Chapter 10

3453 Words
Ronnie's POV Mag-isa akong naglalakad ngayon papunta sa room namin,Hindi ko kasama ang tropa dahil kanya-kanya muna kami ngayon dahil examination . Balak sana naming mag group study kaso hindi ako sumang-ayon dahil baka saan Lang mapunta ang Plano nila edi wala kaming isasagot sa exam. Sa loob ng dalawang buwan, Hindi parin ako nakaligtas sa mga panlalait sa akin ni Dindina. Syempre sinasagot ko siya at ako nalang din ang umiiwas dahil ayoko naman palakihin pa ang gulo. At hindi rin ako nakatakas sa mga panlalait ng ibang estudyante dahil ang lakas daw ng loob ko na kalabanin si Dindina.  Actually last day na ng exam today, at napag-usapan naming magkakaibigan na mag refresh ng utak after ng exam. Pagkadating ko sa classroom iilan pa lang kami. Pagkaupo ko kinuha ko naman ang mga notes ko para makapag-review ulit dahil ayoko naman na biguin sila father Raul kaya kailangan Kong pag butihin ang aking pag-aaral. " Good morning bakla, masyado mo naman ata ini-stress sarili mo " Sabi ni kumag na kakadating Lang. " Yaan Muna ayoko ko kasing mabigo ang mga kumupkop sa akin at Alam Kong Alam mo iyan. " Sagot ko Naman sa kanya. Hindi ko pala nasasabi sa Inyo, pagkagising ko nalang isang araw may gusto na ako Kay Gabriel. Hindi niyo naman ako masisisi , ikaw ba naman hatid sundo tapos sweet pa siya minsan sa akin. Pero pinipigilan ko naman, dahil Alam Kong straight itong si Gabriel at baka sa huli ako Lang din ang masaktan. " Hoy Sabi ko Kung may notes ka sa Creative writing . Kanina pa kita kinakausap tulala ka naman diyan , iniisip mo ko no? " Sabi naman ni kumag. Panira talaga ng momentum. " Oo iniisip Kita, este oo meron akong notes hihiram ka ba? " Gosh ano ba mukhang may sariling desisyon ata tong bibig ko. " Oo pahiram ako mag-aaral ako " Binigay ko Naman sa kanya ang notebook ko at nag aral nga naman ito sa aking tabi. Makalipas ang ilang minuto dumating na ang teacher na magbabantay sa amin. Kaya inayos namin ang mga kanya-kanyang upuan upang lagyan ng distansya. Fast forward " Yehey, natapos din ang exam " sigaw ko ng matapos ang exam ganun talaga gawain ko kapag natatapos ang exam. Inayos ko naman ang mga gamit ko at inalagay sa aking bag. " Ano san tayo . " Tanong ni Kuya Bryan. " Oo nga guys San tayo . " Tanong ko din. Wala pa Kasi kaming napag-usapan kung san kami gigimik ngayon. Napag-usapan din nila na iinom sila pero ako bawal. " Kung sa khribz Resto bar tayo? " Sabi Naman ni Mariel. Sumang-ayon naman sila sakto daw at mura Lang daw naman inumin doon. " Nga pala guys, ipag-paalam niyo naman ako Kay ate Lalaine tapos bago tayo gumimik samahan niyo muna ako, kakanta muna ako Isa. " Sabi ko with matching puppy eyes. " Bakla huwag kana mag puppy eyes mukha Kang asong ulol" tawanan naman ang tropa sa sinabi ni Mariel. . " Oo naman nakakamiss marinig boses mo Ronnie " Sabi naman ni Julie sa akin. Matapos makapag-ayos ng mga gamit at konting usapan lumabas naman kaagad kami ng room. Naglalakad na kami ngayon palabas ng campus. Need talaga namin mag refresh ng utak dahil nakaka stress talaga Lalo na't pasahan din Ng mga projects bago mag exam. " Oy kumag pwedeng ikaw Nalang magpaalam sa akin kena ate Lalaine? " Sabi ko Kay kumag na kasabay ko ngayon sa paglalakad. " Sige , sa akin kana din sumakay. " Parang double meaning yon guys ah. " Enebe, kahit magdamag pa akong nakasakay sa iyo. " Pagsabi ko Naman. Syempre joke Lang yon baka mamaya magalit to sa akin. " Huh sinasabi mo bakla. " Sabi Naman Niya sa akin na nalito sa sinagot ko sa kanya. " Sabi ko oo , Pogi nga bingi naman " " May sinasabi ka bakla? " tanong niya sa akin. " Wala ano ka ba bilisan na natin para maaga tayong makagimik. " At sa wakas nakalabas naman kami ng campus. Napag-usapan namin na mauna na yong iba sa restaurant ni ate Aubrey dahil diritso muna kami ni Gabriel sa simbahan upang ipag-paalam ako Kay ate Lalaine at father Raul. Matapos ang konting plano agad naman kami umalis ni Gabriel patungo sa simbahan. At nakarating naman kami kaagad dahil hindi traffic ngayon at buti na lang talaga. " Tara Pasok ka muna magpapalit lang ako ng damit. " Hindi naman Kasi pwede na naka uniform ako na kumanta. " Sige bilisan mo baka nag-aantay na iyong tropa doon. " Tumango Lang Naman ako dito. Makalipas ang ilang minuto natapos naman ako magbihis. Kaya inaya ko naman siya papuntang opisina Kung nasaan si ate Lalaine. " Kinakabahan ako baka hindi ako payagan kumag. " Basag ko sa katahimikin namumutawi sa pagitan namin. " Sus, chillax ka Lang bakla ako bahala kay ate Lalaine. " " Sige Sabi mo iyan , huh , ayusin mo lang gusto ko talaga mag refresh ngayon dahil na stress talaga ako ng bongga. " Natawa naman ito sa sinabi ko. Pumasok naman kami sa office sakto at walang ginagawa si ate Lalaine. " Oh iho ano kailangan mo. " tanong ni ate Lalaine ng Makita Niya kami ni Gabriel. Magsasalita na sana ako ng inunahan ako ni Gabriel. Sabagay siya naman talaga ang magpapaalam sa akin. " Ah tita magandang hapon po ipagpapaalam ko lang po si Ronnie kung pwede PO siya ngayong Gabi ako na po bahala sa kanya. " Pagpapaalam ni kumag Kay ate Lalaine. Sana payagan ako . " Oh siya mag-iingat Kayo Kung san man Kayo , tsaka papayagan ko talaga iyang si Ronnie dahil Alam Kong two weeks na yang stress . " Natatawa namang sambit ni ate Lalaine sa Amin. " Salamat po ate Lalaine. " Sambit ko. " Tsaka huwag kana mag-alala ako na bahala Kay Father Raul . " Pahabol na lintaya ni ate Lalaine. " Sige po ate Lalaine salamat po kami po ay aalis na din kakanta pa ho ako sa restaurant ni ate Aubrey. " Sabi ko dito. Matapos makapag paalam ay agad naman kaming lumabas ng opisina para makapunta na ng kainan. " Sabi ko naman sa iyo eh, alam Kong malaki tiwala nila SA akin. " Pagmamayabang nitong Isa. Actually totoo yon guys kapag kasama ko si Gabriel ay pinapayagan talaga ako. Alam naman Kasi nila na Hindi ako papabayaan nitong si Gabriel kaya natutuwa naman ako. Pero guys ang laki talaga ng problema ko ngayon dahil sa feelings ko sa kanya parang hindi ko kayang pigilan eh. Ayoko Ng ganito. kaso sa araw araw na magkasama kami ay Lalo akong nahuhulog sa kanya. Kasi Alam mo iyong feeling na kapag kasama mo siya safe ka tapos,parang walang masamang .angyayari. " Hoy ano iyan iniiisip mo , mukhang ang lalim naman ata niyan. " Napansin Niya kasing parang tulala ako maglakad. " Ah Wala Ito Tara na . " Sabi ko naman with matching smile para maniwala siya. Sa una nagtaka Naman Ito pero kalaunan tumango Rin Ito. Mga 3 minutes lang ata nasa restaurant na kami at Dali dali naman kaming pumasok para matapos na akong kumanta at makapag simula na kaming magsaya. " Oh bakla kamusta pinayagan ka ba. " Kunwari malungkot ako, kaya nagtaka Naman sila syempre gusto ko muna silang lokohin. " Hindi ako pinayagan. " Biglang Sabi ko mukhang nalungkot Naman sila sa sinabi ko. " Okay lang iyan baks, samahan ka nalang muna namin dito. " Sabi Naman ni Mariel halatang nalungkot din Ito. " Joke Lang guys pinayagan ako. " " Alam mo bakla ka talaga huwag ka nalang kaya sumama. " Tawanan lang naman kami sa kalokohan ko. " Oh kayo pala iyan mga Bata kumusta naman pag-aaral niyo. " It was ate Aubrey nangungumusta sa Amin. Kanya-kanya Naman silang sagot sa tanong ni ate na siyang kinatuwa naman ng dalaga dahil napadpad daw ulit kami. " Oh Galingan mo uli Ronnie huh, ang dami na lagi Ng customer dito eh . "Baling naman ni ate sa akin. " Syempre naman ate ako pa ba. Sige po aayusin ko na ho doon sa mini stage para makapag simula na ako. " Tumango naman Ito sa akin. " Guys wait Lang huh " pagpapaalam ko sa tropa. Nang marating ko ang mini stage nag-isip muna ako ng kakantahin. Since Kanina ko pa naiisip si Gabriel napili kong kantahin ay Wag na Wag mong sasabihin ni Kitchie Nadal. Gusto ko kasing iparating kay kumag ang nararamdaman ko sa pamamagitan ng kantang ito. Syempre hindi Niya naman Ito malalaman magaling kaya ako magtago ng feelings. Nang matapos kong ma set up ang sound system nagsimula na akong magsalita. " Magandang Gabi po sa lahat , sa mga taong nagmamahal diyan ng palihim sana ay magustuhan ninyo ang aking kanta. " Sigawan naman ang iba dahil sa aking sinabi. Now playing Wag na wag mong sabihin May gusto ka bang sabihin Ba't di mapakali Ni hindi makatingin Pagsisimula ko sa kanta. Hinanap ko naman Kung saan naroroon si Kumag I want to see him . Gusto ko madama Niya ang kantang ito. Sana'y wag mo na 'tong palipasin At subukang lutasin Sa mga isinabi mo na Iba ang nararapat sa akin Na tunay kong mamahalin Alam Kong , straight si Gabriel pero masisisi niyo ba ako sa aking nararamdaman? Alam Kong hindi siya ang para sa akin kaya sa pamamagitan ng kantang ito naway mabatid Niya ang aking nararamdaman. Ohhhhh ag na wag mong sasabihin Na hindi mo nadama itong Pag-ibig kong handang ibigay kahit pa kalayaan mo Ano man ang naakala Na ako'y isang bituin Na walang sasambahin 'Di ko man ito ipakita Abot langit ang daing Alam kong malabong mangyari na mahahalin niya Rin ako katulad ng pagmamahal ko sa kanya. Sa mga isinabi mo na Iba ang nararapat sa akin Na tunay kong mamahalin Ohhhhh Wag na wag mong sasabihin Na hindi mo nadama itong Pag-ibig kong handang ibigay kahit pa kalayaan mo At sa gabi Sinong duduyan sayo At sa umaga Ang hangin na hahaplos sayo Hindi ko maipapangako na nasa tabi Niya Lang ako palagi dahil Alam Kong maraming bagay na mangyayari sa hinaharap at Hindi ko kontrolado ito. Ohhhhh Wag na wag mong sasabihin Na hindi mo nadama itong Pag-ibig kong handang ibigay kahit pa kalayaan mo Pagtapos ko sa kanta. Nagpalakpakan naman Ang mga kumakain at may mga sumisigaw pa nga at nagtatanong ano daw pangalan ko. Natawa Nalang ako sa ibat ibang reaction nila sa aking performance. " Maraming salamat po at magandang Gabi. " Pagpapasalamat ko sabay baba ng mini-stage. " Ganda talaga ng boses mo Ronnie kahit kailan jowain na kaya Kita. " Bigla naman Sabi nitong si Mike. " Loko di tayo talo. " Natatawa kong sabi sa kanya. Tumawa Lang naman itong si Mike. " Tsaka meron ka nang Julie '" segunda ko Naman. Napayuko naman si Julie napakahiyain talaga nito. " Mukhang may may nagugustuhan na guys si Ronnie . " Biglang Sabi ni Kuys Bryan. " Nakow kuya Bryan Wala po , para sa mga taong kumakain po yon dito ngayon " pagsisinungaling ko sa Kanila. Hindi na Naman sila umimik pa mukhang naniwala naman sila. Matapos makapag paalam kay ate agad naman kaming lumabas ng kainan . Sakay Naman ako Kay kumag habang sila ay nag tricycle para daw mabilis ang magsimula na daw ang kasiyahan. " Nga pala ang ganda ng kanta mo Kanina. " Bigla naman nitong Sabi sa akin. Buti naman marunong na siyang maka appreciate ng aking boses. " Lah ano nakain mo? Totoo ba tong narinig ko ? Lord baka Hindi po si Kumag ito. " Pagsabi ko sabay tingala sa langit syempre ayoko naman gumalaw masyado baka mahulog ako sa motor. " Tsk baliw ka talaga. Oo nga totoo pasalamat ka nalang diyan dahil pinuri Kita. " Sabi Niya Naman " Oo na thank you kumag. " Natawa naman ito sa akin. " Bakla talaga. " Sakto naman nakarating na kami sa Khribz at dinig ko na ang tugtog na nagmumula sa loob. Nakita ko Naman ang tropa na kanya kanyang baba sa mga sinakyan nilang tricycle. " Lezzz go bitchesssssss " sigaw naman ng bruha ng makababa sa tricycle. Pinagtinginan tuloy kami. Wala talaga itong hiya kahit kailan. " Bruha ka Wala ka talagang hiya. " Sabi ko dito. " Nakow bakla hayaan muna sila tara na guys walwalan na. " Pag -aya Niya sa Amin. Pumasok naman kami, buti nalang hindi gaanong mausok pero naamoy mo parin ang usok ng sigarilyo, vape halo halo ang amoy. Napaubo tuloy ako ng Wala sa oras. " Okay ka Lang bakla? Mukhang first time mo pumasok dito ano. " Sita sa akin ni Gabriel . " Oo eh boring Kasi ng buhay ko dati , kaya this is my first time here. Don't worry about me I can handle myself. " Sabi ko Naman sa kanya. Tumango Lang Naman siya sa aking sinabi. May nakita naman kaming, available na table malapit sa stage na Kung saan may kumakanta kaya agad naman kaming nagtungo doon upang makaupo na. " Guys kumain Muna tayo, siguro may pagkain Naman sila dito ano? " Tanong ko Kasi wala talaga akong Alam kong meron ngaba. " Meron bakla , tsaka Kakain Naman talaga muna tayo at masama ang uminom Ng walang laman ang tiyan. "  Sabi nitong si Gabriel na ngayo'y katabi ko. " Kuyang pogi, " pagtawag ko sa waiter na pogi. enebe kuya kainin Kita char. Lumapit naman ito sa Amin , guys ang sarap ni kuya ang laki ng muscles malaki din kaya ano Niya? Gosh bat kasi ang hot ni kuya Ayan tuloy nagiging bastos ako. " Guys sisig lang sa akin tapos isang kanin at coke mismo. Ano sa inyo. "Tanong ko sa kanila. " Same lang din masarap Kasi sisig nila dito bakla. " Same order lang naman kami lahat. Nag order na Rin sila ng apat na order ng sisig , para sa pulutan daw. Di Naman sila excited no. After a couple of minutes dumating din ang order at nagsimula na kaming kumain. Tama nga ang sinabi nila ang sarap ng sisig. Gosh pwede mag take out? Char baklang two. " Ano iinumin natin? " Tanong ni Kuya Bryan. Bali ang umiinom Lang sa grupo ay si Mariel , Mike , ate jade Kuya Bryan , Jam at kumag. Maliban na sa Amin ni Julie dahil mababait talaga kami. " Red horse nalang Brad " sabi naman nitong si Gabriel bahala siya pag malasing siya iiwan ko talaga siya dito. Hindi pa naman ako marunong mag motor baka mapano Lang kami pag subukan ko. " Oy huwag Kang maglalasing huh , " Sabi ko naman sa katabi ko. Gosh huwag talaga siyang maglalasing dahil ihahatid Niya pa ako. " Oo na bakla " labas sa ilong niyang Sabi. " Bahala ka sinasabi ko sa iyo , iiwan talaga Kita dito kumag ka. " " Oa mo bakla " Matapos ang ilang minuto dumating naman ang isang case ng redhorse. Wala Naman silang sinayang pang oras at agad na nagsimula. Tawanan, Lang kami dahil sa mga kalokohan ni Mariel. Mukhang refresh nga talaga Ito ngayon dahil kanina pa kami tumatawa. Dalawang oras na ang nakalipas mga lasing na ang loko Ito na ngaba sinasabi ko. Umiiyak lang naman ngayon si Mariel vinideohan ko pa nga eh para ipakita ko sa kanya kinaumagahan. " Huhuhu alam niyo guys, Yong feeling na di ka Niya Mahal huhu Tang Ina Niya. " naiiyak na sambit ni Mariel Ilan Lang naman iyan sa mga sinasabi ng Lola niyo. Mukhang inlab ito sa isang taong Hindi siya Mahal, feel Kita Mariel. " Hoy iyan na nga ba sinasabi ko kumag ka kaya mo pa? " Tanong ko sa lalaking ito. Nakasubsob lang naman siya. Hiyang hiya naman ako sa sinabi Niya Kanina. " Ene ka ba baekla k-a -ya ko -pa " kaya pa daw Niya eh sagot pa Lang Niya mukhang ekis na . " Guys uwi na tayo, malalim na din ang Gabi. " Sabi ni kuya Bryan halatang medyo lasing na din. Buti naman mataas itong tolerance ni Kuya Bryan sa alak. Tumayo naman kami lahat. Habang si Julie ay inalalayan naman dalawa niyang pinsan. Inom pa bruha natatawa Nalang ako sa itsura ngayon ni Mariel . " Kumag tayo ka na diyan uuwi na tayo. " Sabi ko dito tumayo naman ito, Ng walang imik. Buti naman kaya pa nitong maglakad inalalayan ko nalang ito. Ang tanong pano iyong motor niya dito? " Kuya Bryan, pano po iyong motor ni Gabriel? " Tanong ko Kay kuya Bryan ng makalabas kami. " Ah yaan muna ito dito Huwag Kang mag-alala walang gagalaw ng motor niya dito tsaka magdamag itong bukas. " Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi ni Kuya Bryan. Naisipan Kong tumawag Kay ate Lalaine para magpaalam na hindi muna ako makakauwi. Syempre magsisinungaling muna ako ngayon dahil sa kumag na ito. " Hello po ate Lalaine pasensya na po Kung nagising kayo dahil sa akin. " Pagbungad ko Kay ate Lalaine sa kabilang linya. " Nako iho, patulog pa Lang ako bakit ka napatawag?" Tanong sa akin ni ate Lalaine. " Magpapaalam Lang ho ako di muna ako makakauwi ngayon, kena Gabriel po kami matutulog nitong mga kasama ko. " pagbigay alam ko namam. " Sige, Sige mag-iingat Kayo. " Bago ko ibinababa ang tawag nagpasalamat naman ako Kay ate Lalaine. Humanap naman ako ng masasakyan namin ni Kumag. At buti na lang talaga may mga tricycle pa sa ganitong oras. " Kuya Bryan Mauna na po kami , ikaw na po bahala sa mga iyan huh , mag iingat Kayo. " pagpapaalam ko Kay kuya Bryan. " Sige sige mag-iingat din Kayo. '" Sabi Naman ni kuya Bryan. Matapos makapag paalam agad ko naman pinapasok itong si Kumag. Syempre inalalayan ko din baka mapano. " Kuya sa Villasol Subdivision po kami. " Pagbigay alam ko kay kuyang driver. Habang tinatahak ang daan pauwi sa bahay nitong kumag, pinagmasdan ko lang naman ito. Napakagwapo talaga kahit kailan. After a couple of minutes narating naman namin ang bahay nila. Mukhang inaantay ni Nay lusing itong kumag dahil bukas pa ang mga ilaw sa bahay nila. " Hoy andito na tayo. " tapik ko Ng mahina Kay kumag para gumising ito Buti naman Hindi Ito mahirap alagaan kapag lasing dahil sumusunod naman Ito sa mga sinasabi ko kaya hindi ako nahihirapan. " Kuya keep the change po " Sabi ko Naman Kay kuya pasasalamat ko na din dahil safe kaming nakauwi nitong si Kumag. Nagpasalamat naman Ito sa akin bago umalis. Inalalayan ko Naman si Gabriel sa paglalakad dahil pasuray suray na kasi ito baka mamaya masubsub pa ito dito. Kumatok Muna ako sa pintuan at agad naman itong binuksan ni nanay Lusing. " Jusko buti naman hinatid mo Ito anak. " Sabi ni nanay lusing nang Makita kami ni Kumag. " Opo nay lusing , hirap Naman iwan ko Ito doon baka ano pa mangyari sa kanya. " Nang maisara ni nanay lusing ang pintuan tinulungan Naman Niya ako dito Kay kumag dalhin sa kanyang kwarto. " Nay ako na po bahala Kay Gabriel matulog na ho Kayo, " naawa na Kasi ako Kay nanay Lusing halatang inaantok na ito. " Sige anak salamat Mauna na ako sa Inyo. " Tumango naman ako Kay nanay bilang tugon. Dalawang minuto na ang nakalipas Wala pa Rin akong nagagawa. Eh nagdadalawang isip ako Kung papalitan ko ba ng damit Ang kumag na Ito o Hindi. " Bahala na nga. " Kaya pumunta naman ako sa cabinet niya at kumuha ng damit na presko. I pick jersey Alam ko naman na naka boxer ito kaya no need to look for shorts. " Kumag tayo ka Muna saglit papalitan lang kita ng damit. " Pag gising ko dito , umungol lang naman ang loko at dadahan dahang umupo. Syempre i unbutton naman sa uniform niya at dadahan dahan itong hinubad. Gosh tukso layuan mo ako. Ayoko Naman magsinungaling sa inyo Ang sarap talaga ng katawan ng kumag na ito. " Bilisan muna bakla tama na ang pagtitig sa katawan ko,bukas kahit maghapon pa huwag Muna ngayon inaantok na ako. " Sabi ng loko kaya Dali Dali ko naman itong hinubadan at sinuot ang sando. " Che di kaya feeling din to payatot mo. " Sabi ko dito. Wala naman itong sinabi at nahiga na muli. " Hoy maghubad ka ng pants mo , kaloka to. " Sabi ko pero ang loko mukhang tulog na. Dahan dahan ko namang binababa ang pants niya , Gosh nakapikit talaga ako ngayon dahil ayoko makakita ng ano basto yong tumayo basta iyon na iyon. At sa wakas nahubadan ko din ito, napalunok naman ako sa aking Nakita bat ang laki nun? Gosh agad kong ibinaling ang aking tingin sa ibang direksyon gosh I hate you kumag nagkakasala ako dahil sa iyo. Kinuha ko naman ang uniform nito at dinala sa loob ng kanyang CR at inilagay sa basket. Naghubad na din ako ng pantalon Kong suot at iniwan ang cycling shorts ko. Bumalik Naman ako sa kama ni kumag upang kunin ang aking bag dahil doon ko Ito nilagay. Aalis na sana ako ng bigla nalang ako nitong hilahin at napahiga naman ako sa tabi nito. " Hoy kumag ka , matutulog na ako bitiwan muna ako. " " Tabi na tayo dito kana matulog. " Niyakap Niya Naman ako bigla. Bigla Nalang bumilis ang t***k ng puso ko. Ito na nga ba sinasabi ko. " Hoy ano ba bitiwan mo ako. " Pagpupumiglas ko pero ang loko mas lalo lang akong nilapit sa kanya. Naamoy ko na tuloy pabango Niya na naghalo sa kanyang pawis. Pero Hindi siya mabaho. Na turn on pa nga ako eh enebe Ang landi ko. " Let me hug you please matulog na tayo. " pag request niya sa akin. Dahil mukhang Wala na akong magagawa nagpaubaya na Lang ako dito. Hinayaan ko nalang ito, inaantok na din Kasi ako. Hanggang si di ko namalayan nakatulog na pala ako sa bisig at piling ni Ramos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD