bc

THE ENGINEER'S CAREGIVER

book_age18+
395
FOLLOW
11.4K
READ
family
HE
opposites attract
independent
bxg
campus
office/work place
musclebear
assistant
like
intro-logo
Blurb

Paano mo nga ba Malalaman kung ang isang Pag Ibig ay Tunay?Paano mo masasabi na sya na ang tamang tao na nakalaan sayo?Para sa Binatang Inhenyero na Si Antonello Lanzuela ang Pag Ibig ay tila Isang Sugal. Merong Nananalo at Merong Natatalo. Hindi lahat ay pare pareho. Maswerte kung pareho kayong Nagmamahal, Pero paano kung isa lamang ang lumalaban para sa Pag ibig?"Paano kung mapabilang ka sa Hindi pinalad sa Pag Ibig? Ang daming What If's kaya mas pinili na lamang nito na mamuhay mag isa habang buhay. Dahil para sa kanya ang Pag aasawa ay habang buhay na responsibilidad, Hindi pwedeng iluwa kapag naiinitan na, Hindi pwedeng ayawan na kapag pagod na, Walang Time First, dahil ang Pag ibig at pagpapakasal ay isang commitment. Yan ang mga salita sa isip ng  Binatang Si Antonello na sa Edad na 45 ay wala paring balak lumagay sa Tahimik.Kabaligtaran sa pag Iisip ng Dalagang si Rhaiza Elize. Para sa Dalaga ang tamang pag ibig ay darating sa tamang panahon.Pero may pagkakataon na darating ka sa punto na Tamang Tao maling Panahon, Tamang Panahon ngunit maling tao. Ngunit naniniwala ang dalaga na May Nakalaang Tamang Tao at Tamang panahon kapag niloob ng nasa itaas.Normal ang masaktan oo, pero para sa dalaga isa iyon sa dahilan para mas maging matibay. Isang beses mang nabigo sa pag ibig ang dalaga naniniwala ito na inilayo lamang sya ng itaas sa maling tao kaya pinahintulutan sya nito na masaktan.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1 "RHAIZA ELIZE"
RHAIZA ELIZE Nagising ako sa alarm ng aking cell phone. Ala singko na pala ng umaga. Oras na para magluto ako ng kakainin ni Lola Aning. Ang matanda na inaalagaan ko sa loob ng Dalawang taon. Simula noon ay ako na ang kasama ni Lola Aning. Ang kanyang mga anak ay nasa ibang bansa ng lahat maliban sa kanyang bunso na naririto sa Pilipinas ngunit abala sa pagpapatakbo ng Kanilang Negosyo. Mababait ang mga Anak ni Lola Aning, Kaya nga lamang mas pinili ng mga ito na manirahan sa ibang bansa, Samantalang si Lola naman ay mas pinili na mamuhay rito sa Pilipinas. Palagi nyang sinasabi sa akin na dito daw sya mamamatay sa kanyang sariling bansa. Kapag nag kwe kwento sya ay di ko maiwasang maluha minsan dahil naaawa ako sa kanya. Malayo sya sa mga anak nya. Dinadalaw naman sya ni Kuya Luiz kada week end kasama ang mga anak nito, pero madalas ay kami lamang dalawa. May CCtv naman sa Buong bahay kaya na momonitor naman nila kami ni Lola Aning. At napakabait din talaga ng kanilang Pamilya sa akin. "Lola Aning, Good Morning, Nakaluto na po ako ng Almusal, pwede na po kayo kumain" Wika ko saka sya nilapitan. "Naku Rhaiza, Maaaga pa, diba't sabi ko sayo ay magpahinga ka ng Mahaba?" "Hahaha, Lola Aning talaga, Ayoko ho, nakakahiya naman po sa mga anak ninyo na nagpapasahod sa akin tapos patamad tamad ako hehe" "Kow, hayaan mo, at meron naman akong pambayad sa iyo, Kapag di ka nila binayaran." Anya pa ni Lola kaya napailing na lamang ako. "Nga pala Rhaiza, pupunta ba si Luiz ngayon? Nag paalam ako nong nakaraan, sabi ko ay aayain kita sa E-BINGO tagal ko na ring di nakakapaglaro, nakaka mis na din ang mga ka eskwela ko doon hehe.," wika pa ni Lola Aning. Dahil may time kasi na napunta kami sa E-Bingo, hindi nyo naitatanong ngunit magaling sa bingohan si Lola. "Opo Lola, may importanteng lakad daw po si Kuya Luiz pa Cebu, kaya dadalaw na lang daw po sya sa ibang araw kapag nakabalik." Sagot ko naman dito. 'Oh sya Sige, Mabuti na lamang at pinayagan tayo. Ako ay kakain na at iinom ng gamot para mamaya ay makapunta na tayo." Masayang wika ni Lola Aning. Sa loob ng Dalawang taon na pag i stay ko sa kanila ay nakuha ko na ang kiliti ni Lola, noong una ay napakasungit nito sa akin, tinatapon pa ang pagkain kapag ayaw nito. Nagbago lamang sya noong nawalan sya ng malay at nang magkamalay ay nakita nya na iyak ako ng iyak sa tabi nya, grabe kasi ang takot ko noon, akala ko kasi talaga mawawala na sya. Kaya nung nagmulat sya sobrang saya ko na mas lalong naiyak sa tuwa niyakap ko sya noon saka ako patuloy sa pag iyak. Doon ko naranasan at naramdaman na niyakap nya rin ako. Saka sinabi na ayos lang sya, nahimatay lang. Magmula noon ay naging close na kaming dalawa. Habang nasa Mall kami or sa Park at madalas kaming makakita ng Magkasintahan na magka Holding hands, Mga Nag de date, Minsan ay naghahalikan pa. Magugulat na lamang ako kapag bigla syang nagsasalita. "Rhaiza Elize, Ikaw bay hindi naiinggit sa mga Iyan? Aba sa dalawang taon mo sa amin parang di ata kita nakikita na may Nobyo? Ako gay Nagu guilty, Baka dahil sa akin ay hindi kana makapag asawa, Abay sayang naman ang magiging lahi mo at napakaganda mong dalaga." Anya pa ni Lola Aning. "Lola talaga, hehe tama kayo wala pa po talaga sa isip ko ang mag nobyo dahil nag aalaga pa ako sa inyo, hehe, pero di nyo po kasalanan iyon dahil choice ko po iyon." "Hmm...pero ikaw bay nagka nobyo na? "Oo naman po Lola nagka nobyo naman po,.pero wala eh, hehr Bigo po haha." Natatawang wika ko na lamang pero ang totoo durog na durog ako sa pag iwan sa akin ng dati kong Nobyo. "Aba? Abay bakit ga kayo nagkahiwalay? "Ay naku Lola, mahabang storya po, pero isa lang po ang reason, meron po pala syang kinahuhimalingang Iba kaya ayon, iniwanan nya ho ako." "Aba ay Animal, Naisuko mo ba ang Bataan sa kanya?' tanong Ni Lola. "Haha ay hindi po Lola, kaya rin ho siguro ako iniwan dahil maraming beses nya po iyong inuungot sa akin pero di ko po sya napagbibigyan" sagot ko naman. "Ay sya, Ay Oo nga, pero ayos na iyon at least di pa nasibak ang iyong Bibingka. Saka hayaan mo sya Sa ganda mong iyan tapos ikaw pa ang iniwanan, Abay para syang nagtampo sa Bigas na Tag 60 ang Kilo." Anya pa ni Lola kaya sabay kaming nagtawanan. "Lola talaga, Napaka joker nyo po." "Aba ay Totoo iyon, Bay sa ganda mong yan, maalaga pa, abay ipinagpalit ka pa sa Kapirasong Karne? Abay ka malas nya naman. Pero Rhaiza Isipin mo rin ang sarili mo ah, Humarot ka rin 33 ka na baka mag sara naman yan kapag Nagtagal ka ng sobra haha, Abay Humarot ka rin pag may time. Hayaan mo kapag kasama ko si Luiz umalis at mag Me time ka, para naman makagala ka, Humarot kung kailangan. Hindi naman kapag sinabi kong Humarot ay kakangkang kana sa kung sino, ibig ko bang sabihin ay mag enjoy sa buhay, kumilala ng ibang mga tao, para di lamang dito sa akin iikot ang mundo mo, Matanda na ako Rhaiza, Gusto ko na bago ako mawala, Gusto ko na makita kang masaya kapiling ang tamang tao." Anya ni Lola saka hinawakan ang kamay ko. Hindi ko alam bakit tila maiiyak ako sa sinabi nya. Alam ko na biro lamang ang usapan namin kanina, pero nakaka touch na marinig ko sa kanya na gusto nya na masaya ako sa piling ng tamang tao bago sya mawala. Ganon ako kahalaga sa buhay nya. Matapos namin Mag Bingo ay nag aya si Lola Sa Dept. Store nanalo kasi sya sa Bingo. Kaya mag gala daw kami dahil may bibilhin sya kaya tinulak ko ang kanyang wheelchair saka kami nag ikot sa Dept store. Natawa ako ng pumunta kami sa Section ng mga damit. Napamagaganda ng damit roon at syempre branded. Natatawa pa nga ako dahil panay pili ni Lola. "Aba, Lola ang gaganda naman ng pinili nyo haha, aba uso ito ngayon nakakatuwa naman na gusto nyo parin pala ito." Sabi ko nang inabot na sa amin ang paperbag na may lamang 3 blouse. "Sino ba may Sabi na para sa akin yan, para sa iyo iyan Rhaiza. Napansin ko kasi na hindi ka nagbibibili ng mga damit mo, kaya ayan. Advance Birthday Gift ko na sa iyo sa susunod na buwan hehe." Anya pa ni Lola. Napangiti naman ako, talagang di nya nalilimutan ang birthday ko. Tama si Lola Aning, hindi kasi talaga ako palabili mv mga gamit. Nag iiwan lang ako ng para sa akin at ng konting ipon para kahit papano pagdating sa mga emergency na gastos ay may madukot ako. At ang lahat ay Pinadadala ko kina Nanay para sa pag papaayos ng aming Bahay at para sa Tuition ni Bunso. Bilang panganay ako ang Breadwinner sa pamilya namin. Ang sumunod naman sa akin ay si Roger Nasa Training naman sya dito rin sa manila para naman sa pag se seaman. Nakikita ko na, malapit na umalwan ang Buhay namin. Kahit papano unti unti na naming napapaayos ang bahay namin. Si Bunso na lang ang nag aaral at kahit papano pwede na tumigil si Nanat at Tatay sa bukid. Nabalik ako sa ulirat ng tawagin ako ni Lola Aning. "Oh Rhaiza, halika na, mag take out nalang tayo at sa bahay na lamang tayo mag kwentuhan. Manonood pa pala ako ng series na pinapanood ko sa NEPLEX. "Hhehehe Netflix po Lola Aning." "Hahaha..Ay gay on ba, meron pa akong naririnig nung isang araw sa mga tambay sa labas.. CORN HUB ba iyon? "Lahhh...Lola Porn Hub yon, bawal po iyon" "Ah..ay sya maigi sinabi mo, balak ko pa naman sana manood don at kadami daw pag pipilian hehe." Natatawang sabi pa nito. Napatawa na lamang kaming dalawa. Dumaan lang kami sa isang Resto at nag Take out ng aming pananghalian saka kami umuwi. Samantala Habang nag liligpit ako ng mga gamit ay di sinasadya na Makita ko ang mga ibang bagay ni Jhay sa akin ang dati kong Nobyo. Isang taon na simula ng lokohin nya ako. Ang masaklap pa ay matagal nya na pala akong niloloko,at ang pinaka masaklap sila pa ng isang tinuring ko na kaibigan. Napakasakit sa point na mahuli sila ng mga Mata ko sa isang silid, ginagawa ang mga bagay na matagal nang inuungot sa akin ni Jhay na hindi ko pa naman kayang ibigay. Halos matulala ako at di agad makagalaw. Walang ingay ngunit sabay ang pagbagsak ng aking mga luha habang pinapanood sila. Sa sobrang sarap na sarap sila sa ginagawa nila ay ni hindi nila napansin na naroon ako. Nalaman lamang nila ng lumabas ako at isarado ang pinto. Hinabol pa ako ni Jhay ngunit di na ako lumingon, akala ko nag sisisi sya ngunit habang lumalakad ako palayo ay nag iwan pa sya ng salita. "Masyado ka naman kasing Pabebe! Para yon lang di mo pa maibigay eh nobyo mo naman ako! Hindi mo ko masisisi kung naibigay ng iba ang pangangailangan ko!" Anya nya pa di ko na sya nilingon nagtuloy lamang ako sa paglakad. Napabalik ako sa Kasalukuyan ng magsalita si Lola Aning. "Oh Rhaiza, natahimik kana naman dyan" anya ni Lola sa akin. "Ah, wala po Lola, may naisip lang po." "Sus, at ano naman amg sumasagi sa isip mo hija? "Ahm..wala naman po Lola, ok lang po talaga ako." Wika ko saka ngumiti, ayoko kasi na nag aalala sya. "Sige, sabi mo yan ah. Paano nais ko na magpahinga Rhaiza. "Sige po Lola, magpahinga na po kayo, mag lilinis lang po ako ng kusina at matutulog na rin po maya maya." "Ok, hwag kana magpuyat, matulog kana rin." Anya pa nito. Magkatabi lamang ang kwarto namin ni Lola, may connected door din mula sa kwarto ko patungo sa kanya. Dahil every 4 hours ay chine check ko sya. Natuwa naman ako kanina ng ibili nya ako ng damit. Hindi ko rin kasi inaasahan dahil sa isang buwan pa naman ang aking kaarawan. Nakakatuwa lang dahil ano man ang pangit na ibang nangyari sa buhay ko, nagpapadala parin ang itaas ng mabubuting tao.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.8K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.7K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.2K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.2K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook