CHAPTER 12 "BINISITA"

2347 Words
RHAIZA Ang mga sumunod na araw ay tila kakaiba. Hindi ko alam kung bakit, basta ang sabi ni Engr. Ay mauna na daw akong kumain, hindi ko alam kung may nagawa ba akong kasalanan o ano, dahil simula nung nabangga ko sya nung nakaraang gabi ay naging ganyan na sya. Ayoko lamang punahin dahil ayoko makaramdam ng awkwardnes sa aming dalawa. Pero tulad ng mga nakaraan ay tinitiyak ko parin na masarap at masustansya ang mga niluluto ko. Isang araw ay nagmamadali si Engr. Hindi nya na nagawang hintayin ang niluluto ko. "Engr. Ang aga mo naman po ata, hindi pa po luto ang baon nyo." Wika ko dahil wala pang ala sais ng umaga ay aalis na sya." "Oo Maaga kasi kami ngayon, may meeting pa kasi sa opisina bago pumunta sa site." "Ganon po ba, sayang naman sana pala inagahan ko nalang po ang gising " wika ko na parang may panghihinayang. "Sorry, nakalimutan ko rin kasi sabihin na maaga ako, don't worry baka sa labas nalang muna ako kumain." "Hmm..ganon ba sayang naman po napalambot ko na rin ito., Ahm Engr. Diba sa Muntinlupa lang naman yung site nyo? Kung ok lang sayo dadalhin ko na lang po mamaya." Nagkapag asang wika ko habang hinihintay ang sagot nya. "Huh? Wag na maaabala ka pa saka mainit sa Site." Sagot nya. "Hindi ok lang po, Basta po dadalhan nalang po kita okay?" Pilit ko sa kanya. "Sige, ikaw bahala., Paano i need to go, mala late na kasi ako sa meeting." Wika nya pa saka tuluyang nagpaalam. Dahil mahaba pa ang oras ay naghanda rin ako ng cookies na pang himagas. Mga 11 na lang ako aalis dito para sakto na before 12 ay naroon na ako sa site. Sakto naman na nag chat si Zhel. Pupunta daw sya sa Festival mall at may bibilhin kaya sabi ko na sabay na kami dahil mag dadala ako ng pagkain ni Engr. Tuwang tuwa naman ang Kiri kong kaibigan dahil panigurado dae na maraming gwapo sa site. Sa Site muna daw kami saka na kami dumaan ng Festival Mall kapag Uwi Natawa na lamang ako. Nagsuot lamang ako ng Skinny Jeans at White shirt saka ko ito itinuck in. Nagsuot din ako ng sneakers na madalas ko lamang din suotin. Kapag lumalabas kami ni Lola Aning noon. Paglabas ko ng gate ay sakto ang dating ni Zhel nagulat pa ako sa pormahan nya. Parang may ari ng pinapatayong Condo ang pormahan. "Nice..Madam na Madam ang Promahan mo Zhel, Nag muka tuloy akong Alalay mo." Natatawang wika ko." "Hindi naman, Hehe sakto lang Saka Maganda naman ang pormahan mo ah." "Haha kahit pa, Mas Madam ka, Parang ikaw yung may Ari ng Pinapatayong Condo. Hahaha" biro ko sa kanya. "Haha, Talaga? Sa bagay may NAPATAYO na rin naman ako, Hindi nga lang CONDO hihihi." Anya pa nito saka tumawa na akala moy kinukurot sa singit. "Tara na nga, baka ma late pa tayo, kawawa naman si Engineer, baka magutom pa." Anya ko. "Haha..aba alalang alala ka naman sa 45 years old mong Engineer." "Syempre, ayoko na malilipasan sya ng gutom hehe." Sagot ko pa. "Oo na, sya tara na, para makita ko na ang Huklubang Engineer na yan." Anya nya pa. Natawa na lamang ako. Hindi ko kasi sinasabi sa kanya ang itsura ni Engr. Pagdating namin sa Gate ay Pinapasok naman kami ng Guard sa loob. Medyo malayo pa ang Site kaya kailangan pa namin lumakad ng ilang Metro. Mabuti na lamag kahit papano ay may mga ilang puno sa gilid. Tawang tawa ako dahil sakin walang problema sa lakaran dahil naka sneakers naman ako, pero si Zhel ay naka heels kaya tiis ganda talaga ang Peg. May nakakasalubong kaming mga Construction worker, Binabati nila kami kaya tumatango lamang kami bilang respeto. "Magandang Tanghali mga Mam Ganda" bati sa amin ng Ilan. "Magandang Tanghali din po," sagot ko pabalik. "Salamat Pero Matagal na naming Alam yan" sagot naman ni Zhel kaya kinurot ko ito sa Tagiliran. "Aray ko naman, bat ka ba nangungurot? Sinabi ko lang naman ang totoo na matagal na tayong maganda" wika pa ni Zhel. Paglapit namin ay Tinanong kami ng Isa guard na naroon. "Sino po kailangan nila Mam? "Ahm..Si Engineer Antonello po sana." Magalang na wika ko." "Ah, sige po pahintay nalang pabalik na po sila, Naroon po kasi sila galing sa Dulo." Anya ng guard kaya naman naupo kami ni Zhel sa upuan na binigay sa amin. Isa isa nang nagdaratingan ang mga Trabahador, Di maiwasan na mapatingin sila sa amin, marahil nagtataka kung bakit naroon kami. Si Zhel naman ay Halos humaba ang leeg kaka tanaw kung nasaan na si Engineer. Napangiti naman ako ng matanaw ko si Engineer Anton, Sa likod sya nang galing kasama ang isa pang Tila Engineer din na tulad nya dahil pareho sila ng Suot. Habang Si Zhel naman ay Panay parin ang tanaw sa Harapan. "Asan na ba yang Amo mong Engineer? Siguro di makalakad ng Mabilis dahil malaki ang Tyan, Hahaha tapos baka uugod ugod na rin at Baka mamaya nagpahinga pa dahil sobrang init. Hahaha" anya nu Zhel. Halos pigil ko naman ang tawa ko at medyo nahiya rin ako kay Engineer at sa kasama nito dahil narinig nila ang sinasabi ng mahadera kong kaibigan. "BFf tawagan mo nalang yang Si Engineer sabihin mo na narito na kamo Tayo Hwag nya kamo tayong pinag Hihin...." Hindi na natapos ni Zhel ang sasabihin nya dahil pag harap nya ay naka pwesto na kaming tatlo at Kasalukuyang Binubuksan na ni Engineer ang Dala kong pagkain habang inaabangan ang magiging Reaction ni Zhel. "Ano Mis? May nakita ka na bang Malaking Tyan at UUGOD ugod na Engineer?" Tanong ni Engr. Anton dito. Nagkatitigan silang dalawa, marahil inaalala ang Isa't isa. "Hmmmm..Teka..Parang kilala kita, Ikaw yung kaibigan ni Kuya Vito tama? At ikaw din yung naghatid samin ni Rhaiza nung namatay Yung Nanay at Tatay nya." Anya pa nito. "Ako nga, napakalayo nyo ni Vito, kung anong tahimik ni Vito, kabaligtaran ka nya." Anya ni Engr. "Malamang, Magtaka ka kung madaldal si Kuya Vito. Teka Rhaiza bat di mo naman kasi sinabi na sya pala ang amo mo." "Hmm..Di mo naman din tinanong saka okay narin yon para alam mo na sa susunod na dapat di ka nag ju jump sa conclusion." Anya ko pa rito. "Oo na Oo na, Ayy Teka, may kasama ka pala Engr. ANTOn, ipakilala mo naman kami." Nakangititing wika pa ni Zhel habang nakatingin sa engineer na kasama din ni Antonello. "Ah, nga pala Si Engr.Aeolus kasama ko dito sa project, Engr.Ae si Rhaiza nga Pala, eto naman kaibigan nya at Pinsan ng Kaibigan ko." "Hi Engr. POGI, Bless sa Tita, hehe charaught lang." "Hello po, kain na rin po kayo, tikman nyo po Luto ng asawa ko." Anya pa nito. "Ay.. may asawa ka na? Sayang naman, akala ko pa namab dalawa na kami ni Rhaiza na pupunta dito para maghatid ng Foods kaso taken kana pala..sayang naman nahuli ako huhuhu." Biro pa dito ni Zhel kaya natawa kami. Masaya ako na nakikitang magana si Engr. After nya kumain ay inabot ko rin ang gamot na kailangan nyang inumin. Matapos iyon ay inilagay ko na ulit sa PaperBag ang mga baunan na dala ko. Nagpaalam din ako kay Engineer na sasamahan ko si Zhel sa Festival dahil may kailangan itong bilhin. "Engineer, didiretso pala kami sa Festival, may kailangan kasing bilhin si Zhel." "Sige lang walang problema, ikaw wala ka bang bibilhin?" Tanong nya sa akin. "Wala pa po, Saka matagal pa ang sahod ko." Wika ko saka dinampot ang paper bag. Nagulat ako ng dumukot sya sa kanyang bulsa. "Oh, Gamitin mo, I message ko sa iyo ang Pin." Saad nya saka inabot ang kanyang Debit Card. "Po? Naku hindi na Engineer. Wala naman akong bibilhin, saka kompleto naman sa bahay mo at libre lahat kaya ok na ako dun." Nakangiting wika ko pa. "No! just bring it, kapag may nakita kang nais bilhin e di bilhin mo.' Anya pa nito sa ma otoridad na tono. "Oo nga Kunin mo na, May mabibili tayo mamaya for sure." Segunda naman ni Zhel. Wala na akong nagawa kundi kunin ang debit card nya. "Ughhh..Very Sugar Daddy ang ATAKE ni Gingineer hahaha." Biro pa ni Zhel kaya siniko ko sya. "Hahaha pero di ako makapaniwala na 45 na pala sya, akala ko kasing Tanda lang ni Kuya Vito, wala pang 40 si Kuya Vito. Kaya pala tahimik ka ha di pa pala uugod ugod ang amo mo hahaha si Antonello pala." Anya pa nito. Nang makarating kami sa Mall ay nag ikot ikot kami ni Zhel. Nabili nya naman ang kanyang balak bilhin. Hangang sa yayain ko sya sa Store ng mga Laptop. Tiningnan ko ang Laptop na nais kong iregalo kay Ranna. Sobrang luma na kasi ng specs ng laptop nyang segundamano na ilang taon nya na ring pinag titiisan. Pag check ko ay nasa 50,000 pa ito. I swa swipe na sana ito ngunit pinigilan ko din." "Ahm..mis sorry hwag na lang muna pala." "Ah, bakit po mam? Abot naman po ang laman at Sobra sobra pa po." Anya ng kahera ng Store. "Pasensya na, babalik nalang siguro ako sa susunod na buwan. Sa amo ko kasi ito, naisip ko na masyadong malaki ang gagamitin ko kaya sa susunod na lang Cash nalang din ako bibili, Salamat at Pasensya na." Pag papaumanhin ko dito at naunawaan naman nya ito. "Oh? Hindi mo pa binili?" Tanong ni Zhel. "Naku hindi pa, Wala pa akong ganyang halaga, alam mo naman na gumastos ako sa pagkamatay nila Nanay at Tatay. Tapos pinagawa ko parin ang nasira sa bahay sa probinsya ayaw ko naman pakialam yung savings na naitabi ko. Nakalaan talaga iyon kapag may emergecy lamang kaya talagang need ko pa pag ipunan ang Laptop ni Ranna. Ayoko naman na i swipe dito sa card ni Engr. Nakakahiya naman dahil di biro ang amount." Anya ko pa. Nakauwi kami ni Zhel nang wala talaga akong nabili. Pero ayos lang naman dahil tulad ng sabi ko ay wala naman akong kailangang bilhin dahil kompleto na lahat dito sa bahay. Napatingin naman ako sa Panty ko na nakasabit sa sampayan wala na iyon sa Pinagsampayan ko. Kinabahan ako bigla e dun ko lang naman sinampay. Hinanap ko ang Mga Panty ko. Mga Luma na iyon pero kahit luma na ay pwede pa nama isuot pumapalag pa naman ang Garter kahit papano. May maayos din naman akong panty pero dahil nasa bahay lang naman ako ay mga lumang panty talaga ang gamit ko. Pero nasaan na yung mga Legend kong Panty, bakit nawala? Tanong ko sa isip. Nagulat ako ng makita ito sa Loob ng bahay pero wala ako matandaan na nilipat ko ito rito dahil nga pinatuyo ko ito kahapon sa initan. Biglang may pumasok sa isip ko." "Luh..Hindi kaya si Engr. Ang naglipat nito dahil nakalimutan kong ipasok?" Paktay..Kaya siguro ganon nalang ang pag pupumilit nya sa akin na bumili ako ng gusto ko. Malamang nakita nya ang mga palaban kong Panty. Kaya siguro ganon na lamang sya nag iinsist na bilhin ko ang gusto ko. Sa isipin kong iyon ay nakaramdam ako ng Hiya. Dapat pala sa Kwarto ko nalang sinampay. E malay ko ba, maghapon naman syang wala, nagkataon lang na nakalimutan ko isilong kaya siguro nilipat nya sa loob. Nang araw na iyon ay Patay malisya na lamang ako. At nagpanggap na walang naganap na hanapan ng Panty. Nang gabing iyon ay iniabot ko naman sa kanya ang Debit Card . "Engineer, heto pala ang card mo, salamat ah, pero wala talaga akong mabili eh." "Bakit? "Ahmm..Wala po Eh..hehe saka nalang po siguro" "Bakit hindi mo itinuloy ang Pagbili ng Laptop?" Tanong ni Engr. Nagulat ako na pati yon ay nalaman nya. "AHm..ah eh..Kasi mAsysdo pang mahal Engineer kaya sa susunod nalang siguro." "Dapat Binili mo na, di mo sure next time kung meron pa yung Unit na yon, sana tinuloy mo nalang." Anya nito sa seryosong tono. "Ahm..masyado po kasing malaki, pag iipunan ko nalang po muna, kung i swa swipe ko po kasi baka wala na matira sa sahod ko ng ilang buwan." Sagot ko dito." Tumingin ito sa akin saka din binawi agad. Salubong ang kilay nito na para bang naasar. Ngunit di na rin ito nagsalita pa. Kinabukasan ay nanood ako ng TV sa salas ng Tumunog ang doorbell sa Gate. Akala ko pa noong una ay si Zhel. Nagulat ako ng isa itong Delivery courier. "Ms.Rhaiza Elize po?" "Dito nga po? Bakit po.? "Pa receive nalang po nitong Delivery, dito na po kasi pina deliver ni Sir Antonello Lanzuela" "Ah, opo yung amo ko, akin na po at sign ko." Anya ko pa saka pinirmahan ang papel. "Anong item po pala yan sir para masabi ko na dumating na yung item na order nya?" Tanong ko dito. "Ahmm..Laptop po eh, etong nasa paper bag po di nya na binaggit." Anya pa ng driver. Kinuha ko naman ang Box ng Laptop at ang paper bag saka ako nagpasalamat at pumasok na sa loob. Pag check ko sa phone ko ay may message pala si Engr.Anton kaya binasa ko ito. "Paki received ng Delivery, Yang Laptop para sa kapatid mo, yang nasa paper bag para naman sayo." Nagpasalamat naman ako at sinabi na kaka receive ko lamang ng delivery. Sa box pa lamang ay alam ko na na Laptop kaya ang binuksan ko na lamang ay ang paper bag. Maingat kong binuksan ang nasabing paper Bag, Halos kabahan naman ako ng makita ang nilalaman noon. Isang Dosenang Panty na halos mawindang din ako sa presyo. "Engineer naman, panty lang to pero gumastos pa ng mahal? Saka bakit nya ako binilhan ng panty? Na turn off ba sya sa panty ko?" Hindi ko alam kung may mukha pa akong maihaharap sa kanya mamaya dahil sa pasabog na regalo nya. Bahala na si Batman pero parang ayaw ko muna magpakita ng one week kunf pwede lang." Anya ko sa aking isip saka napapailing habang hawak ang regalong panty ni Engineer.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD