Chapter 40

1882 Words
THIRD PERSON POV "Ah, she's Agent Alexis and her friend Agent Joanna," bungad na pakilala ni Governor Altamonte sa mga bagong dating nang makalapit sila sa buong mag-anak. "S-si..." bahagya pang natulala si Mrs. Altamonte na napalis ang ngiting napatitig kay Alex. "Kumusta po kayo, Ma'am. Ako po pala—" "REALLY?!!" Halos sabay na tili ng dalawang kapatid ni Terrence na namimilog pa ang mga mata at napalapit sa dalawang bagong dating lalo na kay Alex. Amuse na amuse ang mga itong hinagod ng tingin ang babaeng agent na ikinatulos ni Alex sa kinatatayuan sa pagkagulat sa dalawa. "You mean Agent Alexis ng Secret Service?!" naamazed namang bulalas ng dalaga na si Rhianne. "The astiging bodyguard ni kuya na kumarate sa kanya?!" ang mas mukhang matanda sa dalawa na si Althea naman ang sumabat na halos ang laki-laki ng ngiti. Natawa naman kapagkuwan si Governor Altamonte sa nakitang reaksyon ng mga anak. Samantalang si Alex ay hindi malaman kung ano ang sasabihin sa dalawa dahil sa pagkaexcited ng mga 'to! "And saviour nina dad at kuya?! Wahh! You're more beautiful in person po!" ang hindi pa ring kumakalmang si Rhianne! "Wah! I'm really happy to see you in person, ate! Gusto ko talagang makilala ka after kuya Terrence told us about you!" si Althea na nagingislap pa ang mata! "Yeah-yeah! Meee tooo! I want to know kung bakit nainlove sayo si kuya! Kung ano ang ginawa mo para mapababa siya sa throne niyang made of ICE! Alam mo ba kung gaano kadeads na dead sa 'yo si Kuya? Aha! He told us that! Kaya nga sobrang saya namin dahil nameet ka namin ni ate Thea! Kasi alam namin kung gaano kasaya si Kuya na ikaw ang girlfriend—" bumungisngis si Rhianne pero pagkaraan ay biglang natigilan at napalingon sa kapatid na si Terrence kapagkuwan ay sa katabi nitong babae. "Oh, I forgot... Well, I just got carried away!" sabay takbo sa likod ng mommy nila. Kahit si Althea ay nawalan din ng kibo! Muling napatingin sa gawi ni Terrence si Alex na bahagya namang ngumiti nang pilit amg huli pero sa likod ng ngiting iyon ay nasasaktan ito. Hindi lamang maipakita ng dalaga ang nararamdamang sakit ng mga sandaling iyon... Narinig nila ang pagtikhim ni Gov. na pumagitna na. Tila may pag-aalala naman sa mukha ni Mrs. Altamonte sapagkat sa tingin nito ay hindi pa ito dapat ang oras na magkita sina Terrence at Alex. Not this time and not this kind of situation. Kaya naman ay hinagkisan ng ginang ang asawa ng makahulugang tingin. "I know you've been suprised sa pagpunta nina Alex dito," panimula ni Gov. "But I think Alex deserves to know about Terrence. At bago pa man sila pumunta rito, I've already informed them about the situation." --------------------------- ALEXIS ALEJO "So, Alex, Joanna, I want you to meet my wife, Lorence," pakilala ni Gov. sa asawa nito. Lumapit naman ang ginang na kahit nakangiti ay mababakas pa rin ang pag-aalala sa mukha nito. Baka iniisip nito ang nararamdaman ko o ng mararamdaman ng babae. Or both? Naramdaman kong kinuha nito ang isang kamay ko. "Kumusta ka, iha. Marami na akong naririnig na kwento tungkol sa iyo," sabi ng ginang sa malumanay na boses. "Ngunit alam ko ang nararamdaman mo ngayon at ako na ang humihingi ng paumanhin sa sitwasyon," naging maagap ito sa paghina ng boses. Nagulat man, pinilit ko namang ngumiti at ipinatong ko ang isang kamay ko sa kamay nitong nakahawak sa akin saka bahagyang umiling. "Hindi niyo po kailangang humingi ng paumanhin. Naiintindihan ko naman po ang sitwasyon ni Terrence at ang magiging sitwasyon naming dalawa. Ang mahalaga po sa akin ngayon ay ang makita siya na maayos at buhay. Iyon lang sapat na para makahinga ako ng maluwag," ang ganti ko namang tugon ngunit bukal sa loob kong sabi kahit pa may bahagi ng pagkatao ko ang sobrang nasasaktan! Pinakatitigan ako ni Mrs. Altamonte ng ilang segundo pagkaraan ay ngumiti. "Salamat iha," kapagkuwan ay si Joanna naman ang binati ng ginang. "Sila naman ang dalawang prinsesa namin. Sina Althea at Rhianne," pakilala rin ni Gov. sa dalawang dalaga na nagtitili kanina nang makita ako! Hindi ko alam kung ano ang mga ikinwento ni Terrence sa kanila pero isa lang ang masisiguro ko, may dagdag sa kwento niya! Si Terrence pa! "Sorry pala kanina ate, sobrang naexcite lang talaga kami ni Rhianne ng makita ka namin!" tila naging aware naman si Althea sa kanyang sasabihin. "Ok lang 'yon. Nice to meet you," ang sabi kong nakangiti. "Sus! Kala ko nga may artista eh, si Alex lang pala," ang natatawang biro ni Joanna na ikinahagikhik ng dalawang dalaga. "And Terrence, siya si Alex. Naikwento ko na sa 'yo ang tungkol sa kanya, and it is better for both of you and Hanna to know her, as she also played a big part in your past. Even though hindi na magiging katulad ng dati ang relasyon niyong dalawa and Alex is already aware of it, still huwag mo sana ireject ang tulong na maibibigay niya," ang narinig naming sabi ni Gov. kay Terrence kaya kaming lahat ay napatingin sa dalawa. Lihim akong lumunok ng laway dahil pakiramdam ko may bumabara sa aking lalamunan that preventing me from speaking and breathing normally! Pilit akong ngumiti at itinago ang tunay kong emosyon. "I'm glad to see you alive and fine, Terrence," ang sabi ko. Pero bakit pakiramdam ko 'yong aura na nakapaligid sa amin ni Terrence ay masyadong tensyonado! Punyemas! Bakit ba ako nandito?! Para kaming nasa gitna ng stage at pinapanood nila! Then I saw him smiled at me, and my heart skipped a beat! Pakiramdam ko siya pa rin ang dating Terrence na walang amnesia. Ang aking si Terrence Altamonte. Pucha! Puso ko huminahon ka! "Ahm, thank you," tila may pag-aalinlangang sabi ni Terrence. "And I'm sorry." Lihim kong kinagat ang pang-ibabang labi ko saka muling ngumiti. "It's ok. Naiintindihan ko. As long as you're happy, I'm fine with it," pagsisinungaling ko! Tsk! Alangan namang sabihin kong hindi ako ok sa harap nila?! Pero nagulat ako ng ilahad ni Terrence ang kamay niya. "Thank you," nakangiti niyang sabi. Napatitig ako sa palad niya. So, this is the end... Wala man lang ba siyang naramdaman ng makita niya ako? Nakalimutan na rin ba ako ng puso niya o napalitan na ba talaga ako ng tuluyan sa puso niya? Pilit ang ngiting tinanggap ko ang palad niya... Nang mga sandaling iyon pakiramdam ko nawala na ng tuluyan ang puso ko. To think na rito magtatapos ang lahat sa aming dalawa?! Parang gusto kong tumakbo at magtago at iiyak lahat ng sakit na nararamdaman ko ng mga oras na iyon! Ngunit pilit kong pinatatag ang sarili ko... I can't let them see me like that. "By the way," pagkaraan ay sabi ni Terrence sabay bawi sa palad niya na ikinadismaya ko! Lintik! Kelan pa ako naging obsessed sa lalaking 'to? Nakakaasar! "Siya nga pala si Hanna," ang pakilala ni Terrence sa babaeng kahawak kamay nito! Argh! Parang nangangati ang palad ko, ah! Parang binglang gusto ko manapak ng lalaking pangalan ay Terrence Altamonte! Naku! Pasalamat ka talaga may amnesia ka dahil kung hindi! Nginitian ko lang ang babaeng pangalan ay Hanna na gumanti rin naman ng ngiti. Pero parang ang suplada pa rin ng dating! O feeling ko lang dahil nabubwisit ako?! Narinig naming tumikhim si Gov. "O, shall we eat first?" "Ah, oo nga. Let's go. Alex, Joanna, dito na kayo kumain," maagap na aya naman ni Mrs. Altamonte na hindi pa rin nawawala ang tensyonadong aura. Nagkatinginan naman kami ni Joanna. Can you think of an alibi? Bilis!, ang nais iparating ng titig ko sa kanya. Napakurap si Joanna pagkatapos ay binalingan muli ang mag-anak. "Ah, naku, hindi na po. Kailangan din po kasi naming bumalik agad sa trabaho. Sandaling oras lamang po kasi ang hiningi namin," pagdadahilan ni Joanna na ikinahinga ko naman ng maluwang. Dahil kanina ko pa gustong lisanin ang lugar na ito. "What? Ang bilis naman, wait ibig sabihin may kaso kayong hinahawakan dito kaya kayo narito sa Manila?" dissappointed naman ang mukhang sabi ni Rhianne. Para bang gusto pa nito kaming makausap at makasama ng matagal. "Yup," si Joanna naman ang maagap na sumagot. "We are the private bodyguards of the Vice Pres. kaya hindi kami maaaring mawala ng matagal." "Wow. Isn't that amazing, ate Thea?" namimilog na naman ang mata ni Rhianne na ikinatawa namin. "Kaya nga, eh." sang-ayon din ni Althea. "But since dito lang kayo sa Manila nagtatrabaho, bisitahin niyo kami minsan dito ate at magkwentuhan tayo." Napilitan kaming tumango ni Joanna. "Sige." sabay naming tugon. "Kung ganoon ay mag-iingat na lamang kayo sa pagbiyahe, ha," sabi naman ni Mrs. Altamonte. "Opo, salamat po, Mrs. Altamonte." Tugon ko. "Anyway, sige na, mauna na kayong kumain. May pag-uusapan pa kaming tatlo nila Alex kaya ko rin sila pinapunta rito," sabat ni Gov. Nagtaka naman ako nang mapansin ang tila pagtatakang bumalong sa mukha ni Terrence sa sinabi ng ama niya. Baka naman iniisip ng lalaking ito na papakiusapan ako ni Gov na agawin siya sa bagong babae niya! Tsk! As if! Hindi ako iniri ng mama ko para mang-agaw ng hindi na akin! Naipilig ko ang ulo ko. Ano ba naman ang pinag-iisip ko? Nababaliw na rin ba ako?! Sabi na nga ba, isang pagkakamali ang makasama ko ang mga baliw kong teammate lalo na si Kyle! "Ah, ganoon ba. O, siya, sige." si Mrs. Altamonte. "Bye, ate Alex, ate Joanna!" si Rhianne. "Bye-bye!" si Althea. Nginitian naman namin sila at bago tumalikod ay nilingon ko si Terrence at binigyan ng isang pamamaalam na ngiti. Ni hindi ko na hinintay pa ang tugunin niya iyon dahil agad na akong tumalikod. Ilang sandali pa ay nasa study room kami ng bahay nina Gov. "Ano po itong pabor na hinihingi niyo Gov.?" panimulang tanong ko ng makaupo na kaming tatlo sa maliit na sala sa loob ng study room ni Gov. Huminga muna si Gov. bago nagsalita tila ba kay bigat ng sasabihin nito sa amin na lihim kong ikinabahala. "Alex... Is Hanna familiar to you?" Huh? Nangunot ang noo ko sa tanong na iyon ni Gov. Maging si Joanna ay tila naconfused sa tanong na iyon kaya nagtatakang napatingin sa akin. Napaisip ako. "Pamilyar nga ho siya sa akin. Ngunit hindi ko po sigurado, o marahil nakita ko na dati ngunit hindi ko maalala kong sino siya," ang napapailing kong tugon. "Bakit niyo po natanong Gov.?" Tila nag-isip din si Gov na mas lalong ikinatrigger ng maduda kong pag-uutak! Maging si Joanna ay nagdududa rin. "Ah, naitanong ko lang. Baka kasi nakikilala niyo siya, you know, after everything that had happened with Terrence before, mahirap nang magtiwala..." ang makahulugang sabi ni Gov. pagkaraan ay muling tumitig sa akin. "Alex, the favor that I'm going to ask—" Naramdaman ko ang pagdadalawang-isip ni Gov. "Tell me Gov. Kilala niyo po ako, gagawin ko po ang magagawa ko sa abot ng aking makakaya." I assure him with a smile. Muli itong humugot ng malalim na buntong-hininga saka diretsong tumingin sa mga mata ko. "I asked Kevin to pull you out from the case you are in and transfer you back as Terrence's bodyguard..." Na ikinapalis ng ngiti ko sa labi...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD