Chapter 39

1023 Words
THIRD PERSON POV "Hays, hindi ko akalaing sa ganito magkikita ang dalawa," naiiling na sabi ni Joseph. Nasa quarters nila ang Team ng SSA. Bago umalis kanina sina Joanna at Alex, sinabi ng mga ito ang tungkol kay Terrence. Hindi sila makapaniwala noong una na nagkaroon ito ng amnesia subalit wala naman silang magagawa kung totoo nga iyon. "Hinintay pa siya ni Alex tapos ganito rin pala ang gagawin niya," sabat naman ni James na nakasimangot na nag-aayos ng mga damit na nilabhan nito. Mas lalong ikinagulat nila ang nalamang may bagong kasintahan si Terrence. Because never in their entire SSA days na inisip nilang magkakaroon ng ibang nobya si Terrence dahil alam naman nilang deads na deads ang isang 'yon kay Alex! And they won't believe na mahal niya ang bagong babae. "Ano 'yon, kay bilis namang lumipad ng love-love niya para kay Alex! Aba!" Angal naman ni Mike. Pumalatak naman si Arnel. "Ano ba kayo, may amnesia nga diba. Saka baka nga naman dahil sa utang na loob niya roon sa babae kaya naging girlfriend niya 'yon." "Kahit na pre, may amnesia siya diba so dapat mas priority niya ang maibalik ang alaala niya at hindi bumalik ditong may syota na!" gigil namang sabi ni Gavin na nagpupunas ng kanyang baril. "Hoy, Gavin, kung makapanggigil ka jan parang ikaw ang pinagtaksilan!" natatawang biro naman ni Joseph. "Gagi, pinifeel ko lang pakiramdam ni Alex!" nakasimangot na sagot ni Gavin. "Kaw 'tong gagi, ni sa kalingkingan 'di mo mararamdaman ang nararamdaman ngayon ni Alex! Walang sinuman sa atin ang may alam sa sakit na nararamdaman niya especially ngayon na makikita niya si Terrence at ang new girl na iyon," si Mike. "Tsk! Tsk! Sabi na nga ba. Walang nagtatagal sa isang long-distance relationship," ani ng isang boses na biglang sumabat. Sabay sabay silang napalingon lahat! Si Ram iyon na nakacrossed-arms na nakatayo sa may pintuan ng quarters nila. "Hoy, Ram, ba't ba ang hilig mong sumabat," palatak naman ni Joseph. "Wala rito ang teammates mo!" "Di ko naman kasi sinasadyang marinig kayo, lalakas kasi ng boses niyo abot hanggang kabilang kanto. And since it's about Alex—" "Shoo! Wala kaming buto dito, shoo!" si Kyle iyon na animo isang aso ang tinataboy! Natawa tuloy ang team SS. Sinamaan nang tingin ni Ram si Kyle na noon ay bumangon mula sa pagkakahiga. "Panira ka eh, 'no. 'Di ako nandito para mang-away, nandito ako para magbigay ng ad—" "We don't need advice, especially if it comes from you. Eight brains are better than no brain," walang ekspresyong putol ni Kyle sa sasabihin ni Ram na lalong nagsalubong ang kilay. Humagalpak naman ng tawa sina Gavin. "Langya ka talaga Kyle!" natatawamg bulalas ni Mike. "You—" si Ram. "Shoo! Shoo!" muling taboy rito ni Kyle na nag-hand sign pa para palabasin si Ram. "Oi, Ram, bumalik ka na kasi sa quarters niyo. Wala kang mapapala rito kundi ang pambabara sa'yo ni Kyle. Hindi ka titigilan ng baliw na 'to lalo pa at nasa mood ito," si Gavin sabay akbay kay Kyle. Napamura namang tumalikod si Ram na salubong ang kilay sa bwisit. "At kayo, magsitulog na kayo. Daig niyo pa mga babae magchismisan!" Silang pito naman ngayon ang hinarap ni Kyle matapos mawala sa paningin nito si Ram. Sabay muling humiga at nagtalukbong ng kumot. SAMANTALA... "O may bisita pala ang dad niyo," ang sabi ni Mrs. Altamonte na kakagaling lang sa kusina na may bitbit na mangkok nang makita nito ang dalawang kasama ng asawa. Nang lingunin ni Terrence ang tinutukoy na bisita ay ganoon na lang ang pagkagulat sa mukha ng binata. Wari ba hindi inaasahan ang makikitang bisita. Napukaw lang ang binata ng may kumapit sa kanyang braso. Nang lingunin niya ito ay ang seryosong ekspresyon ang kanyang nabungaran mula sa bagong katipan. "She's Alex, right? The one in the photo with you." Ang seryosong tanong nito. "Hmm." Ang tila wala namang interes na sagot ng binata. ----------------- ALEXIS ALEJO "Oops— akward," tila may halong pang-aasar na mahinang sabi ni Joanna habang palapit kami sa kinaroroonan ng mga ito! "Gusto mo pulutin ko?" Napasulyap ako sa aking kaibigan. "Huh? Ang alin?" "Pulutin ko ang wasak mong puso," banat pa nito. Napakagat-labi ako upang supilin ang mga salitang nais kumawala sa aking labi. Ang daldal talaga ng babaeng 'to! Bumanat pa ng ganoon! Kaasar! Inignora ko na lamang si joanna though I know she did that on purpose, still matindi ang pa rin ang t***k ng puso ko ng sandaling iyon sapagkat hindi naman maitatanggi ng puso ko kung gaano ito nasasabik na makita si Terrencce! Kahit pa tila walang emosyong mababakas sa mga mata niya kahit nakita na niya ako... He doesn't remember me? May tila bumaon na kung ano sa puso ko dahil sa mga mata ni Terrence na tila ba walang kislap ng interes. At sa kabila niyon ay para rin akong pinapatay sa tuwing mapapasulyap ako sa mukha ng babae na seryoso ang mukhang nakatitig sa akin. Not a curious-look but—sabihin na rin nating may ipinaparating ang kakaibang titig niyang iyon?! Baka naman iniisip niyang aagawin ko si Terrence sa kanya! Saka kung makakapit siya sa braso nito! Tsk! Siya na itong third-wheel, siya pa may ganang mainis sa akin? Aba! Punyemas ka Terrence! Kung ipagpapalit mo rin naman din ako, ay sana pumili-pili ka ng babaeng kakainsecuran ko at hndi iyong maingungudngod ko ang pagmumukha dahil sa inis ko sa pagkainsecure sa akin! Tsk! Kala mo eh asawa na kung makakapit kay Terrence at hindi ipapaagaw. Hah! Iba rin kasi makatitig! Kala mo may lilipad na invicible knife galing sa mga mata nito. Natigilan ako nang mas malapitan kong nakita ang mukha ng babae... Feels like I saw her before... Pero hindi ako sure kung saan ko nakita ang babae. Or maybe may kahawig lamang siya sa mga kakilala ko. Wait, bakit ba masyado kong iniintriga ang sarili ko tungkol sa babae? You are just jealous and hurt... Agaw naman ng isang parte ng utak ko. Lingid sa kaalaman ko... ay may isang pares ng mata ang nakabantay sa magiging reaksyon ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD