(SETA’S POV) MABILIS kong nakarating sa bahay ng beyanan ko. Ngunit bago bumaba ng sasakyan ay kinuha ko ang aking eyemo drups at agad na ipinatak sa aking mga mata. Talagang tinudo ko upang makita na talagang umiyak ako. Kailangan kong ipakita kay Donya Egeren na ako ang kawawa o dihado. Hinding-hindi ako magpapatalo sa babaeng kabet na ‘yon. Kasal kami ni Rejie. At alam kong nagagalit lang ‘yon sa akin dahil ako ang pumilit sa mga magulang nito para makasal kami. Ngunit alam kong sa una lang ‘yon galit. Saka ilang buwan pa lang naman kaming kasal at may pag-asa pa kami bilang mag-asawa. Hindi ako mawawalan ng pag-asa. Lalo at mahal na mahal ko si Rejie. Kami lang ang magsasama nito sa habang buhay. Gagamitin ko ulit ang pagtatangka kong pagpapakamatay para tuluyang may mangyari sa am

