ALEXIS ALEJO Kinagabihan... Ito ang unang gabi ng Team dito sa residence ng mga Altamonte. But it feels like old times, huh? ' Yong mga panahong nagbabangayan kaming dalawa. 'Yong panahong binubwisit niya ako dahil sa pagkadigusto niya sa akin na maging bodyguard! At kanina, nasaktan talaga ako nang sabihin niya kung pwedeng iba na lang ang maging bodyguards nila. 'Yong feeling na ayaw na niyang magkaroon pa muli kami ng ugnayang dalawa! 'Yong pakiramdam na pinagsisiksikan ko ang sarili ko sa taong wala nang maalala sa akin at nagawa na akong palitan sa puso niya! Sh*t! Sakit sa puso! Another heartbreak na naman! Pero sobrang sakit unlike kay Steven, iyon ay sa kadahilanang minahal ko talaga ng tunay si Terrence. That is why I'm broken! Marahas akong nagpakawala ng buntong-hinin

