Chapter 15

4294 Words
Ronnie's POV. "Huwag po nagmamakaawa po ako sa inyo " Bang Sabay nag pagputok ng baril ay siyang pagbangon ko na habol ang hininga. Hanggang ngayon ay may takot parin akong nararamdaman. Alam kong makapangyarihan ang mga Ronchuelo at alam ko din na baka bukas o sa makalawa ay mawala na ako sa mundong ito. Hanggang kailan ba ako hahabulin ng takot? Hangga't hindi ako sumusunod sa mga magulang ko? Hindi ko hahayaan na masayang ang buhay kong ito. Kailangan ko pang ipagtanggol ang mga magulang ko sa mga walang-hiyang mga Ronchuelo. Nang matapos akong magnilaynilay , inayos ko naman ang pinaghigaan ko at nagtungo sa drawer ko upang kumuha ng masusuot ko. Kagabi ko pa naihanda lahat ng costume ko. Napatingin naman ako sa gawi ng pinaglagyan ko ng mga gamit na kakaikailanganin ko ngayon. Mukhang ang dami Kong dadalhin ngayon. Pumasok naman ako ng banyo para magsimula nang maligo. Syempre habang naliligo ako prinactice ko ang kakantahin ko mamaya. Medyo kinakabahan ako para mamaya sa aking performance. Naisipan ko naman na dumaan mamaya sa chapel at hihingi ako ng guidance Kay Lord para mamaya sa competition. Nang matapos akong maligo ay kumuha lang ako ng simple na damit for today dahil magbibihis naman ako mamaya at aayusan pagkadating ko sa school. Habang nag-aayos bigla namang Tumunog ang selpon ko hudyat na may tumatawag. " Hello bakit Kumag? " Pagsagot ko sa kanya. Ang aga-aga naman niya atang tumawag. " Pasok ka muna dito malamig diyan sa labas. Loko ka ang aga mo naman Kasi. " Pagsabi ko sa kanya dahil nasa labas na daw siya ng simbahan nag-aantay sa akin. Binaba ko naman ang tawag at nagpatuloy sa pag-aayos sa aking sarili. Habang nag-aayos ako may kumatok sa pintuan ng aking silid mukhang si Kumag na Ito. " Pasok ka. " Pag-aya ko sa kanya papasok Ng aking silid. Naka jacket naman ito na bumagay sa kanya. Tapos may dala dalang bag mukhang mga gamit laman ng bag niya. " Kumain ka na ba? " Pagtanong nito sa akin,habang patuloy ako sa pag-aayos ng aking sarili. " Ah hindi pa eh, bakit . " Tanong ko naman sa kanya na nakahiga na sa aking kama. Pinabayaan ko lang ito. " Kain tayo sa lugawan ng masa sa labas ng campus bakla. " Mukhang maganda naisip Niya medyo malamig na kasi panahon ngayon. " Sige ba libre mo ba ? " Pagbibiro ko kahit may pera naman talaga ako. Nga pala guys every Friday night na lang ako kumakanta sa kainan ni Twinny dahil iyon ang gusto ni ate Aubrey para hindi daw ako mahirapan sa pag-aaral ko. " Oo, pasalamat ka may Laban ka ngayon " natatawa niyang Sabi. Napa yes Naman ako sa tuwa syempre tipid kasi ako para kahit papano kapag kailangan gumastos may magagamit ako. " Thank you kumag. Tara na magpapaalam Muna ako kina ate Lalaine at tatanungin ko Kung papanoorin nila ako mamaya. " Tumayo naman ito at kinuha ko naman ang pinaglagyan ko ng costume ko at damit para mamaya sa competition. " Akin na nga yan ,mukhang ang dami mo naman atang dala bakla. " Kuha Niya sa dala ko dahil nahalata niyang nabibigatan ako. " Costume ko at damit ang mga andiyan . Remember dalawa sinalihan ko. " Napatango Nalang ito sa sinabi ko . Bago umalis nilock ko muna ang pinto ng aking silid. Buti Nalang sinundo ako ng kumag na to kundi, baka nahihirapan na ako ngayon kakadala ng aking mga gamit. " Good morning ate Lalaine at Kuya Dario. " Bati ko sa dalawang matanda. " Magandang umaga din po sa Inyo. " Pagbati din ni kumag . '' oh Kayo palang dalawa hali Kayo at umupo Muna." Sabi ni kuya Dario sa Amin. Tumalima naman kami nitong si Kumag at umupo sa harap Ng dalawang matanda. " Ano anak Kakain kana. " Tanong ni ate Lalaine sa akin. " Hindi na po ate Lalaine Kakain po kami nitong si Gabriel sa labas po ng campus namin. " Pagbibigay Alam ko Kay ate na tumango naman Ng matapos niyang marinig ang sagot sa kanyang tanong. " Anak ano pala oras ng kanta mo at kami'y manonood ng kuya mo nakahanda na nga ang aming susuotin mamaya eh. " Pagbibiro ni ate Lalaine . Napatawa naman kami sa sinabi ni ate. " Alas 3 po ate Lalaine. " Sagot ko Naman. " Oh siya tatawagan nalang kita mamaya. " Sabi nito sa akin. " Ay Kay Gabriel nalang ho Kayo tumawag baka Hindi ko na po Kayo masundo ni kuya Dario " pagsabi ko dito. " Ito po number ko ate Lalaine. " Binigay Naman ni kumag ang selpon Niya Kay ate Lalaine para Makita nito ang kanyang digits. " Oh siya goodluck Nalang iho mamaya huh " pagbibigay ng goodluck ng dalawa sa akin. We bid them goodbye after having a little conversation. Of course as what I promised, dumaan kami ng chapel and here we are tinatahak na ang daan patungo sa aming paaralan. Wala naman kaming imik habang binabagtas ang daan. Nakarating naman kami ng maayos at walang masamang nangyari sa aming dalawa. Nang makababa agad naman kaming pumasok agad sa kainan ng Masa. Hanggang ngayon si Kumag parin ang may dala ng aking mga kagamitan bahala siya panindigan Niya iyan. Umorder naman ito ng special lugaw dito. Ngayon palang ako Kakain dito actually kahit ilang beses ko na itong nakikita. " Oh, masarap iyan di ka magsisisi Kung bakit ka kumain dito. Syempre mas masarap ako hindi ako magpapatalo. " Natawa naman ako ng malakas dahil sa sinabi niya. " Hahahahahhahahahahaha " natawa talaga ako di ko Alam Kung bakit buti nalang kami palang dalawa ang nakain dito kahit medyo maliwanag na. " Hoy bat ka tumatawa bakla huh, tumigil ka nga para kang baliw diyan. "  Patuloy parin ako sa pagtawa dahil hindi talaga ako maka get over sa sinabi niya. Mukhang naiinis na Ito dahil nakikita ko sa expression ng mukha niya. " Hoy San ka pupunta to naman di mabiro. Titigil na ako " natatawa kong sabi Kasi mag wawalk out na sana ito. Nag pout naman ito ang cute Niya lang. Kinuha ko naman agad selpon ko at pinicturan siya. " Hoy bat ka namimicture diyan. " Tanong Niya sa akin. " Wala pang my day Lang. Bibe of the day. " Sabay kumpas ng aking kamay tapos tawa ulit. " Naiinis na talaga ako sa iyo bakla , hahalikan talaga Kita para matigil ka lang kakatawa. " Napatigil naman ako sa sinabi niya baka kasi totohanin niya. " Iyan mukhang takot na mahalikan ko. " Sabi Niya sa akin mukhang ako na naman bwebwesitin Niya. Diba bongga lang namin magkasama. " Che kumain ka nalang diyan at alas 6 na Kanina pa tayo dito. " Pag-inform ko sa kanya. " Che ikaw nga ang mabagal kumain diyan eh , Kasi kahit sa pagkain babakla bakla. " Diba nice talaga naming magsama matapos siyang mainis ako na naman iinisin niya. Hindi ko nalang pinansin ang kanyang sinabi bagkus nagpatuloy na ako sa pagkain ng lugaw at para makapasok na kami ng campus at para din makapagpahinga na ako. " Hoy baka nakakalimutan mo may deal tayo " pagpapaalala ko sa kanya. Nasa loob na kami ngayon Ng campus papunta na ako ng gym dahil doon ako aayusan Gaya Ng Sabi ni sir Ceej. " Alam ko bakla huwag Kang ano diyan. " Sabi naman nito sa akin habang dala dala ang gamit ko hanggang ngayon. " Ihanda muna pera mo dahil ako ang mananalo. " Tinawanan Niya Lang ako sa sinabi ko , kaya hindi na Rin pa ako umimik after nung sinabi ko at tahimik naming narating ang gym. Bale nasa back stage kami ngayon. Inilapag naman ni kumag ang gamit ko sa lamesa Kung saan may nakasulat na HUMSS. " Salamat nga pala sa pagdala ng gamit ko kumag. Nga pala sila ate Jona manonood ba? Tsaka ikaw na bahala sumalubong kina ate Lalaine at Kuya Dario huh . " Pagpapaalala ko baka Kasi makalimutan nito mamaya eh. " Oo ako na bahala tsaka pupunta iyon mamaya sila ate. Huwag Kang mag-alala " pagbigay alam naman nito sa akin. " Salamat kumag " Nagulat nalang ako ng bigla nalang ako nitong yakapin. Ang bilis tuloy ng t***k ng puso ko . Lintik na pag-ibig talaga oh. " Goodluck mamaya bakla galingan mo " Sabi nito sa akin at sabay lakad at labas. Gosh ano iyon? Ito na ngaba sinasabi ko ayoko mahulog Lalo eh. Hayaan ko na nga. Habang nag-aayos ako ng gamit bigla naman dumating ang bruha kasama Ang mga alipores Niya. " Look who's here , well it's the faggot guys hahaha " maarte niyang Sabi. " Ow, nothing's new about it Dindina. And do you think I am afraid with you? With your words? Hahaha nagpapatawa ka ba ? " Sagot ko dito. " No b***h , cause I know you will be defeated later by me cause I'm the queen fagg. " Bongga talaga ang confident ng babaeng to. Lumakad naman ako papalapit sa kanya at medyo natakot ito. Ganyan nga b***h matakot ka. " Alam mo Wala akong pake puro ka Lang naman yabang Wala ka naman naibubuga Laban sa akin. " Sabay walk out . Dahil gusto Kong bumili ng tubig. " Oh wait there's more b***h try mo kaya magsipilyo di mo pa nga binubuka bibig mo amoy kuna  mabahong hininga ng isang bruha. " Nagulat naman ito sa sinabi ko sabay huminga at inamoy Niya. Ang tanga Niya Lang sa part na yon. Lord sorry po sa mga kasalanan ko ipinagtatanggol ko lang po sarili ko. Habang naglalakad ako papuntang canteen Nakita ko naman si Darwin na gwapo parin hanggang ngayon. " Good morning " bati ko sa kanya ng makalapit na siya sa akin. Sumabay naman Ito sa aking paglalakad mukhang patungo din ito sa canteen. " Good morning din at goodluck mamaya sa iyo. Hindi muna Kita mapapanood ngayong umaga pero mamaya sa kanta papanoorin na kita. " Pagbigay Niya Alam sa akin. " Okay lang asahan Kita mamayang hapon hahanapin Kita once na makalabas ako ng stage. " Natatawang sambit ko naman dito. " Oo naman pramis, ngayon umaga kasi may practice kami alam mo Naman bukas na Ang pageant. " Oo nga pala bukas na din ang pageant ang pinaka highlight ng intramurals. " Omg excited na ako para bukas sigurado akong pogi mo talaga bukas picture naman tayo huh. " Sabi ko dito sa kasama ko. " Oo kahit ilang beses pa. " " Wait bukod sa akin who's gonna support you tomorrow? " Pagtanong ko dito. " Mom and dad will be here tomorrow and I'm going to introduce you on them also. " Hala bigla naman akong nahiya sa sinabi nito na ipapakilala niya ako bukas sa magulang niya. " Sure I want to meet them also " pagsang-ayon ko naman. Ngumiti lang naman ito sa akin. Nagpaalam naman ito sa akin na babalik na siya sa pagprapractice habang ako naman ay pabalik na din sa gym dahil nag text na sa akin si sir Ceej nandon na daw siya kasama si sir Bukid my adviser. Nang makarating ako binati ko naman ang dalawa Kong teacher. " Good morning po mga sir at sa iyo din ate " pagbati ko sa dalawang guro at sa ka federation ko I think he's the one na mag-aayos sa akin ng konti ngayon at later. " Okay Ronnie this is Lala ang mag-aayos sa iyo. And good luck to you dear aalis Muna kami nitong si sir Bukid mo dahil madami pa kaming aasikasuhin. " Tumango lang naman ako sa kanila at umalis naman ito pagkatapos. " Ano sis gorabels na tayo? " Pagtatanong ni sis Lala sa akin. I check the time and it's already 7:35 am na and 8:00 o'clock Ang start saktong sakto lang para sa little changes ng aking sarili. " Go sis gorabels na tayo . " Naghubad naman ako ng suot kong jogging pants at t-shirt naka sando at cycling nalang ako ngayon. At Dali Dali ko namang sinuot ang hospital gown. Cause I am a mentally challenged person kaya ganun suot ko. Sinuot naman sa akin ni lala ang wig na at ginulo ng kaunti to make it realistic. Then after that, he put some black shadow below my eye to darken it, to emphasize a depressed person. " Pak sis labarn panalo ka niyan for sure. " Pagsabi naman ni sis Lala sa akin dahil bongga nga ang pagkakaayos niya sa akin. Simple yet deceiving. " Salamat sis later ikaw din mag-aayos sa akin? " Tanong ko naman sa kanya. " Olaysa sis napaka talented mo pala bakla ikaw na talaga " Sabi Naman nito sa akin. Syempre pa humble effect ako baka sabihin naman nitong napakayabang ko. Katulad ni Dindina ngayon na mukhang papunta sa party. Well it suits to the situation on the piece she choosed. It's a glass of cold water and that piece really suits on her cause she's the type of person who's party goer and a spoiled brat. " Five minutes mag start na po ang contest " pagbibigay alam ng isang staff sa Amin. Nagsimula na nga ang contest tinawag na ang unang contestant from ABM. Then sunod sunod na hanggang si bruha na. Narinig ko pa nga pagsasalita niya dito sa likod Ang arte talaga bagay na bagay talaga sa kanya.  Even iyak Niya super arte talaga. Pero Sana Naman Dindina will realize one thing about that piece, cause that piece has a deep meaning. At Sana iapply Niya iyon sa sarili Niya. " Goodluck sis Kerry bells mo Yan ikaw pa. " Pag cheer up sa akin ni sis Lala. Nang umakyat na ako, nakasulubong ko pa si Dindina na confident sa sarili well let see. Inirapan ko nalang siya at nang marinig ko na ang aking pangalan lumabas na ako ng stage. Laking gulat ko na madami pala ang manonood ngayon. " Bakla anyare sayo whoaaaa kaibigan namin Yan Go baks '" kanino pa ba ang boses na yan edi Kay Mariel na nasa likod Ng ilang judges. Kitang kita ko mula dito na pinagtatawanan ako ng tropa napatawa nalang tuloy ako sa aking isip. Nang maikyat na ang rehas at isang upuan umupo naman ako agad. " Good morning everyone I am Ronnie Fuentabella from Humanities and Social sciences. " Pagbibigay alam ko. Sigawan naman ang mga kaklase ko syempre I am representing our strand no. Nang humupa ang sigawan nagsimula na akong magsalita. Umaktong parang baliw. Halos lahat nanonood sa aking ginagawa. Dahil halos nakikinig sa bawat linyang aking binibitawan mas ginandahan ko pa ang aking acting skills. May part na tatawanan nila ako dahil nakakatawa talaga siya. May part din na tahimik sila. I portrayed well the role of being a mentally challenged person. " Sanity of Fire . " Bigkas ko sabay bow. Halos nagsigawan ang mga taong nanonood sa akin. After that, dumiritso na ako sa back stage dahil hihintayin kaagad namin ang results. Pagkababa ko hindi naman maipinta ang mukha ni Dindina. Huwag kasi masyadong mataas ang confidence ayan tuloy karma ang gumawa. Anyway I'm still happy for her for delivering the piece well. Hindi naman ako ganon kasama para masyadong manghusga. Matalino din itong si Dindina pero mas angat ngalang ako. " Congrats sis ang galing mo talaga kaloka ka, nakuha mo talaga attention ng mga manonood nakakamangha. " Biglang Sabi sa akin ni sis Lala na kakarating Lang. Nanood siguro to sa performance ko. " Thank you sis, tamang tama worth it kahit papano ang practice namin ni sir Ceej. " " Omg Ronnie you did a great Job. Ang ganda ng performance mo. " Tuwang-tuwa na Sabi sa akin ni sir. " Sir I will never be that great in performing without your help and it's really worth it . " Matapos akong batiin ni sir lumabas naman ito kaagad Kasi may gagawin pa daw siya. Nagsidatingan naman ang tropa. " Bakla ikaw na talaga ang multi-talented " Mariel. " Oo nga baks Sana all " jam " Ronnie Ang galing mo Kanina nakuha moko don ah. " Kuya Mike. " Bagay sayo bakla dahil Baliw ka naman talaga . " Oh diba si kumag Lang kakaiba ang sinabi. " Thank you guys na appreciate niyo performance ko akala ko nga hindi, kinakabahan nga ako kanina baka kasi may makalimutan akong banggitin na mga linya. " Sabi ko naman sa Kanila. Matapos ang konting usapan ng tropa umalis naman ito agad. " Oh bat ka pa nandito kumag . '' tanong ko Kay kumag na nagpaiwan. " Intayin na Kita alam ko naman na walang magdadala ng mga gamit mo. " Sabi naman nito sa akin well may point naman siya Didiritso pa kasi ako ngayon sa CR para magbihis " Ikaw na sis maganda na , talented at may jowa pa ikaw na talaga. " Side comments ni sis Lala na may tinitipa sa kanyang selpon. " Lah di ko po yan jowa ate " pagsabi ko pero sinabi lang ni ate na don na daw papunta iyan. Samantala ang kumag naka ngisi lang ito sa tabi ko. " All contestants please be at stage na daw po. " Pagbigay alam ng staff. Nagpaalam naman ako sa dalawa bago umakyat ng stage. Dahil nasa unahan ko si Dindina huminto muna ako saglit para magkaroon Ng sapat na distansya sa pagitan naming dalawa. Pumila naman kami ng naayon sa aming numero. Bali magkatabi kami ngayon ni Dindina. '' whatever the results is I would like to say congratulations my dear FRIEND. " Pagbati ko kay Dindina at binigyang diin ko talaga ang salitang friend. Kung mabait Lang tong ex ni kumag naging kaibigan ko na siguro to Kaso hindi eh. Nag rolled eyes Lang naman to. Hindi man lang nag thank you. Nagsimula na ang announcement ng third place at napunta ito sa HE ngayon ay Kung sino ang second place kinakabahan naman ako dahil ayokong mapahiya no. And nakahinga naman ako ng malalim ng mapunta ito Kay Dindina. Dalawang strand pa ang kalaban ko kaya hindi ako dapat makampante. " And our champion for this competition is contestant number 5 Ronnie Fuentabella from Humanities and Social sciences. No wonder he's great kanina sa performance Niya. " Side comments pa ng emcee kaloka nakakahiya. Kinuha ko naman ang trophy at certificate at pictures. Pagkatapos bumaba na ako para makapag palit na . Ayoko naman mag stay ng ganito no. " Hey girl congrats pa Rin sayo " Sabi ko Kay Dindina at umalis agad hindi ko na ito hinintay pa na sumagot sapat na siguro yon. " Congrats sis , una na ako huh balik Nalang ako later para sa panibagong laban mo. '' pagpaalam ni sis Lala nagpasalamat naman ako dito syempre no. " Congrats bakla Alam Kong ikaw mananalo dahil Baliw ka na naman talaga. Baliw sa akin. " Biglang Sabi nitong kumag okay na Sana Yong baliw pero sinama Niya pa sarili niya. " Lah sinasabi mo diyan, Tara na nga gusto ko na magpalit " Sabi ko dito habang inaayos ang iba Kong gamit. " Huwag na bakla ganyan ka na lang hanggang mamaya sa performance mo '' sabay tawa. Sinamaan ko lang Naman Ito ng tingin sabay kuha ng gamit ko at lakad. " Sabing ako magdadala ng gamit. " Sabi nito at hinablot ang gamit ko sa aking kamay. " Sumunod ka sa akin dahil sa CR ako magpapalit at kailangan ko maghilamos gawa ng make up " Hindi naman ito umimik at sumunod naman ito sa akin patungo sa CR. Pagkadating namin ng CR buti nalang Wala ng tao. Naghilamos muna ako at tinanggal ang make up sa aking mukha. Nang matapos inabot naman sa akin ni kumag ang simpleng suot ko Kanina. Sabi pa nito mukha daw akong manang. Pakialam Niya humanda siya mamaya sa oufit ko joke. Lumabas naman kami ng CR at nagtungo na sa aming classroom para makapag pahinga dahil i condition ko katawan ko mamaya. " Guys andito na ang magandang bakla kasama Ang kanyang jowa. " Sigawan naman ang kaklase namin. Nangunguna talaga itong bruha sa kalokohan pagdating sa akin. " Hoy sinasabi mo diyan bruha ka. " Tinawanan lang naman ako ng klase at binati na din at the same time. Hindi na ako bumili ng pagkain dahil may pakain sa Amin si sir Bukid dahil malaki laki daw Kita namin sa booth namin at the same time daw nanalo ako. Fast forward Nandito na ako ulit sa gym hinatid ako Ng kumag. Bahala siya sinabihan ko na siya Kanina na ako Nalang dahil mapapagod Lang siya pero hindi Naman Ito nakinig. Matigas ulo eh. Matigas din kaya isa niyang ulo? Joke mygad nagiging bastos na ako. " Good luck mamaya bakla galingan para makapasyal tayo sa Happy Area. " " Oo naman kaya humanda ka " tumawa naman ako na parang baliw pinagtinginan tuloy ako ng iilang contestant. " Baliw , oh siya aalis na ako bakla baka Kasi dumating na sila ate at sila ate Lalaine kailangan ko pang sunduin iyon. " Sabi Niya sa akin. " Sige ikaw na bahala sa Kanila huh. " Tumango lang naman ito sa akin at umalis na. Sakto naman dumating na si sis Lala together with sir Ceej. " Oh Ronnie good you're here na magbihis ka na don bilis " Tumalima naman ako sa sinabi sa akin ni sir. Nagpunta ako sa isang bakanteng dressing room dito sa backstage. Una Kong sinuot ay ang RIP JEANS na kita ang maputi Kong legs. Tapos crop top na may nakasulat na b***h at syempre denim jacket last is brown boots na sakto lang ang taas nito lampas lang sa buko ng ating paa. Tiningnan ko naman ang aking sarili and bongga ang ganda ko today. " Pak mama Laban " komento ni lala sa aking suot. " Bongga you really have the taste Ronnie ' ' sir Ceej. Nagsimula ng ayusan ako ni lala syempre light make up Lang konting enhance sa cheek. Light eye shadows tapos nilagyan niya ako ng false eyelashes. Voila mukha akong tibo sa ayos ko. " Oh Gosh ang ganda mo diyan sis " Sabi ni lala ng matapos Niya akong ayusan. Totoo naman kasi Hindi ko sukat akalain na ganito ang itsura ko pag naayusan. " Ganda nga Ronnie okay good luck mamaya what's the line again na sinasabi ko lagi sa iyo. " Tanong ni sir Ceej sa akin. " Kumanta ng mula sa puso and at lagyan ng emotions " sabay naming bigkas ni sir. Tawanan naman kami after. Nagpaalam naman sila sir at Lala dahil hahanap na daw sila ng puwesto . Kaya heto ako ngayon nag-iisa sa table ko. " Anak, " nagulat naman ako dahil pagkatingin ko sa direksyon Kung San nanggaling ang boses ay Nakita ko si ate Lalaine at Kuya Dario together with ate Jona and family. Dali-dali naman akong tumayo para yumakap Kay ate Lalaine. " Hello po sa inyong lahat Hindi ko na Kayo isa-isahin pa " natatawang Kung sambit sa Kanila. " Anak ang ganda mo ngayon simple Lang pero lakas ng dating. " " True Ronnie pictures tayo mamaya huh " Sabi naman nitong si ate Jona kaya tumango Lang ako bilang sagot sa kanyang sinabi. " Hello nana good luck PO mamaya " sambit ng chikiting na karga karga ng kanyag daddy. '' Hello baby boy oo gagalingan ni nana para makapasyal tayo at uubusin natin pera ng Tito mo. " Sabi ko dito tawanan naman sila sa sinabi ko. Matapos ang konting usapan nagpaalam na sila sa akin. Pero itong kumag nagpaiwan na naman. Napansin Kong naka polo na Ito ngayon at ang gwapo niya. Ano ba Everytime na titingin ako dito parang mas Lalo akong nahuhulog sa kanya. " Oh kala ko aalis ka na " Sabi ko dito pero ang loko nakangisi Lang. Lumapit naman ito sa akin sabay Yoko at bulong sa aking tenga. " Ang ganda mo ngayon bakla kaso Kita lang pusod mo tsk. " Pagsambit nito sabay lakad at alis. Natulala naman ako. Gosh na appreciate Niya ako knowing na minsan Lang ako purihin nun dahil puro panlalait iyon sa akin. Pati puso ko tuloy parang nakikipagkarera dahil sa bilis ng t***k nito. Kumag bat mo ba ito ginagawa sa akin. Nabalik lang ako sa katinuan ng magsalita ang emcee hudyat na magsisimula na ang Laban. Kinakabahan na ako. Nakailang inom na ako ng tubig at hinga ng malalim. . Nang tinawag na ang unang contestant ay nirelax ko na ang aking sarili dahil ayoko naman dalhin ito sa performance ko baka hindi ako makapag focus. Hanggang sa dumating na ang oras ko para magtanghal. Mas nagulat ako ngayon dahil Kung kanina madami na ang nanonood parang double ngayon . Sigawan naman ang mga taong nakakakilala sa akin. Hinanap ko naman kung nasaan sila naka puwesto ayon nasa unahan sakto may hawak na karatola na nakasulat ay pangalan ko. Andon sila lahat including kumag sakto maisasakatuparan ko ang Plano. Tumapat naman ako sa mikropono at suminyas sa operator na okay na. Huminga Muna ako ng malalim. Nang marinig ko ang tugtog parang nawala bigla lahat ng kaba ko na Kanina ko pa nararamdaman. Sinusubukan kong hindi isipin Kung kailan ka darating Unang bigkas ko na nakatingin lang sa direksyon ni kumag. Namangha Naman sila ng marinig ang lamig ng boses ko. Bakit nag-iisa pa rin Sa bawat taong aking makilala Hinahanap ang 'yong mga mata Baka sakaling ikaw na siya Litong-lito na ako sa pinag-gagawa sa akin ni Gabriel. Iyong mga kilos na parang pinapahalagahan Niya ako. Hanggang kelan siya magiging ganon sa akin. {Refrain} O kay tagal nang naghihintay Kailan kaya ikaw ibibigay, ibibigay Pikit ko dahil damang-dama ko ang lyrics na ito. Kung para man siya sa akin kelan siya ibibigay? {Chorus} Dahil ikaw ang hanap ng puso Ang laging panaginip ko At bawat gabi, isa lang ang panalangin ko Sana dumating ka, dumating ka Dumating ka, dumating ka na Dumating ka, dumating ka Dumating ka, dumating ka na Tahimik nakikinig ang lahat sa akin. Tila ba nadala ko sila sa ibang dimensyon. Natuwa naman ako. {Verse} Kahit pilitin ko pang kalimutan at iwasan Nandiyan ang katotohanan Na sawa na ko mag-isa Sawa na akong mag-isa simula nang iwan ako ng aking magulang. {Refrain} O kay tagal nang naghihintay Kailan kaya ikaw ibibigay, ibibigay {Chorus} Dahil ikaw ang hanap ng puso Ang laging panaginip ko At bawat gabi, isa lang ang panalangin ko Ikaw ang nais sa dulo Bumubulong sa isip ko At bawat gabi, isa lang ang panalangin ko {Bridge} Ayoko nang umasa Ayoko nang masaktan Ayoko nang mauwi sa hiwalayan Handa na magmahal Handa na sa walang hanggan {Chorus} Dahil ikaw ang hanap ng puso Ang laging panaginip ko At bawat gabi, isa lang ang panalangin ko Ikaw ang nais sa dulo Bumubulong sa isip ko At bawat gabi, isa lang ang panalangin ko Sana dumating ka, dumating ka Dumating ka, dumating ka na Dumating ka, dumating ka Dumating ka, dumating ka na {Outro} Dumating ka, dumating ka na Pagkatapos Kong kumanta, ilang seconds natahimik sa loob ng gym at nagsigawan. Pinunasan ko muna ang luhang tumulo na lang bigla sabay talikod at punta Ng backstage.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD