ANTONELLO
Kasalukuyan kaming narito sa isang project na tinatapos namin. 2 buwan din namin itong Ginawa sa wakas ay Malapit na ring matapos.
After kasi nito ay sa isang malaking Project na naman kami ma a assign. Mabuti na lamang at dito lamang din around Muntinlupa, kahit papaano ay malapit sa lugar ko.
Sa Tagal ko na sa trabahong ito, ibat ibang klase ng tao na rin ang nakakasalamuha ko. Lahat ay may iba't ibang kwento.
Ang pinaka matanda sa tao ko ay Si Mang Tasing, 55 na sya ngunit di pa sya humihinto dahil may anak pa syang magtatapos. Masipag si Mang Tasing kaya naman napalapit din ito sa akin. Ang pinakabata ko naman na tauhan ay si Andoy, 20 anyos lamang ito ngunit tulad ni Mang Tasing ay masipag din ito. Nag iipon naman sya para daw sa susunod na pasukan ay makaag patuloy sya. Napahinto kasi sya dahil sa pagkawala ng kanyang Ama, ang masaklap pa kapapanganak lamang ng kanyang inansa bunso nilang kapatid, kaya wala syang nagawa noong panahon na iyon kundi ang huminto at tumulong sa kanyang ina para buhayin ang apat nya pang nakababatang kapatid. At tulad ko noon si Andoy din ang breadwinner mg kanyang pamilya kaya ramdam ko sya. Ang sabi ko kay Andoy na kapag nakabalik sya sa pag aaral ay tutulungan ko sya sa ibang bagay.
Wala rin naman akong problema sa iba kong mga tauhan dahil masipag din naman sila. Mga pamilyado na ang iba at ang iba naman ay binata ngunit kailangang tumulong sa Pamilya.
Habang break time ay kinausap ko si Mang Tasing at Si Andoy. Sinabi ki na isasama ko sila sa Bago kong proyekto. Tuwang tuwa naman sila. Mahahati kasi ang kukunin kong tao dalawang grupo kasi ang hawak ko, ang iba ay may trabaho sa pampanga ngunit patapos na rin kaya pareho akong kukuha ng tao sa parehong grupo.
"Tay Tasing, Andoy kasama kayo sa sinama ko para sa susunod na proyekto.'
"Talaga po, saan po ang next natin Sir Anton?"
"Good thing is medyo malapit dahil sa Muntinlupa lamang, isang malawak na bakanteng lote na pag tatayuan mg building at warehouse." Sagot ko pa.
"Yown, Salamat Engineer Anton, kahit papano makakauwi parin ako sa Oamilya ko sa sabado ng Hapon." Anya ni Tatay Tasing, Ganon din si Andoy.
"Salamat po Sir Anton." Nakangiting wika naman ni Andoy.
"Kahit nasa site ay abala parin ako sa pag monitor ng iba naming project. Dahil tulad ng sabi ko madami pa akong ibang hinahawakan, Kaya paano pa ako makakapag asawa nito e sa trabaho palang dun na halos naikot ang mundo ko. Samahan pa ng pagkakataon na minsang magkaron ng aberya. Na minsan ay kailangan ko pa puntahan para malaman ang nangyari kaya talaga namang grabe din ang Pagod, hindi lang Physically but Mentally and emotionally. Pero ganon pa man nagpapasalamat parin ako dahil na hahandle ko pa naman ng maayos. Pero at the end of the Day sa bahay ko parin ako babagsak, Tahimik, Mag isa maliban sa kasama kong Hayop na tinuring ko ng kapamilya ang aking si Calla at Lily. Para narin silang mga Anak na sumasalubong sa akin kapag dumarating ako. Para din silang mga Batang naglalambing sa akin. Maging sa pagtulog ay may araw na kasama ko sila. Ang nakakatuwa lang sa kanila ay alam nola ang gagawin nila. Never silang umihi at nagdumi sa Kwarto ko. Kaya Sobrang mahal ko din talaga ang dalawang ito.
Maya maya ay tumunog ang aking Telepono. Kaya sinagot ko ito. Tumatawag si Vito isa sa mga Kaibigan ko. Binyag ng anak nya sa Lingo kaya ni remind nya ako dahil isa ako sa mga Ninong.
"Hello Dela Cruz, magandang gabi."
"Hi Engineer! Wala lang ni reremind lang kita, Binyag ng inaanak mo sa sunday ah, baka lang kasi sa sobrang pagpapayaman mo ay makalimutan mo na may aatenan ka pang binyag hahaha."
"Grabe ka sa akin haha, kahit busy akong tao nasa Planner ko yang binyag ng inaanak ko kaya wag kang ano dyan hehe."
"Haha Mabuti naman, So yon lang See you on Sunday Ninong Anton, haha malay mo sa binyag ni Vico ka makatagpo mg Future Ninang nya hahaa." Biro pa nito sa kabilang linya kaya napatawa at napailing na lamang ako.
Hahay Bat Ba mas excited at Mas Atat pa ang mga ito sa Love life ko kesa sa akin? Di maiwasang tanong ko saka ako natatawa na bumalik sa aking silid.
Samantala
RHAIZA ELIZE
Ilang araw na ang nakakalipas mag mula ng umalis sila Lola Aning. Wala parin akong nakikitang trabaho. May inaplayan ako kaso ay hindi ko kaya dahil dalwa ang gusto paalagaan sa akin kaya di ko itinuloy.
Habang nag didilig ako ng Halaman ay nagulat pa ako ng biglang lumitaw si Zhel sa likod ko.
"Hmm..Hmmm.Hmm.Hmm..Ay Kiffy mo.!
"Nasaan ..Nasaan!" Sagot naman nito muntik ko pa matapatan ng Hose.
"Zhel naman nakakagulat ka naman bigla bigla ka nalang lumilitaw kung saan saan."
"Hehe, napakagugulatin mo naman, Nakita kasi kita na nag didilig kaya pinuntahan na kita, Sana Ol no, Sana ol nadidiligan pero yung nag didilig walang dilig hahaha." Pang aasar pa nito sa akin.
"Gusto mong Madiligan Oh Ayan. Wika ko saka tinapat sa kanya ang hose ngunit sa paa ko lang naman sya binasa."
"Hahaha ayyy.. hindi ganitong dilig ang pangarap ko haha."
"Ay hindi ba? Hahaa ano ba kasi ang kailangan mo at ang aga pa at narito ka na.?"
"Hmm..wala May pupuntahan kasi kaming Binyagan ni Tita Cora, e sabi nya isama ka daw namin Binyag ng anak ng Pinsan ko."
"Huh? Nakakahiya naman kung sasabit ako sa inyo."
"Ano ka ba, hindi yan ano, saka mabait naman ang pinsan kong si Kuya Vito kaya Sa ayaw at sa gusto mo e sasama ka, para naman makagala tayo." Anya pa nito."
"Hmm..Sige na nga kelan ba yan?
"Hmm sa isang araw pa naman Sunday iyon."
"Hmm..sige na nga. Sure ka na di nakakahiya ah."
"Oo nga sabi hehe, basta sama ka na ah..wala ng bawian hehe." Anya pa nito kaya wala akong nagawa kundi umoo na lamang.
Kinabukasan tulad ng nakasanayan ay maaga ako gumising. Kulimlim noon kaya habang nagwawalis ako ay napatingin ako sa kalangitan.
"Hmmm...Bat ang kulimlim may bagyo kaya?" Tanong ko saka tinuloy ang pagwawalis. Naalala ko bigla. Bukas na pala ang binyag na aming pupuntahan. kaya kailangan ko na bumili ng regalo sa anak ng Pinsan ni Zhel. Tama pagkatapos ko mag linis ay pupunta muna ako sa Mall lalaki daw iyong bata at Isang taon na kaya bibilhan ko na lamang siguro ng damit or Educational Toys.
Pagkatapos ko nga maglinis ay nagtungo muna ako Sa Mall. Nagkita rin kami ng kapatid kong si Roger at sabay na kami kumain ng tanghalian.
"Bat ang dilim ng panahon ano parang may Bagyo."
"Oo nga ate, May bagyo nga daw na parating sabi ni Nanay kagabi kaya daw naghahanda sila ni Tatay.
"Ganon ba? Sige tatawagan ko sila Mamaya pag dating sa Bahay." Anya ko naman.
Matapos kong makabili ng regalo ay umuwi na rin ako. Tinawagan ko rin sila Nanay bandang Alas kwatro ng Hapon.
"Hello Nay, kumusta po kayo dyan? May bagyo daw nay na parating?"
"Oo anak, pero di naman ata masyado malakas anak, hwag ka mag alala di na tutulo ang bubong natin hehe." Dinig ko pang sabi ni Nanay.
"Opo Nga Nay, si Tatay po?"
"Naku nasa bubong anak, tinatalian nya parin, syempre dapat safe parin anak, alam mo naman ang tatay mo pinahahalagahan lahat ng bigay mo."
"Agom, sino ang kausap mo? Si Rhaiza ba?"
"Oo, Oh anak andito na Tatay mo." Wika ni Nanay saka binigay ang phone kay Tatay.
"Hello Tay, Kumusta kayo dyan ni Nanay?"
"Ayos Man Nak, tinalian ko parin ang bubong natin. Baka kasi malakas ang bagyo para safe parin. Pati ang Bangka natin anak naka safe na sa likod bahay, syempre mahalaga yon sakin regalo mo iyon anak ko." Anya ni Tatay habang ka video call ko sila.
"Anak..Kelan ka Mag Uwi dito? Mis kana namin Nak, ikaw na muna mag tingin dyan sa kapatid mong si Roger, di man pasaway ang kapatid mo dyan." Tanong pa ni Tatay.
"Hindi Man Tay, Maayos si Roger Tay, nagkita kami kanina sa mall, nag storyahan ba. Sabi nya nga may Bagyo daw po dyan.
Ingat Kayo dyan Nay, Tay.
Si Ranna pala kumusta?
"Maayos naman ang kapatid mo nasa Samar. Mataas ang Grado, salamat sa iyong suporta anak, di lang sa amin ng Nanay mo pati sa mga Kapatid mo."
"Wala po iyon Tay, Naks galing naman ni Bunso."
"Oo nga Anak, kaya maswerte kami sa inyo ng Tatay mo. Sa mga Anak namin ikaw ang Responsable at Mapagmahal na Anak at Kapatid. Si Roger naman ang Masipag at kahit papano di namin naging sakit sa Ulo ng tatay mo. At Si Ranna naman ay matalino at hindi rin pasaway kaya sobrang blessed kami ng Tatay mo." Wika pa ni Nanay.
"Anak, mag iingat ka dyan palagi ha, hwag ka masyado mag papagod at mag pupuyat. Saka anak, alam namin na nabigo ka sa iyong dating pag ibig, pero tulad ng sabi ko hwag ka magtatanim ng puot at galit sa lahat. Naniniwala ako na may tamang tao para sayo.
Oh Sya ingat dyan Ha, May isa sana akong Hiling anak, Sana kompleto tayo sa Pasko, makauwi sana kayo ni Roger, MAHAL NA MAHAL NAMIN KAYO mga Anak.
"Opo Nay, hayaan nyo po sinisigurado ko na sa Pasko buo tayo. Uuwi po kami ni Roger." Wika ko sa aking Nanay at Tatay, saka ako nag paalam. Nakangiti sila habang kumakaway sa Video. Miss ko na na makita sa personal ang Matamis na ngiti ng aking mga magulang. Habang nag ba ba bye sila ay Iniscreenshot ko iyon. Saka ko kumaway pabalik at inendcall ang Video . Hindi ko alam ngunit tila bigla ko silang na miss.
Na miss ko ang masarap na luto ni Nanay, ang pag mamasahe nya at pag aalaga nya sa akin lalo na kapag may sakit ako. Ganon din si Tatay na miss ko ang pagsama nya sa akin sa Dagat habang nagbabakasakali na makahuli ng isda na iuulam namin, may oras na sagana, may oras na wala. Kaya sinigurado ko na na di na ulit mangyayari iyon kaya masaya ako na nakakakain na ng masarap sila Nanay at Tatay.
Nasa kwarto na ako at nag papahinga, bandang alas onse ay kinamusta ko pa sila Nanay. Ang sabi nya ay wala ng kuryente doon at nag uulan narin. Di naman daw masyadong malakas pero may kasama daw hangin, pero naghanda daw sila ni Tatay ng bag kung sakali na palilikasin sila.
Binaba na rin agad ni Nanay ang Telepono dahil nga walang kuryente, tipirin nya daw ang battery para may pang update sya sa amin.
Ako naman ay humiga na matapos mag Pray at sinubukan na na matulog. Ngunit tila kakaiba ang pakiramdam ko ng gabing iyon na tila hindi ko maipaliwanag.
Buti na lamang at kinuha na rin ako ng antok kahit na tila may konting pag aalala akong nadarama.