Chapter 41

1813 Words
ALEXIS ALEJO Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinabing iyon ni Governor Altamonte. He pulled me out from my case just to become a bodyguard of... Terrence?! "Bodyguard po uli ni Terrence?" Maang na tanong ni Joanna na nagulat rin sa sinabi ng matanda. Tumango naman si Gov. "Alam kong nagtataka kayo kung bakit, it is because of Hanna." Ang sabi niya na mas nagpalito at nagpataka sa amin ni Joanna kaya pareho kaming napatingin sa isa't-isa. "Si Hanna ho?" maang na tanong ko. "Ano pong ibig niyong sabihin?" "Alex... Hindi naman sa hindi ako tumatanaw ng utang na loob sa pagtulong ni Hanna kay Terrence. Subalit matapos ng mga nangyari dati, it is difficult for me to trust people anymore, especially for Terrence, lalo pa ngayong may amnesia siya. Hindi niya alam kung sino ang mga pwedeng pagkatiwalaan. Ayokong may mangyaring masama sa kanya. I almost lost him before at salamat sa 'yo, ligtas siya," he paused and sighed. "Alam kong nagiging paranoid ako pagdating sa kaligtasan ni Terrence, but I just need to do what a father must do." "Ano ho—" "Si Hanna... pinaimbestigahan ko ang pagkatao niya," direktang sabi ni Gov. na ikinanlaki ng mata ko at ikinanganga ni Joanna. "H-ho?" halos sabay naming bulalas na dalawa. And for what reason na kailangan pang humantong sa pag-iimbestiga sa pagkatao ni Hanna? Oo, mukhang nagiging maingat na nga si Gov. sa mga nakakasalamuha nila lalo na kung bagong dating sa buhay nila, but to think na si Hanna ay parang hindi ko mapaniwalaan... She looks innocent— Alex, baka nakakalimutan mong hindi basehan ang itsura sa tunay na pagkatao ng isang tao. Hindi ba't nalinlang na rin kayo ng isang pinagkakatiwalaan niyo ng husto? Governor Altamonte leaned his back against his chair and combed his hair with his hand as if he were under so much stress. "Hanna told us before that she was an orphan. At upang masiguro ang kanyang pagkatao ay pinahalungkat ko sa SSA ang tungkol sa kanya at sa orphanage na sinasabi niya. The orphanage was burned 10 years ago at walang naisalbang mga documents, kaya walang makuhang info ang mga ito tungkol sa kanya. Ayon kay Hanna, after daw ng sunog ay tumakas siya kaya wala siyang hawak na mga documents ng kanyang pagkakakilanlan. Still nangangalap pa rin ng info ang SSA tungkol sa kanya kaya naman habang ginagawa nila iyon, I just want to make sure na hindi siya magdudulot ng panganib kay Terrence." Hindi kami nakakibo ni Joanna sa pahayag na iyon ni Gov! The heck? Saan nakilala ni Terrence ang babae kung ganoon? She's homeless for sure, kung totoo nga ang sinasabi nito. Then how did she even survived out there... alone? Nang may bigla akong maalala na biglang nagpakabog sa puso ko. "Gov. saan daw po natagpuan ni Hanna si Terrence?" "Ah, ang kwento niya, nakita niya sa dalampasigan si Terrence at sugatan. Agad niya daw itong dinala sa isang malapit na ospital." "I mean, sa isang isla po ba? At ano po ang pangalan ng isla na iyon?" walang preno kong tanong. Nagtatakang napatitig sa akin si Joanna at si Gov. "Sa isla ng Pangangan. Bakit iha?" Bigla akong napaisip. Kapagkuwan ay umiling. "Pasensiya na po Gov. May naalala lang po kasi akong isang kaso na hawak ng SS, may iniimbetigahan po kasi silang isang tao na nasa Cabilao ngunit kasalukuyan po nilang pinaghahanap pa. Subalit kung sa Pangangan naman po napadpad si Terrence, then mali po ang nasa isip ko." "She said, namimingwit siya roon upang may makain sa araw na iyon nang makita nga niyang palutang-lutang roon si Terrence. Wala siyang permanenteng tirahan doon, namimingwit lamang siya o kaya ay tumutulong para kahit papaano ay may pera siya." Napansin ko ang biglang pananahimik ni Joanna at wari ang lalim ng iniisip. Ano na naman kaya ang nasa utak ng babaeng 'to? Subalit bakit pakiramdam ko ay parang may mali? Bakit parang may hindi tumutugma... Argh! Ano ba naman 'to?! Pati ba naman babae ni Terrence kailangan ko pang problemahin?! Asar! NANG makabalik kami sa quarters namin, agad tsinismis ni Joanna sa team ang nangyari! Sarap busalan ng bibig ng babaeng 'to! Details kung details pa talaga! At ang team? Ayon sari-sari ang reaksyon! Pagpyestahan ba daw ang nangyari sa akin?! "Amnesia? Akala ko ba LDR lang? Tsk! But you know, lumang tugtugin na 'yan para sa mga taong gustong makatakas sa isang relasyon." Napabaling kaming lahat sa nagsalita. Si Ram iyon na nakasandal sa may pintuan, naroon din sina Aries at Travis. Napangiwi ako sa sinabi nito! As if may alam siya! Bwisit na 'to! Bakit ba ang hilig nito umentra sa mga usapang hindi naman siya kabilang?! Naku! "Kids like you should know how to knock. Most of all, alien like you must not be involved in human business," ang kaswal na sabi ni Kyke ngunit bakas sa tono ng boses ang pagkairita sa pagsabat ni Ram. Ngumisi lang si Ram tila balewala ang nakikitang irita sa mga mukha namin Umalis ito sa pagkakasandal at humarap sa amin. "Oh why? Galit ka ba dahil 'yong lalaking botong-boto mo ay sinaktan ang kaibigan mo? Hoho! Huwag mo ibunton sa akin ang galit mo roon," may halong pang-aasar sa tono nito saka humakbang si Ram palapit na ikinailing naman nina Travis bilang pagkadismaya. Nagpapalatak naman sina Mike sa inasal ni Ram. Mukhang magkakaroon ng panibagong gulo rito ah! Lintik! Bwisit naman kasi ang taong 'to! "Just go away, Ram. Hindi ka naman nakakatulong, bukod roon hindi mo naman kilala ang taong 'yon," pormal na sabi ni James. "Huwag ka nang makisawsaw pa!" si Joseph. "Yeah. You don't know the real story, so stop messing around," si Gavin naman ang sumingit. "Isa pa hindi ganoong klaseng tao si Terrence. Alam namin 'yon dahil nakasama namin siya," si Mike na halos hindi na rin maipinta ang inis sa mukha subalit nagpipigil. "I agree with that!" si Joanna naman ang nagsalita saka tumayo mula sa upuan at nameywang. "We all know kung gaano kahalaga kay Terrence si Alex, and hindi niya iyon magagawa kay Alex." Nagpapalatak naman si Ram. "So, you really think na may amnesia talaga ang lalaking 'yon? Grabe naman ang tiwala niyo sa Terrence na 'yon! Sabi ko naman, paraan lang niya 'yon para makawala sa relasyon nila ni Alex." tumawa ito ng pagak. "Uy Ram, tama na nga 'yan. You should not involve yourself in that kind of conversation lalo na kung hindi mo kilala ang pinag-uusapan nila," sita ni Travis sa kasama subalit hindi nakinig si Ram. "Ok, sabihin na nga nating may amnesia siya, hindi niya makilala si Alex pero bakit hindi nakilala ng puso niya kung mahal na mahal nga niya? Hah! Patawa kayo!" may halong pang-uuyam ang tono ng boses niya. But that time, I secretly curled my hand into a fist! My face turned dark! Naging seryoso naman ang mga mukha ng team wari hindi na rin nagugustuhan ang mga lumalabas na salita sa bibig nito. Subalit binalewala iyon ni Ram parang ang laki ng bilib sa sarili, na tama ang bawat lumalabas sa sariling bibig. "Isa lang ang ibig sabihin no'n, hindi niya talaga mahal si Alex!" binalingan ako nito. "Akala ko ba hindi mababaw ang relasyon niyo? And you trust each other kamo? You're just wasting your precious time chasing someone like him. You are a professional, huwag kang magpakababa sa mga gaya niyang hindi karapat-dapat na—" *BOGSH* "Amph!" napabuwal sa sahig si Ram matapos itong tamaan ng isang suntok sa panga. Pumalatak naman sina Travis na umiiling-iling at walang balak ng tulungang tumayo ang kasamahan. "You should've listened." sermon ni Travis. "Sorry, Kyle. Ang bagal mo kasi," ang seryoso kong sabi nang makita ko si Kyle na nakatitig sa kamao niyang hindi tumama sa mukha ni Ram. Actually, no'ng sumuntok si Kyle, bago pa lumanding ang kamao niya sa mukha ni Ram, naagaw na ng kamao ko ang spotlight! "Tsk! Ang daya mo, Alex. Ako dapat nakatama do'n, lipad sana ang mukha niyang pinaglihi sa balon!" dismayadong sabi ni Kyle saka muling umupo. "Pfft! Ayos lang 'yon! Next time bawian mo!" natatawang akbay sa kanya ni Mike. "Oy, nawalan ata ng malay 'to," ang nakangising sabi naman ni Joanna na bahagya pang sinisipa ang binti ni Ram na hindi tumitinag. "Naku, napatay mo ata, Lex!" si James. "Sh*t! Magkakalamay na rito!" natatawang sabi naman ni Arnel. "Awt! May libreng kape! Yes!" hindi ring mapigilang tumawa ni Gavin na dinugtungan pa ang kalokohang sinabi ng mga kasama namin. "Ako na maghuhukay ng mapaglilibingan niya 'yan. Direct to Earth's Core, for sure, wala matitira diyan!" si Kyle na nakingisi na rin. Tuwang-tuwa sa naisip. "Haha! Lahat ata ng galit ni Alex sa araw na ito ay naibunton niya kay Ram. Ayan, deadbol!" tatawa-tawang turan naman ni Mike. "Huwag kayong mag-alala, malakas ang kapit niyan kay kamatayan. Bugbugin niyo lang hanggang magtanda," ang turan naman ni Travis sabay talikod na ikinatanga namin. Napakamot naman ng batok si Aries na nagpapalit-palit ng tingin sa dalawang kasama. Hindi malaman kung dadamputin si Ram o susundan si Travis! "Aries, mabuti pa kaladkarin mo na 'yang bangkay na 'yan paalis dito. Baka imbes na buo pa 'yan, mamaya hiwahiwalay na buto niyan!" banat naman ni Abet sabay ngisi ng nakakaloko. O sabihin na nating nagbabanta. Tsk! Nakakapag-init ng ulo! Wala siyang karapatan para sabihin ang mga bagay na iyon! Kahit idiot si Terrence still hindi niya magagawa ang ganoong klase ng kasinungalingan para lang makipaghiwalay! Hindi ganoon kababaw ang taong 'yon! Hindi katulad ng walang kwentang nilalang na ito! Bwisit! Ayan, hindi ko tuloy napigilan ang suntok ko! Jeez! Ang sakit sa kamay ah! Kapal kasi talaga ng mukha! ------------------------- TERRENCE ALTAMONTE "Dad, did you tell her?" ang halos pabulong kong tanong kay dad matapos niyang bumalik sa kinaroroonan namin. Kasalukuyang kausap ni Hanna si mom samantalang nagsu-swimming naman ang dalawa kong kapatid sa pool. Walang sagot akong nakuha kay Dad. "Bakit hindi niyo po sinabi sa akin na pupunta si Alex? I already told you dad, hindi makakabuti sa lahat na malaman ni Alex na narito ako," napabuntong-hininga ako. Dad frowned when his gaze averted to me. "Sana inisip mo 'yan bago ka nagdesisyon ng ganitong bagay," napabuntong-hininga si Dad. "But it's too late now, all I can do is minimize the possible damage." Ako naman ang napakunot ng noo. "What do you mean— wait, dad! Anong sinabi mo kay Alex?" nanlalaki ang mata kong tanong! Ngunit humakbang lang si dad patungo sa gilid ko pagkatapos ay tinapik niya ako sa balikat. "Ang sa tingin ko ay ang tama," pagkuwan ay tuluyan na itong humakbang patungo sa kinaroroonan nina mom. Naiwan akong tulala. Iniisip ko kung ano ang sinabi ni dad kay Alex? Huwag mong sabihing kinausap niya si Alex para paghiwalayin kami ni Hanna?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD