Laylay ang balikat ko nang umuwi sa munting kubo na kung saan ako nakatira kasama ang mga magulang ko noon. Ako na lang ang mag-isa rito. Mabuti na lang at iniwanan nila ako ng bahay. Mayroon tuloy akong matutuluyan. Ang ibig sabihin ay mahal pa rin ako ng mga magulang ko.
Agad akong pumasok sa loob. Ngunit nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko si Nanay Haren. Nakangit ito sa akin. Malalaki ang hakbang nito papalapit sa akin at mahigpit akong niyapos. Nang kumalas ito ay kitang-kita ko ang luha sa mga mata nito.
“Anak ko, patawad sa aking ginawa dahil hindi kita naisama . . Ngunit nag-aalala lamang ako sa banta ng aking Ina na kukuhanin ang mga kapatid mo at dadalhin sa ibang bansa oras na hindi ako sumunod sa kanya. Hindi ko kayang mawala ang mga kapatid mo, Ennaya. Huwag kang mag-alala, ngayon may pera na ako, kaya ko nang supurtahan ang pag-aaral mo, itago mo ang 50 thousand pesos na bigay sa ‘yo ng lola mo, saka huwag mong pansinin ang mga sasabihin nito. Ganoon lang talaga ‘yon magsalita. Halika, doon tayo sa kusina may mga dala-dala ako para sa ‘yo na mga pagkain mo.” Agad na hinawakan ni Ina ang aking kamay.
Pagdating sa kusina ay nakita kong maraming pagkain, may mga groceries din ay prutas.
“Inay, salamat po. Kahit hindi mo ako tunay na kadugo ay itinuring mo akong anak. Puwede ko po bang malaman kung sino ang aking mga magulang?”
Mahigpit na hinawakan ni Ina ang aking kamay. Napansin ko agad ang pangamba sa mukha nito.
“Anak, ang totoo niyan ay hindi ko talaga kilala kung sino. Nakita ka namin ng iyong ama sa tabi ng basurahan. Gustong-gusto ko nang magkaanak noon. Kaya nang makita kita ay walang pagsidlan ang katuwaan ko. Itinuring kitang tunay kong anak. . . Mula nang dumating ka sa buhay namin ng iyong Ama. Ay roon naman ako nagbuntis. Kaya para sa amin ay swerte ka, anak ko. Huwag mong isipin na hindi ka namin anak, Ennaya. Pantay lang ang pagmamahal namin sa inyo ng mga kapatid mo.”
“Salamat po, Inay.” Tanging nasabi ko. Magsasalita pa sana si Inay nang tumunog ang cellphone nito. Napansin ko ang takot sa mukha nito. Nang ibaba nito ang cellphone ay nakita ko agad ang lungkot.
“Anak, kailangan ko nang umalis, nahulog ang kapatid mo sa hagdan. Nasa hospital siya ngayon!”
“Inay, puwede ba akong sumama? Gusto ko rin pong malaman kung ano’ng lagay ng kapatid ko?”
“Sige, kailangan na nating umalis, anak.” Dali-dali kaming lumabas ng bahay ni Inay. Medyo nagulat ako sa kotseng nasa gilid lang ng bahay namin. Hindi ko ito napansin kanina, dahil sa malalim kong pag-iisip. Agad akong pinapasok ni Inay sa loob ng sasakyan. Unang beses kong makasakay ng kotse. Ang bango sa loob at talagang pang- mayaman ang amoy! Hindi lang ‘yon, kasi ang kasuotan ni Inay ay ang laki na nang pinagbago. Mamahalin na ang kasuotan nito. Hindi katulad dati na simpleng damit lang. Ang ayos ng buhok nito ay talagang pulido at walang kumakawala sa tali nito sa buhok.
Ako’y natutuwa dahil bumalik na sa dating buhay si Inay, hindi na nito kailangan magtinda ng gulay o isda, dahil nahihirapan na rin ito. . .
Hindi naman nagtagal ay tuluyan na kaming nakarating sa tapat ng hospital. Dali-dali si Inay na pumasok sa loob, pagdating sa harap ng pinto ng hospital room na kung saan naroon ang aking kapatid ay agad nitong binuksan ang pinto. Ako naman ay nakasunod lamang dito. Nag-aalala rin ako sa aking kapatid.
“Ma, ano bang nangyari sa aking anak?!” Narinig kong tanong ni Inay sa Mama nito.
“Nadulas sa hagdan dahil bagong gising lang, teka, saan ka ba nagpunta, Haren?” Ngunit biglang napalingon sa akin si Lola Lomez. Kitang-kita kong nanlilisik ang mga mata nito at parang gusto akong patayin.
“Kaya ba, maaga kang umalis dahil pinuntahan ko ang babaeng ‘yan? Hindi mo tuloy alam kung ano’ng nangyayari sa anak mo!” Galit na sabi ni Lola Lomez.
“Ma, anak ko si Ennaya, sanggol pa lang siya ay ako na ang nag-alaga sa kanya, kaya hindi ko siya puwedeng iwan nang basta-basta na lang!”
“Ingrata! Hindi mo siya kadugo, Haren, hindi mo ba naisip na ba ka may dugo siyang criminal—” Nagulat ako sa malakas na sampal ni Lola Lomez sa aking Ina. Dali-dali akong lumapit at agad na pumagitna sa kanila. Hindi ko kaya na makita si Inay na sinasaktan ng Mama nito.
“Lola Lomez, huwag mo pong saktan si Inay, ako na lang po ang saktan ninyo—” Ngunit bigla akong itinulak nito kaya napaupo ako sa sahig. Dadaluhan sana ako ni Inay nang mabilis itong pinigilan ni Lola Lomez.
“Subukan mong lumapit sa kanya Haren, ilalayo ko sa ‘yo ang mga apo ko!” Pagbabanta ng matanda. Pagkatapos ay agad itong humakbang papalapit sa akin. Kitang-kita kong nanlilisik ang mga mata nito.
“Huwag mo akong matawag-tawag na lola dahil hindi kita kadugo at mas lalong hindi kita Apo! Umalis sa kwartong ito, hindi ka nababagay sa lugar na ito! Ilabas ang babaeng ‘yan!” Utos nito sa mga bodyguard na nasa labas lang ng hospital room.
“Anak, umuwi ka muna, hinintay mo ako roon,” anas sa akin ni Inay. Kitang-kita ko ang luha sa mga mata ng Inay. Ngumiti na lamang ako, kahit sobrang sakit ng aking puso. . . Tanggap ako ni Inay, ngunit hindi talaga maiiwasan na may ibang tao na ayaw sa akin katulad ni Lola Lomez.
“Ako na ang bahala sa kanya, kakausapin ko lang siya,” anas ng boses na ‘yon sa mga bodyguard ng Matanda. . Nang lumingon ako rito ay nakita ko si Itay. Agad niya akong niyaya sa labas ng hospital upang makapag-usap kami. Panay rin ang lingon nito sa paligid. Mukhang nag-aalala ito na baka kami ni Lola Lomez.
“Ennaya, sana’y huwag mo nang guluhin ang Inay mo. Dahil sa ‘yo ay baka tuluyang ilayo ni Mama Lomez ang mga anak namin. Nakikiusap ako sa ‘yo. Huwag ka nang magpakita sa amin. Labing walong taon ka naming inalagaan, sapat na siguro ‘yon. Alam kong kayang-kaya mong buhayin ang iyong sarili lalo at malapit ka na ring magtapos ng pag-aaral. Nagawa mo ngang pag-aralin ang sarili mo. At alam kong magagawa mo ring mabuhay ng mag-isa nang wala kami! Nakikiusap ako sa ‘yo anak,” malungkot na sabi ni Itay.
“Nauunawaan ko po Itay. Huwag kang mag-alala, dahil hindi na po ako magpapakita sa inyo, salamat po sa laha-lahat!” Agad akong tumalikod para iwan si Ama. Ngunit muli akong tinawag nito, kaya napahinto ako sa paglalakad. Narinig kong humakbang si Ama papalapit sa akin. Kinuha nito ang aking kamay at nakita kong inalagay nito ang sobre.
“40 thousand pesos iyan, Ennaya. Magagamit mo iyan sa bagong bahay na gusto mong lipatan. Umalis ka na sa bahay natin upang hindi ka na puntahan ni Inay mo. . Huwag sanang matigas ang ulo mo Ennaya. Hindi rin naman namin kayang mawala ang mga kapatid mo. Hindi rin ako tanggap ng pamilya ng iyong Inay. Tinitiis ko lang ang pang-aalipusta nila sa akin para sa mga kapatid mo para hindi nila ilayo. Patawad anak, huwag ka sanang magalit sa amin—” Malungkot na sabi ni Itay.
“Nauunawaan ko po, Itay. Basta po, palagi ninyong ingatan si Inay. Iyon lang po ang aking hiling—” Nagmamadali na akong umalis sa harap nito. Ngunit hindi muna ako umuwi dahip maghahanap ako ng bahay na puwede kong maupahan.
Natuwan naman ako dahil nakita ako kahit maliit lang. May cr pa sa loob. Ang maganda lang ay malapit lang sa university na kung saan ako nag-aaral. Agad akong nagbayad. Sinabi kong babalik na lang ako para kuhanin ang mga gamit ko. Upang mabilis akong makauwi ay nag-taxi na lamang ako.
Pagdating sa bahay ay agad kong inayos ang mga gamit ko. Dinala ko rin ang mga groceries na binili Inay sa akin, ganoon din ang mga pagkain at prutas. Mayamaya pa’y agad na akong lumabas ng bahay. Ngunit bigla akong huminto sa paglalakad. . Malungkot akong tumingin sa bahay na kung saan ako nagkaisip, hindi ko rin naramdaman na ampon lamang ako kapag kasama ko sina Inay, dahil ramdam kong anak ang turing sa akin Inay at Itay ko. Kaya talagang nagulat ako na ampon lamang ako.
Isang malalim na buntonghininga ang aking ginawa. Hanggang sa muli akong nagpatuloy sa paglalakad ko. Muli akong sumakay ng taxi at nagpahatid sa bagong bahay ko.
Pagdating sa aking bahay na inuupahan ay agad akong naglinis. Hindi naman masyadong madumi, ngunit kailangan mas maganda ay lagyan ko ng kurtina. May mga dala-dala rin akong kurtina, hindi naman ito magagamit na. Pati kumot at unan ay dala-dala ko.
Ilang oras ang nagdaan, sa wakas ay nagmukang bahay na ito. May maliit akong electric fan.
Alam kong kaya ko ito, sa una lang ay talagang mamimis ko sina Inay. Ngunit hindi na puwedeng sumama ako sa kanila. . . Balak ko na sanang pumasok sa loob ng banyo para maligo nang marinig kong nag-ingay ang aking lumang cellphone. Nakita kong tumawag si Dex.
“May kailangan ka, Dex?” tanong ko sa lalaki.
“Nandito ako sa restaurant, punta ka rito, ilbre kita—” Bigla akong napangiti. Hindi ko na papalampasin, upang makatipid din ako. Nang ibaba ko ang aking cellphone ay malungkot akong napatingin sa cellphone na hawak ko. Regalo ito sa akin ni inay noong nakaraang buwan, dahil kaarawan ko. . . Alam kong pinah-ipunan ito ng Inay ko, lalo at kailangan ko sa school. Huling regalo na pala ito sa akin ni Inay.
Hindi ko kailangang malungkot, kung ang kapalit naman ay magiging maayos ang buhay nila ay masaya na ako roon.
Nagmamadali akong naligo at naglagay ng damit sa aking katawan. Mayamaya pa’y agad na akong sumakay ng jeep papunta sa restaurant na kung saan naroon si Dex. Pagdating sa restaurant ay agad kong nakita ang lalaki. Talagang kumaway pa ito sa akin.
Dali-dali akong lumapit sa table nito. Agad itong tumayo upang ipaghila ako ng upuan.
“Birthday mo ba kaya balak mo akong ilibre, Dex?”
“Hindi naman, gusto lang kitang ilibre, ayaw mo ba, Ennaya?” tanong ng lalaki sa akin.
“Simpre gusto ko, saka minsan ka lang manglibre, tatanggi pa ba ako, 'di ba?” Sabay kindat ko sa lalaki. Kitang-kita ko ang pamumula ng mukha nito. Kaya lang, biglang nawala ang magandang ngiti ko nang mamataan ko si Mr. Gadoze na ngayon ay pumasok dito sa loob ng restaurant. Kasama nito ang kanyang asawa. Mabilis akong umiwas ng tingin habang hindi pa nakatingin sa akin.
“Iisipin ko lang na hindi ko ito nakita. Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na bagsak ako.
Nang dumating ang order namin ay agad na kaming nagmulang kumain.
“Siya nga pala, Ennaya. Puwede kang mag-apply ng trabaho sa kompanya ng pamilya namin kapag naka- graduate ka! Akong bahala sa ‘yo!” Hinawakan pa nga ni Dex ang aking kamay. Tanging pasasalamat na lang ang aking ginawa. Hindi ko sinabi rito na bagsak ang grado ko.
Nang matapos kaming ay nagpaalam muna ako para pumunta sa restroom. Pagdating ko sa restroom ay nagulat ako dahil nandito rin pala ang asawa ni Mr. Gadoze.
“Mukhang kahit nasaan ang aking asawa ay nakasunod ka,” biglang sabi nito habang naglalagay ng lipstick sa labi nito.
“Nagkakamali po kayo, Mrs. Gadoze, may kasama po ako. Saka hindi ko naman po alam na nandito kayo…” Bigla akong napayuko.
“Tiyakin mo lang na hindi mo aahasin ang aking asawa, Ennaya. Dahil may paglalagyan ka.” Agad itong tumalikod para iwan ako. Ngunit huminto ito sa paglalakad.
“Habang maaga pa, iwasan mo siya, Ennaya. Huwag mong hintayin na masira kami ng dahil sa ‘yong kakatihan, maaatim mo bang tawagin kang Mistress ng mga tao?” Mapang-uyam na tanong ng babae.
“Mrs. Gadoze—” Hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil bigla nitong inangat ang kamy para pahintuin ako sa pagsasalita. Napansandal na lamang ako sa dingding. Hanggang sa humarap ako sa malaking salamin upang tingnan ang aking sarili. Kitang-kita ko ang lungkot ng aking mga mata.
“Kaya ko ito, pagsubok lamang itong lahat!” Tanging nasabi ko. Hanggang sa lumabas ng ng restroom. Pagdatingsa harap ng table namin ni Dex ay umalis na rin kami. Gusto pa nga akong ihatid ni Dex sa aking bahay. Ngunit hindi na ako pumayag. Sobrang nakakahiya na kasi.
Kasalukuyan akong nag-aabang ng jeepney nang may huminto na sasakyan sa aking tapat. Medyo napaurong ako. Ngunit nang bumukas ang bintana ng kotse ay nagulat ako nang makita ko ang mukha ng demonyong si Mr. Gadoze.
“Hindi ka nag-aalala sa gradong mong bagsak, nakikipag- date ka pa rin?”
“Kung tuluyan mo na akong binagsak, Mr. Gadoze, wala na akong magagawa roon, siguro ay hihinto na lang ako sa pag-aaral--” Balak ko na sanang tumalikod nang magsalita ang lalaki.
“Get in, Ennaya, kung talagang gusto mong tumaas ang grades mo!” Mariing sabi ng lalaki.
Hindi ka agad ako nakapagsalita, kahit gumalaw ay hindi ko magawa at para akong nabato balani. Punong-puno ng agam-agam ang aking dibdib. Paano kung makita kami ng asawa nito?