ANTONELLO
Sa bawat araw na lumilipas ay nakakasanayan ko na ang pag aasikaso sa akin ni Rhaiza. Parang dati gigising ako, ako ang magluluto, o minsan naman ay maliligo na lamang ako at sa opisina or sa site na mag aalmusal. Pero ngayon ay hindi na, dahil pag gising ko ay handa na ang almusal na talagang pinagsumikapan nyang ihanda para sa akin. Araw araw syang umiisip ng ibat ibang pagkain para di daw ako magsawa at ang mas nakakatuwa doon na kahit bago sa paningin ko ang ibang mga pinapakain nya ay nakakasundo iyon ng aking panlasa. Masyado ko ring na a appreciate ang
pagdadala nya sa akin ng pagkain sa site everytime na kailangan ko mag madali. Ayaw ko rin naman sya gisingin ng sobrang aga para ipagluto lamang ako.
Masayahing babae si Rhaiza. Pero minsan ay nakikita ko rin syang malalim ang iniisip. Marahil naiiisip nya siguro ang kanyang mga magulang.
Dahil sahod ko noong araw na iyon at minessage ko sya na kung maaari ay magkita kami sa Festival Mall mamaya. Mag go grocery kami dahil alam ko na medyo paubos na ang mga stocks.
Before 5pm ay nag out na ako. Ilang minutes lamang naman ay narating ko naman ang Festivall Mall.
Malayo pa ako ay natanaw ko agad syang nakaupo at naghihintay sa tapat ng isang fast food chain.
Nang matanaw nya ako ay bahagya syang ngumiti.
"Kanina ka paba Rhaiza?'
"Hindi naman po masyado Engr. Mga 10 mins palang po akong nakakarating." Sagot nito
Niyaya ko naman na sya sa Grocery upang mamili na ng mga kailangan namin.
Sya ang hinayaan ko na mamili dahil mas alam nya kung ano ang mga walang stock sa bahay.
Ang iba naman ay ako na mismo ang kumuha dahil alam ko na hindi kukuha si Rhaiza ng alam nyang hindi naman ganon kagamitin sa bahay.
"Rhaiza?"
"Hmm.Yes Engr? Bakit po?"
"Marunong ka ba magluto ng leche Flan?" Tanong ko dito.
"Oo naman po Engr. Gusto nyo po ba? Pwede ko kayo ipag gawa." Nakangiting sabi nya kaya agad akong tumango at kumuha ng mga kailangan nya para sa leche Flan.
Matapos naming 100mamili ay diretso na kami sa parking para ilagay sa parking ang aming mga pinamili. Akala nya ay Pauwi na kami. Pero dahil narito na rin lang kami at Iginala ko na rin sya sa Filinvest. Nag hanap nalang ako ng pwede naming kainan. Sinabihan ko na rin sya kanina na hwag na maghanda ng aming dinner. Balak ko sana ay take out pero dito na lamang kami para di na rin kami maghahanda sa bahay. Kaya dumaan kami sa Fiddle Leaf Restaurant .
Umorder ako ng Calamares Con manchego pesto, Enselada de Cogollo at Parmesan Chicken Wings. Samantalang si Rhaiza naman ay Paella De Marisco at Tempura De Bacalao.
Walang gaanong tao sa mga oras na iyon kaya ilan lamang kaming customer. Habang naghihintay ay tumayo muna si Rhaiza saka nag picture picture sa lugar.
Dahil wala pa naman ang order namin ay Sinundan ko naman sya nakita ko syang nasa may Veranda at tahimik na nakatingin sa papadilim na hapong iyon.
"Oh? Bakit tahimik ka? Ang saya mo kanina ah." Tanong ko nang mapansin ang kanyang pagtahimik.
"Wala naman Engr. Naalala ko lang sila Nanay At Tatay. Pangarap ko kasi noon na madala ko sila Dito sa Manila at Madala sa mga ganitong lugar, pero wala na di na yon mangyayari." Sagot nya sa akin.
Tumabi ako sa kanyang gilid saka ako huminga ng malalim. Saka muli syang lumingon.
"Alam mo Rhaiza pareho tayo noon, Noong panahon na isang kahig at isang Tuka lamang kami. Although di naman kami nakaranas ng gutom. Pero sakto lang talaga. May mga ibang bagay talaga ay never namin natikman kahit ordinary lamang yon sa iba. Pero ganon pa man nagpalasalamat ako kay Mama at Papa na kahit papano di naman kami nagutom. Nagagawan nila ng paraan ang pagkain namin. Siguro may time na di kami palaging nakakakain ng kanin ng 3 beses sa isang araw. Pero never kumalam ang sikmura namin dahil talagang masipag sila. Minsan ay saging na nilaga ang almusal, minsan ay Kamote, pero tinitiyak nila na sa tanghali ay kanin ang tatanghalianin namin ganon din sa gabi. Kaya noong nagkabtraho ako unti tunti akong bumawi sa kanila. Mapalad lang ako na buhay pa sila hangang ngayon kaya naipaparanas ko pa sa kanila yung mga di nila nararanasan dati." Anya ko pa.
"Maswerte ka Engr. Dahil nariyan pa ang mga magulang mo. Maswerte din sila Mam Ella dahil napakabuti nyong anak sa kanila." Tugon naman ni Rhaiza.
"Hmm..siguro, swerte din naman ang magulang mo sayo, kasi diba kahit papano naiparamdam mo parin sa kanila na umalwan sa buhay bago sila nawala? At least kahit papano naibigay mo iyon sa kanila."
"Hmm.. parang ganon na nga Engr. Kahit papano naman napagpahinga ko sila Nanay at Tatay, naipaayos ko ang bahay namin, naibili ko ng bangka si Tatay at napag aral ko ang dalawa kong kapatid." Wika pa nya.
"Yun naman pala eh, So don't be sad Rhaiza, May mga nagawa ka parin sa kanila bago sila namaalam." Dagdag ko pa. Maya maya ay dumating na ang order namin kaya bumalik na kami sa Upuan namin.
Tahimik lamang kaming kumakain. Nagulat pa kami ng lumapit sa amin ang isang staff saka sinindihan ang candle sa harapan namin.
"Sindihann ko lang po Sir, para mas romantic po ang dinner date nyo" anya pa nito saka ngumiti sa amin.
Nagkatinginan na lang kami ni Rhaiza at di na nakaimik. Napagkamalan pa tuloy na nag de date kami.
Matapos naming kumain ay nag decide na rin kami na umuwi,Samantala si Rhaiza naman ay nagpaalam muna na magbabanyo kaya hinintay ko lamang sya sa may front ng Resto, habang hinihintay ko sya palabas ay hindi ko akalain na sa hinagap ko ay makikita ko ang babaeng halos ilang taon na na di ko nakikita. Hindi ko napansin na papasok sya dahil binabasa ko ang Flyers na nakita ko kaya di inaasahan na magkabangaan kami.
"Owss..I'm sorry Miss." Anya ko dito.
"I'ts Oka....Antonello?" Gulat na tanong nya sa akin.
Napatda naman ako ng mapagtanto kung sino sya, walang iba kundi ang dati kong Nobya. Walang iba kundi si Eve.
"Eve?" Anya ko ng masigurado na sya nga.
"Kumusta? Long time no see? Ilang taon na rin ang nakalipas magmula nung last meet natin." Anya nya pa sa akin."
"Oo nga, Galing ka rin pala dito who's with you? Mag isa ka lang ba?
"Ahm..Hindi i Have my.."
Di ko pa natatapos amg sasabihin at pumasok ang isang lalaki saka umakbay sa kanya.
"Ah, by the Way Antonello I'm with my Fiance pala Elion, Then sweetheart His Antonello my Friend." Pagpapakilala nya sa akin. Sa kanyang di umanoy fiance.
"Ah nice to meet you" bati naman ni Elion sa akin.
Binati ko rin sila pabalik para naman di Awkward. Sakto naman na paratig na pala si Rhaiza.
"Sorry, natagalan ako ang tagal kasi lumabas nung sinundan ..."
Hindi na nakatapos si Rhaiza sa pagsasalita, medyo nagulat pa sya ng kabigin ko sya palapit sa akin saka ko sya inakbayan sa kanyang bewang.
"It's okay Sinta ko, Nga pala Just want you to meet Eve and Elion,and Guys Meet Rhaiza My Girl.."
Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay pinutol na iyon ni Eve. Kita ko rin ang pagbabago ng expression ng kanyang mukha. Ganon nya rin pinasadahan ng tingin si Rhaiza mula ulo hangang Paa.
"Ah..I see nice to meet you Rhaiza, ngayon ko lang nalaman Anton nag iba kana pala ng taste sa babae ngayon. Hehe..sa bagay nagkaka edad ka na. Hindi mo na kayang mamili pa ng iba, tulad ng naging ex mo noon." Wika nya pa.
Napayuko naman si Rhaiza sa sinabi ni Eve.
Nakadama tuloy ako ng guilt.
"Hmm..Baka nga? Sa tingin ko nga mas ok yung Taste ko ngayon kesa noon." Sagot ko dito saka ako tumingin kat Rhaiza. Kita ko pa ang pagtaas ng Kilay ni Eve.
"Talaga ba? Kasi noon yung ex mo, pwede mo iharap kahit kanino, kahit sa malalaking tao, always presentable kaya di ka mapapahiya na iharap kahit kanino pang tao." Anya nya pa.
Nagulat ako ng natawa ng pagak si Rhaiza saka tumingin sa akin.
"Hmm, Ganon ba yon Sinta ko Engr.Antonello? Ikaw naman kasi di mo naman sinabi na mag de date tayo rito, ang alam ko lang kasi mag gro grocery lang tayo ng mga kailangan natin sa bahay kaya Pants, Jeans lang at sandals ang suot ko. Next time po sasabihan mo ako para nakakapag ayos din po ako ng Bongga." Wika ni Rhaiza habang nakatingin sa akin ng Mata sa Mata habang ang kamay nya naman ay nasa tapat ng Dibdib ko."
Sa Narinig ni Eve ay tila mas nag iba ang expression nito.
"Mag..Magkasama kayo sa bahay?" Nauutal na tanong nito.
"Yes, we live together under the same Roof." Sagot ko pa dito saka kinabig ulit si Rhaiza saka bahagyang hinalikan sa ulo.
"Hmm..ganon ba? Sa bagay? Mukha namang easy to get na babae sya." Walang kaabog abog na turan ni Eve.
"Nope She's not, Sadyang masarap lang sya mag mahal at Mahalin kaya nag click kami. Saka doon din naman ang bagsak namin so Why not?"
"Ah..ganon ba? Talagang nag iba na ang taste mo ngayon no? Samantalang noon ayaw mo ng ganyan."
"Ika mo nga noon People Change Eve. Saka linawin ko lang pala yung kanina. Tama ka, iba na talaga ang Taste ko, noon kasi akala ko mukha lang ang dapat ika proud ipakilala, pero ngayon pati ugali din pala.
And Loud and Proud ko na sasabihin na ganon si Rhaiza Hindi lang physical yung pwede ko ipagmalaki sa kanya, kundi pati ugali nya." Anya ko pa.
Kita ko ang pagsimangot nya. At ang pag tingin nya kay Rhaiza.
"Masyado mo naman akong Pinupuri Sinta ko, halika na nga mauna na tayo, baka ma late na sila sa dinner nila." Anya ni Rhaiza habang naka abresiete sa akin.
"Okay Love, Let's go, by the way Eve Elion mauuna na kami.
"Yeah...nice to meet you Bro." Anya naman ng Foreigner na Fiance ni Eve na walang alam sa ganap at patutsadahan namin ng kanyang Girlfriend.
Habang naglalakad kami ay nanatili kaming magka holding hands hangang sa makarating kami sa loob ng sasakyan.
"I'm sorry Rhaiza ha, nagamit tuloy kita ng wala sa oras."
"Ok lang Engr.Alam ko naman yon, sya ba eng Ex mo?" Tanong nya sa akin.
"Oo si Eve, di ko naman akalain na makikita ko sya. Ilang taon na rin naman ang nakakaraan, pasensya ka na ha, medyo magaspang sya magsalita.
"Ayos lang Engr. Pero Maganda nga din sya, tama sya ang mga babaeng tulad nya ay pwede mong ipakilala kahit kanino." Anya ni Rhaiza.
"Andon na tayo sa Maganda, pero kumusta ang ugali? Wika ko pa
"Hmm..Alam mo Engr. Parang may feelings parin sya sayo. Kita sa mga mata nya kanina. Siguro halos gusto nya na ako sabunutan kanina nung sinabi mo na Kasama mo ako." Anya ni Rhaiza habang inaayos ang ibang pinamili sa sasakyan.
"Hmm..pansin ko nga na nag iba ang aura nya, pero salamat Rhaiza ah, ayoko lang isipin nya na wala pa rin akong Gf hangang ngayon.
Kaya pasensya ka na kung naging instant GF kita kanina." Anya ko dito.
"Ayos lang Engr. Nakakagulat lang di ko tuloy alam kung maganda ba yung acting ko, kung kapani paniwala ba.?" Tanong nya pa.
"Hmmm...sa tingin ko naman ay ayos. Napaniwala natin sya na GF kita kaya ganon na lamang ang reaction nya." Sagot ko sa kanya kaya natawa na lamang kami pareho.
Kasalukuyang inaayos nya ang sestbelt nya ng hindi nya ito mahatak kaya naman nilapit ko ang mukha ko sa kanya saka ko ito inabot. Ikinabit ko na rin ito, doon ko lang napansin na halos madikit na pala ang mukha ko sa Dibdib nya.
"O..Okay na po Engr., pwede na po kayong bumalik sa pwesto nyo" Tila nahihiyang wika naman ni Rhaiza.
"Ah...Good.. so..let's go." Sagot ko na lamang pero deep inside ay medyo nakaramdam din ng hiya. Wala naman akong intesnyon na iba. Pero late narin nag sink in sa akin na halos madikit na ang mukha ko sa dibdib nya.
Pauwi na kami at i lang minuto lamang ay nakarating na rin sa bahay. Nilagay lamang namin ang mga Meat na pinamili namin sa Ref. Pero sinabihan ko si Rhaiza na magpahinga na at bukas na lamang ayusin ang iba. Ako man ay pumasok na rin sa aking kwarto.
Pipikit na sana ako ngunit di mawala sa isip ko ang pagkakadikit ng Mukha ko sa dibdib nya.
Hindi ko naman sya pinag nanasaan pero bakit hindi mawala sa isip ko.
"Kasalanan talaga ng Seatbelt yon." Anya ko saka napahawak na lamang sa ulo.