Chapter 16

3701 Words
Ronnie's POV Nang makarating ako sa back stage huminga muna ako ng malalim. '' Ang galing mo pala kumanta . '' sabi ng isa sa mga nakalaban ko Nagpasalamat naman ako dito at umupo sa aking upuan. Habang wala pang results kinuha ko naman ang selpon ko upang mag browse sa f*******:. Nagtataka siguro kayo kung bat wala akong friends sa dati kong school wala eh halos lahat don binubully ako that's why I used to be alone. '' Huhuhu sis , nakakaiyak naman version mo ng Dumating ka na nadala mo ako don huh . '' biglang sabi ni Sis lala na kakapasok lang sa back stage . Hindi naman nito kasama si sir siguro ay madami itong ginagawa. '' Thank you sis sana nga manalo ako . '' sabi ko naman dito na ngayo'y nakaupo na sa tabi ko. '' Nako sis for sure kasi sa lahat ng nagperform parang ikaw lang ang kumuha ng atensiyon ng lahat. '' napangiti naman ako sa sinabi nito sana nga para mapuntahan namin ang Happy area. '' Sana nga sis . '' pagsabi ko naman dito . Kung ano-ano pa napag-usapan namin hanggang sa dumating si Darwin na may dalang roses. '' Para sa iyo Ronnie ang galing mo kanina mukhang inlab na ata ako sa iyo eh'' pagbigay nito sa akin ng roses na dala niya kaso hindi ko na masyadong narinig ang huli niyang sinabi sa akin. '' Ang gwapo natin ngayon ah , salamat din kasi na appreciate mo kanta ko , '' sabi ko sa kanya na napakamot naman sa kanyang ulo. Ang cute niya lang sa part na iyon. '' Hehehe nuod ka bukas ng gabi huh, aasahan kita tsaka ipapakilala kita bukas kena mommy. '' oo nga pala ipapakilala niya daw kuno ako sa magulang niya. '' aba oo naman papanoorin talaga kita bukas kaya galingan mo . '' sabi ko dito na siyang nagpangiti dito at kita tuloy ang dalawa niyang dimples. '' Pwede picture tayo ang ganda mo kasi ngayon . '' Lah nambola pa siya syempre pagbibigyan ko siya no grasya kaya to yummy. Nagpatulong naman kami kay sis Lala na kuhanan ng litrato. Kinilig naman ako dahil may pa akbay si Darwin. Kung siya talaga gusto ko nakow at pareho kami ng nararamdamanh jojowain ko ito agad. Kaso hindi eh, abnormal talaga ata ang puso ko kung bat sa kumag pa tumibok ito. '' Salamat pala dito sa roses huh, kita kits nalang bukas . '' Nagpaalam na kasi ito dahil may practice pa daw sila. Kaya nagpaalam nalang din ako alangan naman na pigilan ko ito kahit gusto ko pa talaga itong makasama ay hinayaan ko nalang. '' Bakla ikaw na talaga dalawang fafables talaga huh beke nemen bakla. '' sabi nitong si lala ng makaalis na si Darwin. '' Hoy kaibigan ko iyon, tsaka ano beke nemen may jowa kana huh . '' pagsabi ko dito actually may jowa na itong si lala. Edi sana all gwapo din jowa nito mga beks edi sana all no. '' Oh ayan ang fafables number 1 mo . '' nguso naman niya sa paparating na si kumag na may dala ding roses . Ayan na naman iyang mga galawan niya kaya nalilito tuloy ako lalo. '' Galing mo kanina bakla at ito para sa iyo . '' bigay niya sa akin sabay kamot sa ulo. Nahihiya ang loko parang ngayon ko palang ito nakitang nahiya ah. Ang cute niya bakit kasi ang hilig ng mga lalaki kumamot sa batok kapag nahihiya. '' Salamat dito kumag. '' pagpapasalamat ko dito. '' Pwede picture tayo bakla . '' pumayag naman ako sa gusto nito tsaka masamang tumanggi sa grasya. Nagpatulong naman ulit kami kay lala sa pagkuha ng litrato. Bumilis na naman ang t***k ng aking puso ng bigla nalang ako nitong akbayan. Tatanggalin ko na sana ito ng bigla nalang itong magbanta na hahalikan niya ako. Ang weak niya pala joke. '' Bagay na bagay kayong dalawa . '' komento ni lala tapos ibinigay nito ang selpon ni kumag . Namula tuloy ako sa sinabi niya. '' Hehehe ikaw talaga sis . '' tinawanan naman ako ni lala sa sinabi ko. '' Una na ako bakla baka hinahanap na ako nila don '' pagpapaalam nito sa akin kaya tumango lang ito at prenteng naglakad palabas ng backstage. '' Ikaw huh jowa mo ata talaga iyon eh . '' komento nitong si lala ng mawala na sa paningin namin si kumag. '' Hala hindi eh kaibigan lang kami nun. '' pagsabi ko naman dito. '' Suss halata naman sa mata nun na may gusto siya sa iyo . Na miss ko tuloy jowa ko kainin ko yon mamaya . '' tawanan naman kami sa huli nitong sinabi .  '' All contestant please proceed na daw sa stage . '' Nagpaalam naman ako kay sis lala para pumunta na sa stage, Pero nasa likod pa rin kami nitong stage. Saka lang daw lalabas kapag tinawag ang pangalan mo. Nagsimula na ang announcement ng ibang nanalo. Nang sa champion na kinabahan na talaga ako masyado dahil hindi ko talaga alam kung sino ang mananalo. '' Our champion for this singing contest is no other than contestant number 5 Ronnie Fuentabella . '' sabi ng emcee tuwang-tuwa naman ako ng matawa ang pangalan ko . Rinig ko naman sigawan ng mga kaklase ko ng makalabas na ako sa backstage. '' Ito rin diba contestant kanina sa declamation how nice, he's so talented '' komento ng emcee nahiya tuloy ako kaya mas lalong nagsigawan ang mga kaklase ko . Tinanggap ko naman ang trophy at certificate . Kita ko mula dito ang mga kaibigan ko, si ate lalaine na katabi si kuya Dario at sila ate jona na tuwang-tuwa sa aking pagkapanalo. Nang matapos ang picturan ay bumaba na ako ng stage at diritso sa mga kaibigan ko. Tamang pictures dito, doon kaliwa't kanan na bati ng mga nakakita sa akin . Syempre nagpapasalamat din ako. Nagsi-uwian na naman sila ate lalaine dahil uuwi daw muna sila sa kanilang bahay na hindi ko pa napupuntahan hanggang ngayon. Ganun din sila ate Jona umalis din matapos akong batiin syempre nagpasalamat din ako. '' Manonood ka ba bukas kumag , '' tanong ko sa kanya habang binabagtas namin ang daan palabas ng campus kasama ang tropa dahil naisipan namin na don nalang kumain sa Kainan ni Twinny dahil na miss na daw nila si ate Aubrey. '' Oo kung manonood sila. '' sabi nito sa akin kaya tinanong ko naman ang tropa kung manonood sila bukas ng pageant. '' Guys manonood kayo bukas . '' tanong ko sa tropa na may kanya-kanyang ginagawa. '' Ah oo naman syempre madami chicks bukas . '' sabi naman ni Mike. Napatingin naman ako sa gawi ni Julie na napirap kailan kaya magiging sila halata naman kasi na gusto nila ang isat-isa eh '' Lagot ka kay Julie Mike . '' sabi ko naman kay Mike na napakamot nalang sa ulo at sabay ngisi. '' Bakla mag hunt tayo ng fafables bukas lalo na yong mga kasali sa pageant. '' bigla namang sabi ng bruha syempre gora talaga ako no lalo nat kasali si Darwin ang aking crushy. '' Trueeeee bakla, Im sure madaming pogi bukas . '' malandi ko namang sabi kay Mariel at nagtawanan kaming dalawa. '' Huwag kana pumunta bakla kung puro kabaklaan lang pupunta mo bukas .'' singit nitong kumag sa akin. '' Hoy hindi pwede dahil kakanta ako ulit bukas huh . '' Diba nga kung sino manalo ay siya ring kakanta bukas kaya kailangan ko paring pumunta. '' Tsk puro ka naman kabaklaan . '' Hindi ko nalang pinansin ang kanyang sinabi. '' Oh kita-kita nalang tayo don huh . '' pagsabi ni kuya Bryan dahil sumakay na sila ng tricycle samantalang ako ito kasama si Kumag dahil sa kanya daw ako sumabay. Tumango lang naman kami at nagtungo na sa guard house dahil doon malapit pinark ni kumag ang kanyang motor. Nang ma start niya ang kanyang motor sumakay naman ako kaagad at humawak sa kanyang bewang. Tahimik lang naming binabagtas ang daan patungo sa kainan. Naisipan kong yumakap sa kanya dahil medyo inaantok ako. Mga besh ramdam ko talaga ang bato-bato sa kanyang tiyan. Hindi naman siya umimik bagkus hiyaan niya lang akong damhin ang kanyang mga abs. Napapikit naman ako dahil sa amoy niya na napaka manly at hindi nakakasawa. I want to stay like this sana matagal pa kami dumating para naman mas madama ko ng matagal ang kanyang mga pandesal . Napansin kong parang wala nang hangin akong nararamdaman kaya iminulat ko na ang aking mata. Nagulat nalang ako dahil andito na pala kami gosh nakakahiya. '' Bakit hindi mo naman sinabi sa akin kumag ka nandito na pala tayo . '' sabi ko sa kanya sabay palo ng mahina sa kanyang malaman na braso. '' Eh nakakahiya naman sa iyo mukhang enjoy ka sa paghawak sa abs ko. '' sabi naman nito medyo nahiya talaga ako ng konti kasi iyon naman ang totoo. '' Hala hindi kaya tara na nga dami mong sinasabi . '' sabi ko dito. Hindi na siya nagsalita pa pero nakangisi ito. Iyong ngising nang-iinis kaya di ko na siya pinansin pa at diritso na akong pumasok sa kainan dahil andon na ang tropa kausap si ate Aubrey. '' Hello ate Aubrey '' pagbati ko kay ate sabay beso. '' Balita ko nanalo ka dalawang beses Ronnie . '' sabi naman nitong si ate mukhang naikwento sa kanya ng tropa. ' '' Opo ate kaya po kami nandito dahil ililibre ko ang mga ito . '' sabi ko naman kay ate. '' No need dahil nanalo ka libre na kayo . '' bulalas ni ate na siyang nagpangiti sa akin. sigawan naman kami dahil sa sinabi ni ate aubrey. '' Salamat po ate sa libre . '' pasasalamat ko sa kanya. Tumango lang naman ito bilang sagot at nagtungo na ito sa kanyang office dahil may aasikasuhin pa ito. Buti nalang libre kaya makakapag tipid ako ngayon. Thanks to ate Aubrey. Kumain naman kami ng matiwasay, dahil madaming pagkain ang ibinigay sa amin ni ate aubrey. Syempre hindi mawawala ang usapan, alitan at laglaglagan kapag tropa ang usapan. Matapos naming kumain nagpasalamat naman kami kay ate aubrey dahil gabi na din. '' Oh kitakits nalang tayo bukas huh mag-iingat kayo at salamat ulit sa suporta niyo sa akin . '' Tumango lang naman sila bilang tugon sa sinabi ako at kanya-kanyang sakay pauwi. As usual kami laging dalawa naiiwan ni Kumag. '' Tara na bakla hatid na kita sakay na at gabi na . '' sabi nitong kasama ko na nakasampa na pala sa kanyang motor. Sumakay naman ako at nakarating naman kami kaagad ni kumag sa labas ng simbahan. '' Pano yan nanalo ako humanda kana kumag '' sabi ko dito. Buti nalang nanalo ako dahil makakapunta na din ako sa ibang lugar hindi lang dito sa Capoocan . '' Oo na, tsaka bukas ng gabi don kana matulog sa bahay andon na si Marwin. '' pagbibigay nito alam sa akin . '' Ah sige uwi nalang tayo agad pagkatapos ng pageant alam ko naman na maaga tayo aalis . '' sabi ko naman dito. '' Geh bukas nalang congrats ulit . '' sabi ni kumag sa akin . '' Sige ingat ka dahan dahan lang sa pagmotor , '' pagpapaalala ko dito . Ngumiti naman ito halatang kinilig yay pa simple din ang kumag na ito . Hinintay ko naman na mawala siya sa aking paningin bago pumasok sa loob. Ngayon ko lang na realize ang bigat pala talaga ng gamit ko dagdagan pa ng dalawang trophy. Nang mailapag ko ang gamit ko nagtungo naman ako kay father Raul alam kong hindi pa ito tulog madami na kasi akong dapat ikwento sa kanya. Nang marating ko ang pintuan ng silid ni father ay kumatok muna ako. '' Oh ikaw pala iyan iho pasok ka . '' sabi ni father ng makita niyang ako ang nasa labas ng kwarto niya. '' Magandang gabi po father, naisipan ko po na pumunta ngayon sa inyo dahil ang tagal na din po ang huli nating pag-uusap masyadong busy dahil sa competition . '' pagbibigay alam ko naman kay father. '' Nako oo iho nabalitaan ko kay ate lalaine mo na dalawa daw ang napanalunan mo tama ba iho . '' tanong naman ni father sa akin. '' Opo father ang astig nga po, hindi ko naman po inexpect na mananalo ako. '' sabi ko naman kay father Raul. Kung ano ano pa napag-usapan namin ni father Raul at nakapagpaalam na din ako na isa't kalahating araw akong mawawala dito sa simbahan. Sinabi ko naman ang dahilan kung bakit at pinayagan niya naman ako. Napag-usapan din namin ni father ang mga bangungot ko na pilit akong hinahabol. Siguro hindi pa talaga ako totally nakakapag move on sa mga nangyari sa akin sa nakaraan. Binigyan naman ako ni father ng mga words of wisdom tapos sabi niya din sa akin na lagi niya daw ako ipagdadasal. ---------- Kinabukasan --------------- '' What's up people '' bati ko sa mga kaklase ko nakatambay ngayon sa aming room. Simple lang naman suot ko ngayon naka pants tapos puting polo lang na unisex tapos white shoes din. '' What's up bakla arat na maghahanap ng mga pogi bilis . '' tamo kakarating lang ng bruha landi agad inatupag. Pero dahil napag-usapan namin kahapon na mag boy hunt kami ngayon kaya gumora na kami no. '' Teh asan na ang iba bat wala pa sila . '' tanong ko naman kay bruha pababa na kasi kami ngayon. Pupunta kami sa quadrangle upang maglibot para makakita ng mga pogi. ''Teh otw palang daw sila. '' sagot naman nito sa akin. Nasa hallway na kami ngayon ng mapansin ko si Kumag na kausap si Dindina at mukhang nagtatalo sila. Hindi ko na sila pinakialaman pa no. Tsaka sino ba naman ako para pigilan sila diba. Im just a nobody joke. '' Bakla bilis ayon oh bilis picturan mo kami .'' turo ng bruha sa nakita niyang pogi. Omg pogi nga ito mga daez. '' Kuya pwede magpapicture . '' kapal talaga ng mukha ng babaeng to. Kinalabit lang naman niya si kuya Para magpapicture. '' Ah sure . '' tumayo naman si kuya tapos ako naman taga kuha sa kanila. Nang matapos silang magpicture bigla nalang may tinanong si kuyang pogi sa akin. '' Wait ikaw ba yong nanalo sa singing contest . '' pagtatanong niya. '' A-ah opo . Ako nga po . '' nahihiya ko naman sambit sa kanya. '' Pwede magpapicture sa iyo. '' request naman nitong si kuya. Pumayag naman ako dahil ito diba ang purpose namin ni Mariel. '' I'm Jacob Javier by the way and you are , '' pagpapakilala ni kuya sabay abot ng kanyang kamay hudyat na makikipag kamay siya sa akin. Inabot ko naman ito sabay banggit sa aking pangalan. '' The name's Ronnie Fuentabella. Nice meeting you po kyah Jacob . '' Nalaman kong dito pala ito nag-aaral architecture pala siya. Kaya pala parang familiar siya sakin dahil dumadaan pala siya dito minsan. '' alam mo bakla ikaw na talaga ang maganda buti pa sa iyo may nagpapapicture samantalang ako . waley teh .'' sabi nitong si mariel. Papunta na kami ngayon sa gym upang makahanap na ng maupuan dahil andoon na din daw ang tropa. Mapapahiwalay naman ako sa kanila dahil mag perform pa ako mamaya.Habang patungo ako sa back stage tumunog naman ang selpon ko hudyat na mag nag text sa akin. 'Hey are you already in school punta kana ng back stage andito na sila mom and they want to meet you . '' sabi ni darwin sa text. Pagkatapos mabasa ang message niya nilagay ko naman ulit ang selpon ko sa aking bulsa at Dali daling naglakad patungo sa back stage. '' Bakla i-reserve mo ako ng upuan huh,dahil pagkatapos kong magperform ay diritso na ako sa inyo. '' tumango lang naman ito sa akin. Kaya nang marating namin ang gym nagpaalam na ako sa kanya dahil pupuntahan ko si Darwin.  '' Hi . '' pagkuha ko ng attention ni Darwin. Lumingon naman ito sa akin. '' Hey it's you buti naman nakarating ka . '' sabi nito sa akin . '' Of course Im going to peform again since Im the winner yesterday. '' sagot ko naman dito. '' Ay oo nga pala congrats. Oh by the way before I forgot this is my mommy Betina and daddy Alfred. '' pagpapakilala niya sakin sa mga magulang niya. Hindi naman nakaka intimidate mga itsura nito bagkus napakaamo. '' Hello po maam and sir ako po si Ronnie .'' pagpapakilala ko naman sa dalawang tao na sakto lang ang tanda. '' nice meeting you iho huwag naman maam at sir call us tita at tito nalang. '' pagsasabi ni tita. Nagpaalam naman ang dalawa dahil pupunta na daw sila sa puwesto nila upang mag ready sa gaganaping pageant nitong gwapo nilang anak. '' Oh pano aalis na din ako huh, sa taas na kasi ako ng stage pupuwesto . Good luck . '' niyakap ko naman ito para mas lumakas loob niya sa laban niya. Ang tanong ako ba lakas niya. '' Salamat see you when I see you .'' Tumango lang naman ako bilang sagot sa sinabi niya at lumabas na dahil aayusan na siya dahil magsisimula na ito maya maya. After 30 minutes magsisimula na daw ako . Kakanta daw kasi muna ako bago introduce ang mga candidates. Nang tinawag ako sigawan naman ang mga tao. Peymos lang teh. Kaya lumabas na ako at nagpakita sa kanila. Hinanap ko naman ang tropa at nakita ko sila nasa may gilid banda pero nasa unahan parin sila. Nakita ko naman si kumag na nakatitig sa akin. Naalala ko na naman kanina nang makita ko silang nag-uusap ni Dindina. Napili kong kantahin ay Hati nalang tayo sa kanya ni Eumee Nagtitiis kahit nasasaktan 'Wag niya lamang akong tuluyang iwanan Hapdi at bigat ng nararamdaman Ang paglalamig ng aking nalaman Pagsisimula ko sa kanta. Naka focus naman sa akin ang spotlight ngayon. Sige titigan mo lang ako Gabriel. Naiinis ako sa iyo dahil sa mga ginagawa mo sa akin. Kaya akoy litong-lito na ngayon. Sino nga ba ang biktima sa'ting dalawa Ngayong pareho na tayong kailangan siya Handa akong magbigay at magpaparaya 'Wag mo lamang tuluyang kunin siya Wala akong pakialam kung mawala siya at mapunta sa iba, una palang sanay na akong mag-isa. Alam ko naman na malabong magkagusto siya sa akin. Pwede bang hati na lang tayo sa kanya Sa'kin sa gabi Sa'yo sa umaga Pwede bang minsan mo na lang Hiramin ang pag-ibig niya Hati na lang Hati na lang tayo sa kanya Kung pwede lang talaga hati nalang kami kay Gabriel pero hindi ko pwedeng ipilit ang isang sitwasyon na hindi naman talaga dapat mangyari. Tinuloy tuloy ko na ang kanta, habang nakapikit at dinadamdam ang bawat sakit ng lyrico ng kantang ito dahil randam ko rin na may sakit akong nararamdaman sa aking puso't isipan. Pwede bang hati na lang tayo sa kanya Sa'kin sa gabi Sa'yo sa umaga Pwede bang minsan mo na lang Hiramin ang pag-ibig niya Hati na lang Hati na lang tayo sa kanya Pagbirit ko sa huling chorus ng kanta. Nang matapos ako nagpalakpakan naman ang mga taong nandito. '' what a beautiful performance nakaka inlab ang boses niya right partner . '' sabi ng lalaking emcee sa partner niyang babae na siyang sinang-ayunan naman din ng babae. Pumunta naman ako kaagada sa tropa at katabi ko naman itong si kumag. Matapos ang performance ko nagsimula naman kaagad ang patimpalak sigawan lang naman kami nitong bruha dahil ang pogi ni Darwin. Gosh nakakapaglaway naman mga teh ang katawan niya. Tong katabi ko naman ay hindi maipinta ang mukha. Problema nito. Nang matapos ang pageant umakyat naman ako ng stage upang batiin si Darwin sa pagkapanalo niya. Yes you read it right nanalo ang crushy ko. Inaantay naman ako ni kumag sa pinag upuan namin dahil nga sabay kami nito ngayon, By the way dala ko na din susuotin ko bukas. '' Hey congratulations ang gwapo mo hehehe . '' pagbati ko sa kanya ng umalis na ang mga nagpapapicture sa kanya. '' Thank you so much '' sagot naman nito. '' Picture tayo bilis remembrance ko sa iyo. '' Tumango naman ito nakakahiya talaga ang tangkad ko. Hanggang balikat lang naman ako nito madami dami din kaming nakuhang picture kasama din sila tita betina at tito alfred. '' So una na ako congrats ulit huh may lakad pa kasi ako bukas . '' pagbibigay alam ko dito. Nagpasalamat naman ito ulit sa akin at nagpaalam naman ako kena tita betina at tito alfred bago lisanin ang entablado. '' Tara na .'' pag-aya ko kay kumag na kanina pa ako inaantay halatang bored na ito. Sumunod naman siya sa akin at walang imik ano kaya problema nito hindi ako sanay eh. Hanggang sa makarating kami sa kanilang bahay ay wala parin itong imik. Bahala nga siya. '' Hello nanay lusing . '' pagbati ko kay nanay na siyang nagbukas ng pintuan binati din naman ako nito pabalik. '' Oh iho nasa kwarto muna si Marwin kanina pa tulog iyon '' pagbibigay alam ni nanay lusing kay kumag. '' Salamat nay akyat na po kami. '' nagpaalam naman ako kay nanay lusing at umakyat na kami ni kumag. Papasok na sana ako sa guest room ng bigla nalang nagsalita itong si Kumag. '' Sinong nagsabi na diyan ka matutulog don ka sa kwarto ko .'' pagbigay alam nito kaya sumunod naman ako dito at hindi pa nagreklamo dahil gusto ko nang magpahinga. '' Buti naman nagsalita ka kala ko mapapanis na iyang laway mo eh . '' sabi ko naman. Napa TSK lang naman ito. Dahan-dahan ko naman nilapag ang gamit ko baka kasi magising ang chikiting na mahimbing ng matutulog. Nagulat naman ako ng bigla nalang naghubad itong si kumag .  '' Hoy ano bat ka naghuhubad diyan . '' pabulong kong sigaw sa kanya. '' Tsk problema mo bakla . '' hindi naman ito nakinig sa akin bagkus pati pantalon niya hinubad niya hinayaan ko nalang ito. Naka boxer nalang ito ngayon at jersey sa taas at nahiga naman ito agad sa kama niya ng dahan dahan. ako naman ay pumasok ng banyo upang gawin ang night routine ko. Nang matapos ako pumunta naman ako sa kabilang side ng kama para mahiga na din. Nang maisampa ko ang aking katawan hinalikan ko muna si Marwin. '' Buti pa yong bata may halik ako wala . '' sabi naman nitong damulag na nakatingin sa akin. '' Lols di ka na bata umayos ka nga di bagay sa iyo . '' natatawa kong sagot nag pout lang naman ito ang cute. '' Bakla may tanong ako . Sino mas gwapo sa amin ng Darwin na iyon. pagtanong niya sa akin. '' Syempre si baby Darwin ko . '' sagot ko naman. '' Tsk mas pogi naman ako don .'' biglang sabi nito sabay talikod. Problema ng lalaking to. '' Problema mo kumag ka, goodnight na nga . '' sabi ko naman dito. '' Tsk goodnight '' may pagtatampo niyang sambit. Bakit kaya ang sungit ng lalaking to ngayon ano kaya problema niya. Sana naman bukas hindi na to masungit. Good night guys. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD