Ronnie's POV
" Oh guys punta kayo huh, ang Hindi pumunta hindi ko talaga kakausapin. Friendship over na. " Sabi ni kuya Bryan ng matapos na kami sa aming trabaho and today is ay kanyang birthday.
Nagpaalam kami sa isa't isa pagkatapos Ng konting usapan para narin makapag ayos pa kami bago pumunta sa bahay ni kuya Bryan.
" May nabili ka na bang regalo para Kay Bryan." biglang tanong ni Gabriel sa akin.
Naisipan ko kasi bago kami pumunta , dumaan muna kami sa Rising Shop para bumili ng damit. Damit Kasi ang naisipan Kong bilhin para Kay kuya.
" Pwede dumaan muna tayo mamaya sa bilihan ng mga damit? " pag hingi ko Ng favor Kay kumag at sana pumayag siya.
" Sige bilisan muna diyan para Hindi tayo gabihin papunta sa Kanila. " sagot nito sa akin.
Matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ay Dali Dali akong umuwi syempre nagpahatid na ako sa kanya para mabilis na siyang sinang ayunan din Niya.
Don't get me wrong guys magkaibigan lang kami ni Kumag kaya please huwag niyong bigyan ng malisya.
Nang makarating ay agad naman ako pumasok para maaga akong matapos para na rin hindi kami gabihin sa daan.
" Akoy maghihintay , kahit na mawalay ala ala ng pag-ibig mo'y nahimlay " pagtapos ko sa kanta at siyang pagkatapos ko ding mag half bath para hindi Naman malagkit sa katawan.
Nang makalabas ako kinuha ko naman mga kailangan ko and After a couple of minutes tumunog ang selpon ko.
" Oh hello bakit? " tanong ko Kay Gabriel.
" Nasan ka? " Tanong ni kumag sa akin.
" Konti Nalang ito wait ka nalang diyan nagsusuklay na ako. " Sagot ko Naman.
" Bilisan muna di ka Naman babae para magtagal diyan ." Aba nang- inis pa talaga siya sa akin.
" Che, oo na " sabay baba ko ng tawag dahil nainis ako sa kanya.
Lagi Nalang nang-iinis sa akin. Tamang shorts lang ako ngayon tapos sando and then pinaresan ko denim jacket.
Ayan bongga ang ootd ko tonight. Nang matapos na ako sa lahat ay nagpaalam muna ako Kay ate Lalaine and then gorabels na.
" Kanina ka pa ba diyan kumag? "
Tanong ko sa kanya mukhang nainip na kakaintay sa akin. Wala eh sadyang ganon talaga kilos ko sorry na lang sa kanya.
" Sa tingin mo? At ano na Naman yang suot mo bakla? Babakla bakla ka na Naman. " Sabi nito sa akin ng mapansin Niya kasuotan ko.
" Alam mo lagi mo na pong pinuna itong suot ko , Hayaan mo na nga ako . Tsaka ko Kung naiirita ka sa suot ko huwag mo Nalang ako tingnan ." Bulalas ko sa kanya.
Maka puna kala mo Naman boyfriend ko siya. As if papatol talaga to sa akin. Pero parang nasaktan ata ako sa thought ko na yon . Char.
" Bala ka pag nabastos ka nakow huwag Kang hihingi sa akin ng tulong "
" Bakla ako, at walang babastos sa akin okay, " nakakainis talaga siya.
" Tara na nga at bibili din ako Ng pang regalo Kay Bryan. " Alam Kong Wala na siyang magagawa dahil Hindi talaga ako magpapalit.
Ang sexy ko Lang kaya sa suot ko .
Hindi na ako nakipag diskusyon pa sa kanya. Tahimik Lang ang naging byahe namin ni kumag at di narin lang ako nagsalita baka mamaya bigla nalang ako nitong itapon. Joke. Napapansin Kong pabilis ang takbo niya. Byaheng langit ata tong trip namin ngayon.
" Hoy kumag ka, Kung magpapakamatay ka huwag mo akong isasama iba Nalang. " Sigaw ko sa kanya para marinig Niya.
" Problema mo bakla? " Tanong Niya. Aba nagtatanong pa talaga siya.
" Nagtanong ka pa talaga, pwede ba bagalan mo yang takbo mo Hindi Naman ata to byaheng langit ano " bulyaw ko sa kanya.
Na stress bangs ko lagi pag siya ang kasama ko. Tsaka baka mamaya Maging straight na talaga bulbol ko dahil sa kanya.
"Tsk" Nice reply kumag nga naman.
Pero nakinig naman siya, binagalan niya ang takbo. Ako na si malandi enjoy naman sa paghawak sa kanyang mabatong tiyan.
After 15 minutes narating namin ang bahay nila Kuya Bryan. Nasa labas pa lang kami rinig muna ang tugtugan.
Nag text muna kami Kay kuya Bryan upang sabihin na nasa labas na kami ng bahay nila. Kung i describe ko bahay nila Kuya sakto lang Naman ang laki nito. Kung baga typical na bahay Ng mga may kaya sa buhay.
Nang makarating si kuya binati ko kaagad Ito.
" Happy birthday kuya Bryan " sabay bigay ko Ng regalo sa kanya.
" Salamat Ronnie nag-abala ka pa talaga ng regalo." Sabi sa akin ni Kuya na kinatawa ko lang.
Syempre ganun din si Kumag binati si kuya at pagkatapos mag-usap ay sumunod na kami sa loob upang makakain na.
" Whoaaa bakla ,Ang sexy mo tonight " bulalas Ng bruhang si Mariel. Talaga tong babaeng to napaka vocal.
Nahiya tuloy ako dahil pinagtitinginan kami.
" Hoy ikaw talagang bruha ka, huwag ka maingay nakakahiya. " Pero ang loka tinawanan Lang ako.
Isa isa Naman kami binati ng mga kasamahan namin sa restaurant. Bongga huh, present kami lahat.
Bali ang kinuha Kong Lang pagkain ay , spaghetti , Shanghai, at cake Kasi di na talaga ako kumakain Ng iba tsaka busog pa ako.
Pero ang Hindi ko pinalampas ay ang chocolate cake ni kuya. Madami naman handa si kuya Kung tutuusin.
" Lah cake talaga pinagdiskitahan bakla" Sabi nitong kumag ng Makita Niya Ang laman Ng Plato ko.
" Bakit ba eh masarap to eh tsaka chocolate flavor Kasi. " Sagot ko Naman sa kanya na ngayo'y kumakain na.
Napailing lang Naman Ito sa aking sinabi. As usual magkatabi na Naman kami nitong si Kumag.
" Gabriel , pansin ko Lang lagi kayong magkasama nitong si Ronnie ano ba talaga meron sa Inyo. " Muntik na akong mabulunan dahil sa tanong ni Mike. Kasamahan ko din sa trabaho kaedaran ko Lang.
" Oo nga ano ba meron sa inyo bagay pa Naman Kayo tsaka you look cute together. " Segunda Naman ni Julie sa Sinabi ni Mike.
Taray huh nagsalita din ang tahimik sa tropa.
" Kaibigan Lang kami, tsaka kaya kami magkasama dahil sa akin siya binilin ni father Raul at ate Lalaine " sagot ni kumag sa kaibigan namin.
Mukhang nakumbinsi naman sila sa sagot ni Gabriel.
" Oo nga guys, tsaka kaibigan lang kami niyan . Kumain na nga Lang tayo guys tsaka mag enjoy tayo. " Sumang-ayon Naman sila sa sinabi ko tsaka Wala talaga silang makukuhang sagot sa amin.
Nang matapos kumain lumipat kami ng pwesto, sa harap kasi mag iinom daw sila. May mga nakasama din kaming mga kaibigan ni kuya at mga pinsan Niya.
" Oy kumag " kalabit ko sa aking katabi. Hihingi Lang Naman ako ng favor sa kanya na huwag siyang uminom dahil ihahatid pa Niya ako.
" Bakit " mahinahong sagot niya naman sa akin.
" Huwag ka Muna uminom ngayon please , baka di mo ako mahatid niyan pag nagkataon please " sabay pa cute sa kanya with matching twinkling ng mata . Para effective ano ba Kayo.
" Pfff. Huwag ka ngang mag ganyan bakla di bagay sayo, mukha Kang aso na may pagkapato. Tsaka di naman talaga ako iinom. " Ano ba iyan asong mukhang pato meron bang ganon?
" Che, okay " Sabi ko nalang baka kasi ano pa masabi nitong katabi ko.
Nagsimula na silang mag-inom at bongga tumangi nga si Gabriel sa mga shot na inaalok nila SA kanya.
Guys pansin ko lang Kanina pa nakatingin Yong kaibigan ni kuya Bryan sa akin. Gwapo Naman siya kaso mukhang manyak. Nakakalibot tingin Niya sa akin. Gaya ngayon napatingin ako sa gawi niya bigla nalang itong ngingiti. Yong ngiting may balak gawin. Gosh huwag Naman Sana.
" Okay ka Lang, mukha Kang Ewan diyan eh " it was kumag napansin Niya pala ang uneasiness ko.
" Wala okay Lang ako, " pagsisinungaling ko sa kanya.
Mukhang naniwala Naman siya sa akin kaya bumalik siya sa pakikipag usap sa pinsan ni kuya Bryan.
" Ah, Hello guys good evening " pagkuha ni kuya Bryan ng atensyon namin.
" Una sa lahat nagpapasalamat ako sa pagpunta ninyo sa aking munting selebrasyon. Since special day ko ngayon , tinatawagan ko si Ronnie upang handugan ako Ng isang awitin. " Kuha ng atensyon namin ni Kuya na ngayo'y nasa harap.
Sabi ko na nga ba . Dahil ayoko Naman magmukhang rude syempre pumayag na ako.
Inabot Naman nila sa akin ang song book. Nag-iisip ako Ng aking kakantahin ng bigla nalang sumingit itong si Gabriel nag request Lang Naman siya Ng kanta. Say you won't let go daw ni James Arthur.
" Sabi ko naman sa iyo inlab ka talaga sa boses ko " natatawa ko namang sambit sa kanya.
" Tsk, nag request Lang inlab agad iba ka talaga bakla" tumayo na ako dahil na enter ko na ang kanta.
" Magandang Gabi sa inyong lahat Sana magustuhan ninyo ang kantang ito at Happy birthday pala Kay kuya Bryan. " Banggit ko.
I press the button of play para ma continue na ang kanta. Pinagmasdan ko muna bawat isa sa mga tao dito, may mga iilan nag-uusap pa pero itong circle of friends ko ay naka focus sa kakantahin ko.
Now Playing ; Say you won't let go James Arthur
I met you in the dark, you lit me up
You made me feel as though I was enough
Pagsisimula ko, as usual wala paring bago sa mga reaction ng mga nakarinig na sa aking boses everytime na ako'y kakanta.
Mukhang tumahimik ang lahat ng marinig nila ang boses ko. Kahit ilang beses na akong kumanta sa madaming tao hindi parin talaga ako sanay.
Dinadama ko talaga bawat lyrics ng kanta, I need to put an emotions on it dahil masakit ang kantang ito. Alam kong dapat masaya ang kakantahin ko, kaso wala akong naisip kaya ito nalang tsaka suggestion ito ng kumag kaya pagbigyan natin.
Nang dumapo ang tingin ko sa kaibigan ni kuya na mukhang manyak ay kinilabutan ako nakangisi kasi ito sa akin. Pero dahil dakila akong mabait nginitian ko nalang ito at hindi pa inintindi kong pano ito makatingin sa akin.
Oh ... say you won't let go....
Pagtapos ko sa pagkanta , i was shock sa reaction nila. May kasama kasing sigawan mga loko talaga siguro dala na ng kalasingan kaya ganun.
Syempre bago umalis sa kanilang harapan nagpasalamat ako dahil nagustuhan nila ang aking performance.
'' Galing mo pala kumanta,'' sabi nung pinsan ni Kuya Bryan na katabi ni Gabriel.
'' A- ah hindi naman po, pero salamat po kasi nagustuhan niyo kahit papano. '' pagpapasalamat ko naman dito.
Gosh bigla akong naiihi , kaya hinanap ko muna si kuya Bryan para magtanong kung saan ang CR nila dahil hindi ko alam kung saan banda.
'' San ka '' tanong ni kumag nung makatayo ako.
'' Mag cr lang naiihi kasi ako, '' sagot ko naman, tumango lang naman ito sa akin.
Naglakad ako patungo kay kuya Bryan ng makita ko ito kausap ang isang matanda.
Hinintay ko muna silang matapos mag-usap dahil ayoko naman magmukhang walang modo no. Nang makita ako ni kuya Bryan nagtanong naman ito kung ano ang aking sadya sa kanya.
'' Oh ikaw pala Ronnie ano sa atin, '' tanong ni kuya Bryan sa akin.
'' Tanong ko lang po, kung san banda ng CR niyo . ''
'' Ah , nakikita mo yang palikong iyan.'' turo naman niya sa kaliwang banda ng bahay nila. '' Diritso ka lang tapos kumanan ka makikita mo CR namin, '' instruct naman niya sa akin.
matapos maituro ni kuya ang san banda ang kanilang rest room ay nagpasalamat naman ako. As what he said , sinundan ko ang Sinabi niya and then I found the rest room.
Dahil naiihi na talaga ako, dali dali akong pumasok at umupo. Syempre guys dahil may lahi akong sirena nakasanayan ko na talaga ang umihi ng nakaupo katulad ng mga babae.
Medyo natagalan ako, dahil ang daming nainom na tubig kanina. Syempre ng matapos akong umihi ang naghugas muna ako ng kamay ko, and then nag ayos muna ng kaunti dahil may salamin naman sa loob ng cr nila kuya Bryan.
Na shock ako ng biglang pumasok ang kaibigan ni kuya iyong sinasabi ko sa inyo na mukhang manyak. Though kinakabahan ako , hindi ko lang pinahalata sa kanya.
'' Ikaw po pala iyan, '' nasabi ko nalang cause i really dont know him at all.
Alangan naman diba ng gumawa ako ng sarili niyang pangalan. Tumango lang naman ito at hindi maalis ang ngisi nito. Natatakot na talaga ako guys pramis, naglalakad na kasi siya papunta sa akin.
'' A-ano po kailangan niyo , '' nauutal kong tanong sa manyak na ito.
'' Alam mo bang ang sarap mo, '' sabi nito sabay dila.As in yucks, gwapo sana kaso mukhang manyak talaga eh.
Napa atras naman ako, dahil natatakot na talaga ako sa kanya. Dapat pala naniwala ako kay kumag na hindi ganito ang suot ko nabastos tuloy ako.
'' Huwag kang lalapit, '' sabi ko.
'' Huwag kang mag-aalala wala akong pagsasabihan bakla, diba gusto mo naman ng itong gagawin ko sa iyo, ''
The f**k, porket bakla gusto agad ng ganun, generalize. Hell no, you shouldn't be thinking like that.
Tulad ko may iilan pa din naman diyan na matitino ay may respeto sa kanilang sarili.
Mukhang wala na akong tatakbuhan dahil naramdaman ko na ang pader sa aking likod. Mas lalo pa itong ngumisi ng macorner niya ako sa kanyang dalawang bisig.
'' Ano ba kailangan niyo sa akin, padaanin niyo na ako baka hinahanap na nila ako kuya,'' pagsusumamo ko dito.
Pero ang loko hindi man lang pinakinggan ang sinabi ko sa kanya. Bigla nalang itong amuyin ang aking leeg. Bigla akong na estatwa sa aking kinatatayuan dahil sa ginawa ng manyak na lalaking ito.
'' Huwag ka muna umalis, maglalaro muna tayo , siguradong matutuwa ka sa gagawin natin. '' sabi naman nito.
Alam ko kung anong laro ang tinutukoy niya hindi naman ako bobo para hindi malaman iyon.
'' Ang bango mo talaga. '' segunda naman nito sa kanyang sinabi. Dahil nagpumiglas ako bigla nalang nitong hinawakan ang dalawa kong kamay at idinikit sa pader.
Feeling ko magkakapasa ako dahil sa higpit ng kanyang pagkakahawak. Dahil mukhang wala na akong takas , dahan-dahan pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Ang mas ikinagulat ng aking sistema ng dinilaan niya ang aking leeg at hinalikan ito. Napakawalang hiya niya napaka baboy.
Ni isang boses walang lumalabas sa aking bibig dahil siguro sa takot na aking nararamdaman. Hahalikan na niya sana ako ng hindi niya naituloy. Nakita ko nalang si kuya natumba dahil may sumuntok sa kanya.
'' Gab'' bigkas ko sa kanya sabay, yakap dahil takot na takot talaga ako sa mga nangyari sa akin. Akmang susuntukin niya ng pigilan ko siya
'' Gab tama na yan, umalis na tayo dito please. '' nanginginig kong sambit sa kanya.
Umalis, naman kamin pero bago pa kami makalabas sa cr ay tinadyakan niya si kuya na mukhang natauhan sa kanyang ginawa.
Patuloy parin sa pagtulo ng mga luha ko. Higit higit naman ako ni Gabriel, nakayuko lang ako hanggang sa makalabas kami sa bahay nila kuya Bryan.
Mukhang hindi kami napansin ng mga kasamahan namin dahil busy talaga sila sa kanya kanyang ginagawa na siyang ipinagpasalamat ko dahil ayoko naman na magkaroon pa ng gulo.
Alam kong magtataka talaga sila bat kami nawala nalang bigla nitong si Gabriel lalo nat hindi kami nagpaalam.
'' Yan na nga ba sinasabi ko sa iyo, mukhang kinain mo lang lahat ng sinabi mo sa akin. '' Pagtutukoy nito sa sinabi ko kanina sa kanya na walang babastos sa akin.
Wala naman akong imik dahil, naiiyak parin talaga ako.
'' Oo na, akala ko naman kasi walang babastos sakin at the first place bakla ako . '' sagot ko naman dito.
Nang- ma start na niya ang kanyang motor sumakay naman ako agad dahil gusto ko na talaga makaalis sa lugar na ito.
Nang maka andar na kami, tahimik lang ang naging byahe namin.
Dahil sa aking pag+iisip na realize ko na nilampasan na namin ang simbahan at hindi familiar itong dinadaanan namin.
'' Hoy pasaan tayo, lampas na tayo sa simbahan ah, '' pagtatanong ko dito.
'' Sa bahay ka muna bukas ka na lang umuwi , tsaka huwag kang mag-aalala tatawagan natin si ate lalaine once na makadating tayo sa amin. '' pagsagot naman nito sa aking tanong.
Dahil alam kong wala na akong magagawa hinayaan ko nalang ito tutal ayoko din naman na makita ni ate lalaine na akoy galing sa pag iyak paniguradong magtatanong iyon sa akin.
Makalipas ang 15 minutes nakarating kami sa kanila. Ito pala ang bahay nila, tama lang yong laki ay may gate din sila.
Sumunod naman ako dito ng matapos niyang ma park ang kanyang motor sa kanilang garahe. Pagkadating namin sa sala nila nakita ko ang isang may katandaang babae, mukhang ito yong katulong ni kumag.
'' Oh iho, ikaw pala iyan mukhang napa-aga naman ata iyang pag-uwi mo. '' tanong ng babae sa kasama ko.
'' Opo nay, Lusing. '' sagot naman nitong si Kumag
'' Sino naman iyang kasama mo iho, '' pagtukoy sa akin ni nanay lusing.
'' Ah, nga pala nay si Ronnie kaibigan ko po , '' pagpapakilala sa akin ni kumag, kaya binati ko naman itong matanda dahil pinalaki akong may galang ng aking mga magulang.
'' Magandang gabi po nay, ako po si Ronnie, '' sabay mano.
'' kaawaa ka nawa ng Diyos anak. Kaganda mo naman para sa isang lalaki anak. '' Okay na sana kaso pinuri pa ako ni nay lusing. Kaya napangisi nalang ako.
Umupo naman kami ni kumag sa sofa nila, habang si nay lusing naman ay kumuha ng tubig para sa akin dahil nahalata niya galing ako sa pag iyak.
Nang makarating uli si nay lusing sa sala ay bigla nalang itong nagtanong kung ano ang nangyari sa akin. Ikinuwento naman nitong si Gabriel ang nangyari sa akin dahil wala akong lakas para sabihin ang kababuyang ginawa sa akin ng lalaking iyon.
'' Kung hindi ko pa sinundan ito sa CR baka nga na r**e na ito ng walang hiyang lalaking iyon. '' sabi naman nitong si Gabriel.
'' Mabuti naman at naisipan mong sundan itong si Ronnie sa CR . '' it was nay lusing na agree sa ginawa ni Gabriel.
'' Opo nay, kasi napansin kong kanina pa siya sa CR simula nung nagpaalam siya sa akin. Nag-away pa nga kami niyan bago pumunta sa party dahil sa suot niya. Kesyo daw wala daw babastos sa kanya. '' loko talaga tong lalaking to kinuwento pa talaga kay nay lusing iyong pag-aaway namin sa suot ko.
'' Alam mo anak, sa panahon ngayon wala nang pinipili ang mga tao kung sino ang babastusin nila. Kaya sa susunod mag-iingat kana '' paalala naman sa akin ni nay lusing.
'' Opo nay salamat po. ''Sagot ko dito.
'' Oh siya magpahinga na kayo , at ako naman ay magpapahinga na din. Ikaw nalang mag dala kay Ronnie sa guest room Gabriel. '' pagsabi naman ni nay Lusing kay kumag.
Nag goodnight muna kami kay nay lusing bago umakyat sa taas.
'' Ah, Gabriel, '' Pagkuha ko ng atensiyon niya.
'' Oh'' sagot naman nito sa akin.
'' Salamat nga pala sa pagtulong sa akin kanina, Kung wala ka baka nagahasa na ako, '' pagpapasalamat ko sa kanya.
'' Sus, wala yon , kaya alam muna ang gagawin mo sa susunod kaya ayaw ko sa mga ganung kasuotan dahil may nababastos talaga. '' pagpapaliwanag naman niya sa akin.
'' Oo na naiintindihan na kita, tsaka lesson learned na ako, ''
'' Mabuti naman kung ganon, ''sagot niya.
Hindi ko namalayan nasa tapat na pala kami ng isang pintuan dahil sa usapan namin. Ito na siguro ang guest room na sinasabi nila.
'' Nga pala Gab pwede ba akong humiram ng, damit ? may saykling naman ako kaya damit nalang. '' Sabi ko dito dahil gusto Kong magpalit.
'' Sige, pasok ka nalng diyan bibigay ko nalang sa iyo, tsaka kompleto na iyan lahat diyan. '' sabi naman nito kaya tumango nalang ako at pumasok na ako.
Pagkalipas ng ilang minuto ay nakabalik na naman ito dala dala ang isang, jersey shirt.
Mas mabuti iyan ang naisipan niyang ipahiram sa akin. Nagpasalamat naman ako dito ulit sa kabutihang ginawa niya sa akin.
At gaya ng sabi niya naipagpaalam na daw niya ako kena ate Lalaine kaya wala na akong dapat isipin pa.
Dahil sa nangyari hindi ko maiwasan kabahan, tila ang buhay ko sa mundong ito ay walang kasiguraduhan kong hanggang kelan.
Sana naman mabuhay pa ako ng matagal para maipagtanggol ko pa ang aking mga magulang. Anyways Life must go on ika nga nila.
Note; Guys we should not blame those woman who wore sexy dressess. Stop that victim blaming. If you have such a big respect, you can resist the temptation you feel everytime you see those sexy woman. Thank you.