Ronnie's POV
Nagising ako dahil may mabigat na nakadagan sa akin at namamanhid na ang aking binti.
Tapos guys nanaginip ako na magkatabi daw kami ni Kumag na natulog kagabi. Like what the f**k ganun na ba kalala ang pagkagusto ko Kay kumag?
Nakakainis kasi bat ganun siya sa akin bakla ako at marupok char.
Nagulat nalang ako ng biglang may yumakap sa akin. At worst guys may matigas na tumutusok sa aking puwetan. Napamulat ako bigla nang may umungol
" What the f**k, hoy kumag ano ba ginagawa mo huwag ka ngang mangyayakap. " The f**k ngayon ko Lang naalala galing pala kami sa gimikan kagabi.
At ngayon ko lang din naalala hindi pala panaginip na magkatabi kami ni Kumag dahil totoo ito.
" Huwag ka ngang maingay bakla, ang aga- aga pa matulog ka pa. " Sabi naman nito sa akin.
" What the f**k ano yon kumag bat may nagalaw? " Pagtatanong ko sa kanya, Kasi biglang gumalaw iyong matigas na tumutusok sa aking puwet.
" Hehe Alam mo na " Sabi niya sa akin.
Napaisip Naman ako sa sinabi niya hanggang sa mapagtanto ko Kung ano iyon. It's morning erection .
" Bastos ka, bastos ka bitawan mo nga ako kakainis to. " Pinagpapalo ko naman ito.
Gosh ang tagal pa naman nun nakadikit sa aking puwet , kahit gusto ko siya , syempre I still have my respect no. Hindi naman ako opportunity seeker.
" Aray, aray bakla Tama na pag di ka tumigil di ka matutuwa sa gagawin ko. " Hindi naman ako naniwala sa sinabi niya hanggang sa hinawakan niya ang dalawa Kong kamay at umupo naman siya sa akin. Bali ang position namin ay nakahiga ako hawak Niya dalawa kong kamay habang nakaupo siya sa aking tiyan.
" Ano ba kumag ka, ang bigat bigat mo umalis ka nga diyan. " Sabi ko naman dito, pero ang loko nakangisi Lang ano kaya binabalak nito sa akin.
Dahan-dahan namang bumababa ang kanyang mukha. Wait ano gagawin niya sa akin?
" Ano gagawin mo kumag ? " Tanong ko dito pero parang Wala lang itong narinig.
Hahalikan Niya ba ako ? Wait Hindi ako handa ang baho pa ng hininga ko amoy panis na laway. Malapit na guys , napapikit naman ako.Shit makukuha na niya first kiss ko huhuhu hindi na virgin lips ko. Pero bat parang wala akong maramdaman.
" May muta ka bakla. " Sabi nito sa akin. What the f**k pinagtripan ako ng loko. Umalis naman Ito sa aking ibabaw at tawang-tawa ang loko.
" Hahahaha Akala mo siguro hahalikan Kita? Asa ka bakla . " Tawang-tawa pa rin ang kumag.
" Sa tingin mo gusto ko din mahalikan ng isang kumag no way. Mas maganda na si Darwin humalik sa akin willing Naman ako ibigay sa kanya. " Sabi ko dito. Nakakainis kaya umasa pa Naman ako char.
" Edi don ka sa Darwin mo. " Pero tawang-tawa parin ito.
Naiinis naman ako sa tawa na ito. Dahil naiinis ako kinuha ko ang unan nito at binato ko Ito sa kanya at yon sapol.
" Oh ano ka ngayon huh, kumag ka it serves you right . " Ako na naman tumatawa dito.
Magkasalubong naman ang kilay nito at ang cute Niya lang tingnan para siyang angry birds dahil sa kapal ng kilay nito na bagay naman sa kanya.
" Bakit moko tinititigan bakla? " Tanong naman nito sa akin.
" Bakit bawal ba, tumitig sa pangit mong mukha? " pang iinis ko sa kanya.
" Aba pangit? Sure ka ba? Hindi mo ba alam itong mukhang sinabihan mo ng pangit ay inaasam ng karamihan? " Sabi Niya sa akin. Mukhang bigla nalang lumamig sa kwarto ng kumag.
" Whoaa mukhang lumakas ata hangin ngayon . "
At muli na naman siyang dahan-dahang lumapit kaya Dali Dali akong tumayo at ngayon ko Lang naalala naka cycling shorts Lang ako at Kita halos ang legs ko.
" Witwit sexy " Sabi Ng kumag na nakatingin sa aking legs .
" Manyak ka " Sabi ko dito sabay takbo sa CR Niya. Kaloka talaga ang lalaking yon.
Narinig ko naman na tumawa ito kahit kailan talaga kumag talaga siya. Nagmumog naman ako at muling sinuot ang sweet pants na suot ko kagabi ayoko naman lumabas ng naka cycling at may manyak sa labas.
" Bakla bilisan mo diyan at Kakain na daw Sabi ni nay Lusing, kahit mag-ayos Lang napakatagal mo . " Sigaw Naman nito mula sa labas.
Kaya dali-dali naman akong kumilos. Wala pa Lang pamunas sa mukha kaya bago ako naghilamos tinungo ko muna ang pintuan at binuksan. Nakita ko naman si Kumag na nakawahak sa kanyang bewang ang dalawa niyang kamay habang nakatingin sa akin. Ang hot at yummy Niya guys mukhang busog na ako at hindi ko na kailangan pang kumain.
" Ano bakla tapos kana? " Tanong naman nito sa akin.
" Pahiram muna ako tuwalyo mo walang pamunas eh. " Nahihiya Kong sambit.
" Tsk Ayan oh. "sabay abot Ng towel na dala niya.
" Tsk kala ko pa Naman tapos ka na. " Pahabol Niya.
Hindi ko na pinasin siya at Dali Dali ko namang sinirado ang pintuan at naghilamos.
" Tapos na ako kumag una na ako sa baba. " pagpaalam ko sa kanya.
Dali-dali naman akong bumaba. Habang palapit ako sa kusina ay may nadidinig akong nag-uusap may bisita si Kumag? Dahan-dahan naman akong naglakad pa kusina. Huminto muna ako upang pakiramdaman Kung Sino ang taong kasama ni nanay lusing.
Nagulat naman ako ng biglang may kumalabit sa akin. Isang cute na bata. Wait Kung may bata posible kayang ang ate Niya ang nandito?
" Ano pangalan mo baby boy, " pagtanong ko sa bata.
" Mawin po " ang cute naman. Bigla naman itong nagpakarga sa akin kaya binuhat ko ito at bigla nalang dumating si nay Lusing.
" Oh ikaw pala anak, mukhang nagustuhan ka ata ng bata anak. " Pagsambit ni nanay lusing. Napansin niya Kasi na karga ko si Marwin.
" Opo nay eh, nagpakarga. Nga PO pala susunod nalang daw ho si Gabriel nag-aayos pa. " Pagbibigay ko Alam.
" Halaka anak, bat ka naman nagpakarga. " Nagulat nalang ako sa biglang pasulpot ng ate ni kumag.
" Hehe okay Lang po ate, gusto ko naman po. " Pagsabi ko naman sa ate ni Kumag.
" Ano pala pangalan mo iho? O iha? " Pagjojoke nito sa akin. Mabait naman pala itong ate ni Kumag.
" Maalin po ate sa dalawa half-f
Half naman po ako. " Natatawang Sabi ko naman.
Natawa naman ito sa sinabi ko. Mga bakla malaking puntos ito para sa akin char.
" Nakakatuwa talaga kayong mga beki, ako pala si ate Jona mo kapatid ni Gabriel. " Pagpapakilala naman ni ate sa akin.
" Ako Naman po si Ronnie ate Jona magandang umaga po. "
" Oh ate andito pala Kayo, " it was kumag na kakadating lang.
" Oo iiwan ko muna sa iyo si Marwin at aalis kami ni Kuya Jun mo. "
Tumango naman ang kumag at lumapit naman ito sa akin upang kunin si Marwin pero ang bata siniksik lang ang mukha nito sa aking dibdib halatang ayaw magpakuha sa akin.
" Ano ba Yan bakla, ano ginawa ko Kay Marwin at ayaw na sa akin. " Sabi ni Kumag ng Hindi nagpakarga sa kanya si Mawin.
" Aba Malay ko sayo kumag ka. Baka inaaway mo lagi si Marwin. " Sagot ko naman dito.
" Nakow iho, Tama ka lagi niyang pinapaiyak iyang si Marwin kaya ayaw magpakarga sa kanya. " Singit naman ni nanay lusing
" Ayon kaya Naman pala ayaw sa iyo, hindi ka naman pala marunong mag-alaga eh. "
" Paki mo ba bakla , eh kulit ng bulilit na iyan eh. Pero love ko naman iyan. "
" Malamang Bata sadyang makukulit ang bata. " Sagot ko dito.
Nagulat naman ako Kasi tawang-tawa si ate jona sa aming dalawa ni Kumag.
" Wait nga magjowa ba Kayo? "Tanong sa Amin ni ate.
Ay pakshet na malutong, hindi ako prepare don sa tanong ni ate. Mukhang nalaglag ang panty ko at nalagas ang aking pubic hair. Joke.
" Hala Hindi po ate kaibigan Lang po kami ni Kumag este Nitong si Gabriel . " Pagbibigay alam ko Naman Kay ate Jona.
Pati tuloy si Nanay lusing natawa bigla sa tanong ni ate Jona sa Amin.
" Alam mo ang cute niyo tingnan dalawa, boto Naman ako Kung Maging Kayo huwag kayong mag-alala even sila mom and dad payag iyon Lalo na't Kung titino itong si Gabriel. " And for the nth time nagulat ako sa mga surprise ni ate Jona.
Baka mamaya maglabas Nalang itong bomba at pasabugin itong bahay nila Char.
" Ate Naman eh " nahihiyang sabi ni kumag.
Tinawanan lang namin siya nila ate Jona.
" Bahala nga Kayo diyan Kakain na ako. " Padabog naman itong tumungo sa kusina dahil nainis sa tawanan namin.
" Tamo, buti naman natitiis mo ugali ng kapatid ko. " Sabi nitong si ate Jona.
" Nakow ate, hindi po tatalab ugali niya sa akin. " Natatawa ko namang sambit at nag apir kami ni ate Jona. Taray huh magka vibes kami nitong si ate Jona I love it .
" Oh siya tayo na at kumain na tayo baka malamig na Ang kanin. " Kinuha naman ni ate si Marwin sa akin at nagtungo kami sa kusina upang kumain.
Kung ano-ano pa napag-usapan namin ni ate tungkol Kay Gabriel. Tawang-tawa naman ako sa mga nalaman ko tungkol kay kumag. Pati si nanay lusing nakikisabay din. Wala naman nagawa si Kumag, nakitawa Nalang din Ito sa Amin.
" Ikaw na bahala dito Kay Marwin Gabriel huh, nandon sa upuan lahat ng gamit Niya sa araw na ito. " pagbigay alam ni ate Jona Kay kumag.
" Ako na bahala ate, mag-iingat kayo ni Kuya Jun. " Tumango lang naman si ate Jona Kay Gabriel.
Matapos kaming kumain, tumulong naman ako Kay nanay lusing sa pagligpit ng aming pinagkainan at , nagtungo sa kusina. Hawak hawak ko naman sa kamay itong si Marwin dahil nakaalis na si ate Jona at tumawag na ang kanyang asawa.
" Mukhang gustong-gusto ka ni Marwin. "
Pagsabi naman nitong kumag nang Makita niya kami ni Marwin.
" Oo nga eh, okay lang naman sa akin. Gustong-gusto ko nga magkaroon ng kapatid na lalaki eh nag-iisa Lang Kasi akong anak. " Sabi ko sa kanya.
Totoo guys gusto ko talaga magkaroon ng nakababatang kapatid nag iisang anak lang Kasi ako.
" Sasama Nalang muna kami ni Marwin sa iyo baka Kasi hinahanap ka na don. " Pagsabi naman nito sa akin.
Okay lang naman sa akin nag-iisa lang din ako sa kwarto ko.
" Sige ba, gusto ko iyang naisip mo. Pero pwede magsimba tayo? '' Sabi ko dito.
" Sige Lang, matagal na Rin Kasi akong Hindi nakakasimba. Ano Tara na? " Pagtanong nito sa akin.
" Sige wait Lang, paalam naman tayo Kay nanay lusing baka Kasi hanapin tayo nun " tumango Naman Ito. Ang hot Niya tingnan sa upo Niya. Nakaprenteng upo Lang naman Kasi ito ngayon.
" Akin na muna si Marwin. " pagsabi niya sa akin.
" Baby boy, Kay Tito ka Muna huh, di ka aawayin ni Tito mo. Pag inaway ka sabihin mo sa akin huh at ako aaway sa tito mo okay. " Pagsabi ko sa bata.
" Opo nana , " wow nana daw bongga talaga tong batang to. Kinurot ko naman pisngi nito .
Lumapit naman ito Kay kumag at kinarga niya ito.
" Huwag mo iyan papaiyakin sinasabi ko sa iyo kumag, makakatikim ka sakin. " Pagbabanta ko Kay Gabriel.
" Umalis ka na nga dami mo pang sinasabi bilisan muna at alas 10 ang misa baka mahuli tayo. "
Matapos niyang sabihin iyon, ay nagtungo naman ako sa kusina nila upang magpaalam kay nanay lusing.
" Nanay lusing " pagtawag ko ng pansin kay nanay na hindi parin tapos sa pag-huhugas ng mga pinagkainan namin.
" Oh bakit anak"
" Nay, Sabi po ni Gabriel ay sasama na muna daw sila sa akin at kami din ho ay magsisimba kasama po si Marwin. "
Pagpapaliwanag ko kay nanay Lusing sa aking sadya sa kanya.
" Oo Naman anak, mag-iingat Kayo at pakibantayan nang maayos si Marwin. "
" Opo nay, alis na po kami. " Pagpapaalam ko Kay nay lusing.
Dali-dali naman akong bumalik sa sala.
" Tara na nakapag paalam na ako Kay nanay lusing. " Kinuha ko naman sa kanya ang Bata at nagtanong naman Ito Kung saan kami pupunta.
" Nana, shaan po tayo punta ? " Tanong ni Marwin sa akin.
Habang si Kumag ay nasa likod namin dala dala gamit ni Marwin.
" Ah baby magsisimba tayo today huh kaya behave ka Lang huh. "
Tumango naman ang bata sa akin.
" Kumag paano pala iyong motor mo? Iinom inom di naman pala kaya. "
" Kukunin ko iyon pagkatapos natin magsimba huwag Kang mag-alala walang gagalaw nun doon at nilagyan ko din padlock yon dahil Alam ko mangyayari. " Mahaba naman niyang paliwanag sa akin. Tumango Lang ako bilang tugon sa sinabi Niya.
Nang- makalabas kami ay saktong may dumaan na tricycle mukhang may binaba sa unahan ng bahay nila kumag.
" Manong simbahan po. " Pagbigay alam ni kumag na nasa backride hindi Kasi magkakasya Kung dito siya sa loob.
" Nana, I want an itch cleam po " biglang Sabi sa akin ng Bata.
" Sige baby boy, sasabihin natin kay tito mo bibili ka Ng ice cream pagkatapos natin magsimba huh. "
" Opo nana thank you po. "
" Hmm Ang cute cute mo talaga. "
Natawa naman ito sa ginawa ko sa kanya.
Nang makarating kami ng simbahan, nakasalubong namin si Father Raul.
" Magandang Umaga father, "
Sabay naming bati ni Kumag Kay father.
" Kaawaan nawa Kayo ng Diyos,. Kanino palang Bata iyang dala ninyo. " Tanong naman ni father sa amin nang mapansin nito si Marwin.
" Pamangkin po ni Gabriel father. "
" Ah, I see. Kamusta pala naging lakad niyo kagabi Anak okay ba ? " Tanong ni father sa naging lakad namin.
" Masaya po father salamat po pinayagan ninyo ako. "
" Oh siya mabuti iyan oh siya at akoy pupunta muna sa aking silid at may misa pa mamayang alas 10. " Pagpapaalam ni Father Raul sa Amin.
Ipinagpatuloy naman namin ang aming paglalakad patungo sa aking silid. Nang marating namin , sa may kama ko naman nilagay si Marwin Sabay kuha Ng laruan niya na dala dala ni kumag.
" Ikaw Muna magbantay Kay Marwin maliligo lang ako " Sabi ko Kay kumag na ngayo'y nakahiga sa aking kama.
" Geh bilisan mo bakla at Maya maya magsisimula na ang misa. " Tumango lang ako dito sabay kuha ng susuotin ko at gagamitin sa pagligo.
After 20 minutes okay na ako. Napili Kong suotin ngayon ay plain white t-shirt together sa highwaist ko na pants hindi Yong rip and Nike na shoes na puti din.
" Oy pare-pareho tayong nakaputi ngayon bakla, mukha tayong pamilya. "Manghang Sabi nito sa akin nang Makita Niya akong lumabas sa banyo.
' huh? Sinasabi mong Pamilya kumag? 'sabi ko Kay Gabriel nawindang Kasi ako sa mga pinagsasabi ng lalaking Ito.
" Tara na okay na ako. Hey baby boy let's go na magsisimba na tayo. " Pagbaba ko sa bata sa kama at pumantay naman ako dito upang ayusin ang damit ng bata.
Naglalakad na kami ngayon papunta sa simbahan habang sa kaliwang kamay ni Marwin ako nakahawak at sa Kanan naman si Kumag.
Pinagtitinginan nga kami ng mga nakakakita sa amin. Pumasok naman kami sa loob ng simbahan at sa may bandang unahan kami umupo. Nagsimula naman itong misa, hanggang sa makatulog si Marwin hinayaan ko lang Ito.
Natapos naman ang misa tulog parin ang bata . Ngayon Naman na Kay kumag na ito dahil baka daw mangalay ako kakabuhat.
" Dahan dahan Lang para hindi magising. " Pagsabi ko sa kanya dahil ihihiga niya si Mawin sa kama.
Maayos naman niyang nailapag si Marwin sa aking kama.
" Alis muna ako, kuhanin ko lang yong motor. " Pagpapaalam nito sa akin.
" Kumag ibili mo pala si Marwin ng ice cream nag request kasi sa akin Kanina Yong bata. " Pagbibigay ko alam dito.
" Sige, alis na ako ikaw muna bahala kay Marwin. " Sabi nito sa akin.
" Mag-iingat ka. ''
Tumango lang naman ito at Kita Kong nag smile ito.kinilig Ang lolo niyo char lang.
Nag f*******: na muna ako pampalipas oras.
Mariel de La Viga
Nag pop out sa messages ko,
Mariel : Bakla super hang-over akits kaloka.
Ako : Super teh gusto mo send ko video mo kagabi? "
Mariel : Hala anong video bakla? Don't tell me nag amok ako kagabi?
Ako : No bakla, umiiyak ka Lang naman kagabi.
Sinend ko naman, ang video Niya kagabi. Tawang-tawa talaga ako sa video niya. Pati rin siya tawang-tawa sa ginawa niya kagabi. Sinabi ko din sa kanya na magkasama kami ngayon ni Gabriel.
Ang loko puro tukso lang naman ang bruha . Kesyo daw jowa ko daw si Kumag, hindi lang daw namin sinasabin sa Kanila.
Sana nga merong kami, hanggang sana nalang ba ako? Ang galing ko talaga magtago ng feelings no? I hope mawala na tong nararamdaman ko.
Nagpaalam naman ako kay Mariel dahil dumating na si Kumag na may dalang order sa Jollibee at ice cream at milk tea guys.
" Oh mukhang dami mo naman ata pinamili? Kaya pala ang tagal mo. "Sabi ko dito.
" Oo, tsaka malamang kakainin natin iyan. " Sabi Naman nito sa akin.
" Nana, I want to eat na po gutom na ako. " Nagising na pala ang bata, buti naman sakto ang pag-gising nito.
Kinuha ko naman ito at pinaupo sa bakanteng upuan sa tabi ko.
" Baby boy Ito na ice cream mo. " Sabi ko naman sa Bata.
" Yehey itch cream. Thank you Tito. " Pasalamat naman nito sa kanyang Tito.
" Anything for you baby " Sabi Ng kumag sabay kurot sa pisngi ng kanyang pamangkin.
" Para sa iyo iyang isang milk tea bakla binili ko para sa iyo. " Pagbasag sa katahimikang namumutawi sa Amin ngayon habang kumakain.
" Eh? Thank you kumag" pasalamat ko naman dito.
Natapos din kaming kumain at sinubuan ko naman itong bata sa pagkain ng ice cream para hindi makalat.
Nahiga naman si Kumag sa kama ko matapos makapag pahinga. Habang nasa tabi nito si Marwin na nanonood ng mga pambatang videos sa aking selpon.
Nang matapos akong maglinis ng pinagkainan namin ay tumabi naman ako sa Kanila pero nasa kabilang side ako Ng kama Bali nasa gitna namin si baby Marwin. Tulog na ang kumag mukhang may hangover pa ito kaya hinayaan ko nalang.
Makalipas ang isang oras na panonood ng Bata nakatulog naman ito. Pinicturan ko naman silang dalawa dahil ang cute nilang tingnan mukha silang mag-ama at ako ang Ina. Inang may lawit. Char. Pero guys you know what, being a mother is not always by blood , because the real essence of being a mother is always by heart. Why? Because so much child nowadays are being rejected. We can all be a parents.
Ayaw ko naman matulog dahil, hindi ako inaantok , kaya nanonood nalang ako ng Greatmen Academy . It's a BL series . Ang astig Lang Kasi Yong bakla nagiging babae,pagmaliligo siya sa isang lawa.
Nagising Naman si Kumag.
" Kanina pa ba ako tulog bakla? " Tanong Niya sa akin.
" Oo, Kanina pa " Sabi ko sa kanya nang Hindi siya binabalingan ng tingin.
Tumayo naman Ito at nagtungong CR iihi ata. Sundan ko kaya joke.
" Ano ba iyang pinapanood mo bakla . " Tanong Niya sa akin nung makalabas siya ng CR.
" Ah Wala to, kumag huwag muna ako pakialaman. "
" Tsk, puro kabaklaan ka talaga. "
Hindi, ko naman siya pinansin patuloy parin ako sa panonood nakakakilig kaya.
Hanggang sa magising na itong batang katabi ko.
'nana iihi po ako " Sabi nito sa akin, kaya dali- Dali ko naman itong dinala sa CR. Inayos ko ang suot nito nang matapos na itong umihi.
" Nag text pala si ate, susunduin na nila si Marwin at sinabi ko na dito na diritso sa simbahan. " Tumango lang naman ako dito. At inayos ko na mga gamit ng Bata dahil Alam Kong malapit na sila ate Jona.
Nang matapos akong mag-ayos sakto naman nasa labas na sila ate Jona kaya kinarga ko ang Bata habang si Kumag ay bitbit ang gamit nito.
Nakita naman namin sila ate Jona together with his husband na naghihintay sa labas ng simbahan.
" Whaaa , ang cute niyo tingnan diba hon. " Nawindang naman ako sa sinabi ni ate. Dinamay pa talaga asawa Niya.
" Wait stay foot muna Kayo diyan Ronnie dikit pa Kayo ni Gabriel Dali at kukuhanan ko Kayo cause you look good together pwede na Kayo mag-asawa. " Pak isang nakakawindang na statement ni ate Jona. Feel ko para siyang si Mariel.
Sumunod naman kami sa sinabi ni ate dahil ayaw naman naming magmukhang Kj. After five shots inabot ko na si Marwin Kay ate Jona.
" Oh baby boy, bye na huh pakabait ka kay mommy. " Sabi ko sa bata.
" Opo nana and thank you din po. Nana can I kiss you ?" Pag request naman nito sa akin.
" Sure baby. " Lumapit naman ako sa Bata para mahalikan ako.
" Salamat pala Ronnie sa pagbantay dito sa aking anak Alam ko Naman na Hindi si Gabriel ang nagbantay. " Patawa talaga si ate Kahit Kailan.
" Walang anuman po ate, Hindi Naman mahirap bantayan si Marwin. "
" Oh siya, kami ay aalis na."
" Mag-iingat po Kayo ate. " Tumango Naman sila sa akin.
Nang makaalis na sila ate kami Nalang dalawa naiwan nitong kumag at alam Kong uuwi na din Ito dahil hapon na.
" Oh uwi kana din at hapon na. " Pagbaling ko Kay kumag na nakatingin sa akin.
" Wala ba akong goodbye kiss?" Sinasabi ng lalaking to kahit matagal pa Joke.
" Lah sinasabi mo. " Sagot ko Naman dito.
" Kala ko mag-asawa na tayo. " Natatawa naman nitong Sabi.
" Ewan ko sayo Kumag ka , umalis ka na nga. "
" Bye babe "
" Babe your face , mag-iingat ka. '"
Nang-makaalis na si Kumag siya Naman pagpasok ko upang tumulong kina ate Lalaine at Kuya Dario. Hanggang kailan kaya ako magtitiis sa nararamdaman kong Ito? If there's only a button to stop a feelings , without hesitation I'm goin to press it quickly. Pero alam niyo ba na walang makakapigil sa atin sa Kung Sino ang ating magugustuhan. At Hindi Rin natin mapipigilan ang masaktan. What's the best thing to do? Well just go with the flow everything has an ending.