CHAPTER 7 "BOYS OUT"

2053 Words
3RD PERSON Nakarating Sila sa Samar at ilang oras pa ang byahe nila patungo sa Tolosa kung saan naroroon ang bahay nila Rhaiza. Base sa mga kwento ay may bumagsak din na puno at tinamaan ng sanga ang mag asawa kasunod ng pagragasa ng tubig kaya hindi na nakaalis ang mga ito at halos tangayin pabalik ngunit mas pinili ng mag asawa na hwag magkahiwalay kaya hangang sa nalunod sila ay nananatili silang magkayakap. Pagdating nila Rhaiza ay naabutan nya doon ang kanyang bunsong kapatid na umiiyak sa 2 labi ng kanyang mga magulang. Dahil nga disaster pa ang lugar ay sa may court lamang ang mga ito nakalagak kasama ang ibang mga nasawi. "Ate, Kuya ...iniwan na tayo ni Nanay at Tatay" umiiyak na wika ni Ranna pagdating nila. Agad nyang dinaluhan ang kapatid. "Oo nga bunso, pero andito lang ang Ate ha, babangon tayo ulit. Kailangan natin magpakatatag. Ayaw ni Nanay at Tatay na pare pareho tayong malugmok sa kalungkutan." Anya ni Rhaiza habang inaaliw ang kapatid. "Ranna, Roger.. dumito muna kayo. Pupunta ako sa bahay natin. Gusto ko mabigyan ng maayos at disenteng Lamay si Nanay at Tatay." Anya ni Rhaiza kaya nag paalam sa kanyang dalwang kapatid. Sinama nya si Zhel sa kanilang bahay. Pagdating nya doon ay sinalubong sila ng makalat na daan sa labas at mga daanan pero nung pumasok sya sa kanila ay maayos naman ang loob. May bakas nga lang na pinasok ng baha. Pero walang ano man sa gamit nila ang napinsala. Dahil naitaas pa ng kanyang Tatay ang mga gamit nila bago lumikas ang mga ito. Kaya lamang di na nakarating ang mga ito sa Evacuation center dahil nasa daan pa lamang ay inabot na ang mga ito Mabilis na naglinis si Rhaiza at Zhel kaya kinabukasan ay pinalipat nila sa kanilang bahay ang labi ng kanyang mga magulang. Sa unang araw pa lamang roon ay napakarami na ng nakiramay sa kanila. Ang iba nga ay hindi nya halos kilala pero ang sinasabi ay kaibigan ang mga ito ng kanyang mga magulang. Labis na nagagalak ang dalaga lalo na kapag may mga kwento na nagpapatunay sa kabutihan ng mga ito noong nabubuhay pa. Habang nakabantay sya sa labi mg mga ito ay nakatangap sya ng notification Nagpadala ang Pamilya ni Lola Aning ng Limampung libong piso bilang tulong. May iba paring nagbigay para sa kanila Kada araw ay ibat iba ring mukha ng nakikiramay ang naroroon. Apat na araw nya lamang pinatagal ang lamay ng mga ito at sa ika lima ay ay hinatid na rin nila ang mga ito sa huling hantungan. Bawal daw mag pasalamat ngunit na appreciate ni Rhaiza ang lahat ng nakiramay sa kanila. Maging ang kaibigan nyang si Zhel na nakipuyat din para samahan sya sa Lamay. Isang araw ay kinausap sya ng kanyang Ante Juana. Ito ang pinaka close nya sa kanyang Mga Tita dahil ito rin kasi ang malapit sa kanila. "Elize anong balak mo? Wala na Sila Ate at Kuya?" "Hmm..Nag desisyon ako ate Na bumalik ng Maynila. Maiisip ko lamang si Nanay at Tatay kung mananatili lamang ako dito. Saka di ako pwede huminto Kolehiyo na si Ranna gusto kong matupad parin ang pangarap nila nanay sa kanya na Makatapos. "Sa bagay, Maayos naman na dalaga si Ranna saka 22 na sya di naman sya pasaway kahit papaano." "Kaya nga Tita, kaya hahayaan ko sya sa desisyon nya, kung nais nya ba mag Manila or manatili rito." Anya pa ng Dalaga. "Sige, hwag ka mag alala kung nais nya man na dito ay babantayan namin sya." "Salamat Ante, ganon na lamang po. Samahan nalang po ni Marisa kapag gabi." Anya pa nito. Ilang araw pa silang nanatili doon at isang araw ay kailngan narin nila bumalik. Ang sabi ni Ranna ay doon parin ito mag aaral. Nasa pribinsya parin ang nais nito. Tiwala naman sya sa kanyang kapatid dahil alam nya na matalino din ito at ma diskarte. Bago umalis ay pinagbukas nya ito ng Bank Account sa bayan para doon sya magpapadala ng allowance nito. Tuwang tuwa naman ito sa bigay nya. "Maraming salamat Ate, pangako na mag tatapos ako, tutuparin ko parin ang pangako ko kina Nanay at Tatay at syempre para rin sa inyo ni Kuya. "Oo naman, mag iingat ka rito ah. Wag ka mahihiya mag sabi sa ate ha. " dagdag pa nito. Habang nag uusap pa sila ay nakatangap naman ng mensahe si Roger. May sched na rin ang sampa nito sa Barko. Sa isang lingo ay aalis narin ito kaya halong Lungkot at Saya ang nadarama nila. Masaya dahil sa wakas natupad na ang isa sa mga pangarap ng magulang nila. Malungkot dahil wala na ang mga ito. "Nanay, Tatay alam ko ja masata kayo riyan sa langit. Sa wakasa makakasampa na ako. Seaman na ako Nay Tay. Siguro isa rin kayo sa nagpabilis ng pag alis ko? Salamat Nay, Tay pangako na ipagpapatuloy namin nila ate at bunso ang mga pangarap nyo sa amin." Anya ni Roger habang nakatingin sa larawan ng pumanaw na mga magulang. Samantala RHAIZA ELIZE Dumating ang araw na kailangan na namim bumalik ng Maynila kaya nagpaalam na kami Kina Ante Juana. Sa kanya ko rin hinabilin ang bahay. Si Ranna naman ay hinatid din muna namin pabalik sa Samar. Saka kami dumiretso pa Manila. Grabeng Puyat ang dinanas namin sa Probinsya kaya naman pagdating sa Maynila ay bumawi talaga ako ng tulog para bumalik ang lakas ko. Hindi ako pwedeng tumigil kaya naman ilang araw na may tumawag sa akim na isa sa inaplayan ko ay tinangap ko agad ang trabaho. Sa isang subdibisyon lamang ito kaya pabor sa akin. Hindi ko Akalain na Isang Buong Pamilya ang kasama ko sa Bahay. Malalaki ang Katawan ang Isa pa ay Halos palaging may Inuman at Sugal. Kung tutuusin ay maaari nilang alagaan ang Nanay nila dahil nasa bahay nalang sila pero hindi. Pare pareho silang Abala sa kanya kanya nilang buhay. May babad sa Computer ang iba ay babad sa Sugal at sigarilyo sa mismomg loob ng bahay. Naaawa sya sa Nanay ng mga ito dahil sa dami ng anak wala man lamang kahit isang mag malasakit. "Hello Dad! May taga alaga na si Mama, Kaya doblehin ninyo ang padala ninyo! Kung hindi kukuha ng taga alaga wala magtya tyaga mag alaga dito kay Mama!" Dinig nyang sabi ng Panganay na anak nito nakaramdam sya ng habag. Bat may gantong klase ng anak. Nagtungo na lamang sya malapit sa ref saka kumuha ng maiinom dahil nauuhaw sya. Hindi nya inaasahan na pag harap nya ay naroon si Damian. Ang panganay na anak na lalaki ng alaga nya. "Hi Rhaiza, andito ka pala." "Ah opo sir Damian, uminom lang po ng Tubig, tulog na po si Mam kaya pabalik na rin po ako sa Taas." Wika ko dito saka nag paalam dito at akmang aalis. "Teka..mamaya ka.na umalis, mag usap muna tayo." Anya nito. "Ah, medyo inaantok na rin po ako sir kaya nais ko na rin po sanang magpahinga. "Mamaya na, kwentuhan muna tayo. May asawa ka naba? Anak ? Jowa." Sunod sunod na tanong nito. Para tumigil ito ay sumagot na lsmang ako. "Wala po Sir" "Hmm..so single ka pala Rhaiza,? So wala ka palang nobyo ibig sabihin wala karing..." Wika nito sabay Sandal sa akin sa Pader sabay hawak sa aking Dibdib. Saka ako itinaas ang aking kamay at doon ay sisimulan akong paghahalikan. "Ano ba? Bitawan mo ako sir Damian! Bastos! Bitawan mo ako sabi.! "Hwag kana magpakipot ka, magugustuhan mo rin ito" wika nito ngunit nag ipon ako ng lakas saka ko ito binayagan. Saka ako dali daling tumakbo palabas para humingi ng tulong. Sakto na may guard na nag iikot kaya takot na takot ako habang nagsusumbong dito. Sasamahan sana ako sa barangay ni Kuya kung di ibibigay ang gamit ko ngunit ibinigay naman ito. Chineck ko lahat at naroroon naman at walang kulang. "Pootangina naman! Bat di mo naman pinigilan ang kalibugan mo Damian! Wala na naman tuloy tayong taga alaga! Bwiset naman oh. Malas! "Eh nag init ako bigla eh.!" "Sana namokpok kana lang Tangina naman kasi eh, mukha pw namang maayos mag alaga yon!" Dinig ko pang usapan nilang magkapatid habang palayo kami. Nakaramdam ako mg awa para sa ina nila. Matitiis ko sana na sugarol sila pero ang pang babastos nila sa akin ang hindi ko hahayaan. Paano kung maulit ulit? Kaya talagang umalis na rin ako. Nagulat pa si Zhel ng makita nya akong nagbubukas ng gate. "Hoyy Bakla? Anong nangyari sayo bat ganyan ang itsura mo?" Tanong nya sa akin ngunit imbes na sumagot ay napayakap na lang ako bigla. "Umalis na ako don Zhel, muntikan na akong mapagsamantalahan ng anak ng inaalagaan ko." Naiiyak na wika ko. "Ay Defungal, aba ang animal.. mukang di nakapigil Kastang Kasta na! Kaya wala pala tumagal sa mga baliw na yon! Hmm..Magka buni sana sa Itlog yang hayop na yan" talak ni Zhel habang pinatatahan ako. Inaya nya ako sa loob saka ako pinakain at pinaghain pagkatapos ay saka ako nagpahinga. Hindi agad ako makatulog. Kailangan ko mag trabaho, di pwede na mabakante ako ng matagal kaya nagdarasal ako na sana makahanap ako ng Trabaho at sana ay mapunta ako sa mabait na amo. Kinabukasan Habang naglilinis ako ay maaga akong pinuntahan ni Zhel. Ibinalita nya sa akin na lilipat na sila ni Tita Cora sa Alabang dahil ayos na ang bahay ng mga ito. Nakadama ako ng lungkot dahil maiiwan na naman ako. Bakit lahat ng malapit sa akin ay nawawala? Parang lahat nalang nilalayo sa akin pati ba naman si Zhel?" "Bff, hwag kana malungkot, dadalawin kita dito, saka pwede ka dumalaw doon isang sakay lang ng jeep tapos Trike paloob, hwag kana malungkot okay saka usap usap naman tayo sq IG you know mag Videocall tayo nila Lola Aning." Anya pa nito tumango na lamang ako. 40 minutes ang byahe mula rito patungo sa lilipatan nila Zhel sinabi rin naman sa akin ni Tita Cora na maaari daw ako dumalaw at ganon na lamang ang aking gagawin. Samantala ANTONELLO Nagkayayaan kami ng mga kabtrabaho ko mag Night Out. Pinagbigyan ko naman sila dahil ayoko na magtampo sila sa akin. Ilang beses na kasi akong inaya ngunit tumanggi kaya nag desisyon ako na sumama at maki jamming sa kanila. Nag rent kami ng isang Private Room para doon uminom. Nag order din kami ng mga pagkain. Anim kaming lahat, Halos sila ay may mga GF at ang iba naman ay may asawa na tulad ni Ae. Naririnig ko sya kanina na nag u update sa asawa nya kung nasaan kami. Ganon din ang iba kong kasama, todo picture pa para may ebidensya na Boys out lang ito at walang involve na mga Babae. Natatawa na lamang ako dahil sila di magkanda ugaga sa pag u update sa mga Asawat at mga Nobya nila, habang ako heto at Chill chill lang, walang dapat pag Paalaman. "Ano tapos na kayo mag update sa mga asawa at Jowa nyo? Haha" wika ko sa kanila. "Haha Oo na Engr. Ikaw na, Perks ng pagiging single na di kailangan mag paalam haha kaya ikaw ang batas, pero at least kami may mag mamasahe sa amin pagdating sa bahay hahaha, uuwing may Bebe" wika pa ni Wilson isa sa mga manager. "Haha Yun lang, pero ok lang andyan naman si Calla At Lily na lalambing sa akin hehe." "Hahaa, Pero Engr.Anton di kaya ibigay ni Calla at Lily ang pangangailangan mo hehe" Hirit pa ni Ae. "Haha Ok lang may mga KAMAY pa naman ako." Birong sagot ko pa dito kaya nagtawananàn. Halos alas onse na rin kami nag hiwa hiwalay. Medyo tinamaan na rin ako. Kaya Pinag drive na nga ako ni Lenon dahil isang way lang kami saka sya sumakay ng Tricycle palabas at nagpahatid sa kanila. Mukang tinamaan talaga ako sa nainom namin. Ngayon lang ako ulit nalasing ng ganito tila umiikot amg tingin ko. Sinikap ko na umakyat sa taas patungo sa kwarto ngunit nasa ilang baitang pa lamang ako ng hagdan ay tila bumabaligtad ang tingin ko. Saglit akong huminto saka muli humakbang ngunit pag hakbang ko ay na out of balance ako saka ako nahulog sa hagdan dahilan ng pagka handusay ko sa sahig kasunod noon ay ang pagdilim ng aking paningin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD