Ronnie's POV
Today is Monday ang nakakatamad na araw para sa ating mga estudyante. Alam mo Yong feeling na gusto mo matulog pa, Lalo nat linggo pa kahapon.
Halos andito na kami lahat sa loob ng classroom, Wala pang mga teacher kasi may meeting daw Ito ngayon. Nakakainis nga kala ko late na ako kanina tatakbo pa ako papunta sa classroom, nahuli ako sa balita dahil hindi ako nag f*******: nag message pala si Mr. Bukid kagabi.
Halata naman na tinatamad kami ngayon pumasok, halatang mga puyat ito. Nanood ata Kay mareng Jessica, na lagi namang sa susunod at abangan mamaya.
" Ano kumag hang over pa rin ba at nakasubsob ka diyan. " Kinalabit ko naman itong katabi ko.
" Lah, porket nakasubsob hangover ka agad? Hindi pwedeng puyat Lang bakla? " Sobrang patola talaga nitong lalaking ito.
" Parang joke Lang, naniwala ka naman " tinawanan ko naman ito.
" Nanood ka siguro ng p**n kagabi ano? " Sabay sundot ko sa tagiliran niya. Nag react naman Ito halatang nakikiliti .
" Tumigil ka nga bakla, sinasabi mo diyan. Dami mong Alam. " Pagsaway niya sa akin.
" Eh, sabihin mo na kasi ang totoo okay lang naman sa akin. " Tawang-tawa ako dahil namumula na ito mukhang naiinis na.
Nagulat naman ako ng bigla nalang itong, tumayo at pumunta sa aking harap at inilapit ang kanyang mukha. The f**k naamoy ko ang kanyang mabangong hininga. Enebe nakakaturn on Naman joke. Ang landi ko na kahit kailan.
" Titigil ka, oh gusto mong gagawin natin yang sinasabi mong p**n dito mismo." pagbabanta niya sa akin.
Hala ka, mukhang nainis nga ito sa ginawa ko. Pero guys ang hot ng boses niya nung nagsalita siya Sabi Niya sakin. Are you lost baby girl char .
Hindi kasi lalaking lalaki ang boses niya parang musika ang sarap pakinggan.
" A-ah , o-o titigil na di ka naman mabiro. " Nakapikit ko namang bigkas sa kanya dahil nahihiya ako sa lapit ng mukha Niya sa akin.
Amuyin ko nga hininga ko mamaya baka mabaho nakakahiya Kay kumag baka ma turn off siya sa akin at maging dahilan pa ito ng paglayo ni Kumag sa akin.
" Ahhh guys tingnan niyo ang cute nila " nagulat naman kami sa pagsigaw ni Kendra one of our classmates. Para din itong si Mariel na kwela.
' kiss, kiss kiss na Yan " sigaw ng mga kaklase namin. Pero ang loko nakangisi lang, instead na umalis siya ay nanatili lamang ito.
" Pano kiss daw bakla '" sinasabi nitong lalaking to? Syempre kailangan pabebe tayo no baka sabihin Niya na malandi ako. No way dalagang Pilipina kaya ako.
" Sinasabi mo diyan umalis ka na nga at baka ano pa isipin ng mga kaklase natin. ''
Sinunod naman Niya sinabi sa akin pero kinurot naman Niya pisngi ko bago bumalik sa kanyang upuan.
" Yown oh galawan mo talaga pare. " Sigaw naman ng isang lalaking kaklase namin.
Titili naman tong mga babae, hindi naman halata na support sila sa amin no? Pero knowing Wala talagang namamagitan sa aming dalawa ni Gabriel.
Ayaw ko naman magsinungaling sa inyo nasasaktan talaga ako sa thought ko ngayon.
Bigla naman pumasok si Mr. Bukid mukhang may iaannounce.
" Okay please take your sits class I have an announcement. "
Bulungan naman mga kaklase ko. Narinig ko naman na about ito sa nalalapit na intramurals. Ngayon ko Lang nalaman na mag intrams na pala ,dahil sa kabisihan ko sa nakalipas na araw ay hindi ko na alintana ang ibang bagay.
" Okay, since tapos na ang exam at Gaya ng napag-usapan ng President ng school ay last week of August will be our Intramurals. Yes tama ang nadinig niyo one week ang ating intramurals. "
Sigawan naman mga kaklase ko . Syempre kasama na ako don ikaw ba naman one week na walang pasok. I mean though hindi kami makakapagpahinga dahil Alam Kong may mga dapat salihan kaya wala parin pahinga.
" Okay enough muna class, so bali need niyo sumali sa sports fest and literary competition. " Di ko Alam Kong ano sasalihan ko, siguro try ko sa Declamation bet na bet ko Kasi Yan.
" Wait before I forgot, need natin ng contestant sa singing contestan he/she will be representing Humanities and Social Science. " pagbigay alam ni sir sa amin.
" Sir Si Ronnie po. " Pagturo sa akin ni Kumag.
Ano ba yan hindi ba pwedeng tanungin Niya Muna ako Kung papayag ba ako or hindi.
Sumang-ayon din naman ang mga kaklase ko, at mukhang Wala naman akong magagawa kundi irepresent ang strand namin.
" Since you are highly recommended by your classmates Mr.Fuentabella , you have no choice but to represent your strand and I am rooting for you. " Gosh, rooting talaga sir. Parang ang taas talaga ng expectation ni Sir Bukid sa akin.
" Sir, can I have a favor pwede dalawa salihan ko? "Pagtatanong ko Kay sir.
" Sure, as long as na kaya mo. "
" Yes sir, ano po I'll be joining Declamation po . " Pagbigay alam ko kay sir Bukid.
Sinabihan naman ako nito, na ipapatawag Niya ako mamaya para daw makilala ko si Mr. Ceejay Hernandez. Magaling daw iyon Kasi theater actor ito before. Mukhang kailangan kong galingan dahil theater actor pala itong magiging Trainor ko.
" Okay class, starting today need niyo na pumunta sa mga respective Trainor niyo kung saan man Kayo sasali upang magpalista na. By the way Ronnie and Gabriel sumunod kayo sa akin para kunin ang copy Ng mga Trainor . " Sabi sa Amin ni sir.
" Yes sir ? " Sabi ko Naman Kay sir Bukid habang tumango Lang Naman itong katabi ko.
" Goodbye class " .
Nang makalabas si sir, nag- ingay naman ang buong klase dahil sa tanungan Kong ano ang kanilang sasalihan. Pagtingin ko sa katabi ko mukhang Wala itong balak tumayo.
" Oy kumag tara na, huwag Kang tamad diyan. "
" Ikaw nalang bakla, tinatamad ako. " Sabi nito sa akin. Halata naman po na tinatamad siya.
" Hoy anong ako Lang, ikaw pa Naman president ng classroom, tapos tatamad tamad ka. " Pagsabi ko pero ang loko, umub-ob lang mukhang Walang balak na tumayo.
" Hoy kumag na Tara na baka nag-iintay na sir Bukid sa atin. "
Hinila ko naman ito pero ayaw Naman nito magpahila.
" Ano ba kumag tara na kasi "
Hila-hila ko pa din siya, pero kinagulantang ng aking virginity nang bigla nalang ako nitong hilahin napayakap tuloy ako sa kanya.
" Yownnnnnnnnnnn oh "
Sigawan naman ng kaklase namin. What the f**k nakakahiya talaga.
" Hoy kumag ano ba bitawan moko pinagtitinginan na tayo nila oh. "
Hindi naman Kasi ako makaalis dahil nakayakap din siya sa akin. Ramdam ko tuloy ang yummy muscles Niya.
" Hoy, Gabriel samahan mo na yang si Bakla at baka ma r**e yan sige bahala ka hindi ikaw unang makagalaw diyan. " Tawanan naman ang buong klase dahil sa sinabi ng Bruhang si Mariel.
Hiyang hiya na talaga ako sa mga pinag gagawa nitong si Gabriel.
" Tara na bakla, " bigla nalang akong hinila nito. Problema nito? Kanina yakap tapos ngayon hila?
Pinaglalaruan ba ako ng lalaking to? Huwag naman Sana. Sana Alam Niya worth ko bilang bakla.
" Yown takot Naman pala si Gabriel eh. "
Another embarrassing moment Ilan pa ba? Hindi pa nga nangangalahati ang araw ito na mga nangyayari sa akin.
" Ano ba ba't ka ba nanghihila nalang huh . Bwesit ka talaga kahit kailan. " Pagsabi ko dito.
Sabay labas ng room at lakad pababa patungo sa faculty room.
" Wala Lang, bakit ba tumahimik ka nalang diyan baka hindi mo magustuhan gagawin ko sa iyo. " pagbabanta nito sa akin.
Tumahimik Nalang ako dahil mukhang may masama itong gagawin, at ayoko na dagdagan pa ang Kahihiyan ko.
Kinuha ko nalang selpon ko dahil may nag text binasa ko naman ito.
Darwin
" Oy kamusta kana pala ano pala sasalihan mo. "
As you can read si Darwin ho ang nagtext nakakamiss naman ang lalaking to. Magrereply na Sana ako ng bigla nalang may humila sa akin.
" Dito ka nga tamo muntik ka nang mabangga ng lalaking iyon. Sino ba iyang ka text mo ? Sabi ng kumag na salubong ang kilay ngayon.
" Ah, si Darwin Kasi nag text . Salamat nga pala. " Pagpapasalamat ko sa kanya.
" Tsk, puro ka Darwin ako na nga tong nandito iba pa hinahanap mo. " Bulong nitong katabi ko . Hindi ko naman naintindihan sinabi nito.
" May sinasabi ka Kumag? " Tanong ko sa kanya dahil may pabulong bulong itong nalalaman.
" Wala Sabi ko bilisan muna," sagot Niya naman sa akin.
"Okay po " Sabi ko Naman dito at tahimik na naglakad muli papunta aa faculty room.
Nang makarating kami ay diritso kaagad kami sa puwesto ni sir para kunin ang copy.
" Sir kunin na po namin ang copy " pagtawag ko ng pansin ni sir na nagtitipa sa kanyang laptop.
" Oh andiyan na pala Kayo, Ito oh. And kindly inform the class na kailangan niyo ng booth. Kayo na bahala mag meeting doon pagkadating don. " Pag inform naman nitong si sir.
" Sige sir, thank you po ulit. " Akmang aalis na kami ni Kumag ng bigla nalang may itinanong si sir sa Amin.
" Wait, you two are in relationship? " Takang tanong ni sir.
What the f**k? In relationship sana totoo nalang na kami talaga.
Inunahan ko na si Kumag baka ano na naman sabihin nito. Baka Lalo Lang akong umasa sa mga galawan Niya.
" No sir, we're just friends Lang po hehehe " awkward Kong sagot Kay sir.
" Sir una na po kami. " Tumango lang naman si sir.
Hinila ko na itong kumag na ito. At sa wakas nakalabas din kami , feel ko kasi ang awkward talaga.
Naiilang naman ako sa mga tingin ng mga nadadaanan naming estudyante sa hallway.
Kaya pala ganon sila makatingin dahil ngayon ko Lang naalala na hawak-hawak ko pa pala ang kamay ni kumag.
" Bat di mo Naman sinabi or di kaya tinanggal kamay mo " huminto muna ako para kausapin siya.
Nakakahiya kasi baka ano isipin ng mga estudyante dito.
" Lah, arte arte mo naman. " Ang loko nakangisi lang naman Ito habang binabanggit niya ang mga katagang iyon.
" Ayts, Ewan ko sa iyo " iniwan ko na ito dahil mukhang ang daming kahihiyan ang nagaganap sa akin kung kasama ko siya.
Nang makadaan kami sa tapat ng room ng STEM , bigla naman akong tinawag ni Darwin.
" Sorry di ako naka reply Kanina dahil papunta kami Kanina sa faculty room nitong si Gabriel. " Pagbibigay Alam ko sa kanya.
'" ah okay, lang pwede bang sabay tayo mamaya kumain sa lunch? Treat Kita don't worry. " Nahihiya niyang Sabi sa akin sabay kamot sa batok Niya.
Syempre guys papayag ako, libre yon no tsaka masamang tumanggi sa grasya.
" Sige ba hindi ako tatanggi at libre iyan. " Natatawa ko namang sambit sa kanya.
Bigla naman umalis si Kumag, hinayaan ko nalang ito tutal siya naman president ng classroom namin.
" Sige sunduin nalang Kita mamaya "
Tumango naman ako dito at nagpaalam na ako dahil kailangan pa namin magmeeting para sa booth na gagawin namin.
" Ano tapos ka na ba sa pakikipag landian mo. ? '' Sabi nitong, si Kumag na nasa harapan mukhang inaantay ako.
" Lah pinagsasabi mo diyan. Magsimula na tayo para matapos na at para magsipuntahan na tayo sa mga respective Trainors natin. " sabi ko dito sa kanya.
" Good morning guys, makinig muna Kayo lahat. " Pangunguna nitong si kumag.
Taray huh seryoso siya ngayon at mukhang nakuha Niya talaga atensyon ng klase.
Nagsimula naman itong magdaldal si kumag at minsan sumasabat lang ako kapag kinakailangan. Wala eh kumag can handle the class eh mukha tuloy akong iwan dito sa harapan.
At sa huli photo booth ang napili namin. Medyo ito nalang daw available sa mga choices since nag chat si sir sa GC namin na iyon Nalang ang gawin namin.
Naiwan naman kami nitong ni kumag dahil ang tropa ay kanya kanya itong alis upang puntahan ang mga trainor Ng sasalihan nila.
Wait guys, bukod Kay Kumag nandito pa si Kuya Bryan at Mike dahil sabay-sabay silang pupunta Kay sir Picondo PE instructor ng senior high school.
Sakto naman dumating si Darwin.
" Kuya Bryan una na ako sa inyo huh, nandito na sundo ko. " Tumango lang naman sila sa akin.
Pero nang mapagawi ako sa direksyon ni kumag wala lang itong pakialam.
" Ano Tara na? '' pag-aya sa akin ni.
Tumango naman ako sa kanya. Wala naman kaming imik papunta sa canteen. Hinayaan ko nalang din na hindi magsalita.
Nang makarating kami, diritso naman kami kaagad sa bakanteng lamesa. Iilan pa lang ang nandito sa canteen mukhang nasa kanya kanya pa itong mga mentor.
" Ano gusto mo? Ako na oorder umupo ka nalang diyan. " Sabi ni Darwin sa akin.
" Ah spaghetti Nalang, tapos tubig Lang. " Tumango Lang naman ito at nagtungo naman ito upang umorder.
A couple of minutes dala-dala na naman nito mga order.
" Ano nga pala sinalihan mo.? " Tanong naman nito sa akin habang nilalapag sa lamesa ang order namin.
" Hmm, singing contest tapos Declamation " sagot ko naman dito.
" Wow double event, " mangha Naman nitong Sabi.
" Ikaw ano sinalihan mo ? " Tanong ko naman dito.
" Mr. St. Aloisus Academy. " Wait? Tama ba narinig ko? Sasali sa Pageant? So it means mag transform na ang lalaking ito?
" OMG totoo? Gosh I'm so excited I'll be your number one supporter. "
Napatalon naman ako sa tuwa. Kasi alam mo Yong feeling na magbabago na ang isang nerd.
Crush ko kaya tong si Darwin, dahil nakikita ko naman kagwapuhan nito sa likod ng makapal niyang salamin.
" Shss, umupo ka nga baka sabihin mo nababaliw ka. " Umupo naman ako.
" Excited Lang Kasi ako para sa iyo. So it means babaguhin Muna looks mo? " Tanong ko naman dito .
Uminom muna ito ng tubig bago magsalita.
" Oo eh, para naman guwapo na ako. "
Wait gwapo naman talaga siya no.
" Sino ba Kasi nagsabi na hindi ka gwapo? Gwapo ka kaya. " Sabi ko dito.
" Talaga gwapo ako para sa iyo? " Tanong naman nito sa akin .
" Oo naman gwapo ka kaya hehehe pero wait kelan ka simula mag-aayos I mean babaguhin mo looks mo? " Tanong ko dito. Excited na talaga ako para sa transformation Niya.
" Next week na siguro. "
" Oh em ge, gosh can't wait to see your new looks " Sabi ko sa kanya. Akalain mo Lalo tong gagwapo at baka madaming babae na magkagusto dito.
" Huwag Kang, mag-alala puntahan kita agad, once na bago ba looks ko. "
" Sabi mo Yan huh, kukutusan kita sa itlog mo pag di kita Makita. " Natawa naman ito sa sinabi ko.
" Huwag naman po pano Kita aanakan niyan. " Gosh, aanakan Niya ako? Willing ako ng bonggang bongga, Daks kaya siya? Omaygad enough .
" Loko ka talaga. Anyway bakit mo nga pala naisipang sumali? " Tanong ko dito. Napahinto naman sa tanong ko.
" Kaya ako sumali dahil gusto kong ipakita na may maibubuga din ako. Na ang isang nerd na Ito ay hindi lang isang nerd and I will stand for myself , for my rights as a human being and thanks to you Kasi you made me realize things. " Mahabang lintaya niya sa akin. Napabelieve naman ako nito sa kanyang sagot.
"Alam mo diyan palang, panalo kana. " Sabi ko dito.
" Ikaw talaga, pero aasahan ko huh manonood ka sa pageant "
" Aba oo naman gusto mo gumawa pa ako ng karatola tapos nakasulat pangalan mo ? " Rest assured Kong sagot sa kanya.
" Ang cute mo talaga hehehe, salamat gagalingan ko para sa iyo. " Kinilig naman ako sa sinabi niya.
" Enebe, pere seken telege. " Pagpabebe kong sagot sa kanya.
Tawanan naman kami sa kalokohan ko.
Natapos Ang kasiyahan namin ng biglang umeksena ang bruhang si Dindina.
" Hey fagg, nalaman ko sa kaklase mo na ikaw daw contestant sa Declamation? " Pagsabi naman nito sa akin na nakataas Ang kilay.
" Oo at bakit? Wala ka nang pakialam don. " Sagot ko naman dito with may mataray looks.
Ano akala Niya sa akin magpapadaig no way b***h.
" Well let see, who's gonna win. No wait just back out fagg cause Alam Kong talo na Kita. " Wow so much confidence of her and wait what? Matatalo?
" Una kelan ka naging manghuhula, pangalawa bakit parang threatened ka na magkalaban tayo ? Takot kaba na matalo Kita Dindina? "Tanong ko sa kanya.
Nakikinig Lang naman itong mga alipores ni b***h habang si Darwin ay nasa tabi ko dahil tapos na kaming kumain.
" N-o I'm not and do you think matatalo mo ako? " Saby flip ng buhok nito . Aba palaban ang baklang to.
" Tara na Darwin, " pag-aya ko Kay Darwin.
" Ah wait b***h, nga pala remind Lang Kita na hindi ka Diyos, pangalawa hindi ka magiging manghuhula dahil bruha ka. "
Sabay lakad. Akala niya sa akin magpapatalo sa kanya, Hindi Kasi ang mga ganong uri ng bruha kailangan kinakalaban, of course kill em with kindness char. Stand for yourself Lang Naman.
" Hanga na talaga ako sa iyo, Wala na isa gusto kumalaban don, ikaw lang talaga nagpapatiklop don. " Pagsabi nitong kasama ko.
" Ngek, takot sila don? They should not be. Nga pala samahan moko kay sir Hernandez siya mentor ko. " Paghingi ko naman ng favor dito.
" Sige, sure Wala naman ako gagawin tsaka bukas pa orientation namin sa mga kasali sa pageant. " Pagpapaliwanag naman nito sa akin.
Kaya diritso na kami sa classroom ni sir Ceejay Hernandez which is nasa second floor HUMSS 11 kasi advisory nito.
" Sir excuse me po " pag bati ko Kay sir na busy sa kakatipa sa kanyang laptop at para na rin makuha ang kanyang attention.
" I bet your the contestant of singing and Declamation Tama ba iho? " Pagtanong nito. Mukhang magiging magka vibes kami nitong si sir dahil isa din itong sirena.
" Yes sir ako nga po. Ako nga pala si Ronnie Fuentabella from HUMSS 12 " pagpapakilala ko.
" I'm Mr. Ceejay Hernandez , you can call me sir Ceej. Wait who's this cute man beside you? Is he your boyfriend? " Gosh nawindang ako dito Kay sir sa tanong Niya sa akin.
" No sir , the name is Darwin a friend of mine. "
Nagpakilala din naman si Darwin Kay sir Ceej.
" Oh I see, actually pinapunta lang Kita dito to in order for you to recognize me and so do I. Tsaka next week pa talaga tayo magsisimula all you need to do is bawal kumain ng matatamis at iwasan ang malalamig na tubig. " Pagpapaalala naman nito sa akin ni sir Ceej.
" Yes sir I will po " pagsang-ayon ko naman sa sinabi ni sir. Nakikinig lang naman sa Amin si Darwin.
" Anyway may Declamation piece ka na ba? "
" Ah yes sir, Sanity of Fire po napili ko. '' Sabi ko naman kay sir.
" Ay lab it Ronnie we got the same taste iyan din napili ko. " Natuwa naman si sir sa piece na napili ko.
" Yes , sir next week po saulo ko na din po ang piece " confident ako Kasi madali Lang Naman ako magsaulo. I think four days saulong-saulo ko na ito.
" Very good I am rooting for you na ipapanalo mo ang HUMSS. "
" Opo sir , but I won't drop a promise "
" Oh siya, yon lang muna ngayon , I have things to do first. "
Nagpaalam naman kami Kay sir Ceej Sabi lang nito bumalik ako sa lunes at doon na magsisimula ang training namin. Taray training hindi ba pwedeng practice Nalang ang gamitin.
" Sorry ah di Kita makausap Kanina. " Paghingi ko ng paumanhin kay Darwin dahil mukhang na out of place kanina.
" No it's okay lang naman sa akin. " Sabi naman Niya sa akin.
Actually Wala na kaming gagawin today. Naisipan ni Darwin na punta daw kami ni ng bayan para mag unwind. Pumayag naman ako dahil tinatamad pa akong umuwi.
Nang makalabas kami ng campus, nakita ko naman itong si Kumag sakay sa kanyang motor mukhang may inaantay.
" Bakla Tara sa Amin. " Pag-aya sa akin ni kumag. Hindi Niya ba nakikita na kasama ko si Darwin?
" Ah Gabriel sa susunod Nalang kasama ko Kasi ngayon si Darwin. " Sabi ko dito at bigla nalang itong umalis.
Napaka walang modo talaga ni kumag.
" Problema nun? " Tanong ko Kay Darwin napailing Lang naman ito sa akin. Dahil maski siya hindi alam ang dahilan Kung bakit bigla nalang umalis si Kumag.
" Tara na nga. '' pag-aya ko sa kanya. Pumara Naman kami Ng tricycle at sumakay na.
Naging masaya naman ang bonding namin ni Darwin. Puro tawanan at na shock nga ako dahil sa likod ng seryosong mukha ni Darwin ay joker pala ito. Kumain kami ng dynamite nagpunta ng simbahan at nagdasal.
Nagpunta Ng milktea shop dahil nag crave daw siya kaya go Lang ako kahit kahapon lang binilhan ako ni kumag.
" Salamat sa paghatid," pagpapasalamat ko Kay Darwin , actually di pa naman Gabi alas 3 pa nga lang.
" Walang anuman, salamat sinamahan moko today napasaya mo ako. " Sabi naman nito sa akin.
" Ano kaba syempre kaibigan kita. Ingat ka sa pag-uwi mo. "
Tumango lang naman ito sa akin, kaya nang magsimula na siyang maglakad ay pumasok na din ako sa simbahan.
Malungkot na naman ako, kaya ayokong nag-iisa ako dahil ang bigat lagi ng aking pakiramdam. Para akong walang kakampi. Para akong naninirahan sa dilim na walang makitang liwanag. Sana hindi ako iwan ng mga taong nakilala ko at nagbibigay sa akin ng lakas ngayon.