CHAPTER 6 "UNANG PAGKIKITA"

1921 Words
3RD PERSON Kinabukasan ay maaga kumilos ang dalaga. Naglinis muna sya saka nag almusal at naligo. Nakita nya pa amg mensahe ng kanyang Ina bandang Alas Dos. Ang sabi ay Lumalakas ang ulan at nakatakda silang lumikas lung kailangan. Nag reply naman sya ngunit wala pa agad reply. Marahil na lowbat na ang kanyangì ina o nawalan ng Signal. Hindi pala Tambay sa f*******: si Rhaiza at hindi rin sya masyado nakakanood ng Balita kaya wala pa syang alam sa nangyayari. Alas nuebe naman mg makarating sila sa Bahay nila Vito ang Pinsan ni Zhel. Nasa simbahan pa ang mga ito ngunit sila ay dito na sa bahay dumiretso. Alas dyes ng Dumating ang mga ito sa Bahay kasama ang mga Ninong at Ninang. Agad binati ni Zhel ang pinsan at ang asawa nito. Ipinakilala naman ni Vito sa mga Ninong at Ninang si Zhel. Sa mga oras na iyon ay sinusubukan naman ng dalagang Si Rhaiza na kontakin ang mga magulang dahil wala pa ring reply. Nasa labas ito at naghahanap ng signal kaya tinawag ito ni Zhel. "Nga Pala kasama ko ang Kaibigan ko Si Rhaiza, Rhaiza si Kuya Vito at Ang asawa nya si Ate TinTin. "Hi Rhaiza kumusta, nice to meet you." Bati ng mag asawang Vito at Tintin. "Nice to meet you din po." "Nga Pala Kuya Vito Single yan, baka may Single ka dyan na kasama i reto mo na dito, naghahanap din ito ng magiging Jowa yung parang Motolite sana, Yung Pang MATAGALAN hehe." Anya ni Zhel kaya kinurot sya ni Rhaiza sa tagiliran. Nagtawanan at nagtinginan naman ang mga bisita dahil sa kakulitan ni Zhel. "Aray ko naman, Bakit nangungurot yarn, ikaw na nga hinahanapan ko eh." Anya pa nito. "Naku, wag ho kayo maniwala dito sa kainmbigan ko masyado lang po itong palabiro." Nahihiyang wika ni Rhaiza. Napatingin sya sa mga Bisita ngunit napukaw ang atensyon nya sa Pares ng mata na tila nakatingin din sa kanya. Ang tingin na iyon ay mula sa lalaking umiinom ng Tea sa may bandang likod. Nagkasalubong ang kanilang mga mata ngunit sya ang unang nagbawi dahil baka kung anong isipin ng lalaki sa kanya. Nagsimula na silang kumain halos katapat nya ang Table ng lalaki na nasa likuran kanina ka kwemtuhan nito si Vito at ang ibang kaibigan. May pagkakataon na di maiwasan na magkatinginan sila pero sya ang unang umiiwas. Sa isang banda, Hindi parin sya mapakali dahil hindi parin nako contact ang nanay at tatay nya. Kaya matapos kumain ay sinubukan nya ulit mag Dial. "Ano? Wala parin?" Tanong ni Zhel dito. "Wala pa rin.eh. Maya maya ay dumating ang isang bisita na may dalang balita hindi nya alam,ngunit tila para syang binuhusan ng malamig sa narinig. "Oh Bakit ngayon ka lang Ross?" "Naku tinawagan pa namin iba kamag anak namin kung Kumusta sila sa Samar, Di nyo ba Alam nasalanta ang Leyte Hindi naman daw ganon kalakas ang ulan pero nagka storm surge kaninang madaling araw." Pagkarinig noon ay nagkatinginan si Zhel at Rhaiza. At doon ay tila nagsimulang lalong d mapalagay ang dalaga. Kaya agad itong Tumayo at Akmang mauuna na umuwi. "Zhel...Mauuna na ako..kailangan ko na umuwi." Naiiyak na wika ni Rhaiza kaya napatingin ang ibang bisita. "Ha, e saglit mag relax ka muna..nangangatal ka..di kita hahayaan na umuwi ka ng ganyan ka." "Bakit anong nangyari? Tanong ni Vito at Tintin." "Kasi Kuya kanina nya pa hindi ma contact ang Pamilya nya, taga Leyte sila." "San Sila sa Leyte?" Tanong ni Ross. "Sa Sa Tolosa po kami." Sagot ni Rhaiza. "To..Tolosa.. Isa yon sa lugar na.. nasalanta." Mahinang wika ni Ross. Mas lalong napaiyak ang dalaga kaya niyakap ito ni Zhel. "Uuwi na ako Zhel...Kailangan ko malaman ang kalagayan nila Nanay." Umiiyak na wika nito. "Pero sandali Rhai.. di ka pwede mag isa." "Wala akong Pake Zhel..basta kailangan ko malaman ang kalagaun nila." "Zhel..samahan mo na muna Si Rhaiza, dito na muna ako." Anya ni Tiya Cora ni Zhel. "Agad namang tumayo si Zhel at Rhaiza para umuwi at makahanap n⁷g tulong. Nang palabas na sila ay nagulat sila ng Magsalita ang Lalaki na kanina pa nakamasid sa kanila. Ang lalaki sa harap na table nila. "Sumabay na Kayo sa Akin, palabas na rin ako." Sagot nito. K. "Salamat Pareng Engineer. Ikaw na muna bahala sa kanila. Ingat kayo." Pahabol ni Vito dito Hindi man nila kilala na lubos ang lalaki ay sumakay din sila sa sasakyan nito. Basta may tiwala sila dito dahil kaibigan ito ni Vito. Di naman maiwasan ng Binata na mapatingin sa salamin kung saan kita nya ang umiiyak na dalaga. Hindi nya naman ito kilala pero tila nakaramdam sya ng awa para dito. RHAIZA ELIZE Habang nasa byahe kami ay nakatangap ako ng tawag mula kay Roger. Umiiyak ito. Sinabi ko rin kasi sa kanya kaninang umaga na di ko ma contact sila Nanay. Kinakabahan man ay nilakasan ko ang loob ko para magsalita. "Bakit Roger, Bat ka umiiyak? May Balita na ba kina Nanay? Tanong ko. "Oo Ate...pero Ate...." wika ni Roger ngunit di maituloy tulot ang sasabibjn." "Ano Roger? Ano.." "Ate...Wala na sina Nanay at Tatay, Iniwan na nila Tayo." Anya ni Roger sa kabilang linya. Tila napinpin naman ako at di agad nakapag salita. "Ano bang sinasabi mo Roger? Hindi totoo yan! Buhay pa sila Nanay at Tatay kausap ko pa sila Kagabi." "Pero Ate, wala na sila Nanay at Tatay tumawag sila Ante Juana para kompirmahin." umiiyak na wika ng kapatid kong si Roger. Halos manginig ako sa nalaman ko, saka di napigilang di umiyak. Habang nasa sasakyan ay inabutan pa ako ng panyo ng lalaki ngunit nananatili itong tahimik hangang sa maihatid kami nito sa bahay ay wala akong narinig na kahit ano man dito. Pagdating sa Bahay ay Vinideocall ako ni Ante Juana kinompirma nya na wala na sila Nanay At Tatay. Ayaw ko pa talaga na maniwala noong una hangang sa i send ni Ante Juana sa akin ang Larawan ni Nanay at Tatay na wala ng Buhay. Halos hindi ako makahinga ng Makita iyon. Ang sabi ng mga nakakita sa Labi nila Ay nakita sila malapit sa aming lugar na Wala ng Buhay ngunit nananatiling magkayakap kahit sa huling sandali. Nakasukbit pa sa katawan ni Tatay ang Bag nito marahil lilikas na sila ni Nanay nang Abutan sila ng Napakalakas at biglang ragasa ng tubig. Bigla ko naalala ang bunso kong kapatid, ang sabi ni Ante ay maayos naman daw ito. Dahil nasa Samar ito , pero kung nasa bahay din daw ito baka isa rin si Ranna sa nasawi. Mabilis akong kumilos ay nag ayos ng ilang damit Kailangang kong umuwi sa amin. Uuwi kami ni Roger, Ang inaakala komg masayang Pag Uwi namin ni Roger sa Pasko ay Mapapa aga. Eto kasi ang Hiling Ni Nanay At Tatay. Akala ko uuwi kami sa Pasko para magsaya at Magsama sama. Hindi ko ine expect na Para Pala sa lamay nila. Hindi ganitong tagpo ang inaasahan ko. Iyak ako ng iyak habang nag iimpake ng damit. Nilapitan naman ako ni Zhel saka Niyakap. "Ayaw kita Sabihan ng TAHAN NA, kasi masakit naman talaga. Naramdaman ko rin yan noong nawalan ako ng Kapatid. How much more sayo na mga magulang mo ang sabay na nawala? Pero kahit masakit, hwag mong hayaan na lamunin ka ng Lungkot habang buhay. Kaya sige Umiyak ka lang. Basta amdito lang ako." Wika ni Zhel na hindi ko inaasahan. Hindi ko naman naiisip na may Dadamay sa akin sa sitwasyon kong ito. "Nag try kami mag pa Book ngunit waiting pa ng Byahe patungo sa Leyte. Hangang sa Maka Tyamba ng slot si Zhel. "Rhai, eto nakapag pa booked na ako. Sa isang araw pa ang flight dahil pati airport daw doon ay apektado kaya may mga inayos pa bale sa Catbalogan Samar ang na na booked ko them byahe nalang pa Leyte." Salamat Zhel, salamat sa pagtulong mo." "Walang ano man ano ka ba." Maghahanda lang din ako ng mga dadalhin para handa ako sa pag alis natin." Anya nya kaya nagulat ako. "Natin?" "Oo, nagpa booked ako syempre sinama ko sarili ko. Ikaw, si Roger saka ako." "Huh? Eh pano si Tita Cora? Sino mag aalaga sa kanya?" "Malaki na si Tita, hayaan na natin sya, Char.. hindi sabi ni Tita na samahan daw kita, doon muna sya kina Kuya Vito, kaya don't worry legal ang pagsama ko, Basta sasamahan kita okay?" Sagot pa nito saka ako tinapik sa Balikat saka muna ako hinayaan na mag isa. Sobra akong nalulungkot ako sa pagkawala nila Nanay at Tatay ngujit di ko rin inaasahan ang mga nag me mensahe sa akin para magtanong at mangumusta. Hangang sa Mag post na lamang ako sa Blue App para ipaalam na wala na Sila Nanay at Tatay. Hindi ko na rin kasi masagot lahat. Ngunit sa aking Pagdadalamhati isang tawag ang natangap ko. Bibuksan ko pa lamang ang Video ay di ko na napigilang umiyak lalo na ng Makita ko si Lola Aning. "Rhaiza, kumusta ka? Nabalitaan namin ang nangyari Hija." Anya ni Lola. "Wala na sila Nanay Ay At Tatay Lola. Iniwan na nila kami. Wala na yung mga taong dahilan kaya mas lalo akong nagsusumikap at lumalaban sa Buhay lola." Sagot ko dito. "Nak, Wag ka panghihinaan ng Loob dyan. Alam ko kung gaano mo sila ka mahal. At Alam ko din na sobrang mahal ka nila. Hindi nila Gugustuhin na makita kang lubog sa kalungkutan. Basta Rhaiza magpaka tatag ka Dyan. Andito lamang ang Lola Aning. Ituring mo akong Kapamilya. Nauna man sa langit ang nanay at Tatay mo, pero isipin mo na narito pa kami na nagmamahal sayo. Anong balak mo nyan? "Uuwi po kami ni Roger sa LEYTE sa isang araw Lola. Sasamahan din po ako ni Zhel." "Ganon ba..mabuti naman Kung ganon, May Pakinabang din pala dyan kay Zhel, hindi puro Ganda lang. Mag iingat kayo ha. Magpapadala ang Kuya Luiz mo ng tulong okay." "Salamat po Lola, mag ingat din po kayo dyan." "Salamat Oo naman, Magpapalakas lang ako dito pero babalik pa ako dyan. Sabihin mo kay Zhel Ganda Madami na akong Followers sa IG sa isang araw 50 katao nadadagdag. Take note mga Briton, Aleman, Frances at mga Kano ang karamihan sa Followers ko. Inistalk ko ibang Followers ni ZhelGanda abay karamihan Indiano at Pakistani pala. Kaya namili lang din ako ng iba na finollow ko hehe." Anya pa ni Lola na talagang nagpatawa pa para di ako ganong malungkot. "Oh sige na Hija, pinapatawa lang kita. Basta Alalahanin mo na Mahal kita Palagi. Magkalayo man Tayo ngayon pero Babalik ako dyan. Magkikita pa tayo." Sagot pa ni Lola kaya nginitian ko sya saka ako tumango. Masakit man sa aking Puso pero nagpapasalamat ako sa mga tao na nasa paligid ko. Maging sa lalaking naghatid sa amin kanina. Hindi man sya kumikibo pero nakikita ko ang bawat pagtingin nya sa akin sa Rear- view mirror. Nahagip pa ng aking Mata ang panyo na ibinigay nya kanina, Ang Pag payag ni Tita Cora na samahan ako ni Zhel, Si Zhel na handa akong samahan at Damayan sa pag uwi ko, Ang pamilya ni Lola Aning na nariyan agad para sa akin kahit di ko pa sabihin, at sa ibang mga tao na nagpaabot ng pakikiramay. Madaming nagmamahal kina Nanay at Tatay, maraming nagmamahal sa Pamilya ko, kaya hindi ako dapat panghinaan ng loob. Nawala man sila Nanay at Tatay ngunit may mga kapatid pa ako. Mga kapatid na Pagkukunan ko ng lakas para patuloy na lumaban sa buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD