Ronnie's POV
Ang bilis talaga ng araw, parang kailan lang magkasama lang kami ni Darwin nung lunes tapos ngayon lunes na naman.
Sa loob ng linggong iyon tambay Lang ako, dahil ngayon pa lang ako magsisimula sa mga practice ko sa dalawang event na sinalihan ko.
Hindi naman naging bored ang linggong iyon dahil nagsaulo din ako ng piece ko at napili Kong kanta. Alam niyo ba nung lunes nung mag-isa Lang ako sa aking kwarto parang naging hopeless ako sa Ibat ibang aspeto even sa love.
Nakikinig ako sa music ko nang madapo ito sa Dumating kana ni Edsel. It was full of emotions and hopes. Parang nilalaro ang iyong damdamin. Kaya yan ang kakantahin ko at ngayon ko palang ito ipapadinig kay sir Ceej.
" Ate Lalaine una na po ako pasok na ako " pagpapaalam ko Kay ate Lalaine na naghuhugas ng mga unwash dishes.
" Sige iho mag-iingat ka. "
Bago ako lumabas pumasok muna ako ng chapel upang manalangin, at magpasalamat at humingi ng tawad. You know what guy's isa sa mga natutunan ko nun sa catechism namin ay kapag magdadasal tayo kailangan matuto tayong magpasalamat, humingi ng tawad at syempre guidance mula sa nakakataas.
Nang matapos akong magdasal lumabas na ako ng simbahan sa harap ko natipuhang dumaan ngayon. Marami Naman Tao ngayon sa patio May mga nagjojogging , nakaupo , nag-aantay. Kumbaga normal na buhay nating mga Tao.
" Kuya ST. Aloisus po " pagbigay ko Alam ko kay manong driver.
Tahimik naman akong nagmamasid, sa mga nadadaanan papuntang campus. Napaisip tuloy ako Kung ano ginagawa ko ngayon kapag buhay pa sila inang at papang masaya kaya ako sa araw na ito? Malungkot ba? Or worst namatay na ako at nauna pa ako pa ako sa Kanila. Alam niyo ba yong feeling na as we grow older , the more it's hard to live our life. Pero ano ngaba ang mga dahilan Kung bakit tayo patuloy nabubuhay sa Mundong ibabaw. Syempre dahil sa ating pamilya at higit sa lahat pagpapahalaga sa isang bagay at buhay.
Nakarating naman ako ng tahimik sa school mukhang Kanina pa nagsisimula ang mga practice dahil may mga Nakita na akong pawisan at umiinom ng tubig. Late na Kasi ako pumasok dahil Sabi sa akin ni sir Ceej ay 10 am kami magsisimula.
Si kumag ayon, di ko na nakikita simula nung lunes at ayoko Naman magsisinungaling namimiss ko na talaga siya. Bumalik Naman ako upang pumunta sa canteen at bumili Ng tubig at dadalhin ko kay Kumag. Gusto ko Kasi siyang Makita. Syempre Mahal ko iyong tao , kahit di niya ako Mahal okay Lang.
Ang mahirap Kasi talaga pag nagmamahal tayo ay Wala minsang kasiguraduhan kahit pareho pa Kayong nag invest na dalawa. Feel ko Kasi parang lahat ng bagay sa mundong ito ay walang kasiguraduhan, everything is temporary and uncertain.
Nang marating ko ang gym, ibang section pa ang nagprapractice. Syempre rotational iisa lang ang gym ng school iba na Kasi iyong sa college.
Hinanap ko naman itong si Kumag. Nakita ko naman itong katabi si Kuya Bryan. Mukhang nakakapag practice na sila kanina dahil base sa aking nakikita pawisan na sila. Dali Dali naman akong nagtungo sa puwesto ng dalawa.
Nakakahiya tuloy isa Lang nabili Kong tubig at Wala para kay kuya Bryan.
" Oh ano ginagawa mo dito bakla? " Bungad sa akin ni kumag Wala talagang manners.
" Wow huh, Wala lang bang Good morning diyan Bakla, kahit kailan kumag ka talaga. " Sabi ko naman dito.
Natawa naman si kuya Bryan sa aming dalawa.
'' Wala sigurong araw na hindi Kayo nagbabangayan ano? " Side comment nitong si kuya.
" Alah kuya sisihin mo yang si Kumag bat ako ganun sa kanya. Binabagayan ko Lang ugali niya pero hindi Naman sa lahat ng pagkakataon. " Pagpapaliwanag ko naman sa sinabi ni Kuya Bryan.
" Ano ba Kasi sadya mo dito bakla at naparito ka? Maghuhunting ka ng mga pogi no. ? "
" Lah sinasabi mo kumag bibigay ko lang tong tubig na binili ko para sa iyo. Tsaka namiss ko bangayan natin kaya nagpunta ako dito. " Sabi ko Kay kumag Kung ano ano Kasi sinasabi masyado siyang maraming nalalaman kailangan na siyang ipatumba . Joke.
" Ay suss namiss ako ni bakla payakap nga. " Akmang namang itong yayakap sa akin ngunit inihanda ko naman kamao ko.
" Sige subukan mo, baka gusto mong hindi ka makalaro ng basketball. " Bumalik naman ito sa kanyang puwesto.
" Ito naman parang nagbibiro Lang, " Sabi Naman ni kumag.
" Wala pare takot ka pala " natatawang side comment ni kuya Kay kumag .
" Wala pare eh baka di tayo makalaro , bawas pogi points iyon sa mga fans ko. " Lah pinagsasabi nitong isang to.
" Parang biglang lumakas ang hanging. Anyway kuya Bryan pasensya na kung di kita nabigyan ng tubig nawala sa isip ko. Next time po kasama na kayo. " Paghingi ko ng paumanhin kay kuya Bryan.
" Nako Ronnie okay Lang meron pa ako oh " sabay pakita ng tubig niyang konti palang ang bawas.
" Nga pala saan si Mike? " Tanong ko sa Kanila Hindi ko Kasi ito Makita.
" Ah mamaya pa iyon may inaasikaso Lang daw siya. " Pagsagot ni kuya Bryan sa aking tanong at napatango lang naman ako dito.
" Aalis na ako, at kailangan ko pa magpractice. " Pagpapaalam ko sa kanilang dalawa.
'' salamat pala bakla, sang room ka pala sunduin kita mamaya huwag kana mag reklamo hindi ka maganda. '' sambit nito sa akin.
Ano naman kaya balak ng kumag na ito at may pasundo sundo pang nalalaman.
'' Humss 11 kay sir Bukid na room sa second floor.'' pagbigay alam ko sa kanya.
Matapos kong sabihin ang mga katagang iyon ay nagpatuloy na ako sa aking paglalakad patungo sa classroom ni sir Ceej.
Hindi ko pa nakikita si Darwin nasaan na kaya ang lalaking yon. Sabi niya kasi sakin ngayon ko makikita ang bagong siya. Na excite tuloy ako .
'' Good morning sir Ceej. Sakto lang ba dating ko sir. '' Pagbati ko kay sir na naglilipit ng kanyang mga gamit sa kanyang table.
'' Saktong-sakto Ronnie tapos na ako sa mga computation ng grades ipapasa ko nalang. '' oo nga pala katatapos lang ng exam.
Sana naman kasama ako sa top kahit papano para matuwa sila Father Raul sa akin.
'' Sir may napili na ho akong kanta sana magustuhan niyo, bali binagay ko lang po siya sa nararamdaman ko ngayon sir. '' pagbibigay alam ko kay sir.
'' let me hear it . '' kinuha ko namanang selpon sa aking bulsa and i click google play music at hinanap ko ang '' Dumating kana ni Edsel ''
Authors note; Kindly searc nalang po sa youtube ng mga hindi nakakaalam ng kantang yan para maramdaman niyo nararamdaman ni Ronnie.
Tinapos naman namin ni sir ang kanta at sana magustuhan niya talaga ito kasi ang gusto kong kantahin.
'' Alam mo no wonder isang araw sikat kana. You really have the taste Ronnie I really love the music. Ngayon naman ay ikaw ang kakanta , siguro naman memorize muna itong kantang ito. '' tumango lang naman ako kay sir.
Hinanap ko ang minus one na dinownload ko kagabi sa Youtube. Pinili ko iyong piano para mas maging emotional ang music at pagkanta ko Huminga muna ako ng malalim at clinick ang play button .
Nagsimula na akong kumanta. Bawat binibitawan kong liriko ay nilalagyan ko ng emotion. Mukhang nagugustuhan ito ni sir dahil seryoso lamang ito sa pakikinig sa akin.
Nang malapit na matapos ang kanta napaiyak na sir. Yes tama nga ang napili kong kanta. Ang kailangan ko lang gawin ay dalhin ang mga makikinig sa akin.
Nang matapos ako huminga naman ako ng malalim dahil sa emosyon ng kantang ito nadadala talaga ako.
'' Wala akong masabi, parang professional kana kumanta Ronnie. Tama ang ginawa mo you should move the audience by listening on you. I know naman madadala talaga sila dahil sa lamig at puno ng emosyon ang boses mo. '' mahabang lintaya sa akin ni sir.
Nakaka flattered naman comments ni sir sa akin ayoko na nga sumali Joke.
'' Thank you so much sir akala ko nga po hindi niyo magugustuhan. '' pagsabi ko naman dito.
'' Ano kaba, you really have the taste kaya di na ako nagtataka pa. So ngayon we can practice your little moves kita mo na naman siguro ang stage sa gym no just imagine it nalang and we will do your moves. '' pagpapaliwanag ni sir.
Tumango lang ako dito at nagsimula ako ulit kumanta at tinuturuan naman ako ng konting moves ni sir. Sabi niya kasi sakin pag andon na ako sa mismong performance ay hindi ko na alam ginagawa ko kung baga just go with the flow nalang hahayaan nalang daw niya akong gawin ang gustong gawin ng katawan ko during the performance.
'' Wait Ronnie do you know already the schedule ng laban mo .'' katatapos lang namin magpractice sa kanta at ang susunod naman ay ang declamation piece ko na siyang kailangan pagtuunan ng pansin.
'' Ah yes sir sa august 30 po sa umaga ang literary contest tapos sa hapon naman po ang kanta. '' inform ko naman kay sir.
Sinabi din pala ni sir Bukid sa akin na kung sino ang mananalo sa singing contest ay siyang kakanta din sa pageant kinabukasan.
'' Good buti naman walang conflict sa schedule you're lucky for that. Anyway don't problem the costume regarding sa declamation piece I have it already and also the make up artist na mag-aayos sa iyo . '' Buti nalang si sir na ang bahala kala ko kasi ako pa hahanap Wala pa naman akong kilala.
'' Thank you po sir sakto po nahihirapan akong maghanap ng costume. '' pagbibigay alam ko kasi nahihirapan akong maghanap talaga even sa online wala akong mahanap.
Tapos kahapon nag ikot pa ako sa mga nagtitinda ng ukay Wala akong mahanap.
'' So let's start na para next week ready kana. ''
Nagsimula na akong magsalita syempre baliw ako dito sa declamation piece ko so I act as mentally challenged person.
Saulo ko na naman mga lines may idinagdag kami ni sir para daw mas maging solid ang piece at madagdagan ng mga emotions.
Kahit nakakapagod na, go parin ako syempre ginusto ko ito. Kalahati palang nagagawan namin ng actions ni sir. Natatawa nga minsan si sir dahil mukha talaga akong baliw at the same time proud kasi ang galing ko.
Edi ako na ang mayabang wala eh dati pa lang kasi nagdedeclame na ako . At sa wakas lunch na inaantay ko lang na magtext si kumag.
'' You really a talented one Ronnie keep it up alam kong magiging successful ka one day. ''
''Sir grabe naman kanina pa kayo puri ng puri sa akin nahihiya na tuloy ako. ''
Tinawanan lang ako ni sir sa sinabi ko sa kanya.
Habang nag uusap kami ni sir nag text na ang kumag nasa labas na daw siya. Sarado kasi itong room ni sir syempre para kami lang dalawa makakita ng performance ko.
'' Sir una na po ako mamaya nalang po ulit. '' pagpapaalam ko kay sir and he bid goodbye din naman .
Nakita ko naman si kumag na pawisan. Loko talaga tong lalaking to.
Hindi manlang nagpunas muna.
'' Ano ba yan hindi ka manlang nagpunas ng pawis mo magpunas ka nga muna. '' pagsabi ko dito.
''tsk. '' sagot lang nito tiningnan ko lang ito habang nagpupunas.
'' Kahit jersey di ka pa nagpalit kumag ka talaga . '' segunda ko dito sa kanya na nagpupunas pa.
'' Bakla papunas naman ng likod ko hindi ko maabot . '' pag request nito.
Nagulat naman ako ng bigla nalang itong naghubad sa aking harapan.
'' Hoy bat ka naghubad baka mamaya may makakita sa iyo. '' sabi ko dito wala kasing tao ngayon dito sa second floor.
'' Hayaan mo wala yan nasa gym lahat ng estudyante ngayon. '' pagsabi naman nito pinatalikod ko naman ito.
Nasanay na naman ako dito sa katawan ni kumag kaya di na ako gaanong nag rereact.
'' Talikod ka muna ng mapunasan ko iyan tsaka lagyan ko na din ng pulbos meron akong dala. ''
tumalima naman ito sa sinabi ko. Kinuha ko naman ang pulbos sa loob ng aking bag at nilagyan ang kanyang likod at kinalat ko naman ito. Nang matapos may naisip akong kalokohan.
'' Aray bakla ang sakit,bat ka ba nanghahampas diyan. '' pagrereklamo nito tinawanan ko lang naman ito ang loko salubong tuloy ang kilay. Nagsuot na naman ito ng panibagong damit.
'' You look good together , '' tama ba ang aking narinig si sir iyon . Ay nakakahiya ang tanga ko di pa pala nakakababa si sir.
'' Eh ikaw pala iyan sir. '' tumango lang naman ito sa akin tsaka naglakad paalis. pagtingin ko sa loko nakangising aso.
'' Nginingisi mo diyan kumag mukha kang asong olol . '' pagsambit ko dito.
Actually ang gwapo niya talaga huwag nalang kayong maingay.
'' Wala bakit bawal naba ngumisi ngayon bakla. '' sagot ni kumag sa aking sinabi.
'' Tara na nga dami mo pa sinasabi. ''
Sumunod naman ito sa akin ng magsimula na akong maglakad. Dahil tahimik ang namumutawi sa pagitan naming dalawa naisipan kong itanong sa kanya kung bakit naisipan niya akong ilibre ngayon ng lunch .
'' Bat mo pa pala ako ililibre ng lunch ngayon kumag . '' pagtatanong ko dito ng may kinakalikot sa kanyang selpon .
'' Wala namiss kitang bwesitin .'' tapos sabay tawa.
Kinurot ko naman ito sa gilid dahil sa mga kalokohan niya. Sinama lang niya ako para bwesitan wala ba tong ibang ma bwesit at ako ang favorite niya.
Narating lang naman namin ang canteen ng puro bangayan wala eh ang kumag panay inis sa akin. Pasalamat siya di ko siya magawang saktan dahil mahal ko siya Joke.
'' Ano sa iyo bakla. '' tanong ni kumag siya na daw bibili dahil hindi naman daw madami estudyante ngayon sa canteen.
Well iilan lamang ito sa mga tamad na pumunta sa gym.
'' Spaghetti at isang chucky susulitin ko na tutal libre mo naman ito. ''
Matapos ko sabihin ang gusto ko ay umalis naman ito sa aking harapan.
After a couple of minutes dala dala na ito order ko samantala sa kanya ay kanin at adobong manok mukhang gutom ito kaka practice.
'' Thank you kumag pa kiss nga .'' pagjojoke ko sa kanya pero ang loko ngumuso naman.
'' Baliw parang joke lang. Tumigil ka nga mukha kang pato diyan . '' natawa lang naman kaming dalawa sa kalokohan namin.
Masaya naman ang pagkain namin ni kumag syempre hindi mawawalan ng asaran.
Syempre likas na ata sa aming dalawa ang magbangayan lagi. Hanggang sa may tumawag sa aking pangalan nilingon ko naman ito.
'' OMG ikaw na ba iyan Darwin, '' guys wait ang gwapo at hot niya ngayon.
Nakaputing tshirt na hapit sa kanya bumabakat tuloy mga muscles nito. Simple lang suot nito pero ang lakas ng dating sa akin s**t ang pogi ng crush ko.
'' Oo ako nga nagustuhan mo ba . '' tanong niya dahil sa tuwa napayakap ako sa kanya.
'' Oo super ang pogi mo talaga, pwedeng akin ke neleng joke . '' humiwalay naman ako dito sa pgkakayakap ko sa kanya.
Nakarinig naman ako ng timikhim. s**t si kumag nakalimutan kong may kasama pala ako.
'' Una na ako bakla,.'' pagsabi nito ng walang emosyon at biglang tumayo at umalis. Problema nun.
Sinundan ko naman ito ng tingin hanggang sa makalabas siya ng canteen. Bahala siya mukha siyang ewan sa inaakto niya.
'' Ang pogi mo talaga sure ako ikaw mananalo . '' pagsabi ko kay Darwin nagtataka din sa biglang pag-alis ni kumag.
'' Ikaw talaga pero salamat na appreciate mo . '' bumagay kasi talaga sa kanya ayos niya ngayon. Wala ng suot na eyeglasses dahil contact lenses na gamit nito tapos naka clean cut at brush up ang buhok.
'' Tara na . '' pag-aya ko sa kanya dahil tapos na din naman ako kumain.
Naglalakad na kami ngayon pabalik sa aming kanya-kanyang room para makapag pahinga dahil maya-maya nasa practice na naman kami.
'' Nga pala kamusta practice niyo. '' pagbasag ko sa katahimikang namumutawi sa amin habang naglalakad.
'' Okay lang naman,nakakaya ko naman tsaka ngayon palang nila makikita din itong pagbabago ko. '' pagsabi niya napansin ko kanina pa na madaming napapatingin sa kanya. Mukhang madami na akong kaagaw dito.
'' Alam mo kanina ko pa napapansin ang daming nakatingin sa iyo. Mukhang madami akong kaagaw sa iyo . '' kunwari kong nalulungkot .
'' Huwag kang mag-alala sa iyo lang ako . '' pagsabi nito pa fall din to eh katulad ni kumag. Tapos mahulog din ako sa kanya tapos hindi niya din ako sasaluhin sa bandang huli ako lang din pala ang kawawa sa larong ginusto ko. Buhay nga naman walang kasiguraduhan.
'' Enebe pag ako na fall sa iyo. ''
'' Okay lang, sasaluhin naman kita .'' sabi niya sa akin pero di ko na nadinig huli niyang sinabi dahil halos pabulong nalang ito .
'' Ano . '' tanong ko kasi hindi ko talaga narinig sinabi niya sa akin.
'' Wala sabi ko tara na . '' di ko nalang siya kinulit pa baka mamaya magalit to sa akin.
Nang makarating naman kami sa room niya bigla nalang nagsi tilian ang mga babae niyang kaklase pati na rin ang ka federation ko. Natuwa naman ako dahil na appreciate nila ang pagbabago ni Darwin. Sana naman magbago na ang pakikitungo nila kay Darwin hindi tulad ng dati.
Matapos makapagpaalam Kay Darwin agad naman ako naglakad patungo sa aming room dahil gusto Kong magpahinga.
'' Bakla na miss kita '' sigaw ng bruha ngayon ko lang ito ulit nakita busy kasi kami sa mga kanya-kanyang events na sinalihan di ako alam ano sinalihan nito hindi naman niya sinasabi sa akin.
'' Namiss din kita bakla , asan pala sila ate jade jam at julie . '' tanong ko sa kanya nag-iisa kasi ito ngayon.
'' nauna na at maaga daw simula ng practice nila. '' sagot naman nito sa aking tanong.
Oo nga pala magkakasama sila sa sayaw. Tama nabasa niyo guys sumasayaw sila bukod dito kay mariel.
'' Bakla kumusta ka ano napili mong kanta. '' syempre hindi sasabihin sa kanya dahil surprise daw iyon sabi sa akin ni sir .
'' Bakla bawal sabihin manood ka nalang sa laban ko . '' sabi ko dito ang loka ngumuso lang naman nagmukha tuloy siyang pato.
'' Sige na nga excited na tuloy ako . ''
'' Aasahan ko suporta ng tropa huh sabihin mo sa kanila. '' Gusto ko kasi manood sila para naman mas maging confident ako sa aking sarili.
'' Bakla kahit di mo sabihin manonood talaga kami. Tsaka miyerkyules pala laban ng sports and dance contest panoorin natin sila . '' syempre alam ko na schedule ng mga activities next week no. I was informed already by sir Bukid.
Tumango naman ako sa sinabi nitong bruha at kung ano ano pa ang naging usapan namin. Kesyo daw may crush daw siya na sa STEM nakita niya daw kanina. Baka naman si Darwin tinutukoy niya.
'' Baka naman si Darwin tinutukoy mo . '' pagsabi ko dito.
'' Nakaputi beks ng damit tapos naka brush up yong buhok tapos parang nakita ko na siya dati. '' mukhang si Darwin nga tinutukoy nito.
Ako lang kasi nakakaalam na babaguhin ni Darwin ang kanyang looks.
'' Si Darwin nga bakla ka . '' nagulat naman ito sa sinasabi ko.
'' Yong nerd na tinulungan mo dati yong binubully ni Dindina . '' gulat niyang tanong sa akin.
'' Yes bakla . '' i replied.
'' Pano nangyari iyon bakla. Ang gwapo niya pakilala mo naman ako bakla please. '' ang landi talaga ng babaeng to kaya hindi nagkakajowa eh joke .
Sinang-ayonan ko lang sinabi nito hanggang sa nagpaalam na kami sa isat-isa dahil oras na din ang practice namin sa kanya-kanyang events.
Nang makarating ako sa room ni sir may mga iilang estudyante pinalabas niya naman ito at agad naman tumalima ang mga estudyante niya.
Naging maayos naman ang practice namin ngayon ni sir. Medyo nagfocus lang kami sa declamation dahil ayaw niya naman na mapaos ako.
Pinalalahanan niya naman ako na uminom ng nilagang luya para manatili ang aking boses at para mas lalong bumuka ang aking throat.
'' Goodbye sir thanks po sa pag guguide . '' pagpapaalam ko naman kay sir.
Matapos makapag paalam kay sir heto na naman mag-isa lang akong naglalakad alam ko namang nakauwi na ang tropa at alam ko ding mga pagod ito sa kanya kanyang practice.
Pagdating ko ng second floor nakita ko si Kumag at Dindina na nag-uusap. Nakita naman nila ako halatang nagulat si kumag. Pakialam ko sa kanila kaya sinimulan ko ulit ihakbang mga paa ko. Palabas na ako ng campus ngayon ng bigla nalang may humablot sa aking kamay.
'' Mag-usap tayo iyong nakita mo mal.. '' sabi ni kumag na agad kong pinutol ang sinabi niya.
'' Problema mo. Pakialam ko sa usapan niyo uuwi na ako Gabriel pagod ako kaka practice. '' sagot ko dito.
Hindi ko Alam Kung bakit ganito inakto ko ngayon sa harap niya.
Hindi ko na siya inantay pa na magsalita iniwan ko na siya.
Agad ko naman pinara ang tricycle na paparating at agad na sumakay, Hindi ko alam kung bat ganun ang nireact ko, Pero honestly may konting lungkot akong naramdaman kanina ng makita ko silang dalawa.
Hahayaan ko nalang ito, alam ko naman lilipas din itong nararamdaman ko. Ito na nga ba sinasabi ko kapag nagmamahal tayo eh lalo nat walang kasiguraduhan. Sana naman pag gising ko bukas okay na ako ulit.