CHAPTER 2 "ENGR. ANTONELLO"

1958 Words
ENGR. ANTONELLO Hawak ko ang Blueprint kung saan binabasa at inaanalisa ko ang nilalaman. Para ito sa proyekto na hawak ko ngayon. Ako nga pala si Antonello isa akong Eletrical Engineer . Nagsimula ako mamasukan noon sa isang construction firm pagka graduate. Hangang sa inalok ako ng Aking Ninong na mag tatayo sya ng isang construction firm at inalok na doon na lamang ako sa kanya at sa huli ay ako na rin ang kanyang pinamahala. Hindi biro ang pagiging isang inhenyero. Oras, Dugo at pawis ang inilaan ko para dito. Thankful ako na kahit na mahirap ang buhay namin nooy kahit papano ay naitawid ko ang kolehiyo. Sobrang hirap noon ng buhay to the point na kailangan ibenta ang aming kalabaw at mangutang nila Mama para lamang may maisuporta sa akin. Apat kaming magkakapatid. Babae ang panganay namin at meron na ring Pamilya. Ako ang ikalawa, ang sumunod sa akin ay pamilyado na rin. Ako at ang bunso nalang namin na kapatid ang walang asawa. Pero may nobyo na rin ito. Kung i ko kompara ang buhay namin noon, masasabi kong Malayo pa pero Malayo na. Kahit papaano may sariling Bahay na sila Mama Naibili ko na rin ng Sasakyan si Papa ngunit hindi na sya mamasada ngayon dahil si Mama na lamang ang ipag da drive nya. Hindi na kailangan mangutang nila Mama at Papa dahil napagtapos na nila kaming magkakapatid. Wala na silang ibang iintindihin kundi ang sarili na lamang nila. Nasa Probinsya sila sa Laguna habang ako naman ay narito sa Maynila. At may sariling bahay na rin sa Alabang. Talagang ginugol ko ang oras ko sa trabaho, para kahit papaano ay mapaalwan ang buhay ng Pamilya ko at hindi naman ako nagkamali sa bagay na iyon dahil kahit papano ay nakatulong ako kina Mama para mapagtapos ang iba ko pang mga kapatid. Abala ako sa pagbasa ng plano ng isa sa aming proyekto ng biglan tumunog ang aking Telepono. Walang iba kundi si Mama. "Hello Ma, Kumusta po napatawag kayo?" Tanong ko sa kabilang linya." "Hello Anak, kumusta ka na dyan? Hindi ka ba uuwi? Mag bi Birthday ng pamangkin mong si Julio tinatanong din ng Ate Athena mo kung kailan ang uwi mo? Ganon din ni Angelo at Angela, Mis kana ng mga Kapatid mo Anak." Wika ni Mama. "Ganon po ba Ma? Pasesnya na po Ma at hindi ko nag uuwi nung nakaraan. Hayaan nyo po pakisabi sa kanila na Mis ko na rin sila pati ang mga Pamangkin ko." "Sige Anak, makakarating. Sya mag iingat ka dyan Anak ha? Saka baka naman may ipakikilala ka na sa amin anak." Dagdag pa ni Mama na may himig pagbibiro. Natawa na lamang ako ng pagak bago ulit magsalita. "Haha, Ma kayo talaga..Sino namang Ipapakilala ko? Yung mga Poste na Ibinabaon namin nung mga kasamahan ko?" Natagawang sagot ko kay Mama. "Ay sya .Bahala ka Anak, Basta sana isang araw ay may ipakilala kana rin sa amin. Matanda na kami ng Papa mo Anak, Maging ikaw ay hindi na rin pabata, Tapos na ang pagtulong mo sa aming Pamilya mo, Oras na para naman sarili mo ang unahin mo at bumuo ng sarili mong Pamilya. Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Mama saka muling nagsalita. "Mama, Sa Panahon ngayon nakakatakot na mag asawa, Kaliwat kanan na balita, Mag asawa ang mismong nagkakasakitan, Tapos ang kawawang mga anak ang apektado. Hindi lang nagkasundo ma de depress tapos kikitilin ang buhay at isasama pa sa pagkitil ang mga kawawang anak, so paano pa ako mahihikayat na mag asawa mama? Masyado na malala ang mundo." Anya ko. "Syempre Anak, pipili ka ng Babae, ipanalangin mo yung babae na nais mo?" "Pano ko naman agad malalaman yon Mama? E sa umpisa naman e Magagaling lahat? "Ah basta Anak, ipanalangin mo, Saka kami ng Papa mo, palagi ka naming sinasama sa Dasal namin na ingatan ka sa trabaho. At Sana isang araw makatagpo ka ng isang babae na Mamahalin mo at Mamahalin ka rin, mabuti kang anak sa amin kaya alam ko na di kami bibiguin." Walang pagsukong sabi pa ni Mama. "Ay naku Mama talaga, ayaw paawat. Hehe sige po Ma, tingnan natin." Wika ko na lamang sa kabilang linya dahil alam ko naman na hindi magpapatalo ang Mama ko. Hindi ko masisisi sila Mama dahil 45 years old na ako ay nanatili parin akong single. Bakit? Maraming reason. Hindi naman lahat ng kinakasal ay Happy Ending. Ilan sa mga kakilala ko na gumastos at Nagpakasal pa ng Bongga na nauwi din naman sa hiwalayan. Isa sa Kamag anak namin na hindi din nakontento at gumawa rin ng kalokohan? At yung mga Pamilya na nagparami ng anak pero kumakalam ang sikmura, na idadaan na lamang sa tulog para makaiwas sa gutom pero paano kinabukasan? Napakaraming factors kaya hangang ngayon ay mas pinili ko mag isa, para wala akong alalahanin, para sarili ko na lang ang iisipin ko. Dahil kahit papano ok na si Mama at Papa. Maging ang mga kapatid ko kahit papano ay may trabaho na. Pero kahit naman na mahirap kami ay hindi naman hinayaan Ni Mama at Papa na sumablay kami ng pagkain sa isang araw. Kahit papano ay tatlong beses parin kaming na kakakain non. Pero sa mga materyal na bagay ay talagang hangat pwede pa ay gagamitin at gagamitin parin namin. Hindi kami lumaki sa luho. Ganyan kami pinalaki nila Mama at Papa. Pero sinisigurado ko naman na binusog nila kaming magkakapatid sa pagmamahal. Kaya noong ako naman ay nakatapos talagang binawian ko agad sila Mama. Gusto kong matamasa pa nila ang buhay na di nila nararanasan noon. Kaya masaya ako na naibigay ko na ang mga iyon sa kanila. Kaya ngayon ako naman ang kinukulit nila na unahin ko naman daw ang sarili ko. Natawa na lamang ako. Pero bahala na, sa ngayon ay ayaw ko muna ma pressure focus lang muna ako sa ibang Goal ko, life begins at 40 so hindi pa naman siguro masama. Samantala RHAIZA ELIZE Mabilis na lumipas ang araw. Araw araw parin kami sa Daily routine namin ni Lola Aning. Isang araw din ay dumating si Kuya Luiz. Ang bunsong anak ni Lola Aning. May kalakip itong balita na hindi ko alam kung Good news kay Lola or Bad News. Hindi muna sinabi ni Kuya Luiz kay Lola, dahil pag nalaman iyon ni Lola malamang na baka di din ito magustuhan. "Rhaiza, salamat sa ilang taon na pag aalaga mo kay Mama. Ikaw lamang ang nakakuha ng loob myan. "Walang ano man Kuya Luiz, oo nga po naalala ko nung una, sinusungitan nya ako at hinahagis pa ang mga Kutsara at Baso kapag ayaw nya kumain hehe pero ngayon nakikipag lokohan pa sa akin." Wika ko pa. "Oo nga Rhaiza, pero may gusto akong sabihin sayo, pero hindi muna namin nais sabihin kay Mama. Saka na siguro kapag malapit na, pqra di na sya mag isip." Anya ni Kuya sa seryosong sabi kaya napaisip din ako. "Bakit Kuya? A..ano pong meron?" Usisa ko. "Rhaiza, Nag usap kaming Magkakapatid. Napag desisyonan na na rin naming mag asawa na doon narin mamuhay sa ibang bansa dahil ako na lamang ang naririto. Kaya nag decide kami ni misis na doon na rin kami. Syempre kung andon na kami kailangan na rin naming isama si Mama. Ok naman kina Ate dahil matagal na nilamg gusto si Mama na isama. "Ah, ganon po ba Kuya? pero si Lola ang nais nya ay dito sa Pilipinas. Pero wala naman pong magagawa dahil naroon na kayong mga Anak nya. "Ganon na nga Rhaiza kaya sinasabi na rin namin sayo. Sa mga susunod na buwan maaring lumipad na kami. Pero hwag ka mag Alala dahil sinisigurado ko na ibibigay parin namin ang sahod mo maging ang buong taon. Para habang naghahanap ka ng malilipatan or kung gusto mo magsimula ng maliit na negosyo." Anya pa ni Kuya Luiz. "Naku Kuya, ayos lamang ho, kkahit papano nakaipon naman ako ng konti. Di naman suguro ako mababakante ng matagal. "Hindi Rhaiza, basta lahat kami ay nagpapasalamat sayo kaya may matatangap ka sa aming magkakapatid. Basta sa ngayon sinabi ko na muna sayo para may Idea ka. Pero sana ay hwag mo rin muna banggitin kay Mama okay?" "Oo Kuya, mananatiling sekreto, makakasigurado po kayo na sa inyo lamang malalaman ni lola." Dagdag ko pa. Matapos namin mag usap ay nagpaalam na rin si Kuya Luiz. Habang nanood ng TV si Lola ay tinitingnan ko sya at di maiwasan na maluha ako. Ilang taon din kasi kaming nagkasama. Hindi ko naman namalayan na Nakita nya pala ako na Nakatitig sa Kanya. "Oh Rhaiza bakit ka ga naiiyak dyan? Masama ba ang pakiramdam mo?"tanong ni Lola sa akin kaya dali dali kong pinunasan ang aking Mata. "Hah? Naku Lola hindi po, nasurot po ang mata ko, kaya nagluluha " pagsisinungaling ko kay Lola. Paniwalaan man nya ako o hindi ay hindi ko na alam. "Kow, Haha abay kung saan saan ata nakatingin ang iyong busilig kaya napupuwing." Anya pa ni Lola kaya tinawanan ko na lamang. Walang kaalam alam si Lola na ano man sa mga susunod na buwan ay magkakahiwalay kaming dalawa. Wala akong ibang dalangin kundi na sana kapag dumating ang araw na iyon sana ay matangap nya. Sana ay di na sya tumutol pa. Masaya rin naman ako para sa kanya dahil magkakasama na sila kasama ang ibang mga anak nya at mga apo. Maging sila Kuya Luiz. Kinabukasan ay maaga akong nagising. Dahil Tulog pa si Lola Ay nagwalis muna ako ng harapan saka ako naglabas ng Basura. Nagulat pa ako ng may Babae akong makasalubong. Sa Tingin ko ay Bago lamang ito dahil ngayon ko lamang nakita ang pag Mumukang iyon. Maputi ang Babae, ayos na ayos ang kilay, Mamula mula ang pisngi na tila naka apply agad ng sunscreen kahit na masyado pang maaga at ang labi ay tila mamula mula. Nagkatitigan kami lalampasan ko na sana sya ngunit bigla syang nagsalita. "Hi, Taga dyan kaba sa kabilang bahay? Ako nga pala Yung taga dito sa kabila, Kakalipat lang namin kahapon, Ang tahimik naman dito sa subdivision na to ano? Tapos wala pa akong makitang gwapo. Tapos yung guard naman matanda na." Wika pa nito na ang dami agad nasabi. "Ah, Oo tahimik lang talaga dito sa Subdivision na ito." Sagot ko naman habang nakatingin sa babae." "Oh, bat ganyan ka makatingin sa akin? Ngayon ka lang ba nakakita ng ganito kaganda? Hehe sabi na nga ba eh, kahit saan ako dalhin madami paring gandang ganda sa akin." Turan pa nito kaya napahawak ako sa aking dibdib. "Oo nga pala Ako nga pala si Zhel, Taga dyan lang ako, Ako kasi ang Kinuha na tagapag alaga ng Tyahin ko." Sabi nito kahit di ko naman tinatanong . "Ah, Ganon ba..nice to meet you Zhel " wika ko naman. "Nice to meet you? Hindi ka pa nga nagpapakilala haha ano bang pangalan mo?" Tanong nito sa akin. "Ahm..Rhaiza...Rhaiza Elize." Sagot ko naman dito. "Taray...Birhen na Birhen ah May Jowa ka ba? Hahaha " tanong nito. "Huh? Wala...Matagal na akong walang nobyo." Sagot ko rito. "Ayyy Ganon, ok lang yan..Nice to meet you Rhaiza, Nga pala follow mo ako sa IG ZhelGanda may 200k followers na ako don, wala eh.. Gangyan talaga pag magaganda hehe." Dagdag pa nito. Natawa na lamang ako at napailing. Kalog din ang babaeng ito at mukang araw araw na magugulo ang araw ko dahil dito. "Oh sya Dyan kana Rhaiza pasok na ako, baka hinahanap na ako ni Tita babush." Wika nya saka nag paalam. Natawa na lamang ako saka pumasok sa Bahay. Muka namang mabait si Zhel yun nga lang parang may kalokohan ding taglay. Natatawang wika ko saka tuluyang pumasok sa bahay para tingnan si Lola.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD