Ronnie's POV
"Mabuti nang mag-isa nang makilala ko muna ang sarili, pag-ibig muna para sa akin.
Mabuti nang mag-isa Ng di ko sa iba lungkot sinisisi kailangan ko Lang
Ako muna "
Pag- kanta ko sa loob ng CR ngayon dito sa campus. You know what it's been three weeks na ang nakalipas sariwa pa rin sa akin ang paghahalikan namin ni Gabriel. Bakit ganon siya sa akin. Hindi niya ba alam na hulog na hulog na ako sa kanya.
Pagkatapos Kong maghugas ng kamay agad akong lumabas. Pagliko ko may nabangga akong Tao kaya napatumba ako.
" Hey are you okay " tanong ng isang familiar na boses. Pagkatingala ko nakita ko si Jacob mukhang papasok palang ito at dito dumaan.
" Medyo masakit lang Yong puwet ko " Sabi ko naman sa kanya.
" I'm sorry I didn't meant to let me help you " sabay hawak sa kamay niya at tinulungan akong tumayo.
" Thank you, di Rin kasi ako nakatingin Kasi may binabasa ako sa aking selpon. '' pagsambit ko sa kanya.
" Nahh, anyway kamusta kana ngayon lang Kita ulit Nakita. " He ask.
" I'm good thanks for asking bout you? " Tanong ko naman sa kanya.
" Same as you , Wala ba kayong klase " tanong Niya ulit sa akin.
Nagtataka siguro ito Kung bakit ako nasa labas.
" Ah, oo Wala eh ang PR1 teacher namin kaya nasa labas ako galing din akong CR " sagot sa tanong niya.
" Ikaw papasok ka pa lang ba? '' tanong ko naman sa kanya.
" Oo eh, isang subject Lang this morning tapos mamaya pa ang sunod sunod na subjects. " Napatango naman ako sa sinagot niya.
" Hoy bakla ano pa ginagawa mo dito tara na , " simula nung pangyayaring iyon para na itong kabute si Kumag bigla bigla na Lang sumusulpot.
" Ah Ronnie I need to go nice talking with you again . " Pagpapaalam sa akin ni Jacob. Nagpaalam din ako sa kanya, bago hinarap ang kumag na ito.
" Ikaw hindi mo ba Kita na may kausap ako bigla bigla ka na lang sumusulpot diyan " Sabi ko sa kanya habang pinanlalakihan ang mata.
" Sus, Tara na lumalandi ka lang eh. "
Sabi niya, eh ano naman pakialam niya kung lumalandi ako? Single Naman ako ah.
" Paki mo ba Kung lumandi ako, wala ka na don. " Sagot ko naman sa kanya.
" Tsk , Tara na baka ano pa magawa ko sa iyo dito. " Sabi niya sabay hila sa akin. Bigla nalang bumilis t***k ng aking puso.
Hinayaan ko nalang siya na hilain ako pabalik sa classroom namin. Isa iyan sa mga nagpapalito sa akin ngayon yang mga kilos niyang ganyan. Hindi ko na Kasi maintindihan si Gabriel.
Pero, pinipigilan ko naman ang aking sarili dahil ayoko na Makita ang sarili ko na iyakan ang lalaking to.
Nakarating naman kami sa classroom na may kanya- kanyang mundo. Kaya umupo nalang ako sa aking upuan sabay lingon sa bintana.
Bakit ba Kasi ang unfair ng love sa mundong ito no? Iyong gusto mo may magmamahal sa iyo pero parang pinagkakait sa iyo.
Sabagay simula pa lang hindi na tayo kinikilala ng lipunan. Pero kailan man hindi ko sinisi ang Diyos kung bakit ako naging bakla dahil sa Pagiging bakla ko nahanap ang comfort zone ko.
Kaya sa iba diyan na nagtatago pa , huwag ka nang matakot lumabas ka dahil hindi ka nag-iisa may kasama ka .
" Ano ba Kita mong nagmomoment ako dito istorbo ka " kita ko Naman nagulat si Kumag sa pagsigaw ko nakonsesnsiya naman ako sa ginawa ko.
" Ano ba Kasi sasabihin mo. '' tanong ko sa kanya.
" Alah huwag na galit ka eh may regla ka ata ngayon , geh mag moment ka na diyan. " Sabi Niya sabay ub ob ng mukha Niya sa kanyang upuan.
" Bala ka diyan, ikaw na nga tong kinakausap ayaw pa , arte nito di naman babae " Sabi ko sabay tingin ulit sa labas.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating naman si Ms. Plata na nag iwan lang ulit ng gawain. Kaya ako todo sulat naman. Hindi ko pala naikukuwento sa Inyo top 1 ako nung nakaraang recognition tapos patatlo Naman itong si Kumag. Speaking of kumag hindi niya talaga ako kinakausap busy sa pagsusulat sinundot ko naman ito.
" Hoy galit ka parin ba " tanong ko sa kanya.
Pero ang loko hindi man lang ako pinansin. Ang tropa ko ayon busy din sa pagsusulat Wala tuloy ako makausap.
" Kumag kausapin mo naman ako oh ano ba gagawin ko para pansinin mo ako " Sabi ko ulit sa kanya ng matapos na akong magsulat.
" Kiss mo ko. " Sabi Niya ano daw kiss neknek niya.
" Neknek mo Bala ka diyan." Sabi ko sabay tingin Nalang ulit sa labas Ng bintana. Bahala siya diyan pilitin Niya muna ako joke.
" Di joke Lang ang itatanong ko lang sana Kanina ay Sino iyong lalaki na kausap mo Kanina. " Tanong Niya kaya lumingon naman ako sa kanya.
" Ah si Jacob nakilala ko nung nag boy hunt kami ni Mariel nag papicture kasi siya sa akin . Ang pogi Niya no " mahabang lintaya ko naman sa kanya.
'' tsk mas pogi Naman ako don eh " sabi niya pero di ko naintindihan dahil pabulong niya lang itong sinabi.
" Ano? '' tanong ko sa kanya.
" Wala Sabi ko ang pangit mo " Sabi niya.
Hindi ko Naman pinansin sinabi Niya bigla ko nalang hinawakan braso niya sabay hilig doon ng ulo ko. Syempre maglalambing tayo magpapalibre Kasi ako.
" Kumag libre mo Naman ako dalawang Chuckie please " pagsabi ko sa kanya.
Hindi naman siya nagreklamo sa pagsandal ko sa kanya.
" Hoy anong libre sinasabi mo diyan " Sabi niya naman
'' eh Dali na Kasi please " Sabi ko with matching puppy eyes para effective.
'' Oo na maya lunch , " Sabi ko na he can't resist my cuteness dahil nangigigil ako sa kanya. Kinagat ko nalang ito bigla pati tuloy ako nabigla sa ginawa ko.
" Aray bat ka nangangagat " sambit niya.
" Hehehehe Ewan " sagot ko sa kanya.
" Tsk bakla eh . "
" Ahhhhh Guys look Ang sweet Ng lovebirbs may pa sandal Sandal pa ng ulo . " Biglang tili ni bruha. Kaya napatingin Naman lahat ang kaklase namin sabay sigawan.
Kaya bumalik na ako sa dati kong puwesto dahil nakakahiya na.
" Oy si bakla namumula " sigaw muli ni Mariel.
" Hoy magtigil ka nga diyan Mariel " Sabi ko sabay takip ng mukha.
Tinawanan Lang naman ako ng mga kaklase ko.
Mabilis na lumipas ang oras ngayon ay lunch na. Kaya nilagay ko naman mga gamit ko sa aking bag para makakain na din.
" Hoy libre mo huh " Sabi ko Kay kumag na nag-aayos na din ng kanyang mga gamit.
Kinuha ko naman ang pulbo ko at liptint naglagay muna ako para fresh na ulit baka madaming fafables ngayon sa canteen nakakahiya Kong mukha akong dugyot
" Ano ba yan bakla, " Sabi nitong si Kumag.
" Ano ka ba kumag syempre kailangan ko mag-ayos nakakahiya naman sa mga fafables na nakakakita sa akin. " Sagot ko sa kanya.
Napailing lang naman ito dahil sa naging sagot ko sa kanya.
" Ronnie may naghahanap sa iyo sa labas " pagbigay alam sa akin ni Ryzza na may dalang pagkain.
" Ah sige Ryzz salamat palabas na din ako. " Tumango naman ito sa akin.
Nang matapos ako ay diritso naman ay nagsimula ko nang bagtasin ang pintuan ng room habang nakasunod itong si Kumag sa akin.
" Oh ikaw pala Darwin bakit Dar " tanong ko Kay Darwin na siya pala naghahanap sa akin.
Napakamot naman ito sa kanyang batok bago magsalita.
" Yayain Sana kitang kumain " Sabi Niya sa akin magsasalita na sana ako ng bigla na lang akong inunahan ni Kumag.
" Ako nauna pare sa susunod ka na Lang. " Sabi nito kay Darwin.
" Eh ikaw ba si Ronnie Hindi naman ikaw tinatanong ko ah "
Bago pa mag-away ang dalawang ito ay sumigaw na ako.
" Ano ba kayong dalawa, pwede naman tayong kumain ng sabay-sabay baka gusto niyong bugbugin ko kayong dalawa . " Sabi ko sa Kanila.
Napakamot naman ang dalawang lalaki sa kanilang mga ulo dahil sa sinabi ko. Kasi tutuhanin ko talaga pag di sila tumigil.
" Sumunod kayo sakin " Sabi ko sa kanilang dalawa at nagsimula na akong maglakad.
Sumunod naman sila sa akin pero parang nagpaparinigan parin. Ano ba problema nitong dalawang ito.
" Ano ba titigil kayo o titigil " Sabi ko kaya tumahimik naman ang dalawang lalaki.
Buti naman at tumahimik itong dalawa hanggang sa nakarating na kami ng canteen.
" Ah Ronnie upo ka na lang diyan ako na bahala sa pagkain mo. " Sabi ni Darwin.
" Salamat Dar bongga makaka save ako ngayon. " sagot ko Kay Darwin with my genuine smile
" Tsk " Sabi naman nitong isang lalaki.
Hinayaan ko na Lang silang umalis sa aking harapan, at kinuha ang aking selpon upang mag browse sa f*******:.
Naalala ko Friday pala ngayon at kakanta ako mamaya sa Kainan ni Twinny. Ang astig lang may konti parin akong sweldo kaya kahit papano hindi na ako humihingi kena father Raul.
" Look who's here the faggot . Alone fagg? " Rinig Kong Sabi ni Dindina pero hindi ko Lang ito pinansin at patuloy parin ako sa pag browse sa f*******:.
" Bastos ka ah kinakausap Kita " Sabi ng b***h at sabay hablot ng aking selpon.
Kaya ko lang naman hindi siya pinapansin dahil ayoko Ng away.
" Problema mo huh ? Kita mong ayokong makipag usap " sagot ko dito
Nakuha naman ang atensyon ng iilang estudyante ngayon dito.
" Ah ganon hindi ka magbibigay sa akin ng respeto? " Sabi niya. Pinagsasabi nitong babaeng to.
Dumating naman ang dalawang lalaki at inilapag ang pagkain.
" Alam mo ba ang respeto ay binibigay lang sa mga taong karespeto respeto. Kung ikaw Lang din I won't give the respect that you want. Excuse me. " Sabi ko sabay upo sa table at Kain.
Tahimik naman ang dalawang lalaki sa aking harapan.
" Boy's hawakan siya. " Biglang Sabi ng bruha.
Hinawakan naman ako Ng dalawang lalaki. Taena mukhang magkakapasa ata ako sa higpit ng hawak nila.
" Hoy ano ba ginagawa mo Dindina " Sabi nitong si Kumag.
" Pwede ba Dindina tumigil ka na " segunda naman ni Darwin.
Pero ang bruha tumawa Lang naman.
" Ah pati kayo, kinakampihan na ang baklang to. " Sabi nito sabay kuha ng Juice ni kumag.
" Bakit binabayaran ba Kayo ng baklang to? Ito ba sinasabi niyong bakla huh dugyot? " Sabi nito sabay buhos sa akin ng Juice. Napangiwi naman ako dahil sa lamig.
Napahiyaw naman ang iilang estudyante dito ngayon sa canteen.
Dahil nainis na ako agad ko na tinadyakan ang pagkalalaki ng isang lalaking nakahawak sa kabilang kamay ko. Napaluhod naman ito. Ang isa naman ay hinawakan ko ang braso sabay twist at suntok sa mukha nito. Ayon tumba.
Mas lalong naghiyawan ang mga Tao dito sa canteen. Akala nila Sa akin mahina. No way.
" Ano ikaw lapit bilis " Sabi ko sa isa pang alipores ng bruha ang tanga lumapit naman kaya Dali Dali Kong inikot ang katawan ko sabay sipa sa mukha sapol.
Nagulat naman ang dalawang lalaki sa aking harapan pati na Rin ang iba.
Halata sa mukha Ng bruha na gulat na gulat siya sa mga Nakita Niya. GANYAN nga matakot ka dahil maling Tao ang binangga mo.
Pakkkk
Sampal ko Kay Dindina dahil ang sakit ng kanyang pinagsasabi sa akin.
" Sampal ng katotohanan iyan b***h, kailan man hindi ako nagbayad ng lalaki kaya alamin mo Muna iyang pinagsasabi mo huh. " Sabi ko dito na nakahawak ngayon sa kanyang pisngi.
" Pangalawa b***h " sabay buhos ng juice sa kanya.
" Pangalawa dahil sa pag gambala mo sa akin. Tsaka nga pala sumubra kana eh nilagyan mo Ang apoy na dapat ay usok Nalang kaya iyan napala mo ngayon. Pasalamat ka may natitira pa akong awa sa iyo dahil babae ka dahil Kung lalaki ka baka Kanina ka pang lumpo diyan. " Mahabang lintaya ko sa kanya.
Kinuha ko naman ang bag ko dahil super lagkit na ako.
" Ano Gabriel ipagtatanggol mo iyang ex mo? Go suntukan tayo bilis " Sabi ko Kay kumag hindi naman ito sumagot kaya naglakad na ako.
At sinadya Kong bungguin Ang bruha dahil nakaharang siya sa daan.
" Kayong lahat subukan niyong magsumbong iisa-isahin ko kayong lumpuin at subukan niyo din baliktarin ang kuwento baka di ka na masikatan ng araw " sigaw ko sa mga estudyanteng nandito ngayon sa canteen.
At tuluyan nga akong lumabas para magpalit ng damit. Kailan man hindi na ako magpapa-api sa Kanila. Kailangan Kong lumaban dahil nag-iisa na lang ako sa buhay. Hindi pa ako sigurado sa mga taong nasa paligid ko.
Pinagtitinginan naman ako ng mga estudyante na nasa hallway. Wala naman akong pakialam sa Kanila ang mahalaga makapag palit na ako no.
Nakarating naman ako Ng CR at may iilan mga lalaki ang andito ngayon. Nagulat naman sila sa itsura ko. Wala akong pakialam sa Kanila kaya Dali Dali Kong hinubad Ang uniform ko.
Napatulala naman ang mga lalaking andito. Tsk mga lalaki talaga.
" Hey y'all are you going to stare at my body the whole time? If you're done get out " sigaw ko sa Kanila natakot naman ang mga ito.
Ayoko na Kasi maulit pa iyong muntikan na akong ma r**e. Kaya kailangan ko ding Maging maangas minsan no naks Naman.
Naghilamos Naman ako at pinunasan ang katawan ko para mawala Ang lagkit ng katawan ko.
Nang matapos lumabas naman ako kaagad dahil alam Kong nagsisimula na ang klase.
Pagkadating ko nga ay nagsisimula nang magturo si Ms. Mendoza Filipino 111 teacher namin.
" Oh Mr. Fuentabella bakit hindi mo suot ang uniporme mo " pagtatanong ni ma'am sa akin.
" Ma'am pasensya na po na late ako nagpalit po ako ng damit kasi natapunan po ako ng Juice " pagpapaliwanag ko sa kanya.
" Mukhang hindi ka naman nagsisinungaling pumasok ka na tayoy magpapatuloy na sa ating pagtatalakay. '' nagpasalamat naman ako dito bago tumungo sa aking upuan.
Nang makaupo ako nagtanong naman itong si Kumag Kung okay lang daw ako kaya sinagot ko naman ito dahil ayoko naman magmukhang bastos no.
Lumipas ang oras na naging lutang ako dahil na stress talaga ako sa nangyari kanina. Ano ba kasi ang problema ni Dindina sa akin? Pagkakaalam ko Wala naman eh. Kung hanggang ngayon ay Hindi pa siya maka move on sa pangyayari nung ipinagtanggol ko si Darwin ay bahala na siya.
" Bakla okay ka Lang? " Tanong ni Mariel sa akin.
Nakita ko Naman ang pag-aalala sa mga mata Ng aking tropa.
" Of course I am " sagot ko sa Kanila ng nakangiti.
" Una na kami Ronnie huh may lakad din Kasi ako " Sabi ni Mariel.
Tumango lang naman ako sa kanila. At nang mawala na sila sa aking paningin ay nagsimula na din akong ayusin ang aking mga gamit. Nang maipasok ko na lahat ng gamit ko ay nagsimula na akong maglakad pababa para makauwi na at kailangan ko pang kumanta mamaya.
Nang makababa na ako may nakita akong dalawang bulto ng estudyante na nag-uusap malapit sa CR ng girls. It was kumag and Dindina. Dahil Wala akong gana ngayon ay pinabayaan ko na sila Wala naman ako pakialam sa Kung ano pinag-aawayan nila dahil mukha itong nag-aaway.
" Ronnie " sigaw ng isang boses. Paglingon ko si Darwin pala.
" Oh ikaw pala pauwi kana ba? " Tanong ko sa kanya. Sumabay naman siya sa paglalakad sa akin.
" Oo eh , btw okay ka lang ba? " Tanong Niya sa akin.
" Of course I am okay thanks for asking . " Sagot ko naman sa tanong niya sa akin.
" Alam mo bang hangang-hanga talaga ako sa iyo Kanina. Akalain mo iyon ginanito ganyan mo Lang naman ang alipores ni Dindina. " Sabi Niya sa akin with matching actions pa kaya napatawa talaga ako.
" Ikaw talaga , kailangan ko Lang naman Kasi ipagtanggol sarili ko " Sabi ko Naman sa kanya.
" Kaya nga ayaw Kong magalit ka sa akin baka kasi mamaya bugbugin mo naman ako edi mawawala kapogian ko " Sabi Niya.
Kahit papano nawala ang lungkot na naramdaman ko dahil Kay Darwin. He saved me today.
" Eh hindi ko naman gagawin iyon magagalit lang ganon. Oh siya una na ako huh dahil may kakantahan pa ako. " Pagpapaalam ko sa kanya dahil malapit na kami makalabas ng campus.
" Sige ingat ka see you when I see you " Sabi Niya sa akin.
" Ikaw din ingat "
Naghiwalay na naman kami ng landas ni Darwin. Pumara naman ako kaagad ng tricycle para makapunta na ako ng kainan ni Twinny.
Bumaba muna ako sa Simbahan para magpalit Ng damit. Nang matapos ako ay dali-dali naman akong lumabas ulit ng simbahan.
Nang makatawid na ako, ay bigla nalang may isang motor na mabilis ang takbo buti nalang nakita ko ito sa aking peripheral view kaya mabilis ko itong naiwasan. Napatumba pa ako dahil sa biglaang kilos ko.
" Problema mo kuya huh nasa gilid na nga ako balak mo ba talaga akong patayin '' sigaw ko kahit Alam Kong malayo na ito.
Bwesit buti naman hindi ako nadumihan. Dali-dali akong tumayo baka ano sabihin ng taong makakita sa akin.
Nang makarating ako sa kainan ay pumunta muna ako Kay ate Aubrey upang batiin ito.
' Hello ate Aubrey kakanta na po ako " pagkuha sa pansin ni ate Aubrey.
" Hello Ronnie ito pala oh '' bigay ng isang brown na subre sa akin.
Alam ko Naman na sweldo ko ito kaya tinago ko na ito sa bag ko.
" Salamat po ate kanta na po ako "
Tumango Lang naman si ate sa sinabi ko busy Kasi ito mukhang may inaasikaso na naman sa restaurant niya .
Since madaming nangyari today sa aking sarili naisipan Kong kantahin ngayon ay " Ako muna " ni Yeng.
Nagsimula na akong kumanta as usual napapatingin mga Tao dito upang tingnan Kung Sino ang kumakanta. Damang dama ko ang kantang ito. Akoy litong-lito Kung ano ba talaga Ang nararapat.
Sana naman malaman ko ang lahat ng rason Kung bakit ganito Ang nangyayari sa akin.
Mabuti nang mag-isa ng makilala ko muna Ang sarili pag-ibig muna para sa akin.
Mabuti nang mag-isa nang Hindi ko sa iba lungkot Sinisisi kailangan ko Lang ako muna
Pagtapos ko sa kanta. Nagpasalamat naman muna ako sa kanila bago bumaba ng mini stage.
Nang makababa ako Nakita ko na naman si Lolo na laging nagbibigay sa akin ng malalaking tips mukhang mayaman talaga ito.
" Iho para sa iyo ulit bawal tumanggi magagalit ako sa Iyo " Sabi ni Lolo Godofredo sa akin.
Sa paulit ulit niyang pagbigay sa akin ay nakilala ko na ito ng lubusan. Kasi kapag nakikita niyang kumakanta ako magbibigay at magbibigay talaga siya ng pera sakin.
" Lolo Fred salamat po talaga dito. " Pasalamat ko nakalagay pa Kasi ito sa envelope.
'' walang Anu man iho oh siya akoy mauuna na sa iyo huh mag-iingat ka lagi " Sabi ni Lolo Fred nagtaka naman ako sa huli niyang sinabi, pero isinawalang bahala ko na Lang ito.
" Mag iingat po kayo " pagsabi ko Kay Lolo.
Nagpunta naman ako sa staff area dahil andon gamit ko. Dali dali ko naman itong kinuha at Dali daling lumabas sa restaurant.
Nang makalabas tiningnan ko Ang sobreng binigay sa akin ni Lolo Fred.
" Hala bat ang laki nito " Nagulat Kasi ako sa laman nitong sobre five thousand pesos gosh. Babalik ko Sana kaso naalala ko wala na pala si Lolo Fred.
Kaya naglakad nalang ako pabalik sa simbahan para makapag pahinga na din.
Don Roman POV
" Ano Hindi mo nasagasaan ang tanga mo Naman " Sabi ko sa kabilang linya.
Ang tanga Naman ng inutusan ko. Pero okay Lang dahil marami pang pagkakataon. Humanda ka bakla dahil malapit ka nang sumunod sa magulang mo.
Someone's POV
Nasa opisina ko ako ngayon ng bigla nalang tumunog ang aking selpon hudyat ng may tumatawag.
" Hello sir muntikan na po siyang masagasaan kanina buti nalang po nakailag siya. " Nagulat Naman ako sa report ng mga tauhan ko.
" Kung ganon magdadagdag ako ng mga tauhan bukas na bukas . "
Binaba ko naman ang tawag at tiningnan ang isang litrato sa aking lamesa.
" Huwag kang mag-alala Hindi Kita pababayaan apo "
____________________________________
Ayan na mukhang nagsisimula na ang gulo sa buhay ni Ronnie.
Sa mga future and silent reader diyan thank you sa support.