Mabilis akong lumingon sa lalaking parang tiger kapag nagagalit. Bigla rin akong napangiwi, bakit ba masyado ako pakialamera? Napapahamak tuloy ako dahil sa katangahan ko.
“Pasensiya na po, Mr. Gadoze.” Sabay yuko ko ng ulo. Kahit ang totoo ay inis na inis na ako. Wala akong narinig mula sa lalaki. Nang tingnan ko ito ay nakita kong naupo ito sa bakanteng silya. Seryosong nakatingin sa akin. Hanggang sa iabot sa akin ang report card ko raw. Dali-dali ko ‘yong tiningnan. Ngunit halos lumuwa ang aking mga mata nang makita kong bagsak ako. Nanlalaki ang mga mata ko. Hindi talaga ako makapaniwala. Nag-aral ako ng husto tapos ibabagsak lamang ako, nasaan ang katarungan doon.
“Hindi ko na kailangan magpaliwanag, Ms. Tan. Ikaw ang gumawa ng grado mong ‘yan, so, problema mo na ‘yan!” Mariing sabi ni Mr. Gadoze. Para akong baliw ng mga oras na ito. Wala salita na lumabas ako ng opisina ng demonyong lalaki. Tuloy-tuloy akong lumabas ng gate. Nang may dumaang jeepney ay agad akong sumakay at nagpahatid sa bahay ko. Dahil sa bagsak kong grado ay talagang gumuho ang mundo ko.
Pagdating sa tapat ng bahay namin ay parang nahihiya akong pumasok sa loob. Paano ko ipapaliwanag sa aking magulang na bagsak ako. Nangako pa naman ako sa kanila na ako ang mag-aahon sa kanila sa hirap. Tapos ganito lang ang kakahinatnan ng grado ko.
Hindi muna ako pumasok sa loob ng bahay. Nanghihinang naupo ako sa malaking bato. May pag-asa pa kaya ito grado ko kapag kinausap ko ng maayos si Mr. Gadoze? Kailangan kong subukan. Hindi puwedeng ganito. Alam kong galit lang ito sa akin kaya binagsak ako. Ngunit dapat walang personalan. Sobrang sakit talaga sa puso.
Balak na sanang tumulo ng aking luha nang makita ko ang dalawang mamahaling sasakyan ang huminto sa tabi ng bahay namin. Kasunod ang pagbaba ang dalawang babae at lalaki na may edad na. Sa istura ng pananamit nila ay alam na alam na mayaman talaga sila. Tuloy-tuloy silang pumasok sa loob ng bahay namin.
Dali-dali tuloy akong tumakbo para sundan ang mga taong pumasok sa loob ng bahay namin. Balak ko pa lang sanang itulak ang pinto nang marinig ko ang boses ng matandang babae.
“Haren, ito na ang oras para bumalik ka bahay natin. . . Hindi ka na puwedeng tumanggi -!”
“Ma, hindi ko puwedeng iwan ang aking mga anak at asawa, mas gugustuhin ko pang maghirap! Huwag lang silang mawala sa akin,” narinig kong anas ng aking Ina. Talagang nagulat ako. Ang ibig sabihin ay mayaman si Inay. May ngiti sa aking labi, kung talagang mayaman si Ina. Hindi ko na kailangan pumasok sa university na kung saan ako nag-aaral ngayon. Hindi ko na rin kailangan magtrabaho!
Balak ko na sanang pumasok nang muli na naman akong napahinto, dahil nagsalita ang mayaman kong lola.
“Sige, tanggap ko na ang iyong asawa. Isasama rin natin ang mga anak mo. Maliban sa ampom mo. Aba! Hindi ako magpapakain ng hindi ko kadugo!”
“Ma, hindi natin puwedeng iwan si Ennaya, anak ko na siya! Hindi man siya galing sa akin, ngunit anak ang turing ko sa kanya. Saka hindi niya alam na ampon lamang siya at nakita ko lang sa tabi ng basurahan!”
Bigla akong nanghina dahil sa aking narinig. Sunod-sunod ding lumabas ng luha sa aking mga mata. Sobrang sakit nang mga narinig ko. Parang hindi ako makahing. Akala ko magiging maayos na ang buhay ko dahil mayaman si Inay. Ngunit hindi pala ako parte ng pamilya nila. . . Ngunit kailangan kong harapin ang katutuhanan.
Hindi naman pinaramdam sa akin ni nina Inay at Inay na ako ay isang ampon. Kaya sobrang sakit nito sa akin. Kaya naman nagdesisyon na akong humakbang papasok sa loob ng bahay namin.
“Inay, talaga bang ampon lang ako?” malungkot na tanong ko. Dali-daling lumapit sa akin si Inay. Agad nitong hinawakan ang aking kamay.
“Anak, wala akong pakialam kahit ampon ka. Dahil sa aking puso ay ikaw ang panganay ko. Mahal ka namin ng Itay mo!” Bigla akong niyapos ng aking Ina. Dinig na dinig ko rin ang pag-iyak nito.
“HAREN, hindi natin puwedeng isama ang ampon mo. Kung magpupumilit ka, ang isasama na lang namin ay ang dalawang anak mo. Ano, mas pipiliin mo ba siya kaysa mga tunay mong anak?!” Galit na sabi ng Ginang.
Agad akong kumawala mula sa pagkakayapos ni Mama. Ngumiti rin ako rito ng matamis.
“Inay, ayos lang ako rito. Kaya ko namang mag-isa sa bahay. Basta po palagi kayong mag-iingat kahit saan man kayo pumunta.” Hindi nagsalita si Inay. Ngunit kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata nito. Mayamaya pa’y lumapit sa akin ag matandang babae. May inabot itong na sobre.
“Sapat na siguro ang 50 thousand pesos, para mabuhay ka. Hindi naman ako papayag na sumama kapa sa bahay ko!” Kahit nahihiya ay kinuha ko ang sobre. Kailangan ko ang pera. Hindi ko ito tatanggihan.
Agad akong pumasok sa loob ng kwarto ko. Hindi ko na hinintay na magsalita ang aking Ina. Nang ma-ilock ko ang pinto ay agad akong napansandal. Kahapon ang saya namin. Pinag-uusapan ang aking mga pangarap para sa pamilya ko. Ngunit isang panaginip lamang pala ang lahat.
“Anak Ennaya, alam kong nagtatampo ka. Ngunit anak talaga ang turing ko sa ‘yo. Ikaw ang panganay namin ng iyong Itay. Huwag kang mag-alala anak, dahil palagi kitang pupuntahan dito. Hindi ko lang puwedeng hayaan ang mga kapatid mo na sumama sa aking Ina na hindi ako kasama, dahil alam kong dadalhin niya ang mga kapatid mo sa ibang bansa para ilayo sa akin! Babalikan kita Ennaya anak ko!”
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Nauunawaan ko naman si Inay. Hindi ito papayag na mawala ang mg kapatid ko. Agad kong pinakalma ang aking sarili. Pagkatapos ay agad akong nahiga sa kama. Kaya lang kahit anong pahid ng aking luha sa mga mata ko ay ayaw pa rin umalis ng luha ko. Dahil sa kakaiyak ko ay tuluyan akong nakatulog.
Kinabukasan, maaga akong pumasok. Hindi ko pinansin ang pamamaga ng mga mata ko. Kailangan kong gawin ay kausapin ng maayos si Mr. Gadoze. Sa opisina niya ako unang pumunta. Mabuti na lang nandito na ito.
Marahan akong kumatok sa pinto ng opisina ni Mr. Gadoze. Pinapasok naman ako sa loob. Ngunit napansin kong seryoso lamang itong nakatingin sa akin.
“May kailangan ka?” tanong ng lalaki sa akin. Hindi pa rin ako nagsalita. Mariin kong ikinuyom ang aking mga kamao.
“Galit ka ba sa akin, Mr. Gadoze? Kaya binagsak mo ako?” tanong ko sa lalaki. Ngunit bigla itong natawa. Kasunod ang dahan-dahan na pagtayo nito at lumapit sa akin.
“Ms. Tan, walang dahilan para magalit ako. Ikaw ang gumawa ng sarili mong marka, so, huwag mong ipasa sa akin dahil taga-sulat lamang ako!” Mariing sabi ng lalaki. Seryoso naman akong tumingin sa lalaki. Parang bigla akong umuring sa plano kong pang-aakit dito para itaas ang aking grado. Kaya lang biglang naumid ang aking dila at wala talagang lumabas ng salita. Ngunit kailangan kong subukan. At baka biglang itaas ang grado ko.
Kahit kabado ay agad kong inihakbang ang aking paa papalapit sa lalak. Napansin kong bigla itong napaurong.
“Mr. Gadoze, kung halikan kaya kita, itataas mo ba ang grado ko?”
“Naririnig mo na ba ang sinasabi mo Ennaya?!” Galit na tanong ng lalaki sa akin. Bigla akong napangisi, kinagat ko rin ang ibabang labi ko. Hanggang sa hawakan ko ang lalaki sa beywang nito. Palihim tuloy akong natuwa dahil parang nadadala ito sa pang-aakit ko sa kanya.
“Ano’ng ibig sabihin nito Rejie? Nakikipag-relasyon ka sa studyente mo, huh?!” Mabilis akong lumingon sa babaeng biglang pumasok sa opisina ni Mr. Gadoze.
“No! Hindi ako basta, pumapatol sa kung sino-sinong babae, lalo na siya, huwag mong lagyan ng dumi ang utak mo!” Agad na tumalikod ang lalaki para iwan kami ng babae. Ngunit nagulat ako nang biglang hawakan nito ang aking pulsuhan.
“Tingin mo, hahayaan kitang akitin mo ang aking asawa, bibigyan lang kita ng warning, ngunit oras na panay pa rin ang lapit mo sa akin asawa, humanda ka sa ganti ko!” Sabay tulak nito sa akin kaya napaupo sa sahig. Bago ito tuluyang umalis ay inapakan pa nito ang isang paa ko. Balak ko sanang sumigaw nang maglabas ng kutsilyo ang babae. Nagbabanta ito na puputulin daw ang aking dila!