RHAIZA ELIZE
Mabilis na lumipas ang araw at sumapit ang aking Kaarawan. May simpleng celebration na hinanda sila Kuya Luiz sa akin. Binilhan nila ako ng Cake at Si Zhel naman ay ipinagluto ako ng Carbonara at Shanghai. Di ko naman i neexpect ang ganito ngunit masaya ako. Binisita din ako ng aking kapatid na nasa Maynila. Nagpaalam daw sya na sasaglit sa akin at babalik din sa hapon. Samantalang sila Nanay at Tatay naman ay naka videocall ko, Binati din nila ako. Tuwang tuwa ako nang makita ko sila. Pinakita pa ni Tatay ang Bangka na kanyang nabili galing sa naipon nyang pera na ipinadadala ko. Napakasinop ng aking mga magulang. Talagang pinahahalagahan nila ang bawat piso na pinaghihirapan ko. Maganda narin ang aming bahay na dati ay Kubo ngunit sa awa ng dyos ngayon ay Sementado na, di na kami binabaha, hindi na rin kailangan mag lagay ni Tatay ng pandikit o di kaya magsahod ng lata para sa tulo ng aming bubong, dahil ngayon ay matiwasay na silang nakakapag pahinga ng maayos na di na kailangan bantayan ang mga tulo kung puno na.
Sa simpleng kaarawan ko ay labis ang aking Galak pinaka masayang birthday ko ata ito dahil kahit sa Videocall ay nakasama ko sila na mag celebrate pati ang bunso namin.
Wala na akong ibang mahihiling pa.
Nang pahipan sa akin ang Cake ay pumikit ako at nagdasal. Saka ako humiling. Marami akong hiniling sa aking kaarawan. Una Sana ay palaging Malakas si Nanay at Tatay at walang maramdaman na sakit, Ganon din ang aking mga Kapatid, Sanay gabayan sila palagi kung saan man sila naroroon, sa school man o sa trabaho at naway matupad ang kanilang mga pangarap. At huli ay para sa akin. Naway palagi din akong malakas para makabawi pa ako kina Nanay At Tatay, para maparanas ko pa sa kanila ang buhay na nais kong maranasan nila, At Sa Pag ibig naman, Kung may ipapadala man po kayo para sa akin, sana yung sa akin na po talaga." Yan ang aking hiling saka ko hinipan ang kandila na nakapatong sa Cake.
Nagpasalamat naman ako sa mga nag abala sa aking kaarawan, Ganon din sa aking kapatid na si Roger, Nagpaalam na rin sya noong hapon dahil kailangan nya na makabalik sa Accommodation nila.
"Ate, HAPPY Birthday ulit ha, salamat dito sa pa take out mo."
"Walang ano man, salamat din sa pagpunta, naglaan ka ng oras para makisaya."
"Oo naman Ate, ate kita eh ehehe saka buti andito lang ako medyo malapit.
"Oh sya mag iingat ka, nga pala heto idagdag mo sa allowance mo." Anya ko saka nilagay sa kamay nya.
"Hala ate salamat dito ah, ikaw talaga."
"Hehe ayos lang yan, pasasaan ba sa susunod ikaw naman ang tutulong kay Ranna kapag nakaalis kana."
"Oo naman ate.. babawi ako sa susunod." Sagot nito.
Dahil pauwi na rin sila Kuya Luiz ay sinabay na rin sila si Roger palabas ng subdivision.
Kada araw ay sinusulit namin ni Lola, ina update naman ako ni Kuya Luiz sa mga papeles ni Lola? Visa na lamang ang kanilang hinihintay. Unti unti na rin akong nag ayos ng aking mga damit. Ngunit ginagawa ko iyon kapag hindi kita ni Lola Aning.
Hangang sa dumating ang araw na aking pinapakiusap na sana ay wag muna mangyari. Umuwi ang mga Anak ni Lola galing ibang bansa mag babakasyon sila rito ng ilang lingo at pagbalik nila ay kasama na nila si Lola Patungo sa Ibang bansa.
Kita ko ang saya sa Mukha ni Lola ng makita nya ang kanyang mga anak at apo. Nasa di ako kalayuan at pinapanood sila. Ilang araw na lang ay isasama na rin nila si Lola.
"Saglit.. Rhaiza..Rhaiza..ikaw ngay Pumarine, bat na andyan ka, halika dito, tingnan mo ang mga pasalubong ng Ate Nancy at Ate Krissa mo, para daw ito sayo pa birthday nila sayo..Dali.' Nakangiting tawag sa akin ni Lola. Nakatingin naman sa akin ang mga anak nya at sinenyasan ako. Kaya lumapit din ako sa mga ito. Mabait din naman ang mga Anak ni Lola.
Kinuha ko ang mga pasalubong ni Lola para sa akin.
Saka naman ako nag excuse para naman ayusin ang Hapunan namin.
Masasayang kwentuhan ang nangyari ng gabing iyon. At nang makatulog si Lola ay Kinausap ako ng kanyang mga Anak.
"Rhaiza, maraming salamat sa Pag aalaga kay Mama, sa mga oras na dapat kami ang nag aalaga sa kanya, salamat dahil nariyan ka at ikaw ang gumawa noon. Nasabi na rin naman sayo ni Luiz ang balak naming magkakapatid diba? Isasama na namin si Mama. Pero bago iyon mag Bo boracay muna tayo at sa Pauwi galing sa Airport ikaw na lamang ang babalil dito dahil si Mama ay isasama na namin patungo sa Ibang bansa." Anya ni Ate Nancy.
Nakadama ako ng lungkot, saya at habag para kay Lola Aning.
Masaya dahil sa wakas makakasama na nya ang kanyang pamilya. Mag cecelebrate pa at mag a outing pa sa Boracay. Habag dahil wala syang kamalay malay na iaalis na sya ng pilipinas. Na sa ibang bansa na sya maninirahan. Literal na Pinasata muna saka paiiyakin.
"Nga pala Rhaiza, heto pala ang kabuuan ng sahod mo buong taon, para Kahit paalis na kami makapag simula ka kung ano man ang plano mo. At eto naman ang advance 13th month pay namin sa iyo at Bonus." Anya naman ni Ate Krissa saka iniabot ang sobre.
"Salamat po, pero ang laki naman po yata nito Ate."
"Wala iyan kompara sa pag aalaga at paninilbihan mo sa pamilya namin. Salamat dahil sayo nasanay si Mama at napamahal narin si Mama sayo.
"Walang ano man po, napamahal narin naman po ako kay Lola Aning, Masaya po ako na sa wakas magkakasama na kayo, pero malungkot din po dahil malalayo na sya sa akin. Pero ganon po dalangin ko ang para sa ikaliligaya at ikabubuti ni Lola.
"Salamat Rhaiza, nga pala..maari ka muna tumira dito hangang katapusan then saka mo i surrender
ang susi sa Management nitong Subdivision kapag aalis ka na. Nainilin na rin namin sa kanila."
Dagdag pa nila Ate Krissa. Tumango naman ako.
Nang gabing iyon ay hindi agad ako nakatulog. Maya maya ay nag notif ang cellphone ko. May chat si ZhelGanda sa Insta.
"Woi BFF may nasagap akong Tsismis totoo ba na aalis na si Lola Aning?"
"Oo Zhel, after namin mag boracay ako na lamang ang babalik dito at si Lola maman ay diretso na kasama ang mga anak.' Reply ko pa sa kanya.
"OMG so sad for Lola Aning, wala syang idea na di na kayo magkasama?
"Oo, ayaw ipaalam nila Kuya Luiz."
"Ah, so.anong plano mo nyan?"
"Hmm..hahanap ng bagong work syempre. Ang sabi nila Ate ay pwede pa ako tumira dito hangang katapusan kaya maghahanap hanap muna ako."
"Hmm..sa bagay ang bilis naman kakakilala palang natin magkakahiwalay agad tayo? Kami din hinihintay lang namin na matapos ang bahay na pinaaayos ni Tita tapos aalis na rin kami dito.
"Ganon ba? Saan naman kayo lilipat?
"Hmm..Sa Alabang, doon kasi nakabili ang mga anak ni Tita ng bahay, hindi brand new at marami ring inayos pa kaya dito muna kami, pero patapos na rin iyon." Anya ni Zhel.
Kinabukasan nga ay nagtungo na rin kami sa Boracay. Sobrang saya ng Pamilya nii lola aning.
Talagang enjoy na enjoy si Lola, hindi ko alam kung nakakaramdam ba sya? Dahil gusto nya ay nasa tabi nya ako. Talaga namang sinulit naming dalwa ang boracay na iyon. Maging sa huling araw.
Simula pabalik sa Maynila ay ramdam ko na ang lungkot. Hangat maaari ay ayaw ko na makikita si Lola aning na Lumalayo.
Habang lulan ng eroplano ay hawak nya ang kamay ko. Hinawakan ko rin naman ang ibabaw niyon.
"Lola Aning, salamat ng marami. Hindi ko makakalimutan ang memories natin na ito. Ang ganda ng mga pictures natin sa Bora hehe." Wika ko pero deep inside ay nagsisimula na mag landas ang luha ko kaya nakasuot na ako ng shade.
"Oo nga Hija, napakasaya ko, sayang pagkakataon mo na sana iyon, kadaming Afam eh sana ay nagpa Cute ka muna, panay ang tingin sa iyo eh, ikaw laang eh di mo kasi ako iniwanan muna sanay naghanap ka muna doon." Anya pa nito.
"Naku kayo talaga Lola haha, ayoko din naman po sa Afam, pinoy parin ang gusto ko Lola."
'Haha Oo nga, sa bagay mas masarap parin mag mahal ang Pinoy, yun ay kung nasa tamang tao ka hehe." Anya pa nito.
"Opo nga Lola, kaya bahala, dumatinv na lang kung meron, kapag wala po talaga ayos lang din hehe" wika ko pa.
Lumapag ang eroplano na aming sinasakyan saka kamj naghintay pa ng ilang oras, nagdahilan lang sila Kuya na doon na lamang kumain sa airport habang hinihintay ang flight nila.
Napakabigat ng Puso ko, Niyakap at nagpaalam ako sa mga Anak ni Lola at Nagpasalamat hindi pa iyon na papansin ni Lola hangang sa huli ay napatingin sya sa akin habang bitbit ang dala kong maliit na luggage.
Hangang sa lumapit akobsa kanya at Yumakap kasunod noon ay ang pagbibigay hudyat ng anunsyo sab airport para sa Flight.
"Lola Aning, maraming salamat po sa lahat, palagi po kayong Mag iingat. Palagi kayong kakain at iinom ng gamot sa tamang Oras. Remember Wag magpapasaway, at Baka hindi kayo magkita ng Irog mo sa Langit." Wika ko na pinipilit timawa kahit nag sisimula ng Maiyak.
"OO na ikaw na bata ka talaga, Teka bat ka ba nag Papaalam, ikaw bay Aalis na? Ako bay iiwanan mo na?" Tanong ni Lola Aning, ngunit imbes na sumagot ako ay sila Kuya Luiz na ang nagsabi.
"Mama, Tayo ho ang aalis, Ngayob na po ang flight natin patungo sa ibang bansa." Wika ni Kuya Luiz.
"Hwag mga ninyo akong biruin ng ganyan, sinabi ko na sa inyo! Dito ako sa Pilipinas Mamamatay!"
"Pero Ma, makinig naman po muna sana kayo, subukan nyo rin naman ho sana na mamuhay kasama kami, gusto rin naman namin kayong Makasama ma." Sagot ni Ate Nancy.
"Kung iyon ang gusto nyo Fine! Dito kayo sa Pilipinas mahihimlay, pero Mama buhay pa kayo, baka naman pwede pa muna nating sulitin ang oras na kasama namin kayo.' Dagdag pa ni Ate Nancy.
"Hindi na Umimik si Lola ngunit tumango na lamang ito.
Ngunit maya maya ay nagsalita din.
"Sige, papayag ako, pero tulad ng sabi ko, kapag nawala ako iuwi nyo ang labi ko sa pilipinas at itabi sa libingan ng ama ninyo." Wika pa nito.
Tumango naman ang kanyang mga Anak.
Maya maya ay ako naman ang Hinarap nya.
"Rhaiza Elize! Salamat Hija, Salamat sa pag aalaga mo sa akin. Mag iingat ka palagi ha. Ipagpalatuloy mo lamang ang pagiging Mabuti dahil dyos na ang bahalang Gumanti.
Wala akong ibang hiling sa iyo Kundi sana ay Makatagpo ka ng lalaki na Mamahalin ka ng Totoo. Balitaan mo ako palagi ha.
"Opo Lola Aning, hayaan nyo po Friend ko naman po sila Ate Nancy, mag memessage po ako sa kanila para i update kayo" anya ko.
"Hindi Na Kailangan, I search mo nalang ako sa i********:.
"LOLAHYPE69" pinagawa ko iyan kay Zhel nung nakaraan. May 50 Followers na rin ako, Di na masama." Anya pa ni Lola kaya nagkatawanan kaming lahat.
"Ay naku Talaga ang Mama, ayaw pakabog? Dinaig mo pa Kami hehe."
"Syempre eto na ang magiging libangan ko basta Rhaiza Pm Pm nalang ha." Anya pa nito.
"Opo Lola, Basta po Mag iingat Kayo ha, Mahal ko po Kayo."
"Mahal din kita Rhaiza, abangan mo nalang mga Post ko. Unang post ko.
"Unang Gabi sa Piling ng Kano" wika nito.
"Mama talaga hehe." Saway naman dito ni ate Krissa.
"Opo Lola,palagi ko po kayo kukumustahin Salamat po ulit." Anya ko saka muli yimakap sa kanya.
Pumasok na sila sa loob at ako naman ay Kumakaway sa kanila habang lumalakad sila Palayo.
"Salamat At Ingat Lola Aning, hangang sa muli nating pagkikita." Bulong ko sa hangin habang patuloy ang pagkaway sa kanila, hangang sa makapasok na sila sa loob at tuluyang maglaho sa aking Paningin.