Chapter 9

3034 Words
Ronnie's POV '' Father, alis na po ako salamat po ulit. '' Pagpapaalam ko kay father, nagtungo kasi muna ako sa silid nito upang kamustahin at sabihin ko ang nangyari kahapon dahil nakita ako nitong umuwi ng maaga noong nagkaroon ng encounter ng ex ni kumag. Hindi naman nagalit si father bagkus pinaalalahanan lang ako sa mga maaring mangyari. Palabas na ako ng simbahan ng mahagip ng aking mata si ate Lalaine. '' ate lalaine pasok na po ako,'' pagpapaalam ko din kay ate lalaine na nagdidilig ng mga halaman sa gilid ng simbahan. Tumango lang naman ito sa akin, kaya diritso na akong lumabas para maagang makapunta sa school. Nang makalabas ako laking gulat ko na nasa labas ng simabahan si kumag, hindi manlang ito nag text na pupunta siya dito. '' Oh, ikaw pala yan kumag ano ginagawa mo dito. '' pagtatanong ko sa kanya. '' Mag-usap tayo.'' may diin niyang sabi sa akin. Mukhang may problema ata tong lalaking to. Ano naman kaya Wala naman kasi akong ideya. '' Huh tungkol saan naman kumag. '' sagot ko sa sinabi nito. Baka naman tungkol doon sa nangyari kahapon. Well let see kung tama ako. '' Tungkol kahapon , sa bangayan ninyo ni Dindina. '' tama nga ang hinala ko guys about nga kahapon at mukhang may balak pa ata ang kumag na ipagtanggol ang ex niyang ubod ng katarayan. Puwes wala akong pake. '' Oh yon lang wala akong panahon alam ko naman na tama lang ang ginawa ko. '' sabi ko naman sa kanya. '' Tama ka naman na ipagtanggol si Darwin, pero may mali ka din don dapat di mo na pinatulan si Dindina babae parin yon. '' so kilala niya si Darwin, at wow mukhang maaga pa ata para ma highblood ako. Huminga Muna ako ng malalim dahil ayokong magalit sobrang maaga pa. '' Wow Gabriel, so okay lang sa iyo na lait-laitin pagkatao ko at wala akong karapatan sabihin ang gusto ko. '' naiinis kong sambit sa kanya. Kung ipagtatanggol lang din naman niya ang kanyang ex huwag na kami mag-usap na stress lang ako. '' Hindi naman sa ganon ang sa akin lang matuto kang lumugar, '' Wow, just wow coming from him. '' Alam mo kung tungkol lang din sa ex mo ang pag-uusapan natin pwede ba huwag na, Gabriel ang aga-aga pinapakulo mo dugo ko. I dont need to explain myself sa taong sarado ang utak katulad mo . '' sabi ko sabay talikod pero nagulat ako ng bigla nalang nito hablutin ang aking kamay. '' Huwag kang bastos kinakausap pa kita ah. '' naiinis niyang sambit sa akin at siya pa talaga ang may ganang magalit . '' Pwede ba bitiwan mo ako Gabriel, alam mo wala naman patutunguhan tong usapan kaya pwede ba bitawan mo ako baka masaktan pa kita tulad ng ginawa ko kahapon sa alipores ng MAHAL mong EX '' pagbibigay diin ko sa mahal niyang ex. Halata naman kasi sa kanya mukhang tinamaan pa kay Dindina. Binitawan niya din naman ang aking kamay . Takot din pala mabugbog ang isang to. Dalio- dali akong pumara ng tricycle at sumakay dito. Huminga ako ng malalim dahil sa tagpong iyon. First time naming mag-away ni Kumag nakakapanibago lang. Sino ba kasing hindi maiinis diba ? Pinamumukha niya Lang Naman sa akin na wala akong karapatan para ipagtanggol ko ang aking sarili. ''bwesit . '' Nasambit ko nalang dahil sa inis na aking nararamdaman. Sabihin niyo nga sa akin kung mali ang ginawa ko. Saan ba ako nagkulang sabihin niyo nga joke. Again huminga lang ako ng malalim dahil sa frustration. '' Good morning kuya guard '' bati ko, kay kuya guard ayoko naman magpaapekto sa nangyari sa pagitan namin ni Gabriel, masisira lang beauty ko mga dzai. Syempre dahil binati ko si kuya automatic binati niya din ako pabalik. Naglalakad na ako paakyat papunta sa classroom namin ng makarinig ako ng mga bulungan . Kesyo daw siya diba iyang kumalaban kay Dindina. May ibang humanga sa akin may iilan naman na nilait pa ako dahil sa inaway ko daw ang prinsesa nila. Like ew prinsesa talaga. I thought a princess is a good person for his humanity bakit kabaliktaran naman ata ng ugali ng sinasabi nilang prinsesa. Pinaikot ko nalang ang aking mata dahil sa nangyari at naging instant famous tuloy ako dahil sa nangyari kahapon. Hinayaan ko nalang sila tutal buhay ko naman ito at wala silang magagawa.Tsaka mas maganda na itong ginagawa ko, ayoko naman magbait baitan sa lahat at kailangan ko ding lumaban para sa aking sarili gaya lagi ng sinasabi sa akin ni inang at papang. Pagkadating naman sa aming classroom ay nakita ko naman na nakangiti ang mga kaklase ko at alam din nila ang nangyari. And to my surprise natuwa sila sa ginawa ko of course no future public servant kami so kahit ngayon palang simulan na ang pagiging public figure. Tahimik naman akong umupo sa aking upuan at naalala ko magkatabi pala kami ng kumag ayoko naman umalis sa aking upuan baka sabihin nun affected ako masyado at takot ako sa kanya kaya naisipan kong mananatili Nalang sa aking upuan hanggang dumating siya. Makalipas ang 10 minutes dumating naman ang tropa kasama na nila si Gabriel and yeah here we go again sa bunganga ni Mariel. '' Bakla good morning na miss kita .'' sabay yakap naman nito sa akin, na miss daw parang kahapon lang ako nawala. '' loka ka talaga parang magkasama lang tayo kahapon ah. Loka loka ka talaga .'' sabay naman kaming tumawa sa kalokohan niya. '' Ronnie ang galing mo pala makipag laban ano. '' singit ni kuya Bryan sa usapan namin ni Mariel. '' Oo nga bakla na super amaze ako sa iyo kahapon dzai. '' segunda ni Julie. Hindi ko pa kasi sinasabi sa kanila alam kong mag martial arts kasi hindi ko naman ito isinama noong nagkwento ako sa aking nakaraan. '' Ah hindi naman sa magaling marunong lang I was sent before sa martial arts class ni papang ng hindi ko alam ang kanilang rason dati. Pero ngayon alam ko na ata ang rason kung bakit nila ginawa iyon. '' mahabang lintaya ko sa kanila. ''kaya hindi kita aawayin baka mamaya bugbog sarado ako sa iyo diba guys. '' pagpapatawa naman ni Mike sa amin. '' Korak ka diyan mike . Baka masira lang beauty ko dahil kay bakla. '' '' Ganda teh saan, nasaan pakihanap. '' pagjojoke ni Jam sa sinabi ni Mariel. Tawanan naman kami sa aming kalokohan maliban kay kumag na seryoso lang. Huwag naman sana nilang mahalata na may alitan kami ni Gabriel. '' Oy brad okay ka lang. '' iyan na nga ba sinasabi ko. Napansin kasi ni kuya Bryan na mukhang wala sa mood si Gabriel. '' Oo brad masama lang gising ko. '' nakahinga naman ako ng maluwag dahila akala ko sasabihin niya talaga ang nangyari sa aming dalawa. Tumango lang naman itong si Kuya sa sinabi ni Gabriel. Nagsipuntahan naman sila sa kanya-kanya nilang upuan dahil tumunog na ang bell hudyat na magsisimula na ang first period ngayong araw . Saktong sakto lang pagkaupo ng tropa ay biglang pumasok si Mr. Bukid ang aming purposive communication at adviser. '' Good morning class '' pagbati sa amin ni sir. Sabay sabay naman kaming tumayo para magbigay galang sa pagbati. ''Good morning sir. '' sabay-sabay naming bati kay sir pinaupo naman kami nito matapos namin siyang batiin. ''Okay, lets proceed to our first lesson for today its about communication. Can anyone in here can define what's communication is. '' pagtatanong ni sir, dahil may idea naman ako kung ano ito, ako na tumaas dahil wala atang balak ang mga kaklase ko. '' Yes, you...'' mukhang hindi pa alam ni sir ang aking ngalan. '' The name is Ronnie sir, '' pagsabi ko naman sa kanya. '' okay Ronnie what is communication. '' pagtanong naman ulit ni sir sa akin, since pinag-aralan na ito last year confident akong sumagot. '' Communication is the act of conveying meanings from one entity or group to another through the use of mutually understood signs, symbols, and semiotic rules. There are five elements of communication namely, sender, receiver, message, channel and feedback . '' mahabang paliwanag ko. '' Very good you may take your sit. '' Kahit alam kong pinag-aralan na namin ito ay nakinig parin ako ng mabuti dahil favorite kong subject ay english kahit hindi ako kagalingan dito. Patuloy lang si sir sa pagtuturo na paminsan-minsan nagtatanong sa amin na siyang sinasagot namin. Dahil nagsusulat din si sir sa board ay nagsusulat din ako para may notes ako at pag-aaralan ko mamaya baka kasi kinabukasan ay may biglaang quiz. '' Okay class don't forget your assignment huh '' pagpapa-alala sa amin ni sir. Ang assignment lang namin ay gumawa daw kami ng sariling communication design na kung saan present lahat ng elements ng communication including factors that affect a communication process. - Fast forward - Finally, natapos din ang last subject sa umagang ito which is physical science, nakaka drain kaya umanawa ng mga bagay-bagay no alam kong danas niyo din iyan dahil isa rin kayong estudyante. Inayos ko naman ang gamit ko, syempre hindi ko ito dadalhin dahil babalik din naman kami after namin kumain sa canteen. '' Baks tara na, kahit kailan napakabagal mo talaga. '' pagpuna sa akin ni Mariel, hindi ko naman ito sinagot dahil tapos na din naman ako. '' Tara na, '' aya ko sa kanila. Sumunod naman sila at naglakad na kami papuntang canteen. Nang marating namin ang canteen nakita ko si Darwin na walang kasama,dahil gusto ko itong samahan at ayaw ko naman makasama ngayon si Kumag dahil naiinis lang ako lalo kaya nagpaalam muna ako sa tropa. '' Ah, guys sa susunod lang ako sasama sa inyo, sasamahan ko lang si Darwin. '' ''Sinong Darwin bakla papabols mo ba iyan. '' tanong sa akin ni Mariel. ''Anong papabols ka diyan Mariel, iyan oh yong tinulungan ko kahapon. '' turo ko naman kay Darwin na mag-isang kumakain. . Sumang-ayon naman sila sa aking plano at hindi na nagreklamo alam naman kasi nila na maawain talaga ako kaya hinayaan na nila ako sa aking gusto. ''Hey, kamusta ka, bat ka mag-isa . '' nagulat naman itong si Darwin dahil sa bigla kong pag-upo sa harap niya. '' Ikaw pala, okay lang ako, I bet you already know kung bakit ako mag-isa. '' sagot naman nito sa akin. Akala ko Kasi sa w*****d lang nangyayari ang pag-iwas sa mga nerd nangyayari pala ito sa totoong buhay. '' So sasamahan na kita para hindi kana mag-isa . '' Sabi ko sa kanya habang nakangiti. ''Sure.'' sagot naman nito sa akin. Madami dami kaming napag-usapan ni Darwin katulad ng likes and dislikes niya at nalaman ko din na nag-iisa lang siyang anak. Nang tumunog ang bell nagpaalam naman ako dito. '' Ah Darwin sa susunod nalang ulit huh . '' akmang tatayo na sana ako ng bigla nalang akong may naramdamang likido sa aking katawan, '' Ops sorry, pasmado kasi kamay ko. '' kahit di ko pa nakikita ang nagsalita alam kong si Dindina ito dahil sa boses niya. Kinalma ko muna ang aking sarili dahil ayoko talaga gumawa ng eksena at tsaka time na no. '' Okay lang, excuse me padaan kailangan ko nang pumasok . '' kalma kong sabi while plasttering a fake smile on them. Pasalamat talaga siya mabait ako kung hindi baka kanina ko pa ito pinatulan. Nang makalampas ako ng konti kay Dindina bigla nalang akong tinulak nito. '' Opx sorry pasmado talaga kamay ko dear, '' with matching ngisi pa. Bruha na bitchesa pa. Dahil napuno na ako wala na talaga makakapigil sa akin. '' Problema mong babae ka, hindi ka naman inaano ah . '' bulyaw ko sa kanya. '' Oh fagg, sorry pasmado talaga kamay ko, pasalamat ka nga yan lang nagawa ko. '' '' Alam mo, maganda ka sana pero ang gaspang naman ng ugali mo. Sa tingin mo daming natutuwa sa ginagawa mo puwes nagkakamali ka. Kung fagg ako ikaw naman pokpok, kulang nalang maghubad ka sa harap namin dahil diyan sa uniform mo. '' mahaba kong lintaya sa kanya napupuno na talaga ako sa babaeng to. - pakk - Sinampal lang naman ako ng bruha, taray hindi ako prepared doon sa attacked niya, ayaw ko naman magsinungaling masakit yong pagkakasampal niya sa akin. Bigla naman nagsilapitan itong kaibigan ko mukhang nag-aalala. Relax lang guys, hindi pa ako nagsisimula. - Pak - Sampal ko din sa kanya anong akala niya sa akin mahinang bakla no way. Bakla na nga ako magpapa api pa ako hindi naman ata tama iyon. Naglakad ako papalapit sa kanya dahil mukhang hindi parin nito matanggap na nasampal ko din siya. Kumuha ako ng limang piso sa aking bulsa sabay kuha ng kanyang kamay at abot sa kanya ng limang piso. '' Para saan ito bakla . '' tanong naman niya sa akin. '' Ah yan ba bigay ko sa iyo bili ka ng manners kung saan meron para bumait ka naman kahit konti . '' sabi ko sabay walk out. '' you fagg. '' sigaw niya halatang talo siya, lumingon Lang ako dito at sabay ngisi. Nararapat lang sa kanya iyan. Naalala ko iniwan ko si Darwin, hindi Naman siya gagalawin Ng mga iyon nandon naman mga kaibigan ko. Papunta kasi, ako ngayon sa CR para magpalit ng uniform super lagkit ko na. Buti nalang may dala akong t-shirt and i think I really need to bring extra shirt baka Kasi maulit pa ang mga ganong tagpo sa pagitan namin ni Dindina. Nang makarating ako sa banyo pumasok naman ako kaagad at buti nalang walang estudyante ngayon sa loob ng banyo ng boys. After Kong magpalit nagulat ako dahil sinundan pala ako ni Gabriel na ngayo'y nakatayo malapit sa pintuan. " Problema mo na naman Gabriel? " Tanong ko dito . " Alam mo bang sobra ang ginawa mo Kanina? " Sabi ko na mukhang may round two ata ang pag-aaway namin. " So? Yan Lang ba pinunta mo dito? Puwes wala ako sa mood para sa tulad mong sarado ang utak. " Alam ko Kung San talaga papunta ang usapan ito pilit ko parin kinakalma ang sarili ko. " Sa tingin mo natutuwa ako sa mga ginagawa mo? " Tanong nito sa akin. Base sa tuno Niya naiinis na nga ito. " At sa tingin mo natutuwa din ako sa ginagawa ng ex mo? At ikaw din. Bulag ka ba? Or nag bubulagbulagan ka Lang? Sabihin mo nga sa akin Gabriel sino ang may kasalan bilis sabihin mo nga. " Sigaw ko dito dahil napupuno na talaga ako sa kanya. " At Kung ano man iyang pinuputok ng butchi mo puwes wala na akong pakialam I don't need to explain myself sa iyo dahil Alam ko sa sarili ko na Tama ako. " Segunda ko Naman. Gusto ko mang umiyak pero di ko magawa. Natameme naman siya sa,mukhang natauhan ata ang loko sa sinabi ko. Ayoko na magtagal pa kaya nilisan ko na ang banyo pero bigla nitong hawakan ang kamay ko. I feel electric ng hawakan niya iyon. " Pwede ba bitiwan mo ako Kung ayaw mong masaktan " pagbanta ko dito. Sumunod naman siya sa sinabi ko. Nang makarating ako sa classroom nagsisimula na sila sa afternoon class humingi Naman ako ng paumanhin kay Ms. Leona. Naunawaan naman niya ako dahil totoo naman ang sinabi ko Lalo na't bitbit ko, ang madumi kong uniform. Umupo naman ako sa aking upuan at kalaunan dumating din si Gabriel at tahimik na umupo sa aking tabi. Wala kaming pansinan iyan Ang set up ngayon sa pagitan namin at Wala akong pakialam. Don siya sa ex niyang pokpok. Lutang Lang ako maghapon dahil nga sa nangyari. Papunta ako ngayon sa guidance dahil nakarating na ang alitan namin Kay Ms. Maridel. Mag- Isa akong pumunta ngayon dahil pinauna ko na umuwi ang tropa. Nag insist pa sila na samahan ako pero tumanggi Lang ako. " Good afternoon po ma'am " bati ko Kay Ms.Maridel. Mukhang ako na lang inaantay nila dahil nandito na si Dindina. " You may take your sit Mr. Fuentabella " Sabi naman nito sa akin sabay turo sa upuan nasa harap ni Dindina. Umupo naman ako, at nagsimula na nga magpaliwanag si Ms. Maridel Kung ano ang maaring Maging punishment kapag umabot na sa third attempt ang pag-aaway namin ni Dindina. Humingi naman kami ng paumanhin kay Ms. Maridel pati nadin sa isa't isa at alam ko naman na pakitang tao Lang Ito. Matapos ang konting paalala tumayo naman kami nitong si b***h at tinahak ang pintuan. " And do you think bakla natatakot ako sa iyo? Puwes nagkakamali ka. " Sabi nito sa akin nung makalabas kami sa silid. " Huh? Wala naman akong sinasabi ah, hmm. Base sa inaakto mo mukhang natatakot nga sa akin. " Pagharap ko naman sa kanya dahil ayaw ko naman magmukhang bastos. " Oh bat Wala kang masabi ? Nga pala don't forget to buy manners huh binigyan na Kita ng barya. " Sabi ko dito dahil Wala pa Rin itong imik at sabay lakad dahil gusto ko nang umuwi. " Faggot " sigaw naman ng bruha. Dahil walang Tao SA hallway tinaas ko Lang naman ang kanan Kong kamay sabay f**k you sign. It serves him right. Hindi Niya pa ako kilala kaya huwag siyang umastang Reyna. Dahil sa akin lang ang korona char Lang. Buti naman pagkalabas na pagkalabas ko sa gate ay may tricycle na nakaabang kaya Dali Dali akong sumakay. " Simbahan po ako kuya . " Pagbigay alam ko kay kuyang driver. Kinuha ko naman ang earphone ko, upang makinig Nalang muna sa music para mawala stress ko. Didiritso pa naman ako ngayon sa restaurant para kumanta. Nang makababa ako ng tricycle nagpasalamat naman ako Kay kuya. And to my surprise nandito si Gabriel. Tinanggal ko Naman, ang earphone sa aking tenga. " Pwede ba tayong mag-usap " mahinahon niyang Sabi sa akin nang makarating ako sa harap niya. " Bilisan mo, at kakanta pa ako sa restaurant. " Syempre hindi naman ako masama para hindi siya pagbigyan no. " Pasensya na talaga, naiintindihan ko na pinupunto mo " paghingi niya ng paumanhin sa akin. Buti naman na realize niya kakainis kaya. " Buti naman nagkaroon ka ng realization kumag " Sabi ko naman dito. " So bati na tayo bakla? " Nahihiyang tanong niya sa akin. Tumango Lang naman ako and with matching smile para maniwala siya. " Sige na umuwi kana at kailangan ko pang pumunta sa restaurant. " pagsabi ko dito. " Sige salamat ulit Wala ng bawian huh bati na tayo huh " Sabi Niya naman sa akin. " Oo na mag-iingat ka " Sabi ko naman at umalis na ito. Alam kong hindi madali magpatawad, pero naka depende lang iyon sa laki ng dulot ng isang kasalanan Kung gaano kalalim ka nito sinaksak. Pero matuto tayong magpatawad ,Hindi dahil sa kailangan ng iba kundi kailangan natin ng kapayapaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD