3RD PERSON Sa bawat araw na dumadaan ay parang nag aabang sila sa bawat isa kung sino ang Mauuna. Kapag nais na sanang magsabi ng binata ay Mauunahan naman sya ni Rhaiza kaya ang ending ay natitigilan sya. Ngunit sa mga panahong iyon naman ay tila medyo nais na umamin ng dalaga sa binata. Kung sakali na tatanungin ulit sya nito ay sasabihin nya na rin ang tunay nyang nararamdaman ngunit aa mga oras na iyon naman ay hindi iyon natatanong ni Anton. Kung kailan handa na ang dalaga ay doon naman walang pagtatanong na ginagawa ang Binatang Enhenyero. Casual lamang ang pag uusap nilang dalawa kapag nagkakaharap sila sa hapagkainan. Sa mga Oras na iyon ay ibinalita ni Rhaiza na kukuha sya ng exam para dagdag credentials nya bilang caregiver. "Ikaw ang bahala, Good for you, kelan ang exam mo?"

