Chapter 17

3457 Words
Ronnie's POV Nagising Naman ako dahil may humalik sa akin at yumakap. Pagkamulat ng aking mata nakita ko Naman ang bulilit na naka-smile sa akin. " Good morning baby boy " pagbati ko sa bulilit. " Good mowning din po nana " pagbati din ni Marwin sa akin. " Nana naun po diba tayo pupunta ng appy area " tanong Niya sa akin. " Owo baby boy " Sabi ko naman ngumiti naman ito sa sinabi ko. " Baba na po ako nana giching na po si Nanay lusing drink ako milk. " Sabi nito sa akin. Kaya tumayo muna ako para ihatid itong bata pababa. Tulog na tulog pa naman itong Tito kaya iniwan Muna namin ito. " Good morning nay lusing iinom daw gatas itong chikiting na Ito. " Pagbati ko Kay nanay lusing na nagluluto. " Sige anak iupo mo Nalang iyan si Marwin diyan. " Sabi naman ni nanay lusing sa akin. Kaya binaba ko naman ito sa upuan. " Baby boy diyan ka muna huh gigisingin ko muna Tito mo para maaga tayong umalis. Behave ka Lang diyan huh." Tumango naman ang Bata sa sinabi ko. Umalis Naman ako sa kusina at umakyat na para gisingin si Gabriel. Pagkadating ko sa kwarto ay nahilik pa rin ito. " Kumag oy, gising na para maaga tayong makaalis " pag-alog ko dito ng mahina. Gumalaw naman ito pero hindi parin gising. Tinapik-tapik ko naman ito sa kanyang braso. " Gabriel gising na, hirap mo naman gisingin eh. " Pag alog ko ulit ko dito sa kanya. Buti nalang nagkusot na ito ng mata, at nag unat tumingin naman ito sa gawi ko. " Bilisan muna diyan at nang makakain na, para maaga tayong makaalis. " Sabi ko dito. " Anong oras na ba. " Tanong Niya sa akin.  Dahil hindi ko hawak selpon ko kinuha naman Niya selpon at tiningnan ito. " Alas sais pa lang Naman bakla eh. " Sabi nito sabay hila sa akin kaya napayakap naman ako dito. " Aray ko buwesit ka ,tamong Kakain na at mag-aayos pa ako bigla ka nalang nanghihila diyan. " Di manlang ito nakinig sa sinabi ko. Pag-angat ko ng mukha ko ang loko nakapikit na Naman. Dahil nakapikit na naman ito may naisip naman akong kalokohan dahil hindi tinatamad pa Ito,puwes lagot ka sa akin kumag. Pumatong naman ako dito na siyang nagpabigla sa kanya. " Aray bakla ang bigat mo ano bat ginagawa mo huh " pagsabi nito, bahala siya eh ayaw Niya gumising kaya gagawin ko ang naiisip Kong kalokohan. " Hoy bakla ano ginagawa mo " napalunok naman ito ng laway dahil dahan dahan ko Lang naman hinaplos ang mukha nito. Hindi na naman ito nakaimik pa mukhang effective ang aking ginagawa. Ngayon naman ay hinaplos ko ng dahan-dahan ang kanyang dibdib. Sabay alis para mas bumaba pa ang aking paghaplos. Naging tuod naman ang loko. Pagtingin ko sa bandang baba Niya ay may malaking bukol na. Tinigasan ang loko. Well. Nasa abs na ang aking kamay at dahan-dahan ko naman itong hinaplos. Sabay tayo. Pagtingin ko dito , galit ang loko. Natawa naman ako sa ginawa ko effective. Wala eh ginising ko Lang naman hormones Niya para magising ito Lalo. " Hahaha ano edi gising ka ngayon. Tumayo ka na diyan kumag. "natatawa kong sambit sa kanya. Tumalikod na ako dito pero bigla nalang nitong hinablot ang kamay at sabay higa sa kama at nasa ibabaw ko naman ito. '' Pinagtritripan mo ba ako bakla .'' banggit nito sa akin. Napalunok naman ako ng laway dahil seryoso lang itong nakatingin sa akin. '' A-ah .. H-i-inddi huh . '' nauutal ko namang sambit sa kanya. '' Anong hindi puwes babawi ako. '' Gumuho ang aking mundo ng bigla nalang ako nitong halikan. s**t di na virgin lips ko. Ang lambot ng kanyang mga labi sa una hindi ako tumugon kaluanan tinugon ko naman ito . Humiwalay na naman ito sa akin ng may ngisi sa labi. s**t bigla nalang ako nagtakip ng mukha dahil sa kahihiyan. Bakit tinugon ko halik niya sa akin? Owemji nakakahiya. '' Arte mo bakla, bayad kana tara na bumaba na tayo. '' sambit nito pero hindi parin ako kumikilos. Kaya hinawakan niya ang dalawa kong kamay para maalis sa aking mukha. '' Arte arte mo di ka naman babae tumayo kana diyan . '' sambit nito. Pinalo ko naman ito sa kanyang braso. '' Bwesit ka bat ka nanghahalik wala na di na virgin lips ko huuhuhu . '' sambit ko dito nang may paiyak effect. '' Arte mo pasalamat ka hinalikan ka ng isang gwapong nilalang . '' Wow huh gwapong nilalang. Hindi ko naman sinabi sa kanya na halikan niya ako diba. '' Bakit sinabi ko bang halikan mo ako ,'' sabi ko naman dito. Wala na hindi na talaga virgin lips ko guys. '' Tsk ang drama mo bala ka diyan . '' tumayo naman ito at lumabas ng kwarto. Kaya wala akong nagawa kundi ang tumayo at sumunod sa kanya. Napahinto naman ako at hinawakan ang labi ko. s**t bumilis naman ang t***k ng puso ko ng maalala ko ang tagpong iyon. '' Ayts bat niya ginawa iyon, mas lalo tuloy akong nahuhulog sa kanya. '' sambit ko sa sarili nang wala sa oras. Pagkadating ko sa baba ay saktong nag-aayos na si nanay lusing para sa pagkain ngayong umaga. Tumabi naman ako kay Marwin dahil aalayan ko itong kumain. Marunong na naman ito kumain ng kanya lang pero dahil bata pa ito kailangan parin ito ng gabay. '' Baby boy, tapos ka na bang uminom ng gatas . '' tanong ko sa bata. '' opo nana tapot na po ako uminom ng gatat. '' sabi naman nito sa akin. '' Good ngayon naman kakain ka onting kanin huh. '' tumango naman ito sa akin. Kinurot ko naman ang pisngi nito dahil ang cute niya lang. Pagtingin ko naman sa gawi ng kumag makangisi ito kaya pinandilatan ko ito ng mata. '' Ano ngini-ngisi mo diyan Gabriel baka gusto mong tusukin ko yang mata mo .'' tinawanan lang naman ako ng loko kaya nagpatuloy na ako sa pagpipiraso ng hotdog para sa bulilit na aking katabi. Nagsimula na naman kaming kumain at nagtanong naman itong si nanay lusing kung saan kami pupunta ngayon. Sinagot ko naman ang mga katanungan ng matanda, habang ang kumag pa ngisi ngisi lang habang kumakain . Pinaalalahanan din namin kami ni nanay lusing na mag-iingat kami kaya tumango lang ako dito. Nang matapos kami kumain ay ako na ang nagligpit ng mga pinagkainan namin dahil si nanay lusing ang nagpapaligo kay marwin. Nilagay ko lang naman ito sa lababo dahil si nanay nalang daw maghuhugas nito mamaya. Nilapitan ko naman ang loko na nakatayo sa tabi ng ref nila na panay ngisi parin. '' Ikaw nakakainis kanina ka pa ganyan di ka ba nagsasawa huh. '' kinurot ko lang naman ito nangigigil na kasi ako kanina pa. '' Aray, aray bakla masakit ouch huhuhu '' sambit nito dahil pinagkukurot ko lang naman ito. '' Tama lang yan sayo kanina ka pa naiinis na ako sayo . '' sambit ko dito. '' baka gusto mo mahalikan ulit bakla . Pag di ka talaga tumigil hahalikan talaga kita. " Sambit nito dahil ayoko naman na maulit pa ang nangyari Kanina ay tumigil na ako. '' maliligo na ako, sa guest room ako maliligo para mabilis tayo at ikaw kumilos kana din " Sabi ko dito na hinihimas ang parteng kinurot ko. " Kiss Muna " Sabi Naman nito. " Baka gusto mo suntukan Nalang tayo ano Dali. " Paghahamon ko sa kanya puro kalokohan eh " Ito naman di mabiro. Ito na maliligo na po . " Malambing niyang Sabi sa akin sabay Alis sa kusina. Takot naman pala mabugbog eh. Kaya pumanhik naman din ako paakyat kinuha ko muna ang gamit ko sa kwarto ni kumag na sa banyo na ngayon. Nang makuha ko ang gamit ko ay Dali Dali naman akong pumunta sa kabilang kwarto para makaligo na. Nasa kwarto naman ni ate Jona pinaliguan ni nanay lusing si Marwin dahil andon din ang ibang gamit nito. Habang naliligo ay pakanta- kanta pa ako para iwas bored pag naliligo. After 30 minutes natapos din akong maligo. Lumabas ako Ng banyo para makapag palit na. Simple lang naman suot ko today naka highwaist na pants tapos blue na v neck shirt na tinuck in ko. Kita ko naman sa salamin na ang sexy ko lang sa suot ko ngayon. Maglalagay na Sana ako ng liptint ng biglang may kumatok sa pinto.Binuksan ko Naman ito at nakita ko Naman si Nanay lusing na kasama si bubwit. " Nana tapot na po ako pogi na po ako. " Natawa naman kami ni nanay lusing sa sinabi ni baby boy. Kinuha ko naman ito Kay nanay ay pinaupo ko ito sa kama. " Diyan ka muna baby boy huh mag-aayos Lang si nana " hinalikan ko naman ito bago magsimulang mag-ayos. " Tito " sambit Naman ni Marwin ng Makita niya ang tito Niya na papasok sa kwarto. Ang gwapo nito ngayon sa suot niya. Nakasuot ito ng itim na pantalon tapos t-shirt na kulay dilaw Yong medyo strong ang pagkadilaw then sinapawan Niya ng denim jacket. Ang hot Niya Lang tapos puting Nike na shoes. " Matagal pa Yan bakla. Kahit kailan talaga ang tagal mo mag-ayos. " Sambit nito habang kinakarga si Marwin. Nang matapos ako maglagay ng konting blush on sa pisngi ay game na ako. Ready to go na. " Let's go tapos na ako huwag ka na magreklamo diyan sakto lang dating mo. " Sambit ko dito. " Yehey aalit na kami " magsigla namang sambit ni Marwin. Nang makababa kami pumunta Muna ako ng kusina upang magpaalam kay Nanay lusing. Nang matapos akong magpaalam ay kinuha ko naman ang gamit ng bata nasa upuan at diritso na sa garahe dahil kotse nila ate Jona ang gagamitin namin ngayon. '' mawin kay nana ka muna bubuksan lang ni tito ang gate para makaalis na tayo. '' pagsambit nitong si kumag sa bata sabay bigay sa akin. '' Nana, usto ko ich cream .'' pagsambit nitong bata sa akin. '' sige baby mamaya sasabihin natin kay tito mo huh . '' tumango naman ito habang si kumag naman ay inilabas na ang kotse at isinara ang gate. Sa harap na kami sumakay ni baby Marwin dahil ito rin ang utos ni kumag ayaw niya naman na magmukha daw siyang driver namin. Tahimik naman naming tinatahak ang daan papuntang Happy Area nagiging maingay lang kapag magtatanong itong bulilit na kasama namin. '' Nana kain tayo maya dami foods huh , '' sabi naman nitong si Marwin sa akin. Buti nalang di mapapanis laway ko dahil sa madaldal na batang ito. '' Oo baby boy uubusin natin ang pera ng tito mo . Apir '' tawanan naman kami ni Marwin samantala ang kumag napapatawa nalang sa kalokohan namin nitong pamangkin niya. '' Tapos nana bibili tayo dami ich cream yehey , '' sabi nito. '' Baby magpaalam ka muna kay tito mo huh . '' sagot ko naman sa kanya. '' Tito pwede po bili tayo ich cream mamaya . '' pagpapaalam nitong si Marwin sa tito niyang kumag. Tumingin naman ito saglit kay Marwin saka nagsalita. '' Sige baby mamaya basta behave ka lang kay nana mo huh . '' sambit nito Kung ano-ano pa sinasabi ng batang ito. Tapos bigla nalang itong sisigaw pag may makitang mga hayop sa daan. Tapos mamaya bigla nalang ito kakanta ng mga kantang pambata kaya sinasabayan ko naman ito. Alas 11 na nang marating namin ang Happy Area . Kaya tuwang-tuwa naman itong bulilit na kasama namin. Ang ganda pala dito sa labas palang makikita mo na ang mga naglalakihang rides maririnig mo pa mga sigaw ng mga nakasakay. '' Kain muna tayo at nagugutom na ako at para makakain na din yang bata . '' sambit ni kumag ng makababa kami ng sasakyan. Itong bubwet na kasama namin ay di na mapakali palinga linga na ito. Nang makabili na ng ticket si Kumag ay pumasok na kami. Mas namangha pa ako ng pumasok dahil para akong nasa isang fantasy land dahil sa disenyo ng mag estraktura dito na may ibat ibang kulay din. '' Nana look it's barney. '' lumingon naman ako sa tinurong direksiyon nitong bata. Si barney nga ang baklang dinosaur char. '' Yes baby later na tayo huh gagala dahil kakain muna tayo huh. '' '' Tara don tayo oh sa Pizza la barida '' pagsambit nitong si kumag kaya tumango naman kami at agad itong tinungo. Akala ko lahat pizza lang ang tinda hindi pala may ibang menu din pala sila. '' Ano sa iyo bakla . '' pagtanong ni kumag tumingin naman ako sa mga menu. '' Italian spaghetti sa akin kumag . Dalawahin mo dahil susubuan ko din itong si Marwin. '' pagsambit ko sa kanya. '' Mauubos mo ba iyan bakla. '' tanong naman niya sa akin. '' Oo bilis na at nagugutom na ako . '' Bago ito maakalis bigla nalang nagsalita itong si baby boy sa aking tabi. '' Tito ich cream pleat . '' request ng bata. '' Pagbigyan mo iyang pamangkin mo '' tumango lang naman ito sa akin at pumunta ng counter upang umorder. Tahimik naman kaming kumakain. Inalalayan ko din itong bata sa pagkain dahil baka madumihan ang damit nito. '' May dumi ka sa gilid ng labi mo bakla. '' sambit sa akin ni kumag kaya kinuha ko naman ang tissue at nagpunas. '' Tsk ako na nga '' pinunasan niya naman ito gamit ang kanyang hinlalaki. Napayuko naman ako dahil ayokong makita niyang namumula ako. '' nyare sa iyo bat ka namumula . kinikilig ka no . '' nakangisi niyang sambit sa akin. '' lah sinasabi mo diyan kumain kana nga lang diyan . '' Tumawa lang naman ito at nagpatuloy sa pagkain. Nang matapos kaming kumain ay nagpicture naman kami sa mga magagandang lugar yong instagramable kung baga na mga background. Sympre kinikilig ako dahil andiyan yong bigla nalang mang-aakbay si kumag. Nagmukha tuloy kaming isang family . '' San tayo sasakay . '' tanong niya sa akin. Bawal naman kasi kaming sumakay sa mga nakakamatay dahil may kasama kaming bata. Kaya naisipan kong sa carousel muna kami sumakay para maging masaya naman itong bata. '' sa carousel nalang muna dahil ito na rin naman malapit dito .'' sabi ko kanya. '' Tito where are we going . '' tanong ng bata sa kanya. '' Ah mawin baby dun tayo sasakay oh , '' turo niya sa carousel. '' Yehey, '' masaya naman na sambit ng bata kaya naglakad na kami patungo sa carousel. Kami lang ni Baby boy ang sumakay dahil dalawa lang ang kasya sa iisang kabayo. Hindi pa naman ito nagsisimula umikot mukhang inaantay pa ang iba na makasakay. '' Bakla picturan ko muna kayo ni mawin diyan . '' pagtawag pansin ni kumag sa amin ni baby boy. '' Baby boy tingin ka muna don kay tito at mag smile dahil pipicturan niya tayo . '' Tumalima naman ang bata sa sinabi ko. '' One, two three , '' pagbilang ni kumag . Nakailang ulit kami kinuhanan ng litrato ni Gabriel, hanggang sa nagsimula na itong umikot. Tuwang-tuwa naman itong bata kong kasama. Pati rin ako ay natutuwa dahil nawawala ang stress ko dito. ''nag enjoy ka ba baby boy . '' tanong ni kumag sa pamangkin niya na karga karga ko. '' Super tito usto ko nga po ulit tumakay eh . '' sambit naman nito sa kanyang tito. '' Ikaw naman nag enjoy ka . '' tanong naman nito sa akin. '' Pwede ba akong sumakay ulit . '' pagsabi ko naman sa kanya , nag enjoy kasi talaga ako. '' Mamaya nalang punta pa tayo sa ibang lugar dito mas mag eenjoy ka. '' sagot naman niya sa akin. Ibinababa ko naman si Marwin para makapaglakad lakad ito. Papunta kami ngayon sa iisang pond dahil sasakay daw kami don sa mga bangkang hayop basta yon na yong. It looks like the boat in Baguio. Hawak namin si Marwin sa magkaibilaang kamay nito na ang daldal dahil sa mga nakakakita dito. Napansin ko lang kanina pa kami pinagtitinginan ng mga tao. '' hmm excuse po sa inyo , '' pag excuse sa amin ng isang grupo ng kabataan. '' Yes bakit mga bata . '' pagtanong naman ni kumag sa mga ito. '' Kayo po ba ay mag jowa po tapos anak niyo po ba itong cute na baby '' pagtanong ng babae. Nagulat naman ako sa tanong niya magsasalita na sana ako ng takpan nalang bigla ni kumag ang aking bibig. '' oo bakit nga pala mga bata. '' '' Kasi po kailangan po kasi namin ng real life couple ng same-s*x para lang po sa research namin . Magpapapicture po sana kami sa inyo kung pwede. '' pagbibigay nila alam sa amin. Hindi nalang ako nagsalita dahil for educational purposes naman pala kaya pumayag naman ako. Ilang pictures din ang kinuhanan nila sa amin tapos tinanong din ang iilang personal information namin like name Kung taga saan kami. Nagulat nga silang galing pa kami sa malayo. At ngayon katatapos lang namin kumain dahil Gabi na Kanina pa kami palibot libot dito. May dala na ngang stuff toy itong bata naming kasama dahil naglaro Kanina itong si Kumag at nanalo Naman. Papunta kami ngayon sa Ferris wheel dahil ito daw huli naming sasakyan bago umuwi. Karga-karga ko naman si Marwin dahil mukhang pagod na ito at inaantok. Nakasakay na naman kami matapos ang pagkahaba habang pila. Habang paakyat na namangha naman ako sa ganda ng city lights. " Wow sobrang ganda " banggit ko. Tulog na Kasi ang bulilit na kasama namin napagod na talaga ito. Hawak na naman ito ni Gabriel. " Oo nga ang ganda " sambit nito na sa akin Naman nakatingin nagtaka tuloy ako sa sinabi niya. Habang tinitingnan ang mga kuha ko sa selpon bigla nalang ako nitong tinawag. " Oh " Sabi ko pero ang loko Wala Lang imik nakatingin lang sa akin ng diritso. Kinabahan naman ako dahil bigla nalang nitong inilapit ang kanyang mukha sa akin. Ayan na mahahalikan na Niya ako. Napapikit naman ako ng maramdaman ko ang kanyang labi. Sa una hindi ko pa matugon ang kanyang halik dahil nasa state of shock of ako hanggang sa kalaunan ay tinugon ko naman. Naputol lang ito ng marinig namin ang putok ng fireworks. Sobrang ganda gosh. "Hoy bat ka ba nanghahalik ka dalawang beses na yon. " Sambit ko sa kanya ng hindi nakatingin nahihiya Kasi ako. " Eh tinugon mo nga halik ko eh. " Sabi Niya sa akin napatakip Naman ako ng mukha tapos tumawa naman siya sa naging reaction ko sa sinabi niya. " Eh ikaw Kasi eh. Ewan ko sayo. " Mas Lalo lang siyang tumawa. Ako Naman todo takip ng aking mukha dahil sa Kahihiyan. Nang makadalawang ikot ay bumaba na kami. Tinatahak na namin ngayon ang daan palabas para makauwi na din kami dahil alas 6 na Ng Gabi. " Nag enjoy ka ba " tanong ni kumag sa akin. " Oo salamat sa pagdala sa akin dito nag enjoy ako . Nawala sa isip ko sandali ang mga problema kaya salamat. " Pagpapasalamat ko sa kanya. Kasi kahit papano parang nakatakas ako ngayon sa mga problema ko dahil sa kanya at sa bulilit na aming kasama ngayon. " Suss Wala yon " Sabi naman niya sa akin. Tumahimik naman muli ang atmosphere namin matapos ang usapang yon. Hinayaan ko na Lang dahil ayoko na din naman magsalita at feel ko na ang pagod ngayon. Binigay naman Niya sa akin si Baby Marwin na hindi na magising sa kahit anong galaw dahil sa kapaguran nito. Dahil Alam kong mga dalawang oras pa bago kami makarating natulog Muna ako. Nagising na lang ako dahil sa mahinang pagtapik sa akin. " Oy nandito na tayo " sambit ng isang tinig. Pagmulat ko si Kumag pala andito pala kami. Naiparada na din Niya ito sa kanilang garahe. " Akin na si mawin ako na magbubuhat, dalhin mo nalang iyang gamit Niya. " Tumango naman ako sa sinabi Niya at kinuha ang gamit at sumunod sa kanya paakyat. Tulog na Kasi si nanay lusing may Susi naman si Kumag kaya kami nakapasok. " Dahan dahan Lang kumag baka magising iyan. Ako na magpapalit diyan . " Pagsambit ko sa kanya. Nang mailapag Niya sinimulan ko Naman bihisan si Marwin at siya Naman naghubad Nalang bigla sa aking harapan. Hindi na ako nabigla dahil nasanay na din ako sa kumag na Ito. After a couple of minutes natapos din ako magbihis sa baby boy ko. Hinalikan ko naman ito. " Pahiram ako pamalit kumag " pagsabi ko sa kanya na nakatayo malapit sa kabinet Niya. Tumalikod naman ito ay may kinuha. Inabot niya sa akin ang Jersey shorts at sando na pang basketball. Hindi na ako nag inarte pa, kaya pumasok na ako sa kanyang banyo para gawin ang night routine ko. Pagkalabas ko naabutan Kong tulog at humihilik na si Kumag kaya lumapit naman ako dito para galawin siya. Wait parang double meaning ata iyang word na Yan. I mean is gagalawin ko siya para matigil ang kanyang paghilik masama Kasi iyan. Nagdasal muna ako bago humiga at Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako makalipas ang ilang minuto dahil siguro sa pagod. Don Roman POV Sige bakla magsaya ka Lang dahil Hindi rin magtatagal mamatay ka din at susunod ka kaagad sa mga magulang mo. Someone's POV " Hello ano safe ba silang nakauwi huh? '" pagsambit ko sa kabilang linya.. " Opo sir " sambit naman nito. " Good " Konting panahon Nalang, maghintay ka Lang Ronnie Fuentabella.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD