CHAPTER 23 "TINUTUKAN"

2540 Words
3RD PERSON Sakto ang dating ng Dalaga sa Site. Nasa field pa ang mga Trabahante. Ang ibang construction worker ay isa isa naring sumisilong dahil mag tatanghaling tapat na. Pumasok naman ang Dalaga sa Kantina na Pag aari ni Madam She. Sakto at naroon ito ngayon. "Hello po, pwede po Makiupo habang naghihintay?" Paalam ng dalaga rito. "Oyy.. ikaw pala..Rhaiza tama ba?" "Opo Rhaiza nga." Sagot naman nito. "Hehe.. kumusta long time no see ah, ngayon ka lang ulit naghatid ng pagkain kay Engr. Anton." "Oo Madam, Pero simula po ngayon baka araw araw na po ako maghatid ng pagkain sa kanya para po sure na mainit ang kakainin mya." "Ayy oo nga daw, na i splook lang ni Wena at Rachelle na na hospital nga daw si Engr. Anton. "Opo Madam, sumakit po kasi ang Tyan." "Naku oo nga, dapat talaga mag ingat." Tugon pa ni Madam She. Unti unti na nagdadatingan ang mga trabahador kaya abala na rin halos lahat ang mga tao sa Kantina. Samantalang sa mga Oras na iyon ay nakamasid naman ang dalaga sa mga tao na nagsisirating at umuorder ng pagkain. Karamihan sa mga ito ay walang baon at sa Canteen lamang talaga ni Madam She umaasa. "Miyuki, Megan paki asikaso yung ibang Trabahante, ako na muna dyan sa Kaha." Anya ni Madam She na syang pumwesto na sa Kaha at Pag lilista habang ang apat nyang Staff ay busy naman sa pag aasikaso ng mga pagkain ng mga tao. "Madam She, makikihingi po kami ng Sabaw." Anya ng isang construction worker." "Hingi lang kayo marami tayo nyan, Yuki sabaw daw." Anya ni Madam sa isa nyang staff. "Hoy Megan, Sabaw daw." "Hala Bat Ako, ikaw kaya inutusan" "Eh ikaw na, Ayoko magbigay dun, yan yung nahingi nung numero ko nung nakaraan kaya ayoko baka hingan na naman ako." Anya ni Miyuki. "Wow, haba ng Hair, pero kung Si Engr.Anton yan hindi pa humihingi nakahanda na agad ang sabaw haha." Anya ni Meagan saka tinawanan ang kaibigan. "Syempre, iba si Engr. Anton, Baka kahit di hingin ang numero ko ay baka ako pa ang kusang magbigay hihi." Sabi pa nito saka animo kinilig. "Kaso Dzai Miyuki, sorry ka na lang may Naghihintay kay Engr. Anton haha.'" "Ay Oo nga ano, hmmm.. sayang naman, miss ko pa naman sya dahil ilang araw sya di nakapasok." Anya naman ni Miyuki na tila may pang hihinayang. Maya maya lamang ay dumating pa ang ibang Trabahador. Kaya naman sobrang busy na sila lalo. Dumating na rin ang Apat na Engineer na Mga Pawisan dahil sa paglalakad pabalik, medyo kailangan pa kasi lakarin pabalik. Nakita naman agad ni Anton ang Dalaga naghihintay sa kanya. Agad naman nilagay ni Rhaiza sa Mesa ang mga dala nyang pagkain. Sigurado sya ma masarap at magugustuhan ito ni Anton. Dahil hindi sila kasya ay sa kabilang mesa na umupo Sila Engr. Ae, Clyde at Codee." Nang araw na yon ay walang baon si Ae kaya isa rin ito aa Umorder sa Canteen ni Madam She, nagsabi naman ito kaya may naka reserved na talaga na ulam para rito. "Engr. Ae, Heto pala ang pagkain na i ni reserved mo, Heto rin ang sabaw mo. Kapag may kailangan ka magsabi ka lang ha " nakangiting wika ng dalagang si Rachelle. "Naku Salamat Rachelle, baka masanay akong humingi ng sabaw nyan kahit may baon ako.," nakangiting wika ni Ae dito. "Hehe, Ok lang po yon, Mabait naman si Madam She at kilala naman nya kayo kaya ayos lang na humingi kayo ng sabaw." Wika pa ng Dalaga saka tila medyo kinilig at winahi pa ang buhok at nilagay sa gilid ng Tenga. "Sige Engr.Ae, tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka." Bilin pa nito saka umalis sa harap nila at nagtungo naman sa ibang mesa. "Hoy, Bakla, Kilig ka na naman dyan, talagang asikaso mo agad si Engr. Ae ano hahaha May asawa na daw yon Girl." Anya naman ni Wena sa kaibigan. "Bakit? Sinabi ko ba na aagawin ko? Hehe Crush ko lang naman yon si Engr.Ae at hangang don lang yon." Anya ni Rachelle saka tinuloy ang pag pupunas sa mesa. "Weh, Hahaa Baka mamaya kakabigay mo ng sabaw ma Fall ka haha, Dali mo pa naman ma fall. Haha basta walang iyakan na naman ha. Baka mamaya hindi na naman ako makatulog sa boarding house natin dahil nag uumiyak ka na naman haha." "Gagi hindi na ano, Hindi na ako maiinlove ulit sa Di Sigurado tapos pangit naman hehe." "Sauce, siguraduhin mo ah, ang hirap mo pa naman patahanin pag naiyak. Kahit anong Ulok at bigay ko sayo deadma." Anya pa ni Wena sa kaibigan. "Haha may trauma ka ba sa pagka broken-hearted ko, haha sorry na. Teka kanino ba yan ako na ang magdadala." Anya ni Rachelle saka sana aabutin ang dalang pagkain ni Wena. "Wag na Ako na, Doon ito kay Engr.CLyde hehe gwapo rin ano, at Mukang mababango kahit pawisan." "Hmm.. oo nga no, Teka bat Ang dami ata ng servings mo." "Dinagdagan ko lang naman ng Konte hehe." "Hala, lagot ka kay Madam She hehe." "Hindi naman, konti lang naman eh, Hindi naman ako Garapal kagaya ni Murita na Wagas maglagay kapag Gwapo, pero kapag pangit kulang nalang ata i toppings nalang sa ibabaw ang Ulam hehe." Anya naman ni Wena kaya nagtawanan silang dalawa. Habang nagpupunas si Rachelle at Iniimis ang mga tasa na gamit para ilagay sa kusina pagharap nya ay di inaasahan na padaan si Engr.Codee kaya naman nabangga nya ito at tumapon dito ang Sabaw na tira sa mga tasa. "Oooopss" anya ni Codee. Nataranta naman ang dalaga ng Makita na natapunan ang binata. "Hala....Naku Sorry Engr.Codee, di ko sinasadya pasensya na talaga. Sandali kukuha ako ng pamunas." Tila nag papanic na wika ng dalaga na nahihiya sa pagkakatapon kay Codee ng Sabaw. "Shhh..its Okay Rachelle, Sabaw lang maman ito, hehe Hindi ko naman siguro ikamamatay." Anya nito sa Dalaga saka ngumiti, na kita ang pantay pantay na puting ngipin, at lumitaw pa ang biloy nito sa Pisngi, noon lamang napansin ng dalaga na pogi rin pala talaga ito kapag ngumingiti. Nakaka intimidate kasi ito kapag seryoso ang mukha lalo na kapag nag uumigting ang panga. Hindi kagaya ni Engr.Ae na nakangiti agad kapag papasok ng Canteen. Nag sorry naman ulit ang Dalaga saka nagpaalam na papasok na sa loob para dalhin ang mga Tasa. Tinulungan na rin sya ni Codee sa iba nyang Dala. "Salamat Engr.Codee." "Wala yon, pero sana sa susunod bigyan mo rin ako ng Sabaw, hindi lang Si Engr.Ae hehe" anya pa nito saka tumawa at nagpaalam pabalik sa mesa ng mga ito. Napaisip na lang ang dalaga, marahil napansin nito na pagdating kay Ae ay asikaso nya agad ito at talagang binibigyan ng sabaw. Samantala ANTONELLO Nakita ko agad si Rhaiza na nakaupo at naghihintay sa akin. Araw araw ay ganito na daw ang gagawin nya. Sya na ang magdadala ng pagkain ko para sure na mainit at bagong luto. Sinigang na bangus ang ulam ko, may prito din syang dala, at syempre di mawawala ang mga Talbos na madalas nya ring isama bilang side. Wala talaga akong masasabi sa luto nya dahil napakasarap talaga. Sigurado ako na napaka swerte ng magiging asawa ni Rhaiza balang araw dahil bukod sa Masarap itong magluto ay napaka asikaso pa. Kaya sobrang na appreciate ko ang ginagawa nya. "Salamat dito Rhaiza, Pasensya kana, napipilitan kapa tuloy pumarito para dalhan ako ng Pagkain." Anya ko habang tinutulungan sya mag ligpit. "Wala yon Engr. Ano ka ba? Saka wala din naman akong gagawin sa bahay sa umaga kaya ayos lang." "Okay, Paano aalis ka na ulit nyan? Mag iingat ka ah may pamasahe ka ba pauwi.?" "Naku Oo Engr. may pamasahe naman ako dito." "Ok, basta ingat ka pauwi, See you later'. Anya ko rito. Samantalang sila Codee at Clyde naman ay biglang nagbiro. "Ayiee... Bye lang? Wala bang Good Bye kiss dyan?" Anya ni Clyde kaya tiningnan ko ito ng masama ngunit biro lamamg naman iyon. "Joke lang po Engr. Hehe" sagot naman nito. Hinatid ko na lamang si Rhaiza hangang sa may Gate ng Site. At nang makasakay na ito sa Jeep ay Pabalik na ulit ako sa Site, may 20 minutes pa naman makakapag pahinga pa ako. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko ng tawagin ako ng isang pamilyar na tinig. Walang iba kundi si Everette "Anton!" "Eve? Anong ginagawa mo rito?" "Ah, kakamustahin lang sana kita, pumasok kana pala, di ka kasi nag reply eh." "Sorry, busy lang din kasi, saka alam mi na nagpahinga rin ako." "Oo nga, alam ko naman.," "Oh, bat ka pa naparito, ayos lang naman ako, Hindi mo na ako kailangang puntahan." "Ahm..hindi din kasi..Ahm.. Birthday kasi ni Mama, sinabi nya na imbitahin din kita. Naghanda kasi sya ng simpleng salo salo. Saka para ma check mo rim yung mga materiales na binili." Anya nito. Naisip ko naman na Maaga ang labas ko mamaya kaya pwede dim naman na dumaan ako para ma check nga din ang mga materyales. Na kapag kompleto na ay maari ko ng I schedule simulan para matapos na rin at mawalan n ulit ako mg koneksyon sa kanila. "Sige, Pupunta ako mamaya, pero hindi ako mag tatagal." "Ok lang, kahit kumain ka lang tas i check mo lang yung mga materiales tapos pwede kana umuwi." Anya pa nito. Umokey naman ako. Aagahan ko na lang din ang uwi. Bumalik na ako sa trabaho. Nag sisimula na kasi kaming mag test ng mga lines. Mabuti na lang at smooth lamang ang project na ito kaya kahit papano ay di kami gaanong stress. Nag message naman ako kat Rhaiza na baka ma late ako ng Uwi. Para di naman sya mag alala sa akin. Wala akong maisip na dalhin sa birthday ni Tita Yette, kaya naman dumaan na lamang ako sa isang Bakeshop at bumili ng cake. Pagdating ko sa Bahay nila ay Pinapasok naman agad ako ng Guard. Pansin ko na may mga ilang Bisitang Lalaki na kainuman ni Tito Reed tila may pinag uusapan sila at saka nagtatawanan. Napataas pa ang Kilay nito ng Makita ako. "Magandang Hapon po Tito Reed." "Eyy Anton narito ka pala, inimbitahan ka ba ng malandi kong Anak? Tanong nito na tila hindi ko maarok napalunok ako at saka tumikhim sya naman ang Pagtayo nya saka lumapit sa akin. "Ah nabanggit nya po, saka para na rin ma check ko na po ang mga materyales." "Ganon ba Sige... Wala lang napansin ko lang kasi na nadadalas ang punta mo rito. Gusto ko na tapusin mo na agad ang dapat mong gawin dito sa bahay namin. At pagka tapos ay maglaho kana ulit. Baka lang kasi sakaling umaasa ka pa na magkabalikan pa kayo ni Everette, wala nang ganon Anton. Ikaw din nasasayo kung gusto mo pang balikan ang Babae na kung sino sino na ang gumamit." Sa sinabing iyon ni Tito Reed ay parang nagpanting ang dinig ko. Hindi ko gusto ang mga Lumalabas sa bibig nya. Bago ko pa sya masagot ay nagpaalam na ako na pupunta na sa loob. Kaya naman iniwan ko na syang nakatayo roon. Pag pasok ko ay naabutan ko sila Tita Yette at Eve kasama ang ilan nilang bisita na sakto naman na pauwi na kaya naman kaming tatlo lamang ulit ang naroroon. "Happy Birthday po Tita, pasensya na po kayo heto po." "Naku Anton salamat, nag abala ka pa, pwede namang wala, presensya mo lang ay ayos na." Anya ni Tita. Inasikaso naman ako ni Eve at pinakain. Habang Kumakain ay Pinag uusapan namim ang tungkol sa materyales. Nasa loob na daw ito ng bodega pero pinakita nila sa akin ang pictire at kung tig iilang piraso. Nabili naman nila ang mga pinabili ko. Nag kwe kwentuhan pa kami ng pumasok si Tito Reed tila lasing na ito. Mamaya ay Lumapit ito Kay Everette saka hinalikan sa Pisngi at Leeg. "Ano Anton? Mas lalo bang naging Magandan at Masarap si Eve sa Paningin mo?" "Pa..Tama na nga po, Nakakahiya kay Anton." "Bakit? Ikaw ang Baby Girl namin ng Mommy mo Diba? Bat Ka mahihiya." "Oo nga naman Reed, dalaga na ang anak mo, Mahihiya na yan na Bine Baby mo sya." Anya naman ni Tita Yette. Na medyo natawa pa ngunit ang reaction ni Tito Reed ang di namin inaasahan. "So Ano? Kampi Kampi kayo? Nakakahiya ako Ganon ba? Eh Puta ano bang akala mo dito sa Anak mo sobrang linis? 'Pa, tama na Birthday ni Mama ngayon." "Eh ano naman!" "Reed tama na, nakakahiya kay Anton." Anya ni Tita Yette. "Bat naman ako Mahihiya kay Anton? Sya nga ang dapat Maihiya sa akin. Eh Puta yung inaasahan kong anak na Puro at Dalisay eh sya na pala naunang nakinabang! "Pa..Tama na ! "Manahimik ka Everette! Totoo naman diba? Anong akala nyong Dalawa may Comeback pa na magaganap? Eh Puta ilang Lalaki na ang gumamit sayo!" "Papa" "Reed Tama na! Bigyan mo naman ng kahihiyan ang Anak mo!" Saway ni Tita Yette. "Ano Anton, Naiimagine mo na ba kung paano humalinghing si Everette habang kaniig ang ibat ibang lalaki.?" Patuloy nito kaya di na ako nakatiis. "Tama na ho Tito Reed! Hindi parin ho tama na hiyain nyo ang anak niyo sa harapan ng ibang tao. Kausapin nyo nalang po sya ng Pribado kung may hindi ho kayo pagkakaunawaan. "Hwag mo akong Pangunahan, Gusto ko lang alam mo kung among klaseng babae ma itong si Eve." Tuloy parin nito. "Sinabi ng Tumigil ka na." Anya ni Tita Yette saka sinugod si Tito Reed. Nagulat kami ng Sampigahin nito si Tita Yette dahilan na mapaupo ito sa sahig. Agad namim itong Dinaluhan pag tayo ko para sana sabihan si Tito Reed ay Isnag Kasa ng Baril ang Nagpa hinto sa akin. "Tito Reed, hwag naman ho sanang.." "Sige Ano? Gusto mo magpakabayani Anton?" Isang kalabit ko lang dito bubulagta ka sa sahig." Anya nito saka tinutok sa akin ang baril. "Pa Tama na po Please..hwag nyo idamay si Anton." Saway ni Eve saka humaranf sa harap ko. "Sige na Anton..umalis ka na, Sige na.." "Ano bang nangyayari Eve, bakit ba parang ." "Please Anton, umalis ka na, lasing na si Papa, di nya na alam ang ginagawa at Sinasabi nya. Kaya umalis ka na Anton." Anya ni Eve. Lumakad na ako ngunit ginagap ni Eve ang kamay ko. "Anton Mag iingat ka." naiiyak na wika nito. Hinigpitan ko ang kapit sa kamay nya bilang tugon. "Kayo ang mag ingat ni Tita, Everette" Sabi ko naman saka tuluyang umalis. Hindi ko alam, ngunit sa mga oras na iyon ay tila parang ayaw ko silang iwan. Pero hindi ko alam ang gagawin ko. Baka Kapag nagpakabayani ako ay doon ako mamatay. Paano ang Pamilya ko, Paano si Rhaiza na naghihintay sa pag Uwi ko. Sari sari ang natakbo sa isip ko, pero wala akong magawa. Naroon na naaawa ako kay Everette kung paano sya yurakan ni Tito Reed sa mga salita palang nito ay labis na kalapastanganan na sa part ni Eve. Pero wala akong alam, di ko alam ang nais nilang ipunto. Pero sana ayos lang sila. Kahit di kami nagkatuluyan ni Eve ay maayos naman ang pakitungo sakin ni Tita Yette, kaya sana ay ayos lang sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD