ANTONELLO Kanina ko pa nasasamyo ang amoy na tila namakagutom na na para bang Marshmallow. Hangang sa Matanto ko na Kay Rhaiza iyon galing. Baka pabango nya iyon. Inaamoy ko na sya kanina dahil takam na takam ako sa amoy. Ngunit umiwas sya. Sabi nya ay hindi sya, ngunit kapag nalapit naman sya ay mas lalo ako natatakam dahil lunalapit din ang sweet na amoy na tila ba nakakatakam kainin. Nanatili ako sa sala habang nanonood ng balita. Habang sya naman ay nasa may Kusina at sa tingin ko ay nilalabhan ang mga basahan dahil kita komg sinasampay nya na ito. Pinatay ko naman ang TV saka pumunta sa kusina. Balak kong uminom muna ng tubig bago pumanhik sa aking silid. Naabutan ko syang nakatayo sa Upuan habang inaabot ang Hanger. Napatingin naman ako ng tila naamoy ko na naman ang Amoy Marshma

