RHAIZA ELIZE
Tuwang tuwa si Zhel at si Tita Cora ng bigyan ko sila ng mga dala naming Prutas at gulay galing sa Farm nila Engr.
Makakatikim daw sila sa wakas mg libre at sariwa pa. Saglit lamang din jaming nagkwentuhan saka ako umuwi rin agad. Nakakahiya naman kay Engr. Kung sakaling di nya ako maaabutan sa bahay
, kaya naman nagpaalam din agad ako saka umuwi sa bahay ni Engr. Anton.
Nagluto naman ako ng hapunan namin . Umalis kasi sya kanina, Ang sabi nya ay may emergency na project syang pupuntahan. Ilang oras din syang nawala at mag a ala singko y media na sya nakabalik.
Pagbalik nya ay sandali lamang kami nakapag usap at umakyat na rin sya sa kanyang kwarto. Hindi ko alam, kanina ay masaya naman sya noong umalis , ngunit tila malungkot sya pagbalik nya.
Hangang sa makakain kami ng hapunan ay kita ko na tila ang tahimik nya. Hindi sya masyadong nagsasalita.
"Engr.? May masakit ba sayo? Parang sobrang tahimik mo?
"Wala naman Rhaiza, medyo pagod lang siguro." Wika nya saka bahagyang ngumiti. Pero hindi ako sampalataya sa ngiti nyang iyon. Ramdam ko na hindi sya okay.
Tumambay muna sya sa may sala. Kita ko na panay ang hilot nya sa may balikat nya. Kita ko rin na kanina nya pa ito ini stretch. Kaya pagkatapos ko ay lumapit ako sa kanya.
"Engr. masakit ba ang balikat mo? Pansin ko na kanina mo pa hinihilot at ini Stretch yan." Anya ko dito sakanlumapit sa kanya.
"Ahm..oo Medyo masakit eh, di ko alam kung ngalay naba ito o ano." Sagot nya sa akin.
"Gusto mo bang i massage ko." Pagkasabi ko noon ay napatingin sya sa akin. Na tila nagulat. May naglaro naman sa isip ko na kalokohan.
"Pwede ko namab masahihin yan, masarap ako mag masahe Engr." Anya ko saka tila nilandian ang salita. Nakatingin lamang sya sa akin habang kinuha ko ang panghilot saka ako lumapit sa kanya.
"Mamasahihin na kita Engr." Anya ko pa na pinipigil ang Tawa.
"Huh? Ahmm..Maghuhibad ba dapat? Kaso..ahm ano eh.." tingin koy pinagpaawisan at kinakabahan na sabi ni Engr.
"Oo Engr. Kailangan naka Hubad ka at Nakadapa, para mas madama mo ang masahe ko." Wika ko parin sa maharot na paraaan.
Kita ko na hinubad nya ang salamin saka pinunasan ang tila namamawis nyang noo.
Bago pa sya tuluyang kabahan ay natawa nalang ako.
"Charaught lang Engr. Kahit nakaupo lang, etong balikat lang naman diba hehe." Anya ko dahil natatawa na talaga ako sa itsura nya.
Tinaas nya ang damit nya hangang leeg pero di nya ito tuluyang hinubad.
Saka ko naman nilagay ang Aroma Oil sa palad ko at saka ito marahang dinampi sa kamyang balat. Mainit ang balat ni Engr. Para naman hindi awkward ay kinukwentuhan ko sya habang minamasahe ko ang kanyang balikat.
"Alam mo Engineer noong buhay pa sila Nanay at Tatay noong nasa probinsya pa ako madalas ko rin silang masahihin." Kwento ko habag minamasahe sya.
"Talaga? San ka natuto.?"
"Hmm..tinuro lang din sa amin dun sa schooling na kinuha ko noon." Anya ko naman.
Pansin ko na napapapikit si Engr. Sa masahe ko, mukang inaantok. Marahil nagugustuhan nya siguro napapa SARAP kasi sya kapag dinidiinan ko. Hangang sa matapos ang session namin.
"Ok na po Engr. "
"Salamat ha, umalwan alwan kahit papano." Anya pa nito saka nagpaalam na sa akin na magpapahinga na daw sya.
Kinabukasan ay maaga ko namang inasikaso ang pang baon nya mas naging maasikaso ako sa kanya at mas dinoble kong i check ang mga pinapakain ko sa kanya at yung tipo na di nya pag sasawaan.
Habang nag aalmusal sya kanina ay pansin ko ang pagtahimik nya. Parang simula kahapon matapos nya bumalik ay para bang meron syang malalim na iniisip.
Pero ayoko na munang usisain, Iniabot ko sa kanya ang kanyang pananghalian saka naman sya nagpaalam na paalis na. Hinatid ko lamang sya sa may pinto at nang makalayo na ang kanyang sasakyan ay saka ako pumasok muli sa loob.
Dahil naka sched na maglalaba ako ngayong araw ay kinuha ko ang marumi kong mga damit. Binilin ko rin naman kay Engr. Na ihanda nya ang mga lalabhan ko kaya inilabas nya ang basket ng kanyang labahan. Inisa isa ko ang mga damit nya na lalabhan ko. Kahit na labahin na ang mga ito ay ang bango parin. Sa ilang beses ko na naglaba ay puro tshirt, Polo, Shorts at pants lang ang mga nilalabhan ko. Never syang nagpalaba ng underwear nya sa akin. Kaya nagulat ako na merong isang nakalusot. Marahil hindi nya napansin ang isang boxer brief. Kukay itim ito at medyo nanginginig pa ako na hawakan ito.
Marahan ko itong inabot First time king makahawak ng gamit na panloob ng lalaki.
Nagsimula na akong maglaba, hindi ko alam parang natatawa ako habang kinukusot ang brief nya.
Teka bat ba ako mahihiya? Eh yung panty ki nga nilipat nya ng sampay kaya nakita nya yung mga legendary panty ko.
Hindi naman madudumi ang damit nya at hindi din naman ganon kadudumi.
Kaya mabilis lamang din akong natapos. Mamay maya ay tumunog nag doorbell kaya lumabas ako para tingnan at nakita ko na si Zhell ang naroon. Agad ko namang binuksan. Nagsabi naman si Engr. Na kapag gusto ay pwede naman pumunta si Zhell sa bahay nya dahil kilala nya naman ito.
Mas pinili namin ni Zhell na sa may Kitchen tumambay kaya naman doon nalang kami nag kwentuhan.
"BFf, Kumusta naman? Ano nabang ganap sa inyo ni Gingineer?"
"Huh? Ganap wala , ano namang gaganapin namin?" Natatawang sagot ki sa kanya.
"Ganon? Bakit wala eh hindi ba kayo nagkaka developan? Syempre kayo lang dalawa dito, tapos pagkakain lagi kayo magkasabay."
"Hmm..hindi naman, napaka professional nya naman kasing tao kumilos, trabaho ay trabaho."
"Eh ikaw? Hindi ka ba na de develop sa kanya? Diba anya sabi mo noong nakaraan pinagsalubungan ka ng Siomai hehe."
"Isang beses lang naman yon, saka wala naman syang ibang intention."
"Hmm.. ewan pero feeling ko sa bandang huli maya fa fall na isa sa inyo. Imposibleng wala..mark my word hehe."
"Alam mo Zhell kumain ka na para di kung ano ano yang naiisip mo ha." Anya ko pa."
Nang ihahatid ko na si Zhell palabas ay tumunog ang cellphone ko.
Numero lamang kaya di ko sana sasagutin. Maya maya ay nag dial ulit kaya naman sinagot ko na.
"Hello po?"
"Hello is This Rhaiza? Yung kasama ni Engr. Anton sa bahay?"
"Opo, ako nga sino po ito?"
"Rhaiza Si Ae to yung kasama ni Engr.Anton Sa Site, dinala namin sya sa Hospital, Sumakit kasi ang tyan tas nahihilo daw sya."
"Huh? Saang hospital po?" Kinakabahnag tanong ko.
"Sa Asian Hospital"
"Si..sige po papunta na po ako." Anya ko saka pinatay ang tawag.
Dali dali akong nagbihis. Sunigurado ko muna na maayos ang lahat sa bahay bago ako umalis.
Saka ako nagtungo patungo sa Asian Hospital. Agad akong nagtanong sa receptionist at sinabi na nasa room 023 ito naka confine.
Dahil sobrang kaba ay walang kaabog abog na pumasok ako sa Loob ng Room kung saan naroroon si Engr.Anton.
"Engr.Anton, Ayos ka lang..."
Hindi ko na natapos ang sasabihin nang pagbukas ko ng pinto ay naroon si Everette sa tabi nya. Inaayos ang unan nya at inaalalayan syang humiga.
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ng mga oras na iyon. Oo wala namang kami ni Engr. Pero bakit may kirot sa puso ko na makita silang dalawa sa ganoong sitwasyon.
Mukhang sa sinabi ni Zhell kanina tila ako na nga yata ang tinamaan."
Nakita naman ako ni Engr. Kaya naman tinawag nya ako.
"Sinta, nariyan ka na pala." Anya nya saka tumingin sa mga mata ko. Marahil paraan nya iyon para itaboy si Eve sa tabi nya.
"Pa.. Pasensya na Mahal, katatapos ko lang kasi magsampay nang makatangap ako ng tawag kay Engr.Ae."
"Ayos lang, sorry naabala ka pa tuloy, Sabi ko nga resetahan na lamang ako ng gamot, pero makulit ang mga doctor. Kailangan ko daw i confine." Anya nito sa akin. Pansin ko na nakatingin si Everette sa amin. Kaya hinaplos ko ang buhok ni Engr. Kaya kita sa gilid ng mata ko ang pag ismid nya.
"Everette, narito ka pala, salamat sa pagdalo mo na samahan si Engr. Habang wala ako." Sabi ko saka ako tumingin sa kanya.
"Oo, Pupunta lang dapat ako sa kanya para dalhan sya ng lunch, pero yun nga sakto na itatakbo sya sa Hospital kaya sumama na ako." Anta nito saka umirap ng bahagya.
"Ganon ba? May lunch naman si Mahal kaya hindi mo na sya kailangan na dalhan."
"Bakit? Masama ba? E ano kung may lunch na sya? Bilang pasasalamat sa pagtangap nya sa pag gagawa ng lines sa bahay namin di man siguro masama na puntahan ko sya sa site para dalhan ng foods, Saka Nakita ko yung mga pinapakain mo sa kanya my gosh! Pinaakain mo sya ng mga Dahon dahon? Like talbos talbos?" Anya nito saka aki tinaasan ng kilay.
"Bakit?.wala namang masama sa Talbos ng kamote. At isa pa choice naman ni Mahal iyon kung kakainin nya o hindi, kaya nga sa side nakalagay. Saka FYI masustansya po ang mga Talbos." Anya ko naman.
"Tama Si Sinta, Everette, Gusto ko ang mga hinahanda nya sa akin. Alam ko na pinaglalaanan nya ng higit na oras ang paghahanda sa pagkain ko para tiyak sya na masustansya at masarap ang ipapabaon nya sakin at Salamat sa Effort mo Sinta." Wika ni Engr. Saka ginagap ang aking kamay saka iyon hinalikan. Hindi ko alam kung anong kilig ang aking nararamdaman
Maya maya pa ay pumasok na ang doctor saka binasa ang resulta ng mga test.
Normal naman sya sa iba ngunit may resulta na Sobra sya at kailangang pababain. Sinabi rin ng doctor na kailangang kumain ng tama sa oras at iwasan din ang pagkain ng lipas na kanin. Hangat maaari ay Mainit na kanin ang laging kakainin. Hindi naman daw kailangan mag tagal ni Engr
sa Hospital kailangan nya lang obserbaban magdamag at bukas daw ay pwede na rin namang iuwi.
Umalis na rin si Everette ngunit kita ko ang tila kakaibang pagtingin parin kay Engr. Kaya paglabas nya at ilang minuto na na wala sya saka kami nag usap ni Engr. Anton.
"Dinalaw ka pala ni Eve sa site Engr."
"Oo nagulat din ako, di ko naman alam na darating sya sa site, katatapos lang din namin kumain non hangang sa sumakit ang tyan ko, sakto na sinamahan nya na rin ako dito.
"Nag aaala ako sa kalusugan mo Engr. Ganito na lang, tutal wala naman aking masyadong ginagawa sa Tanghali dadalhan na lamang kita ng pagkain tuwing Tanghali para sure ako na mainit at masustansya parin ang kinakain mo" anya ko saka sya nginitian.
"Salamat Rhaiza, sobrang effort na yung ginagawa mo para sa akin. Napaka swerte nang magiging asawa mo balang araw." Anya ni Engr.
"E Di ma swerte ka Engr." Sagot ko na Pabulong at napangiti.
"Ano Rhaiza? May sinasabi ka?"
"Huh?.naku wala Engr. Natatawa lang ako, sana nga ano dumating na yung lalaking iyon kung meron man." palusot ko na lamang sa kanya.
Sinabi ko kina Mam Ella ang nangyari kay Engr. Pero sinabi ko na rin na hwag mag alala dahil lalabas din naman agad bukas. At ayos naman din ang ibang Test pero kailangan pababain ang iba. Kaya nang gabing iyon ay sa Hospital din kami magpapalipas ng gabi.
May Sofa naman doon kaya don na lamang ako pwe-pwesto, Umuwi lang ako sandali para kumuha ng damit na pamalit namn ni Engr. Saka din ako bumalik agad.
Mga light at may sabaw lang din muna ang pinaakain ko kay Engr. Hindi naman na daw masakit ang Tyan nya ngunit kailangan nya talaga muna daw mag rest at ubusin ang swero.
Nang gabing iyon ay lumakas ang Ulan tanaw sa Bintana ang malalaking Patak nito. Bahagya din naming binuksan ang bintana. Mas gusto kasi ni Engr. Ng sariwang hangin kaya bahagya itong nakabukas. Ngunit ng gabi na ay sinarado ko na rin ito dahil baka pumasok pa ang mga lamok.
Ang bonga ng Hospital na ito. Para kaming nasa loob ng isang mamahaling Hotel. Malamang na mahal din ang bayad dito. Pero may Card naman ata sila Engr.
Nakakabingi ang katahimikan sa Silid na iyon. Ikalawang beses na ito na nakasama ko sya sa loob ng isang Silid, pero lagi nalang may nasakit sa kanya.
"Rhaiza, ok ka lang ba dyan?" Napataas ang kilay ko ng marinig sya na magsalita. Akala ko kasi ay Tulog na.
"Hmm? Oo Engr. Ayos lang ako dito, Hindi ka pa pala natutulog." Sagot ko dito.
"Hindi pa, Giniginaw kasi ako, pwede bang pa Off ng aircon, Sorry ang ginaw talaga ng pakiramdam ko." Saad nya pa. Kaya napatayo ako saka pinatay ang aircon saka naman ako lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang mga Paa at napakalamig ng mga Iyon. Ngunit oag hawak ko naman sa Noo nya ay sobrang init naman.
Mabuti na lamang at may nabitbit akong medyas kaya sinuotan ko sya. Pinainom ko rin sya ng paracetamol. Saka kinumutan.
"Ok na Engr? Malamig parin ba? Mawawala din yan maya maya." Sabi ko dito saka inayos ang kumot nya. Paalis na ako ng bigla nya akong pigilan.
"Rhaiza, pwede bang dito ka muna sa Tabi ko." Anya nito habang hawak ang kamay ko."
Hindi ko iyon inaasahan, pero kita ko na nakapikit ang kanyang mata habang tila nanhinginig ang labi.
Wala na akong nagawa kundi ang lumapit sa kanya. Dahil malapad ang Kama ay Nakita ko na lamang ang sarili ko na nasa Tabi nya habang nakayakap sa kanya. Pikit naman sya. At hindi naman sya Tumutol. Bahala na bukas. Ang mahalaga ay maibsan ang lamig na nararamdaman nya. Kaya natulog ako na nakayakap sa kanya.
Naalimpungatan na lamang ako bandang alas Tres na sya na ang nakayakap sa akin. Ang ulo ko ay nakahilig na sa kanyang Dibdib at ang isa nyang kamay ay nakakapit sa aking Tyan.
Napatingin ako sa Kanyang Mukha na himbing sa Tulog. Di ko akalain na dito pa talaga sa Hospital. Marahan kong tinangal ang kamay nya na nasa aking tyan at marahan akong bumangon. Madilim pa. Chineck ko nag kanyang temperatura at mabuti na lamang at normal na ulit. Sa Sofa na lamang ako ulit nahiga. Para naman di awkward na pag gising nya ay Magkayakap kaming Dalawa. Pero hindi ko alam pero masaya ako. Malakas ang t***k ng aking puso ng masumpungan ang aking sarili na magising sa ilalim ng kanyang mga Bisig.