Ronnie's POV
Today is wednesday and third day na ng intramurals madaming nangyari sa loob ng tatlong araw na iyon.
Heto ako ngayon magkasama kami ni Darwin papunta sa booth namin dahil ngayon ako magbabantay dito.
Nagpasama ako kay Darwin dahil mamayang gabi pa daw practice nila pagkatapos lahat ng events ngayon.
Si kumag ayon hindi ko alam parang nagkaroon ng wall sa pagitan naming dalawa at nagsimula lang ito nung nakita silang nag-uusap ni Dindina.
''Hoy okay ka lang ba . '' nagulat naman ako sa biglang pagsalita ni Darwin.
'' Huh, bat ka naman nanggugulat . '' tanong ko dito.
'' Hala kanina pa kasi tinatanong kong magkano ang bayad sa pagkuha ng litrato sa inyo. '' kanina pa pala ako nakatulala.
Kailangan hindi ako magpaapekto lalo nat bukas na ang laban ko.
'' Ah 70 pesos isa . '' sagot ko naman dito.
Naisipan nitong magpicture daw kaming dalawa mamaya. Buti nalang nandito na kasama ko si Ryzza isa sa mga kaklase ko.
'' good morning sis Ryzza kala ko wala ka pa .'' sabi ko dito kay ryzza na nakaupo sa labas ng booth namin.
'' Good morning din baks . Oo kanina pa maaga kasi umalis sila mudrabels kaya gumora na ako ditey . '' Sagot ko naman nito sa akin.
kaya naman pala maaga siya ngayon dahil Wala ang kanyang mudrabels.
Ipinakilala ko naman si Darwin kay Ryzza nakakahiya naman kasi kami lang dalawa nag-uusap nitong si Darwin diba. I know the feeling of being out of place.
'' Ronnie picture tayo , remembrance ko sa iyo please . '' syempre papayag ako crush ko to eh at ayoko tumanggi sa grasya joke.
'' Sure why not pero ikaw magbabayad huh . '' tumango lang naman ito sa akin hudyat na siya talaga ang magbabayad apat na shots daw aba ang galante ng lalaking to
''Ryzza sis kuhanan mo nga kami ng picture sis apat na shots lang . '' pumasok naman kami sa loob ng booth.
Una naming picture ay normal na pose lang then the second one wacky ang cute lang namin tingnan. Third is kinilig ako dahil umakbay ito sa akin. Gosh ang bango ni Crushy. Kapag siya talaga kasama ko nahihiya ang height ko.
Last is hindi ko na alam kung ano ginawa niyang pose pero ako smile lang nakaabay parin ito sa akin.
'' Ahhhhh bakla ang cute niyo sa last pic. '' pagtili ni Ryzza na siyang nagpagulat sa akin.
Dali dali naman akong pumunta sa kanya upang tingnan ito. Hala ang cute nga kinilig naman ako sa nakita ko, Ganito kasi pose namin nakaakbay parin si Darwin sa akin tapos nakatingin siya sa akin ng seryoso tapos ako naman ay nakangiti. I found it cute ewan ko lang sa inyo.
'' Iyan huh, may picture na tayo dalawa. '' sabi ko kay Darwin ng palabas na kami ng booth habang si Ryzza ay nagpaiwan dahil idedevelop niya pa ito .
Naupo naman ulit kami sa upuan na nasa labas ng booth namin.
'' Thank you pinagbigyan mo ako. '' sabi nito sa akin.
'' Ano kaba wala iyon para saan pa pagkakaibigan natin diba . '' napangiti naman ito sa sinabi ko.
Kung ano ano pa napag-usapan namin ni Darwin at nang matapos si Ryzza nagbigay naman ito ng 500 pesos at keep the change nalang daw. Wow mukhang galante itong lolo niyo ma jowa nga joke.
Nilagay ko naman ang pictures na binigay niya tig-iisang copy kasi kami nito kaya nilagay ko ito sa aking bag.
'' Hoy anong ginagawa niyo sa akin bat niyo ako pinupusasan . '' sambit ko sa dalawang lalaki na bigla nalang akong pinusasan habang si Darwin ay natawa naman imbes na tulungan ako tinawanan lang ako.
'' Sorry po napag-utusan lang po . '' sabi nitong lalaki na medyo katangkaran.
Dahil alam kong wala akong magagawa at ayoko naman magmukhang KJ kaya hinayaan ko nalang ang dalawang to na kaladkarin ako papunta sa kulungan nila.
Nang malapit na kami sa kulungan nila nakita ko na may iisang lalaki sa loob nito and to my surprise si kumag ito.
What the f**k parang nahiya naman ako dahil ngayon lang kami nito magsasama ulit matapos ang nangyari nuong nakaraan.
Nang maikandado na nila iniwan nila kami at ang awkward ng atmosphere sa loob ng kulungan na ito. Bali improvised lang ang kulungan nato kung baga dinikit nila sa iisang pader. Kaya tumayo nalang muna ako at sumandig sa pader.
Tumayo naman si kumag na siyang kinagulat ko at diriktang nakatingin sa aking mga mata na wariy may sinusuri.
'' Ano ginagawa mo .'' pagsabi ko dito dahil papalapit ito sa akin.
Hindi parin nagbabago ang eskpresyon ng kanyang mukha habang papalapit ng palalapit sa akin.
At nang makalapit ito sa akin bigla nalang nitong nilagay ang kanyang dalawang kamay sa gilid ng aking mukha upang ikulong.
'' Ano ba ginagawa mo huh . '' nakatingala kong sabi dahil sa tangkad nitong lalaking to.
'' Galit ka ba sa akin . '' what the f**k ang husky ng boses niya.
Gosh mukhang bibigay ata ako mga beks.
'' Huh . '' napa huh nalang tuloy ako dahil sa iniisip ko.
'' Sabi ko kung galit ka ba sa akin, at bakit mo ako iniiwasan huh, Akala mo hindi ko napapansin iyon bakla,.'' pag-uulit niya sa sinabi niya.
Actually namimiss ko na talaga siya kaya ito na siguro ang oras para magkabati kami kahit wala naman kami naging alitan.
'' Huh hindi ah, hindi kita iniiwasan busy lang talaga ako. '' pagsisinungaling ko kahit totoo naman talaga na iniiwasan ko siya.
'' Sure ka hindi ka galit sa akin . '' pagtanong niya naman sa akin.
'' Oo nga kulit mo kumag ka ,. '' napangiti naman ito ng tawagin ko siyang kumag. Kumag nga naman.
'' Ayusin mo huh bati na tayo ngayon, at huwag mo na akong iiwasan dahil kundi hahalikan kita ngayon. ''napalunok naman ako sa sinabi niya mukhang gagawin niya talaga dahil hindi ko naman ito nakikitaan ng nagbibiro base sa kanyang mukha.
'' Oo nga. '' tinulak ko na siya dahil ayoko na magtagal kami sa ganong posisyon baka ano pa isipin ng mga dumadaan.
Baka sabihing naglalaplapan kami.
'' Good, nga pala bakla manood ka mamaya ng laro namin aasahan kita . '' pagsabi nito sa akin malamang manonood talaga kami ng mga tropa no.
'' Ah eh may gagawin ako mamaya eh . '' pagsisinungaling ko bigla naman kumunot noo nito.
'' Ah sige hindi nalang ako maglalaro mamaya sila na bahala. '' pagsabi nito .Batas talaga to minsan eh kainis.
'' Joke lang maglaro ka mamaya loko manonood kami mamaya nila Mariel no . '' ngumisi naman ito kumag nga naman .
Syempre need ko manood baby ko maglalaro eh kaso hindi niya ako baby. Sad.
'' Ayan ganyan aasahan ko sigaw mo mamaya bakla . '' loko bawal nga ako magsisigaw at kakanta akon kinabukasan.
'' Loko bawal ako sumigaw at bukas na kanta ko no tadyakan kita diyan eh . '' sagot ko dito.
'' Ay oo nga pala, huwag kana kumanta pangit naman boses mo . '' nagsimula na naman siyang mang-inis sa akin.
'' No way pano pag manalo ako ano gagawin mo. '' panghahamon ko dito.
'' Sige kapag manalo ka pupunta tayo ng Happy area kasama si Marwin tapos kapag matalo ka ililibre moko ng lunch for 3 days . '' na excite naman ako sa kondisyon niya.
Matagal ko na kasing gustong puntahan ang happy area na iyon mukha daw kasi itong Enchanted kingdom .
'' Deal . Humanda ka dahil ako ang mananalo. '' confident Kong Sabi sa kanya.
Tinawanan lang ako nito.
'' Bat ka tumatawa , eh ako naman talaga mananalo ihanda mo na pera mo dahil uubusin yan namin ni Marwin. '' sabi ko sa kanya.
'' Nga pala manonood mamaya sila ate kasama si Marwin, '' natuwa naman ako sa sinabi nito namimiss ko na kasi ang batang iyon.
'' Sakto namimiss ko na ang batang yon. ''
'' Ako ba hindi mo namiss bakla. '' seryoso niyang tanong kaloka naguluhan tuloy ako kung ano ba talaga isasagot ko sa kanya.
'' Lah drama mo tara na nga at binuksan na oh madami ka nang nalalaman diyan. ''
Sumunod naman ito sa akin. Alas dose na pala edi wala na ang photobooth nito dahil pagpatak ng ala-una magsisimula na ang basketball.
Dapat nga kaninang 10 ay manonood ako ng sayaw eh paalis na nga kami nun nang bigla nalang ako kinulong. Magtatanong nalang ako mamaya kung nanalo ba ang grupo nila Jam.
'' Hoy bakla ''
'' Hotdog na malaki . '' bulalas ko dahil nanggulat lang naman itong si kumag.
'' Hahahaha gusto mo ba ng hotdog meron ako . '' the f**k ano sinasabi nitong lalaking ito. Hinampas ko naman ito.
'' Aray ko .Ang sakit bakla huh baka gusto mo talaga makatikim ng hotdog. '' hinampas ko naman ito ulit pero mahina na wala eh ang bastos.
Naglalakad pa din naman kami hanggang ngayon habang nagbabangayan.
'' Eh ang bastos bastos mo . Bat ka ba kasi nanggugulat kumag . '' tanong ko dito.
'' Eh nagpapasundo sila ate nandoon na daw sila sa parking lot ng campus. ''
Hinila ko naman agad ito dahil excited na akong makita si Marwin namimiss ko na kasi talaga ang batang iyon.
'' Hoy ano ba bat ka nanghihila bakla ka . '' reklamo niya sa akin.
'' Huwag kana magreklamo diyan bilisan mo nalang excited na akong makita si Marwin. ''
Tumawa lang naman ito sa aking inasta hanggang makarating kami sa parking lot at nandon na nga sila ate malugod na nag-aantay. Tumakbo naman ako at iniwan tong lalaking kasama ko.
'' Hello ate at kuya . '' pagbati ko sa mag-asawa.
'' Hello Ronnie kamusta ka na. '' sabi naman ni ate Jona habang tumango lang ang asawa ni ate.
'' Elo nana mit you po . '' sabi naman nitong bulilit na nagpabuhat naman agad sa akin kaya kinuha ko ito kay ate Jona.
'' miss na din kita baby boy. '' sabay kurot at halik sa pisngi nito.
'' Oh Gabriel ano oras simula ng laro niyo, '' pagtatanong ni ate Jona kay kumag.
'' Maya pang ala una ate bakit . ''
'' eh hindi pa kami kumakain punta muna tayo sa canteen. '' pagsabi naman ni ate Jona.
Naalala ko din hindi parin ako kumakain.
'' Eh kayo na muna ate andito naman si bakla sasamahan kayo nag text na kasi si Mike tawag na daw kami. '' pagbigay alam nitong si Kumag .
'' babye tito nuod po ako mamaya sa lawo ninyo . '' sabi naman ng chikiting na karga ko sa tito niyang kumag.
'' bye baby boy behave ka lang kay nana mo huh . '' sabi naman nito sabay halik sa pisngi .
Habang sila ate ay tuwang-tuwa sa nakikita nila.
'' Alis kana baka pagalitan ka ni Mr picondo. '' pagsabi ko dito.
'' Una na ako ate kuya . At ikaw manood ka mamaya pag di kita makita na kasama nila ate di na ako maglalaro . '' pagbabanta niya sa akin at umalis na loko talaga iyon.
'' Anong kadramahan niyo ni Gabriel Ronnie. '' pag-usisa ni ate jona natawa naman asawa nito .
'' Hay nako ate, ewan ko diyan sa kapatid mo . '' tumawa lang naman kami ni ate habang itong si Marwin ay tahimik lang na nakikinig sa amin.
Naglalakad na kami ngayon papuntang canteen para kumain kasama sila ate Jona.
'' Ano ba ganap sa inyong dalawa ngayon ni Gabriel Ronnie kayo na ba . '' pagtatanong ni ate kaloka talaga tong si ate binebenta na kapatid niya sa isang bakla. Char lang.
'' Ate wala pong kami, tsaka hindi pa siya nanliligaw . '' pagsakay ko sa kalokohan ni ate.
'' Suss ang bagal naman pala ni Gabriel, masabihan nga mamaya. ''
'' Good yan ate . '' nag apir naman kami ni ate sabay na tumawa .
Taray close na close na talaga kami nitong si ate Jona.
Nakarating naman kami sa canteen at ang asawa naman ni ate ang nag order libre na daw niya ako kaya pumayag naman ako syempre masamang tumanggi sa grasya.
'' Ate manood din po kayo bukas kung hindi po kayo busy . '' gusto ko kasing mapanood din nila ate ang aking performance.
'' Sakto wala kaming gagawin bukas anong oras ba yan . '' tanong naman ni ate Jona sa akin.
Nakakatuwa lang kasi mapapanood nila ako bukas.
''alas tres ate ang simula pang lima ho ako. '' tumango naman si ate sa akin.
'' Nana ano po chinalihan ninyo . '' pagtatanong ng bata sa aking tabi habang kumakain ng calcheese.
'' Kakanta ako baby kaya panoorin mo si nana bukas huh . '' tumango naman ito sa akin.
Kinurot ko naman pisngi nito dahil sa kakyutan nitong taglay.
'' Wait you're singing Ronnie . '' takang tanong ni ate sa akin.
Sabagay hindi ko pa naman sinasabi dito na into singing ako kaya nalang siguro nagtataka sila sa aking Sinabi.
'' Yes po ate double event po sinalihan ko bali sa umaga ay may laban din po ako. '' sagot ko naman dito.
'' Omg you're so talented ikaw na oh siya good luck nalang huh excited tuloy ako marinig boses mo . ''
Nagpasalamat naman ako dito kay ate at sakto dumating na ang order namin.
Habang kumakain syempre nag-uusap usap kami ng mga random things. Tawanan dito tawanan doon.
'' Nga pala ate, may deal po kami ni Gabriel . '' pagsabi ko kay ate na umiinom ng tubig.
'' Ano yon,'' tanong naman nito.
'' Kapag manalo daw ako bukas pupunta daw kami ng Happy Area kasama si Marwin . '' pagsabi ko dito kay ate.
Ngumiti naman si ate sa sinabi ko halatang nasisiyahan sa aking isinawalat na balita sa kanya.
'' Mukhang maganda iyang deal ninyo, nang maipasyal niyo din si Marwin at mukhang nabigyan na siya ng allowance nila mom . '' napatango naman ako sa sinabi ni ate at uminom ng tubig dahil tapos na akong kumain.
'' Alam mo ba ngayon lang yan ganyan si Gabriel . '' nalito naman ako sa sinabi ni ate.
'' Alin po ate . '' pagtanong ko dahil nalilito ako kung ano pinupunto ni ate.
'' Iyan mga ginagawa niya sa iyo at masaya naman ako don para sa kapatid ko suportado ko iyon kung san siya masaya. '' sabi naman sa akin ni ate.
Napaisip naman ako sa sinabi sa akin ni ate. Napatanong naman ako sa aking sarili kung bakit ngaba ginagawa iyon sa akin ni kumag. Baka naman pinaglalaruan niya lang din ako. Seryoso kaya siya. wala naman kasi akong makitang sapat na dahilan kung para saan ngaba ang kanyang ginagawa.
'' Eh ate di ko nga po alam kung bakit ngaba ginagawa iyon ni Gabriel sa akin . '' sabi ko naman kay ate Jona dahil yon naman talaga ang katotohanan.
'' Ayoko naman pangunahan ang kapatid ko sa desisyon niya at hindi rin ako sigurado kung bakit niya ngaba ginagawa yan sa iyo. Pero Ronnie masaya ako kung ano meron sa inyo ng kapatid ko . '' feel ko naging heavy tuloy ang atmospher ngayon dito bat ko kasi sinabi pa iyon.
'' Opo ate salamat po . '' pagpapasalamat ko nalang kay ate Jona kahit di ko alam kung ano nga ba tinutukoy ni ate jona.
Nang matapos kaming kumain inutusan naman ako ni ate na bumili daw ng gatorade ako daw magbigay kay kumag.
Kinikilig naman si ate habang sinasabi ang mga katagang iyon. Kaya wala akong nagawa kundi suportahan ang gusto ni ate.
'' Nana chan po tayu pupunta . '' tanong ni Marwin sa akin. Naglalakad na kasi kami ngayon papuntang gym baka maubusan pa kami ng upuan .
'' Ah baby papanoorin natin si tito mo cause he's going to play basketball . '' explain ko naman sa bata.
Wala na naman itong imik matapos marinig ang sinabi ko. Habang sila ate Jona ay mag pinag-uusapan din hindi naman ako maka relate kaya kay Marwin ko nalang muna itinuon ang attention ko. Nakarating naman kami sa gym na uunti pa lang Ang nandito at papasok na din ang ibang estudyante at mga outsiders.
'' Ah ate, bigay ko lang po tong gatorade kay Gabriel isasama ko nalang po si Marwin . '' sabi ko kay ate, sumang-ayon naman sila at naghanap naman sila ng mauupuan.
Nakita ko naman si kumag na kasama sila kuya Bryan at mike nasa kabila ito kaya agad ako nagtungo doon.
'' Nana look oh si tito po diba iyon . '' sabi naman nitong bulilit na kasama ko nang Makita niya so Gabriel.
'' Yes baby it's your tito . ''
Naglakad naman ako papalapit sa team nila kumag. Napansin naman kami nitong kasama kong bulilit kaya ang laki ng ngisi nito.
'' Oh si ate Jona nagbili niyan . Huwag kang ngisi ng ngisi diyan. '' inunahan ko na baka ano isipin Niya.
'' Hello tito goodluck po . '' sabi naman ng pamangkin niya.
'' Hello mawin salamat manood ka huh. Mabuti ka pa ginodluck ako kesa sa isa diyan hindi manlang. '' pagpaparinig niya sa akin natawa naman ako sa kanyang pagpaparinig sa akin.
'' Good luck galingan mo kumag . '' sabi ko naman with all my heart syempre para galingan niya.
'' Yown salamat babe . ''
Nagsigawan naman ang mga kasamahan niya sa likod. Mga loko nakikinig pala sila sa aming usapan.
'' Ikaw anong babe ka diyan ayan tuloy pinagtitinginan na tayo .'' sabay kurot sa kanya ng mahina.
'' Dito na kayo umupo para bantayan gamit ko mamaya dito din pupuwesto sila mariel. Ako na bahala pumunta kena ate . '' mahabang sabi nito sa akin.
'' Sige tagal ko na din hindi nakakasama ang tropa . '' sagot ko dito.
'' Ayan na pala sila oh . '' turo niya sa likod ko.
Lumingon naman ako sa direksyon na tinuro niya natawa naman ako dahil ang bruha may dala lang naman karatola na nakasulat GO HUMSS taposn rumampa pa wala talagang kahihiyan ang babaeng to.
'' Hello bakla hindi mo sinabi sa amin na may anak ka na pala . '' hala pinagsasabi nitong babae.
'' Oo anak namin yan ni Bakla ,. '' pagsakay naman nitong kumag sa kalokohan ng bruha.
'' No way sis pamangkin ito ni kumag nandito kasi ate niya nanonood . '' pagpapaliwanag ko .
Umupo na naman kami sa mga bakanteng upuan. Habang si Gabriel ay pinunantahan sila ate para palipatin dito.
''Oy kamusta na kayo ate Jade Jam at julie . '' pagtanong ko sa tatlo dahil ngayon ko lang ito ulit nakita.
Kanya-kanya naman silang sagot sa akin.
'' Nga pala sino nanalo sa sayaw kanina . Di kasi ako nakapanood kinulong ako kanina kasama si Gabriel . '' pagbigay alam ko sa kanila.
'' Ah ABM nanalo second place lang kami tapos third naman ang STEM . '' si Jam na ang sumagot at tumango naman ako sa nalaman ko hindi naman masama.
Kung ano ano pa napag-usapan namin hanggang sa magsimula na ang laro.
Nalaman kong championship na pala ito HUMSS versus STEM. Ang ingay-ingay talaga ng babaeng to tuwing nakaka shoot ang HUMSS syempre halos si kumag ang nagdala ng laro ang galing niya pala maglaro ngayon ko lang nalaman. Tuwang-tuwa naman ako ng manalo kami .
'' Congrats ang galing mo pala maglaro . '' sabi ko sa kanya sabay bigay ng gatorade niya.
'' Suss ako pa . '' pagmamayabang nito. Pagbibigyan ko muna ito ngayon dahil siya ang nagpanalo sa team .
Habang sila Mariel ay inaasikaso sila kuya Bryan at Mike syempre tropa kami eh.
'' PIcturan ko kayo kasama si Marwin bilis . '' biglang sabi sa amin ni ate Jona.
Pumayag naman ako dahil gusto ko talaga may picture kami ngayon ni Kumag. Inabot ko naman ang selpon ko kay ate Jade upang picturan din kami.
Karga-karga ko naman si baby Marwin at tumabi kami dito kay kumag na nakapag palit na ng jersey.
'' One two three, '' sabi ni ate.
We stay the same position kasi may isa pang kukuha sa amin syempre si ate jade.
'' Oh kayo naman dalawa ni Ronnie Gabriel . '' ayts akala ko tapos na meron pa pala at kami lang dalawa ni kumag.
Bigla naman ako nitong inakbayan na siyang dahilan kung bakit nagtilian ang iilan sa mga nakakita sa amin kasama na ang mga friends namin. Dahil ayoko naman magmukhang KJ hinayaan ko na ito.
Matapos ang picturan nagsiuwian na kami dahil nakakapagod at kailangan ko din magpahinga para sa laban ko bukas. Kanya-kanyang paalam Naman kami sa isa't isa.
Kasama ko ngayon si Gabriel sabi niya ihahatid niya daw ako kaya pumayag nalang ako at Wala na din ako sa wisyo para makipag bangayan pa sa kanya.
'' Ano oras laban mo bukas . '' tanong niya sa akin habang tinatahak namin ang daan patungo sa lugar kung saan naka park ang kanyang motor.
'' Ah alas otso sa declamation tapos 3pm naman sa kanta . ''pagbibigay alam ko.
Tumango naman ito sa sinabi ko at sakto naman nakarating kami sa motor niya at dali-daling umalis.
Tahimik naman naming tinahak ang daan papuntang simbahan at ayoko na din magsalita dahil, tinatamad ako.
After a couple of minutes na paglalakbay narating din namin ang simbahan.
'' Sunduin pala kita bukas huwag ka nang umayaw. '' pagsabi nito sa akin ng makababa ako.
'' Oo salamat pala sa paghatid mag-iingat ka sa pag-uwi mo at ikumusta mo pala ako kay nanay lusing,.'' sabi ko naman dito.
'' Sige alis na ako . '' tumango lang naman ako.
Nang mawala na siya aking paningi nagsimula na naman akong tahakin ang aking silid upang makapagpahinga na. Naisip ko naman ang sinabi ni ate Jona kanina, bakit nga ba ginagawa iyon sa akin, Kasi kung laro lang ang lahat talo na ako dahil hulog na ako sa bitag nito . Pero sana naman hindi laro ang lahat at sana totoo nalang.
Wish me luck guys for tomorrows competiton.