ENGR. ANTONELLO
Isang araw ay umattend ako sa isang seminar. Doon ko nakikilala ang ibang kasama namin sa Proyekto na nakuha namin. Nakilala ko doon si Aeolus or Ae isa sa mga Engr na syang nag present ng plano. Pinanood namin ang presentation nya at talaga namang napa believe kami. Naalala ko tuloy nung una ako nagsimula. Pero si Ae bata pa pero grabe na ang experience nya. Nag aral din pala sya sa ibang bansa at nagtrabaho sa Europa ng ilang taon. At ang nakaka believe pa doon isa pala syang Cancer Survivor.
Napaka grabe ng dedication nya sa kanyang trabaho. Natutuwa ako na sa Team ko sya napunta. Naririnig ko na ang pangalan nya noon na isa sa Magaling sa Larangan na kinabibilangan nya. Pero ngayon ko lamang sya nakita ng personal.
Nalaman ko din na meron na rin pala itong Pamilya. Lahat daw ng meron sya at Kung ano sya ay para sa kanyang Asawa at mga Anak. Iyon ang lamang nya sa akin. Pinakita din ang Larawan nya at ng Pamilya nya at kita doon kung gaano sila kasaya.
Matapos ang presentation ay nagkaroon ako ng chance na magkausap kami.
"Hello Engr. Lanzuela, Engr. Escaño here"
"Nice to.meet you Engr.Ae, nagagalak ako na makilala ang pinaka batang Inhenyero ngunit napakarami ng achievement hehe." Anya ko dito kaya natawa sya.
"Hala...hehe sakto lang po Engr.Antonnello, Kayo nga po, balita ko isa rin kayo sa magaling na Engr sa larangan nyo hehe." Balik naman na papuri nito.
"Hehe, hindi rin naman sakto lang din,"
Anya ko naman kaya nagkatawanan kami lowkey lamang din itong si Engr.Ae kaya gusto ko din maka trabaho ang tulad nya.
Matapos naming makapag usap ay nagpalitan din kami ng numero dahil sa mga susunod na lingo ay sisimulan na rin namin ang aming Proyekto.
Masaya ako na kahit na di ganon gaanong kalakas ay patuloy parin kaming nakakatangap ng mga Project.
Lumipas ang mga araw ay nag decide akong umuwi sa Laguna. Birthday kasi ng pamangkin kong si Julio kaya naman namili ako ng regalo para dito, pati narin ng pasalubong kina Mama at Papa.
Napangiti ako ng makita ang aming Bahay. Napakaaliwalas noon. Naabutan ko pa si Papa at Mama na ang Didilig ng halaman, habang si Papa naman ay ng mga pananim namin.
Natanaw ko naman ang aking Dalawang Kapatid ang Bunso naming si Angela at ang Sumunod sa akin na Si Angelo na buhat naman ang anak nito, medyo ilang taon din ang pagitan naming dalawa. Meron na itong dalawang anak na Babae at Lalaki na kasalukuyang buhat nya. Nasa isang taon pa lamang ito
"Wow ang daming Bunga." Sigaw ko kaya napatingin sila sa akin. Agad naman silang nagtakbuhan papalapit.
"Hala si Kuya, !
Mama, Papa Andito na po si Kuya." Sigaw ni Angela.
"Kuya, Kumusta?.buti at umuwi kana miss kana maming lahat." Anya ni Angelo.
"Hehe na mis ko rin kayo Bro, lalo na itong mga pamangkin ko." Wika ko pa saka hinawakan ang anak ni Angelo.
Nagulat pa ako mg akmang sumama ito sa akin kaya binuhat ko ito.
Hangang sa maglabasan din ang iba ko pang pamangkin.
Si Julio na mag bi birthday bukas sampung taon na ito bukas, at ang kanyang kapatid naman na si Jea na limang taon. At ang Panganay ni Angelo na si Angelie na nasa apat na taon naman. Suma tutal 4 na ang aking mga Pamangkin. 2 kay Ate Athena at 2 kay Angelo.
"Aba ka cute naman ni Baby Gelo prenteng prente sa Tito." Anta ni Mama nang makitang buhat ko si Gelo.
Nagmano naman ako dito saka kay Papa.
"Kaawaan ka mg dyos anak, buti naman at naisipan mo na umuwj na muna.
"Opo Mama, Papa baka magtampo na po kayo kapag di parij ako umuwi " biro ko sa kanila.
"Haha, oo nga, di naman kami mag tatampo, pero yang pamangkin mo baka magtampo na haha, alam mo naman na maka Tito Iyan." Anya ni Mama saka tinuro si Julio.
Mahiyain na ito dahil mag sa sampung taon na. Binigay ko naman si Baby Gelo sa ama nito. Saka ko kinawayan si Julio at nahihiya pa itong lumapit sa akin.
"Happy Birthday Julio, ang laki mo na ah hehe binata ka na."
"Salamat po Tito, Happy po ako kasi andito ka na ulit."
"Syempre Birthday mo eh hehe, Laki laki mo na, bukas ko na ibibigay ang regalo mo ha, bukas pq naman ang birthday mo." Anya ko saka ko sya inakbayan. Sya ang unang pamangkin ko kaya sya talaga ang nakatikim ng bonggang pagmamahal dahil unang pamangkin. Talagang todo suporta din ako sa batang ito. Sinasaway na nga ako nila ate noon na wag na bumili ng kung ano ano. Pero dahil unang pamangkin kaya di nila ako napigilan. Kaya naman sobrang napakalapit din sa akin ng batang ito.
Maya maya lamang ay dumating na rin sila Ate Athena kasama ang asawa nitong si Kuya Tim.
"Tol, mabuti naman at napauwi ka, hehe magtatampo na talaga yang pamangkin mo haha."
"Bayaw kumusta? Mabuti at nadalaw mo kaming lahat" dagdag pa ni Kuya Tim.
"Hehe Oo Kuya Tim, syempre birtday ni J̌ulio" dagdag ko pa.
Walang patid na kwentuhan ang naganap sa unang araw na dating ko. Sakto kasi na Friday iyon at bukas ang birthday ni Julio sa Lingo naman ng hapon ang balik ko sa Maynila.
Sinulit namin ang araw na naroroon ako, nakakamis din ang simoy Pribinsya.
Isang Simple but memorable naman ang celebration na ginanap sa bahay para sa birthday ni Julio, mga malalapit na kamag anak at kaibigan naman ang kasama naming mag celebrate. Tuwang tuwa naman si Julio sa regalo ko na bagong Cellphone. Ang sabi kasi ni Ate ay ang lumamg cellphone na pinaglumaan nya ang gamit nito.
Sobrang tuwa ng pamangkin ko kaya todo yakap ito sa akin. Ang sabi ko naman basta mag aral sya ng mabuti at maging mabuting anak sya. Pero mabait naman ang aking pamangkin kaya deserve nya naman iyon.
Noong gabi ay nag nag karon din kami ng inuman na magkakapatid kasama ang mga partner nila. Yun mga lamang para akong na Hot seat dahil ako lamang ang walang kapares.
"Ano Kuya? Wala ka parin bang ipapakilala sa amin? Aba buti tong si Bunso may Jowa na, baka sa susunod magpakasal na rin itong dalwa, ikaw wala ka paring pinakikilala sa amin." Anya ni Angelo.
"Hahaha, Sinong ipapakilala ko? Yung mga Poste na ginagamit namin sa project?" Biro ko naman.
"Ay nako Utol, Bat kasi ayaw mo manligaw? Aba sayang naman ang lahi mo? Gwapo ka pa naman kapatid. Sayang naman kung wala kang ambag na supling sa Pamilya natin." Litanya ni Ate Athena, natawa na lamang ako.
"Hehe Ok lang, may mga Gwapo at Maganda naman akong mga Pamangkin, saka mag kakaanak din tong si Angela at Lee kapag naikasal na kaya Ok lang.' Dagdag ko pa.
Wala talaga silang tigil sa pangungulit sa akin. Naniniwala daw sila na may babae pa na nakalaan para sa akin, napailing at natatawa na lamang ako sa aking Pamilya na talagang Pinagtutulakan at Hino Hope na magkaka asawa parin daw ako.
Samantala
Lingo na ng hapon nang bumalik ako sa Manila. Hindi naman gaanong trapik kaya nakarating agad ako ng maaga sa aking Bahay.
Kung gaano kasaya kanina sa bahay sa laguna ay ganon naman katahimik at kalungkot dito sa Bahay.
Pagdating ko ay sinalubong agad ako ni Calla at ni Lily. Si Calla ang alaga kong aso at si Lily naman ang alaga kong Pusa. Sila ang mga kasama ko sa bahay. Mabait sila pareho at hindi nag aaway. Tao ang turing ko sa kanila, dahil sa tagal ko na silang alaga ay natutunan narin nila ang dapat. Minsan mas madali pa turuan ang hayop kesa sa tao.
Mag papahinga na sana ako ng makatangap ako mg mensahe galing sa aking kaibigan. Nakauwi na pala sya ng pilipinas at nais nya na dumalaw sa akin dahil along the area lamang sya. Apat na taon din kaming di nagkita kaya naman sinabi ko na pumunta na lamang sya sa bahay. Naghanda lamang ako ng Wine para sa chill shot naming dalawa.
Inaanak ko rin pala ang panganay nya.
After 30 minutes nga ay tumunog na ang doorbell at niluwa noon si Brielle ang aking Kaibigan at Kumpare.
"Oh Pareng Anton, kumusta long time no see ah..hehe mas lalo na gumanda itong bahay mo ah, kaso ang tahimik hehe."
"Hehe Oo pinaayos ko nung nakaraang taon, saka pano iingay e ako lamang naman dito."
"Haha yun na nga eh, Kailan ka ba kasi lalagay sa Tahimik? Ine expect ko pa naman na pag punta ko eh may Magandang Babae at May bibong batang sasalubong sa akin pero wala pa rin pala hehe." Anya pa nito kaya natawa na lamang din ako.
"Kayo talaga...hahaha Parang simula sa bahay ganyan din sila sa akin, pati ba naman ikaw brielle hehe."
"Naman, hahaha di ka ba naiingit? Aba yung inaanak mo malaki na at Buntis na ulit si Misis sa ikalawa naming anak." Anya pa nito. Talagang walang humpay na kwentuham ang aming gunawa. Nag throwback din kami ng mga kalokohan namin noong college. Nakakamis din nga ang ganitong usapa. Bandang alas Otso na nang magpaalam na rin si Brielle para umuwi. Hinatid ko pa sya sa labas ng bahay. Pagbalik ko sa loob ay muli akong sinalubong ni Lily ang aking Pusa saka ito tila bata na nagpapa Baby kaya magiliw ko itong kinuha at hinaplos ang balahibo.
"Ok lang naman kahit wala pa akong Pamilya. Pamilya ko rin naman kayo diba, Kayong dalawa ni Calla, Kaya wag kayong mag aaway dalawa ha para palagi tayong masaya." Wika ko pa kay Lily saka naman tumakbo papalapit si Calla at Nakilambing din sa amin. Nakakatuwa ang mga alaga ko, kahit papano hindi ko Masyadong maramdaman na nag iisa ako.
Samantala
RHAIZA ELIZE
Tulad ng aming nakasanayan kapag umaga ay umiikot kami ni Lola sa Subdivision. May araw na pinaiinitan ko rin kasi sya at inilalabas sa umaga para naman makalanghap ng sariwang hangin.
Habang tulak ko si Lola ay Di inaasahan na makasalubong namin si Zhel ang bago naming Kapit bahay.
"Good morning Rhaiza...Magandang Umaga din po Lola." Bati nito sa amin.
"Magandang Umaga rin sa Iyo Zhel." Bati ko pabalik. Ipinakilala ko rin si Zhel kay Lola, at ganon din si Lola dito.
Pansin ko na kontodo make up na naman itong si Zhel, Naisip ko na baka may importante itong lakad dahil pusturang Pustura ito, at naka heels pa na hindi maman masyadong mataas mga 2 inch siguro.
"Nag papa araw pala kayo sa Umaga Rhaiza."
"Oo Zhel, para makalanghap ng sariwang hangin si Lola. Ikaw? tila may importanteng lakad ka Zhel at pusturang pustura ka, nga pala naka follow nako sa IG mo ah." Dagdag ko pa.
"Wow.. talaga ba? Touch naman ako Bff, from now on BFF na talaga kita. Nakita mo ba mga Post ko? Ang ganda ko no? Kung gusto mo maging updated sa Akin Dun ka lang tumambay sa IG hehe walang masyadong Memosa Don, Di Tulad sa Blue App ang dami pang Iyakin hehehe." Anya pa nito na tila di napapagod ang bibig sa pag kwe kwento.
"Sige Sige..Di rin maman ako masyadong pala Blue App kaya sa Insta nalang tayo." Sagot ko pa.
"Oh Sya sige dyan na muna kayo Rhaiza at Lola, may pupuntahan pa kasi ako." Anya nito.
"Uu nga Hija, saan ba ang punta mo at Pusturang pustura? Ikaw gay may mahalagang lakad?" Usisa ni Lola.
"Naku, wala po Lola, Bibili lang po ako ng Pandesal, nalampasan po kasi kanina. Hindi po ako umabot nakadaan na po pala paglabas ko. Sayang nga po eh, Sobrang ganda ko naman para maghabol sa Mag papandesal kaya hinayaan ko na lamang po. Bibili na lang po ako sa Bakery sa Labas ng Subdivision." Sagot nito kaya nagkatinginan kami ni Lola.
"Hehe...So sa Bakery ka lang pala Pupunta Zhel?"
"Oo Rhai, Alam mo na ganito talaga kapag may 200k followers hehe dapat lagi maganda, para kung sakali na may mga Stolen na kumuha ng larawan natin sa labas dapat Maganda parin tayo hehe." Wika pa nito. Natawa na lamang din ako. Nagpaalam na rin kami ni Lola saka kami pumasok sa bahay. Si Lola naman ay tawa ng tawa habang tulak ko.
"Hahaha kakatuwa ang kaibigan mong iyon, abay kainaman, kuntodo paganda abay bibili laang pala ng Pandesal hahaa"
"Hehe, opo nga Lola gusto po kasi ni Zhel na palagi syang presentable at Maganda pero legit po Lola dami nya pong followers." Anya ko pa.
"Talaga? Aba ay kainaman nga ang kamandag ng dalagang iyon, hehe, Kaya ikaw mag ayos ka rin. Hindi porke nasa bahay lang tayo eh di kana mag aayos. Alam ko naman na maganda ka rin kahit walang make up, pero tulad ng sabi ko, i enjoy mo rin ang mga Bagay Hija.
Kaya may Version ako ng kanta ni Bamboo.
Rhaiza makinig Ka, Humarot kung kailangan para makatikim ka ng pagkaing Hilaw" anya pa ni Lola na kinanta pa sa tono na Tatsulok.
"Hala Lola kayo talaga ang dami nyo pong alam." Natatawang wika ko na lamang.
"Aba ay totoo iyon Rhaiza, nung kabataan ko akoy humarot din naman ng bahagya pero sa Tatay laang naman ng mga Anak ko. Kaya pag nakita mo ang lalaki na gusto mo at sa tingin mo ay para sa iyo ay sya wag magpa tumpik tumpik pa Abay unahan mo na haha." Anya pa ni Lola.
Dahil sa bahay lamang kami at di na kami lumabas pa ay inaya na lamang ako ni Lola na mag bingo pamalipas oras, sakto naman at Nangapit bahay si Zhel kaya inaya rin sya ni Lola maglaro kaya heto at nag bi bingo kaming tatlo. At si Lola pa talaga ang humawak, nag shake at bumola nito.
"Sa Letra ng O paborito ko, 69"
Wika ni Lola kaya nagkatinginan kami ni Zhel.
"Sa Letra ng B, masarap kapain, masarap kainin JUTEN"
Tawang tawa si Zhel habang bumobola si Lola Aning.
"Hala Si Lola Aning, Maka Juten Din haha" anya pa ni Zhel kaya pigil ako sa pagtawa.
"Sa Letra ng O... KALBONG KULOT 73"
"Sa Letrang N may kaputukan pero di Kalakasan 38."
"Sa Letrang I..."
"Sweet 16?" Anya ni Zhel ngunit pinutol ni Lola.
"Hindi, Mali."
"Sa Letrang I.... I'll keep on loving you
Kung sadyang 'di ako ang sigaw at t***k ng puso mo Hahaha Sa letrang I... dalwang baklang nakaluhod BENTE DOS."
anya pa nito napakamot na lamang ako sa Ulo, saka kami nagkatinginan at nagkatawanan ni Zhel dahil sa mga Padali ni Lola Aning.
At sa dami din ng numero na tinawag ni Lola ay hindi man lang ako namuro. Si Zhel ang panalo sa unang laban. Naka tatlong game din kami ngunit si Lola pa ang dalwang beses nanalo. Hangang sa umuwi na si Zhel dahil tumakas lang daw sya sa Tita nya.
Kita ko ang Saya sa Mukha ni Lola dahil may bago kaming Ka kwentuhan, pero Deep inside ay Nasasaktan din ako, dahil walang kaalam alam si Lola na sa mga susunod na buwan ay maaaring hindi na kami mag kakasama. Tuluyan na syang malalayo sa akin.