Chapter 3

2982 Words
Ronnie's POV Almost a month na akong namamalagi sa simbahan, madami na din akong naging kakilala. Si father ayon hindi talaga ako pinabayaan. Lagi niya akong kinakausap lalo na pag makita niya lang akong mag-isa , alam niya kasi na hindi pa talaga ako totally nakakapag move on sa nangyari sa akin. Oo tama kayo sinabi ko na ang lahat kay father. Wala naman masama diba sabihin ko kay father ang katotohanan diba. Alam ko kasing hindi ako huhusgahan ni father. Binigyan pa nga ako ng mga words of wisdom ni father which is related sa nangyari sa akin at super effective ng mga sinasabi Niya sa akin. '' Alam mo Ronnie, ang totoong kahulugan ng pag move on ay ito tandaan mo ito iho, Kahit naalala mo pa ang mga ala ala ng nakaraan dapat hindi kana nasasaktan yan ang tunay na kahulugan ng pag momove on. You have the essence of acceptance. '' Isa lamang iyan sa mga natandaan ko sa sinabi ni father . Sobrang ganda kasi ng message ng wisdom na iyon.  As of now dahan dahan ko nang tinatanggap na wala na talaga sila inang at papang. Wala na naman diba akong magagawa kundi tanggapin nalang ang katotohanan. Alam ko naman na hindi ako papabayaan ng mga magulang ko. Alam kong lagi din nila akong binabantayan gaya ng sabi sa akin ni father Raul. Nandito pala ako ngayon sa kusina ng simbahan tumutulong kay kuya dario at ate lalaine sa paghahanda ng makakain. Bali adobo yong ulam na niluluto namin ngayon. Kung tatanungin niyo kung nagkita kami ni Gabriel hindi na. Ang huli naming pagkikita ay yong pagtulong niya sa akin sa pagbili ng mga stocks sa simbahan. Anyways I'm not really goin'to think of him wala namang kami diba. The best thing I can do right now is to look for a part time job, dahil ayoko naman na maging masyadong pabigat dito sa simbahan. '' Iho sabi pala ni father Raul nais ka niyang mag-aral . '' biglang sabi ni ate lalaine sa akin. '' Kung yon po ang gusto ni father Raul ate lalaine, malugod ko pong tinatanggap ang alok ni father at tsaka gusto ko din po tapusin talaga ang aking pag-aaral. '' honest ko namang sagot. Sayang naman ang Pagiging top student ko kung hindi ako mag-aaral diba. Wala naman masama diba kung tatanggapin ko ang alok sa akin ni father. Tutal nag offer na naman why not grab the chance in fact, its for my future after all. So kayo if someone offers you a chances or you see some chances in any instances grab it and regret nothing. Actually there is always a two sides of grabbing a chances, especially there is uncertainty with it. Ang mahalaga guys you did your part at wala kang pagsisisihan sa bandang huli. '' Mabuti naman, nais ko ding mag-aral ka sayang naman kung dito ka lang mamalagi sa simbahan. Saka ka nalang tumulong dito kapag wala kang pasok. '' paliwanag sa akin ni ate Lalaine na ngayo'y nag gigisa na Ng mga rekados. '' Opo ate lalaine maraming salamat po sa inyo. Kung hindi po dahil sa inyo hindi ko alam kung nasaan ako ngayon, baka palaboy laboy lang ako sa kalsada.'' sagot ko dito habang hinuhugasan ko ang hiniwang karne. '' Oh tama na yang drama dapat happy lang '' nakangiting sambit sa akin ni ate Lalaine. '' Nga pala ate lalaine baka meron po kayong alam na mapagtratrabahuan ko, nais ko pong magka part time job kahit papano para po may sarili din akong pera. '' pagtatanong ko Kay ate Lalaine. Napatingin naman ito sa aking gawi. Ayoko naman kasi umasa sa perang ibibigay nila sa akin gusto ko din naman magkaroon ng pera gamit ang aking sariling lakas. '' Sakto yang pagtatanong mo sa akin iho, dahil naghahanap ang pinsan ko ng waiter/waitress sa kanyang restaurant. Nakikita mo yong kainan malapit dito na malaki iyon yon.'' pagpapaliwanag sa akin ni ate Lalaine. " Saktong sakto din iho malapit ka Lang dito kaya pwede mo siya lakarin Lang. " habol ni ate Lalaine. '' Talaga po , ang swerte ko naman po, buti nalang nagtanong po ako sa inyo. '' masaya kong sabi kay ate lalaine. Umupo naman ako sa bakanteng upuan matapos gawin ang aking ginagawa. '' Kahit di ka magtanong sa akin, sasabihin ko talaga sa iyo at alam ko naman na balak mo talaga mag trabaho. '' Sabi sa akin ni ate Lalaine. " Tsaka maganda iyon iho, may mga makikilala Kang bago bukod dito sa Amin " pagtutukoy niya sa mga tauhan ng simbahan. '' Pano po yon ate lalaine, pag may pasok na ako.'' tanong ko naman kay ate lalaine. Ayaw ko naman na wala akong pera pambaon pag may pasok na. Tsaka ayoko naman na umasa lang sa ibibigay nila father Raul. '' Huwag kang mag-alala alam na niya na kapag may pasok ka bali sa hapon hanggang 10 pm ka lang dahil alam niyang may pasok ka kinabukasan.''paliwanang sa akin ni ate. '' Salamat po talaga sa inyo ate lalaine '' pagpapasalamat ko. '' Oh siya pagbutihin mo ang pag-aaral mo Ronnie huh '' singit naman ni kuya Dario sa usapan namin ni ate lalaine na ngayo'y katatapos lang ata sa pagbabasa ng dyaryo. '' Opo naman kuya Dario, Promise ko po kapag pasukan na gusto ko may honor ako para matuwa naman po kayo pati na rin po sa father sa akin. '' masiglang banggit ko sa kanila habang inaayos ang kakainan naming tatlo. Dahil mamaya Kakain na ang iba. '' Oo tama iyan iho, tsaka huwag ka munang mag boboyfriend '' Natawa naman ako sa sinabi ni kuya dario sa akin. '' Nakow po wala po iyan sa isip ko kuya Dario. Tsaka wala naman po magkakagusto sa akin. '' '' Huwag kang magsalita ng tapos iho, alam mo na naman ang panahon ngayon ang laki na ng pagbabago hindi tulad sa panahon namin noon. Pero iho wag mong kaming mamasain dahil tanggap namin ang tulad mo lalo na sa pagbabago ngayon sa ating mundo. '' paliwanag sa akin ni Kuya. Napatingin naman ako sa dalawang matanda na nakangiti sa akin kaya ako naman ginawaran ko sila ng yakap. '' Salamat po talaga sa inyo ate lalaine at kuya Dario'' Nang matapos ang pagdradramahan namin, ipinagpatuloy na namin ang mga naudlot na gagawin sa loob ng kusina. Dinalhan Naman ni ate Lalaine si Father Raul ng pagkain sa kanyang silid. At nang makabalik siya ay nagsimula na kaming kumain. '' Nga pala iho dahil next month pa ang pasukan, sa lunes kana magsisimula pwede ba'' tanong sa akin ni ate lalaine '' Opo naman ate lalaine magpapa alam ho ako mamaya kay Father Raul para alam niya din po '' masigla kong tugon kay ate lalaine. Honestly masaya talaga ako dahil may trabaho na ako at hindi na ako mahihirapan pang maghanap. '' Oo mas maganda nga iyang naiisip mo iho sigurado akong matutuwa din yon si father '' '' Maraming salamat po talaga sa inyo ate lalaine.'' Sabi ko dito sabay sandok ng ulam. Pagdating ng hapon, pumunta ako sa silid ni father Raul para sabihin sa kanya ang aking plano. Kumatok muna ako at pagkatapos ng ilang katok binuksan ni father ang pintuan. '' oh ikaw pala iyan Ronnie pasok ka, mukhang may sasabihin ka ata sa akin tama ba.'' tanong sa akin ni father. '' O-opo father meron po '' Pumasok naman ako sa silid nito at umupo ako sa sofa nasa tapat ni father. '' Oh ano ba iyang sasabihin mo iho ,'' '' Father magtratrabaho po ako'' diritso kong sabi kay father dahil ayoko naman ng paligoy ligoy pa. '' Iyan ba iho, walang problema sa akin yan nasabi nadin sa akin ni lalaine yang plano mo at alam ko din na siya ang nagpapasok sa iyo'' mahabang lintaya sa akin na father kaya medyo okay na ang aking nararamdaman ngayon. '' Opo father salamat po talaga. Huwag po kayong mag-alala sa linggo tutulong po ako dito '' Sabi ko Naman. '' Iho huwag kang mag-alala madami naman mga tao dito sa simbahan wag muna intindihin yon. Focus ka nalang muna sa bago mong work '' '' eh father nakakahiya naman po kasi '' sabi ko naman. Actually nahihiya talaga ayoko naman maging palamunin lang dito no. '' Iho diba sabi ko huwag mo na intindihin yon '' dahil mukhang wala akong magagawa kaya hinayaan ko na lang si father. '' Maraming salamat po father '' pagpapasalamat ko Kay Father Raul. Kung ano ano pa ang napag-usapan ni father, at gaya nga ng lagi kong sabi puno lagi ito ng mga paalala sa akin. Father always giving me hope not to give up. Kaya ako naman lagi kong tinatandaan sinasabi sa akin ni father dahil ayoko naman baliwalain ang mga kanyang sinasabi sa akin. We should not always live in the darkness, we should always look for the brightness we want because not everyone is given a fair chances to make a living. '' Father, maraming salamat po sa inyo, ang dami ko na pong nalalamang magaganda dahil sa inyo '' Sabi ko dito. '' Walang anuman iho, kapag may problema wag kang magdadalawang isip na lumapit sa akin. Handa akong makinig. ''  '' Opo father salamat po at magandang gabi po sa inyo ''  '' Oh siya humayo kana, kawaan ka nawa ng Diyos,''  Dahil mukhang maaga pa naman naisipan kong maglakad lakad sa labas ng simbahan at bumili ng mga street foods. I directly headed towards the office where ate lalaine at dahil bago ako umalis magpapa-alam muna ako sa kanya , baka kasi mag-alala. '' Ate fe si ate lalaine po '' tanong ko kay ate fe dahil hindi ko makita si ate lalaine sa loob ng opisina. '' Nasa CR lang iho hintayin mo nalang .'' sagot naman sa akin ni ate fe. '' Sige po intayin ko nalang po si ate Lalaine. " Uupo na sana ako sa bakanteng upuan ng biglang dumating si ate lalaine. Kaya di na ako nag abala na umupo pa. '' Oh Ronnie may kailangan ka ba sa akin '' tanong ni ate lalaine nung nakita niya ako. '' opo ate lalaine magpapa-alam sana ako lalabas lang po sana ako diyan lang po sa bilihan ng mga street food'' sabi ko naman. '' Oo naman mag iingat ka lang, teka may pera ka ba diyan ''tanong sa akin ni ate. Bibigyan na sana ako ng pera ni ate lalaine pero tinanggihan ko ito dahil may pera pa naman ako. Nakakahiya naman kasi kong tatanggapin ko pa iyon. Dahil maayos na akong nakapag paalam sa harap na ng simbahan ako dumaan dahil mas malapit ito sa mga bilihan ng street food. Habang binabagtas ang daan palabas tamang scroll muna ako sa aking selpon. Dahil nakatutok ako sa pagseselpon may nabangga ako.  '' Sorry po di ko po sinasadya . Wait parang familiar kayo sa akin .'' I really cant figure out kung saan ko siya nakita but he's really familiar . '' Yeah, I remember you, ikaw yong nakabangga sa akin before sa loob ng simbahan . '' sagot nitong binata sa akin. Ayon naalala ko na, kaya pala siya familiar sa akin. Pagkaminalas nga naman second time around na pagkikita namin nabangga ko na naman siya. '' I'm sorry again kuya hehehe '' awkward kong sabi sa kanya. '' Its okay gotta go, take care of yourself '' Shit those dimples of him ang gwapo niya talaga.  '' Sige po '' then I smiled at him. Then ayon nakalimutan ko na naman magpakilala sa kanya. Ano kaya pangalan ni kuya ng ma search ko siya sa f******k char lang . So much for that guys, kaya naglakad na ako papunta sa mga pagkain dahil kanina pa ako nag crecrave sa dynamite at kwek-kwek. '' Hello manong magkano po itong dynamite ninyo '' tanong ko kay mamang nagtitinda. '' Ayan ba ganda 10 pesos lang, at yong kwek kwek ay isa piso tapos yong malaki 8 pesos naman. '' pagtuturo Niya sa mga paninda Niya sa akin. '' Dalawa pong dynamite, tapos dalawa din pong kwek-kwek yong malaki po '' Habang kumukuha ako, bigla nalang bumangga sa akin ng bigla sino ba to pagtingin ko sa aking kanan ang walang hiyang kumag lang pala. '' Problema mo Gabriel tamong kumukuha ng pagkain yong tao '' singhal ko sa kanya. '' Chill bakla,para ka namang timang diyan. '' '' Aba anong chill, ikaw nga diyan ang mukhang timang bigla bigla nalang susulpot '' inis kong sagot sa kanya. Habang nagbabangayan kami ni kumag bigla sumingit itong si kuya sa amin. ''Ang cute niyong tingnan habang nagbabangayan kayo. Baka mamaya kayo magkatuluyan niyan '' pagtutukso ni kuya sa aming dalawa na ikinagulat ng aking hormones. Dahil sa sinabi ni kuya muntikan pa akong mabulunan. '' No way po , kuya kung siya po magiging jowa ko ay huwag na ho, baka lagi akong bwesit diyan .'' '' Asa ka din bakla jojowain kita . ''Sabi naman niya sa akin. Medyo na hurt ako don sa sinabi ni kumag. Alam ko naman na bakla ako at walang magkakagusto sa akin. Lagi ko naman tinatatak sa isip ko yan. Kaya nga hanggang crush lang ako eh, I dont want to be romantically involve dahil alam kong ako lang din ang masasaktan. '' Nakow huwag kayong magsalita ng tapos '' sabi naman ni kuya sa amin. Bahala ka diyan kuya, hindi naman ako naniniwala sa ganyan eh . '' Problema mo bakla bat ka nakabusangot diyan .'' tanong niya sa akin nang makita niya ang aking mukha. '' Wala kang pake, at pwede ba huwag mo nalang ako kausapin, nabwebwesit lang ako sa iyo eh , '' '' May regla ka ata ngayon bakla .'' pang-iinis niya pa Lalo sa akin. '' Alam mo kung wala ka lang ding magandang sasabihin kumain ka nalang diyan '' sambit ko sa kanya sabay rolled eyes. Magsasalita pa sana siya ng bila nalang ako nag NYE NYE NYE dahil ayoko marinig pa mga sasabihin Niya sa akin. ang loko lakas pa tumawa. Anyari sa kanya, bigla nalang tatawa nako mukhang kailangan niya uminom ng gamot. '' Problema mo kumag ka bat bigla bigla ka nalang tumatawa diyan '' tanong ko sa kanya, parang baliw eh. at walang hiya tawa lang ng tawa. Bahala siya diyan dahil nainis ako sa kanya siya na pinag bayad ko sa binili ko pambawi. Ang talino mo talaga Ronnie.  '' Kuya siya na po ang magbabayad sa mga binili ko salamat po '' Sabi ko Kay kuyang nagtitinda. Hindi ko na siya inaantay pa magsalita dahil alam kong babayaran niya na naman iyon. At alam ko din na susunod yon sa akin bigla dahil bigla nalang akong umalis.  '' Hoy bakla ako pa talaga pinag bayad mo '' sabi ko naman sa inyo, susunod siya sa akin diba dahil hindi niya talaga matiis ang aking kagandahan. Char lang .  '' Dahil nakakainis ka nabuwiset ako sa iyo '' sabi ko kanya sabay irap. '' tsk '' yan lang naman sabi niya sa akin habang sumasabay sa aking paglakad. '' Pero kumag binayaran mo ba si kuya baka hindi ha patay ka sa akin '' pagbabanta ko sa kanya.  '' Malamang binayaran ko bakla.''  Dahil pinalaki akong mabait ng mga magulang ko syempre nagpasalamat ako sa kanya dahil pangalawang beses na iyon na siya talaga nagbabayad ng mga kinakain ko.  '' Pasaan ka ba bakla '' basag niya sa katahimikan na namumutawi sa pagitan naming dalawa.  '' Diyan sa kainan ni twinny ,'' sagot ko naman dito dahil ayoko naman na magmukhang rude. '' Ano gagawin mo don, huwag mong sabihin na,... '' '' Alam ko yang naiisip mo kumag kaya tumigil ka, titingnan ko lang dahil simula sa lunes magtratrabaho na ako don . '' paliwanag ko sa kanya. '' Magtratrabaho ka .'' tanong niya sa akin. Bingi ba tong lalaking to kakasabi ko lang diba. '' Hindi, tatambay lang ako. Parang kakasabi ko lang mag linis ka nga ng tenga mo kumag para di ka bingi '' banat ko dito. '' Parang need ko lang talaga ng assurance, pilisopo ka talagang bakla ka '' mukhang nainis nga siya. I win this time dahil nainis siya. '' Oo magtratrabaho ako, dahil ayoko naman maging pabikat. Tsaka papasok ako sa darating na pasukan kaya kailangan may pera ako at ayoko naman din umasa lang sa ibibigay nila father Raul sa akin nakakahiya. '' Seryoso kong sabi sa kanya. '' Ah ganun ba, nagpa-alam ka naman sa kanila '' pagtukoy nito kina father raul. '' Oo nakausap ko sila kagabi tsaka si ate lalaine din ang nagpasok diyan sa akin, dahil naghahanap daw sila ng mga waitress at waiter . '' sagot ko dito. '' Ayos iyan mabuti naman kung ganun.'' sabi naman nito.  '' Hindi pa ako nakakapasok diyan simula nung napadpad ako sa lugar na ito. '' pagbigay alam ko sa kanya. Iyon po talaga ang totoo bukod sa simbahan at palengke hindi pa ako nakakapunta sa ibang lugar. '' Gusto mo ba pumasok tayo .'' tanong nito sa akin. '' Di na hintayin ko nalang, mag lunes okay na muna ako dito sa labas .'' sagot ko sa kanya. '' ikaw bahala '' Makikita mo sa labas na may maliit itong, stage sa loob kung saan, pwede kang magtanghal doon, Kumanta o magtula ay pwede. Kaya super gusto ko din diyan dahil gusto ko ring kumanta diyan. '' Tara na okay na ako, baka hinahanap na din ako sa loob. '' sabay lakad patungo sa simbahan. Sumunod naman ito sa akin, pabalik na kami ngayon sa simbahan. Nang bigla nalang akong kinabahan sa aking nakita. Hindi maari, hindi ako nagkakamali siya yon. '' Hoy ano nangyari sayo .'' dahil sa pagsalita ni kumag napabalik ako sa realidad. '' Wala wala may naisip lang ako .'' pagsisinungaling ko. '' Okay ka lang ba talaga '' taray mukhang concern si kumag sa akin dahil sa boses nito na may pag-alala ng konti. I just give him a beautiful smile of mine para maniwala siya na okay lang talaga ako. '' Salamat sa paghatid at libre kanina,.'' pagpapasalamat ko sa kanya. '' Wala yon, pasok kana baka hinahanap ka na . '' '' Sige mag-iingat ka sa pag uwi mo . '' Pumasok na ako sa loob, hanggang ngayon malakas parin ang kabog ng aking dibdib dahil sa aking nakita. Pero baka minamalik mata lang ata ako. Pero may parte sa akin na naniniwala sa aking nakita kanina . Sana naman hindi totoo iyon. Nagsisimula pa nga lang ulit ako.  Pero I should prepare myself sa mga mangyayari. Hindi na ako magpapatalo lalaban ako para sa aking magulang. At tuluyang pumasok sa loob ng simbahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD