ANTONELLO
Dahil sakto na mag Tatanghalian nang makarating kami ay talaga namang naghanda talaga sila Mama, Papa at aking mga kapatid. Sakto naman na dumating na rin sila Ate Athena at ang Bayaw ko. Maging si Angelo ay dumating narin kasama ang aking Hipag na galing sa Pedia dahil sa Vaccination ng bunso kong pamangkin.
Kaya talaga namang kompleto ang aming pamilya.
Sa Malaking papag sa ilalim ng puno kami naglagak ng pagkain. Boodlefight ang magaganap. Seafoods, mga gulay na talbos at may karne rin namang hinanda sila Mama. Nakita ko na naglabas din ng Paksiw na Pata si Angelo, tila natakam naman ako ng husto, Nagulat pa ako ng pati si Kuya Renan ay naglabas ng Pagkalalaking Hipon at mga Talaba at Tahong.
Parang nasabik akonsa mga pagkaing nakikita ko ngayon.
Malayo ito sa pagkain na pinapakain sa akin ni Rhaiza.
Nangkakain na ay pumwesto na kami sa mga upuan. Nilaanan ko naman si Rhaiza ng Upuan sa tabi ko at tabi ni Angela.
Bago kumain ay nagdasal muna si Mama. Saka namin sinimulan ang pagkain. Nagsimula akong tumikim tikim ng mga pagkain na masa haral ko. Noong una ay Tikim lang talaga. Hangang sa mapansin ni Rhaiza na dumadami na ang kain ko.
"Engineer, baka masobrahan ka, alalahanin mo yung result ng Test mo." Bulong nito sa akin.
"Ehh..pagbigyan mo na ako ngayon lang naman. Ang sarap kasi nung tahong, matataba. Saka yung Hipon. Makatas, pati yung pata na niluto ni Gelo ang sarap sa pulutan." Anya ko pa. Tumingin naman si Rhaiza sa akin ng masama saka tinuloy ang pagkain. Nung sumunod ay ayaw nya na ako pansinin tanging sila nalang ni Angela ang nag uusap.
Nagtampo na ata sa akin.
Matapos namin kumain ay nagpaalam si Angela na isasama nya muna si Rhaiza na mag ikot ikot sa Farm pinayagan ko naman dahil di naman gaano kalaki ang farm namin pero madami din kaming tanim.
Habang namamasyal si Angela at Rhaiza sa Farm ay naiwan naman ako sa Tambayan parin namin. Kung saan naroroon sila Mama, Papa mga kapatid, Bayaw at Hipag ko. Hangang sa mapunta na naman sa akin ang usapan.
"Antonello, Mabuti at Umuwi ka, masaya kami na dinalawa mo kami at kasama mo pa Si Rhaiza.
"Ayiee...Anton Bagay kayo ni Rhaiza. Sabi ni Julio kanina kung Si Rhaiza naba daw ang magiging Tita nya hahaha." Anya ni ate saka sila nagtawanan.
"Oh kita mo na Antonello, pati mga pamangkin mo hinahanapan ka na ng magiging Tita Nila" anya naman ni Mama.
"Bat ba ayaw pang mag asawa Kuya? Abay pag asawa na. Baka maunahan ka pa talaga ni Bunso kapag ka Gay an. Abay sayang naman ang lahi mo, wala kang maiaambag na apo sa Nanay at Tatay.' Biro naman sa akin Angelo.
Napakamot na lamang ako sa ulo.
"Tingin nyo ba ay makakapag asawa pa ako? Nilipasan na ako ng panahon. Nawala na ang kilig. At saka patanda na ako. Ayoko na maging alagain. Baka isipin pa na kaya lang mag aasawa ay para mag alaga kaya hwag na laang saka marami naman akong pamangkin, sa kanila ko na laang paghahatiin amg oras ko." Sagot ko naman sa mga ito saka napatawa ng pagak.
Mamaya ay nagsalita Si Papa.
"Anak, alam ko na ikay Mapagmahal na Tiyo sa Pamangkin, pero anak iba parin ang meron kang matatawag na sariling anak, at meron ka ding asawa na matatawag na syang dadamay sa iyo. Na kakampi mo sa lahat ng oras. Iba parin anak ang may Sariling Pamilya.
Mawawala kami ng iyong ina, maging ang mga pamangkin mo din ay magkakaron ng sariling Pamilya. Paano ka naman? Maaaring oo mabibigyan ka rin nila ng oras pero iba parin ang maibibigay kung meron kang sayo." Dagdag ni Papa.
Napangisi nalang ako dahil na corner na naman ako ng Pamilya ko tungkol sa pag aasawa.
"Kung ako sayo anak abay gumalaw ka habang may oras pa. May mga babae naman siguro na nakalaan para sayo. Baka naman hindi mo lamang minumulat ang mga mata mo kaya hindi mo makita.'
"Oo nga Kuya, diba dalaga naman ata yang Si Rhaiza? Bakit di mo nalang ligawan? Mukang mabait naman, maganda, at higit sa lahat mukang maayos din mag alaga, kita mo ang fresh mo na lalo ngayon Kuya.." anya pa nito kaya nagtawanan sila.
"Bakit hindi ba akong Mukang Fresh noon? Grabe ka sa akin haha."
"Hindi naman sa ganon kuya, pero kung baga sa mga Babae eh ikaw ay Blooming hehe" anya pa ni Gelo kaya tawanan na naman sila.
Maya maya ay bumalik na rin si Angela at Rhaiza may dala ang mga ito na Avocado at Santol pati na rin mga Papaya.
Nalaman ko na sobrang hilig pala ni Rhaiza sa Santol at Avocado.
Nang makarating sila ay Kami naman nila Angelo, nila Kuya Renan at Tatay ang umalis. Nagpunta kami sa may ilog para manghuli ng Isda. Na mis kob rin gawin ito dahil matagal na rin kung kailan ko ito huling ginawa.
Parang bumalik lang kami sa pagkabata kapag namimingwit kami ng pang ulam.
Ang dami na ring nagbago. Natutuwa lamang ako dahil ang pagbabago ay maganda ang resulta dahil mga Puno ang nakatanim sa dati ay malawak na lupa. Talagang mahusay mag alaga si Papa at Mama. Napakapayapa dito sa Aming Lugar.
Di naman kami masyado nagtagal mga isang oras lamang kami namingwit.
Habang naglalakad pabalik sa aming Bahay ay napansin ko ang Lote sa may Dulo medyo malapit na ito sa farm kaya tinanong ko kay Tatay kung para saan ang bakanteng Lote na iyon.
"Pa, may lote pa roon, ano pong balak ninyo doon?" Tanong ko dito.
"Anak, Para sayo ang Lote na iyon. Alam ko na may sariling bahaybka na sa Maynila. Pero inalaan namin iyan ng mama mo para sa iyo. Para kapag naisip mo na umuwi dito sa atin o kapag nagkapamilya ka na at nais mo dito tumira ay meron kang sariling lupa. Sywmpre meron ang mga kapatid mo. Natural na merib din kaming inilaan para sa iyo. Ikaw ang nag sakripisyo ng husto anak. Ikaw ang katuwang namin ng mama mo na bumuhat sa pamilyang ito kaya syempre kahit na alam namin na meron ka nang kakayanan ay meron din kaming hinanda para sayo." Anya naman ni Tatay. Napaharap ako sa kanya saka sya niyakap. Kahit alam nila na meron na ako ay talagang binigyan din nila ako ng kaparte.
Pagdating namin ay abala sila sa paghahanda ng panghapunan. Samantalang si Angela at Rhaiza naman ay abala sa pagkakadkad ng Kamoteng kahoy dahil balak daw mag suman ni Mama. Paborito ko rin kasi ang suman na gawa nya.
Napatingin ako kay Rhaiza, hindi parin nya talaga ako pinapansin simula kanina. Napailing na lang din ako..haha malakas din pala ang Toyo ng babaeng ito.
Matapos namin mag hapunan ay nagka kwnetuhan parin dahil minsan lang nga kami umuwi.
Nagkaayaan naman na uminom kaya nag shot kami ng kaunti.
Nakita ko na naman ang pulutan kaya napakain na naman ako. Noong una ay kasama rin namin uminom si Angela dumating din ang kanyang nobyo kaya kompleto talaga kami.
Nagbukod ng table ang mga babae.
Si Ate Athena, si Angela at Si Rhaiza nag shot din sila pero mga sanmig lang naman ang iniinom nila. Pansin ko na inabutan din nila si Rhaiza pero konti palang ang nababawas sa Bote nito. Naka 3 bote na ang mga kapatid ko ay saka palang naubos ang 1 bote ni Rhaiza. At ayaw na nitong sundan.
"Hehe, ayaw mo na agad. Pasensya ka na Rhaiza ah, minsan lang ito kaya sinusulit namin magkakapatid.
"Ok lang naman, minsan lang namab kayo makompleto kaya ayos lang."
Dinig kong sabi nya.
Maya maya ay nagpaalam na sya na papasok na sa kwarto. Sinamahan naman sya ni Mama sa guest room sa tabi ng kwarto ko.
Samantalang Sila Ate Athena at Angela naman ay lumipat na sa table namin at nakiinom na rin ng hard.
Nag stop na rin ako sa pag inom dahil nakakaramdam na ako ng Hilo.
Nagpaalam ba rin ako Sa Bayaw at mga kapatid ko.
"Pasok na rin ako, mukang tinablan na rin ako" anya ko pa dito.
"Sige Kuya, Tulog na..hahah sa Kanan yung Kwarto mo ah, baka mapasok mo yung kwarto ni Rhaiza haha" biro pa ni Angela. Napailing at natawa na lamang ako.
Nag quick shower lamang ako saka nagsuot ng tshirt at Short.
Saka Humiga sa Kama.
Hindi naman ako totaly lasing ngunit dama ko ang hilo.
Bago matulog ay nag check ako ng Cp may text pala si Rhaiza.
"Hwag kang Sosobra sa lahat Engineer, Hindi kita pinagbabawalan, pinaaalalahanan lang kita." Mga salitang nakasaad sa text nya. Napangiti lamang ako. Parang si Nanay lang lumitanya.
Sinikap kong matulog na para mawala na ang hilo ko.
Ngunit nagising ako bandang alas Dose na sobrang Hilo ako at namamantal din ang katawan ko at nagsimula na rin akong mag suka.
Sa sobrang hilo ko ay Bumagsak na naman ako sa may kama nadali ko pa ang baso na nakapatong sa lamesa kaya nagbigay ito ng ingay.
Nagulat pa ako ng Bumukas ang pinto at Iniluwa noon ang nag aalalang si Rhaiza, malabo ang aking paningin ngunit napakalinaw ng tingin ko sa kanyang Mukha na puno ng Pag aalala.
RHAIZA ELIZE
Hindi pa ganon kalalim ang tulog ko kaya ng makaramdam ako ng Pag ihi ay bumangon ako para mag banyo. Hindi pa ako nakakahiga nang makarinig ako ng kalabog mula sa kabilang kwarto kung saan naroroon ang silid ni Engineer.
Dali dali akong pumasok doon, mabuti at hindi iyon naka lock. At doon sa madilim na sulok ay nakita ko syang naka balandra. Binuksan ko ang ilaw at doon ko nakita ang kawawa nyang itsura. Mapungay ang mata at halos namumula ang mukha, pantal ang mga katawan. Kita ko rin na may dugo ang kanyang kamay. Marahil nabubog ito sa basag na natuunan nya sa sahig.
"Engineer!, Tsk..ikaw naman kasi ang tigas ng ulo mo, hindi ka nakikinig." Anya ko saka marahan syang tinayo ngunit mabigat sya.
Narinig naman nila Mam Ella ang komosyon kaya dali dali din silang pumasok sa kwarto. Nang maihiga sya sa kama ay dali dali kong kinuha ang dala kong medicine kit kung saan naroroon din ang mga gamot ni Engr.
Kinuha ko iyon saka ko pinainom sa kanya. Sumampa ako sa kama saka hinubad ang Tshirt nya na pawis na pawis na sobrang namumula pa ang kanyang katawan.
Hinayaan naman nila ako sa aking ginagawa minasahe ko din ang mga daliri nya sa kamay dahil sabi nya ay namamanhid daw. Hindi ko na inisip kung ano ang itsura naming dalawa habang nasa ibabaw ng kama. Basta sa mga oras na yon ang iniisip ko ay maging maayos sya at maginhawaan kahit papano.
Nang masusuka sya ay Agad ko syang hinawakan sa ulo at sinahod ang hinubad nyang damit. Hindi naman sya makasuka ng Todo.
"Ano Engineer, kaya pa? Dadalhin kana namin sa Hospital." Wika ki dito.
"Hwag..ayaw ko..ok na ako .dito na lang."
Daing nito na parang bata.
Pansin ko ang pagsandal nya Sa balikat ko. Para syang lambot na lambot. Minasahe naman ni Mam Ella Ang Paa nya samantalang ako naman ay inayos ang pagka dantay nya sa Balikat ko.
"Sigurado ka ba na ayos ka lang? Ang tigas tigas naman kasi ng Ulo mo, sinabi ko na wag ka masyado kumain tinuloy mo parin." Sambit ko na mahina ngunit tiyak kong rinig nya.
"Sorry na..Hwag ka na magalit."
"Sorry, kita mo nga yang Itsura mo, para kang lantang Gulay dyan,."
"Sorry na nga..hwag ka na maingay madidinig pa ni Mama pag nadinig nya dalwa na kayong mag sesermon sa akin." Saad nya pa habang nakahilig parin sa balikat ko.
"Gusto ko talaga marinig ni Mam Ella para talaga pagalitan ka rin. Yan kasi ikaw, di ka nag iingat, akala mo walang nag aalala." Anya ko na di napigilan na maiyak hindi ko alam parang may trauma na yata ako sa Pagkawala ni Nanay at Tatay, At sa nangyari noon Kay Lola Aning kaya naman ng makita ko sya kanina ay abot abot ang kaba ko.
"Hay naku Antonello! Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh, katigas ng ulo mo. Paano kung wala si Rhaiza? Kita mo nga. Ayaw mo pang mag asawa, paano na lang pag wala na kami ng Papa mo. May pamilya na rin ang mga kapatid mo. Paano ka na?
Antonello Di naman sa Pinakikiaalaman ka namin. Pero sana naman bago kami mawala ng ama mo gusto namin na makita na meron ka na ring Pamilya, na may makakasama sa buhay.
Para naman panatag kami." Anya pa ni Mam Ella.
"Ma, sinumpong lang po ako ng Allergy, Bat sa pag aasawa na naman bumagsak ang usapan." Anya ni Engr.Anton na nakapikit ang mata pero naka sandal parin sa akin.
"Ah Basta! Makulit ka, Kapag di ka pa umayos bahala ka anak, Masarap angay sariling Pamilya, ikaw din."
Maya maya ay iniayos ko na nang higa si Engr. Anton, medyo naiilang na rin ako dahil dumating din sila Ate Athena at Angela sa kwarto. Kaya pinabuti ko na ayusin na ang pagkakahiga nya.
"Ayiee...Pa Baby Si Kuya, Alam mo bagay kayong Dalawa ni Rhaiza Kuya, Baka mamaya kayo ang nakatadhana."
"Shhh..Hwag ka pala desisyon Angela, nananahimik si Rhaiza." Anya ni Engr. Anton.
"Nagsasabi lang ako ng Totoo. Pareho naman kayong single ah., kung ako sayo Kuya Go mo na yan habang may Oras pa. Magkakaanak ka pa naman habang di pa expired ang Semilya mo haha." Anya ni Angela kaya lumipad sa mukha nya ang unan ng kanyang kuya.
Nagtawanan nalang sila. Gumaan naman ang pakiramdam ko dahil kahit papano ay umaliwalas na ang mukha ni Engineer hindi katulad kanina.