo sa buhay ni Terrence. Nakita ko ang pagbabago ni Terrence at kung gaano ka niya kamahal, kaya bakasakaling bumalik ang dating alaala niya kapag nakita ka. Tulungan mo siya, iha.]
Nawalan ako ng kibo— mas sabihin nating napatanga ako sa mga sinabi ni Gov? How would I react to that?! Malaman ko man o hindi, the fact na may ibang babae si Terrence ay parang pumapatay sa puso ko! Pero ang mga huling sinabi ni Gov. ay bahagyang nagpagaan ng kalooban ko. Dahil maging siya ay naniniwalang matutulungan ko si Terrence subalit ako ay hindi alam kung paano gagawin iyon? How could I face him— them na hindi ako masasaktan?! Kahit pa sabihing I was trained to control my emotions!
[At kaya rin kita gustong makita ng personal iha ay may nais sana akong ihingi ng pabor sa iyo.]
Nangunot bigla ang noo ko sa kabila ng sakit na nararamdaman ko. "P-pabor po?"
[Oo, iha. Ngunit personal ko na lamang iyon sasabihin sa 'yo. Aasahan kita mamaya, iha bago ako tumulak bukas pabalik ng Cebu.]
*END OF FLASHBACK*
Wala ng urungan ito. Ngunit ano ba ang gagawin ko oras na makaharap ko si Terrence?! Paano ako magiging masaya sa kabila ng mga nalaman ko?!
Aahh! Punyemas! You are an idiot, Terrence Altamonte!
NANG sumapit na ang hapon at nakabalik na kami sa residence, agad kaming nagpaalam ni Joanna sa head ng security na may appointment kami kay Gov. Nagpipilit pa ngang sumama sina Kyle at Mike subalit nagmatigas kami na hindi sila isama. Gusto ko munang makita si Terrence at pag-aralan ang sitwasyon. Kung ano ang ikabubuti ng mga susunod kong desisyon na gagawin. Dahil sa totoo lang, ayokong ipagparaya si Terrence. Yes, may amnesia nga siya but it doesn't mean na malilimutan din ng puso niya ang pagmamahal niya sa akin. I just need to help him regain his memories.
Ilang sandali pa ay narating na namin ang residence ni Governor dito sa Manila na nasa isang subdivision.
"Are you sure about this?" concern ang tono ng boses ni Joanna.
Bahagya akong tumango.
"Yes. I... want to see him even if it would hurt me to death dahil sa maaari kong makita."
Marahas na nagpakawala ng buntong-hininga si Joanna na naiiling na nakatingin sa akin. As if naman I have a choice para iwasan ang sitwasyon na ito. Kahit pa masaktan ako, ang makita siya na maayos ay papawi na sa ilang linggong pananabik na makita siya!
Pipindutin na sana ni Joanna ang door bell nang pigilan ko siya.
"O, nagbago na agad ang isip mo?" kunot-noong tanong niya.
Umiling ako. "Hindi 'no! Sandali lang, nagpapakalma pa ako ng puso! Baka atakehin ako sa loob sa sobrang sakit!"
Kahit kinakaban at nasasaktan ay nagawa ko pang magbiro sa kanya! Napasimangot ito na may binubulong bulong pa.
"Anong sabi mo?"
"Wala!" pagkasabi no'n ay mabilis niyang pinindot ang doorbell na ikinanlaki ng mata ko sa pagkabigla!
Pinandilatan ko ng mata si Joanna na tinaasan lang ako ng kilay.
"Ang bagal mo kasi magdesisyon, nangangawit na ang paa ko!" reklamo naman niya!
Pumalatak na lang ako. Ilang segundo lang ay nagbukas ang gate. Lumabas mula roon ang nakaunipormeng gwardiya.
"Ano iyon?" kaswal na tanong nito.
"Ahm, nandiyan ba si Gov. Altamonte? Inaasahan niya kasi kami ngayon. Ako si Joanna at siya si Alex. We're from SSA." Si Joanna naman ang mabilis na tumugon.
"Ah, oo. Sige pasok na kayo. Nasa loob si Gov." Nakangiti nitong sabi.
Tumalima naman agad kami ni Joanna, hinintay muna namin si Kuya guard na ilock ang gate.
"Sumunod kayo sa akin," kapagkuwan ay sabi ni kuya guard at nagpaunang lumakad patungo sa malaking bahay ng mga Altamonte!
Pinaghintay lamang kami ni Kuya nang marating namin ang front door. Matapos naming marinig si kuya guard na may kausap sa loob ay agad kami nitong tinawag at pinapasok. Napahinga ako ng malalim na ikinalingon ni Joanna.
"Prepare your heart to be torn into pieces, my dear friend," depressed niyang sabi na sinamaan ko ng tingin!
Kaasar! Imbes na aluin ako nang-aasar pa!
"Di ka nakakatulong, Joanna! Buti pa yata kung si Red nalang ang isinama ko rito. Atleast 'yon tahimik." Mahinang angil ko sa kanya na ipinagkibit balikat lamang niya.
"Alex, Joanna!"
Napalingon kaming sabay sa nagsalita.
"Magandang gabi ho, Gov." halos sabay rin naming bati kay Gov. na nakangiti sa amin.
"O, halina kayo, tamang-tama nagluto ng marami ang asawa ko. Tara naroon silang lahat sa pool area," ang sabi nito na nakatitig sa amin. Pagkatapos ay nagpatiunang naglakad.
Agad naming napansin ang tila makahulugang titig na iyon ni Gov. kaya pareho pa kaming nagkatinginan ni Joanna. Para bang may gustong sabihin si Gov. sa amin. Pero ang isiping makikita ko na si Terrence ay isang pananabik na may halong pangangamba na baka...
Lihim kong ipinilig ang ulo ko! Nyemas ka naman Alexis! Ano ba ang pinag-iisip mo sa mga sandaling ito?! Think positive! Ano ngayon kung hindi ka agad maalala ni Terrence?! Ano end of the world na agad? Hanggang hindi bumabalik ang alaala niya, don't lose hope! Huwag mo isipin na mas pipiliin niya ang new girl nito! Saka try mo rin suntukin ang taong iyon kapag may time bakasakaling mahimasmasan at mawalan ng amnesia!
Napukaw ako mula sa pag-iisip ng maramdaman ko ang pagsiko sa akin ni Joanna. Nilingon ko siya pero agad na may nginuso ito!
Paglingon ko...
After four weeks...
Our eyes finally met again! I feel my heart starting to race and I feel like it is going to burst because of the happiness and excitement that flooding inside! Ang feeling na gusto kong tumakbo patungo sa mga bisig niya at yakapin siya ng sobrang higpit at iparamdam sa kanya kung gaano ko siya sobrang namiss!
Nakita ko ang pagkagulat na bumadha sa gwapong mukha ni Terrence.
Naaalala na ba niya agad ako?!
Naramdaman ko ang pangingilid ng mga luha ko! Damn you, Terrence Altamonte! Bakit lagi mo na lang akong pinapag-aalala! Hahakbang na sana ako para malapitan siya nang isang babae ang kumapit sa braso ni Terrence na ikinatulos ko sa aking kinatatayuan! Pakiramdam ko nawasak bigla ang puso ko!
That girl!...