TERRENCE ALTAMONTE Nang makabalik ako sa aking silid matapos ng pag-uusap naming iyon ni Alex ay tila pagod akong pabagsak na humiga sa kama saka napatitig sa kisame. Takte naman! Hindi ko naman intensyong sabihin ang mga bagay na iyon sa kanya! *FLASHBACK* "Tsk! Idiot!" asik rin niya sa akin na ikinakurap ko sa gulat. "You are such an idiot! How can I move on when I'm still in love with you? Nagsinungaling ako dahil ayokong malaman mo na sobra akong nasasaktan. Na pinipilit ko lang maging matatag dahil iyon ay kailangan! Na kahit masakit titiisin ko kasi ayokong maging sagabal sa kaligayahan mo kahit pa— kahit pa hindi na ako parte no'n!—" Napatanga ako, I feel guilty dahil sa mga nasabi ko kanina. Lihim kong ikinuyom ang aking kamao upang supilin ang nararamdamang sakit sa puso ko n

