ALEXIS ALEJO "Pwede ba tayong mag-usap, Alex?" Seryoso ang boses niya. Bahagya akong tumango saka tumayo at pinagpagan ang pwetan ko. Isinuot ko ang tsinelas sa mga basa kong paa dahil sa pagkakalublob sa pool. Tumalikod naman si Terrence at nagpatiunang naglakad palayo. Bago ako sumunod sa kanya'y nagsipag-cheer pa ang mga kasama ko sa akin! Napailing na lang ako ng lihim. Sumunod na ako kay Terrence na nasa pinakadulong bahagi na ng pool area, at patungo ito sa gilid ng bahay nila. Habang nakasunod ay halos atakehin naman ako sa sobrang lakas ng kabog sa dibdib ko! "Anong gusto mong pag-usapan natin?" ang kaswal kong tanong nang makalapit na ako sa kanya. Pero pakiramdam ko gustong manghina ng tuhod ko dahil sa tensyong nararamdaman ko! Nyemas! Kelan pa ako naging ganito sa harap

