Chapter 2

2523 Words
Ronnie's POV Halos mag-iisang linggo na akong nanunuluyan sa simbahan at alam ko na din ang mga dapat gawin sa loob ng simbahan at dahil iyon sa tulong ni ate Lalaine sa akin. At dahil ngayon ay linggo naatasan akong mag-linis sa loob ng simbahan hanggat hindi pa nagsisimula ang misa. May mga iilan ng pumapasok sa loob ng simbahan kumbaga ito yong mga taong hindi makakasimba at dumadaan nalang ng simbahan para manalangin. Habang feel na feel ko na yong paglilinis ko sa tiles Ng simbahan bigla nalang akong may nabanggang tao. '' Sorry po hindi ko po kayo nakita '' paghingi ko ng paumanhin sa taong nabangga ko. '' Hindi okay lang yon. You should be careful nalang sa susunod.'' sabi naman nito sa akin habang nakangiti. Guys taray ang pogi ni kuya mabait pa. San ka pa diba ? at conyo pa ang lolo niyo nahiya naman kausapin Ito mukhang mayaman Kasi base na lang sa kanyang suot. '' Pasensya na po talaga ulit'' paghingi ko ulit ng paumanhin. '' Sige sige as what I have said its okay lang, and I gotta go'' pagpaaalam niya sa akin. '' Ingat po kayo sir'' sabi ko naman dito sabay pakawala ng aking ngiting nakakamatay and boom patay si kuya char lang. Sana makita ko pa siya ulit. Di katulad ng lalaking yon pogi nga masungit naman. Wait wait ... Am i thinking that guy.? I shouldn't be cause he's a jerk. Anyways tapos na ako maglinis at pabalik na ako sa storage room ng simbahan para ibalik ang mga ginamit ko sa paglinis. '' Ronnie tawag ka pala ni ate lalaine mukhang may ipapasuyo sa iyo'' sabi ni Peter isa sa mga sakristan dito sa simbahan at aking naging unang kaibigan dito sa simbahan. '' Sge sige Pets salamat sa info. Punta na ako kay ate lalaine'' sabay lakad patungo sa kinaroroonan ni ate Lalaine. Habang binabagtas ko ang opisina ng simbahan,binabati ko Naman ang mga nakakasalubong kong mga tauhan ng simbahan. Syempre, we should always show some respect sa kanila diba, especially nasa loob ka ng simbahan. Si father Raul naman ayon, lagi akong kinukumusta at pinapaalalahanan ng mga salita ng Diyos at mga bagay bagay. Father Raul always giving me hope na magpatuloy sa buhay na siyang aking sinusunod . Kasi diba nga guys, napag isip isip din ako na , " we should always be thankful seeing the beauty and badness of this world. In fact. we're not always given by a fair chances to see the world." Anyways sa dami kong kuda sa inyo nakarating na pala ako sa office na kung saan naroroon si ate lalaine. '' Ate lalaine may ipapasuyo daw ho kayo ano po iyon'' tanong ko kay ate lalaine na busy sa pag check ng mga papeles. '' Ah oho iho meron nga, uutusan lang sana kita mamalengke dahil naubusan na ng stocks ng mga pagkain. '' pagbigay alam niya sa akin. '' Ah opo naman pwedeng, pwede po '' masayang sabi ko naman kay ate lalaine. '' Oh siya ito ang listahan ng mga bibilhin, alam mo naman na diba papuntang palengke. Hindi muna kita masasamahan ngayon dahil may dapat akong tapusin iho '' Sabi Niya sa akin. Alam ko na naman papunta don dahil naisama na ako don minsan ni ate Lalaine at Kuya Dario. '' Okay lang po ate lalaine ano ba kayo. Opo ako na po bahala '' sagot ko naman dito sabay kuha ng listahan. '' Oh siya humayo kana . Mag iingat ka iho.'' Sa likod na ako ng simbahan dumaan dahil kung sa harap ako dadaan madaming tao lalo nat linggo ngayon.  May mga nagtitinda ng kung ano ano.  Sa may kalye na ako ng Jollibee dumaan kasi mas malapit na doon papuntang palengke. Alam niyo ba guys pinaka hate ko na part sa palengke is yong mga tindahan ng karne at isda. Nasusuka kasi talaga ako sa amoy. Dont get me wrong guys di ako maarte. I am now conquering yang ugali kong yan lalo nat kasama ako lagi sa pamamalengke. '' Hello ganda ano sayo '' pagtanong sa akin ni ate Joyce. Nakilala ko Kasi ito dahil pinakilala siya sa akin noon ni ate Lalaine. '' Ito talagang si ate makaganda baka mamaya maniwala na ako char lang ate . Isang kilo ho ng repolyo, carrots '' pagbigay alam ko dito sa aking bibilhin. '' Ganda ito na 250 bali lahat yan, pero dahil maganda ka 200 nalang '' Sabi niya sa akin ng matapos Niya itong mailagay sa plastic. '' Oh diba ate maganda ako sabi ko naman sayo char , salamat po ate joyce punta lang ho ako sa section ng karne at kailangan ko bumili'' sambit ko dito at lumakad na patungo sa section ng karne. Here we go again in this section, kakayanin ko to. Cheer me up guys char. After so many years natapos na din ako bumili ang dami kong dala ang bigat bigat na. Kung may jowa lang siguro ako hindi ako maghihirap ng ganito. Dahil sa dami Kong iniisip may nakalimutan pala akong bilhin. Ang saging kailangan pala ng saging dahil gagawa ng bananacue. Nang inikot ko ang aking katawan nabunggo ako sa isang tao. '' Sorry po '' sabay pulot ng wallet ko dahil nalaglag ito. '' Tamo, pagka sinuwerte nga naman ikaw pa talaga bakla ang nabangga ko '' Ano daw sino ba ang lalaking to at ano bat parang familiar sa akin ang boses . I think i heard this voice before. I cant figure it out where and when. Bat kasi ang dami kong dala hirap tuloy akong kuhanin ang wallet ko. Pagkatingala ko I was shock kasi ito lang naman ang lalaking ubod ng yabang edi sino pa yong nakasagutan ko nung gabing muntik na akong mabundol ng kanyang motor. '' Problema mo kuya. Kita mong di ko kita ko may tao sa likod ko '' sabi ko dito in my very sarcastic tone char english yon mga daez. '' Ang sabihin mo tanga tanga ka bakla'' banat naman nito sa akin. '' Diyan ka na nga, ayoko ma stress sa araw na ito lalo nat linggo '' Dali dali akong umalis dahil naiinis lang ako sa ngisi nitong arggg guys as in. Pigilan niyo ako, masasapak ko talaga ang lalaking yon. Di pa ako nakakalayo sa kanya ng bigla nalang may humablot sa aking dala dala. '' Akin na nga yan, mukhang hirap na hirap ka jan sa mga dinadala mo palibhasa bakla '' Sabi Niya sa akin sabay kuha ng aking mga dala. '' Okay na Sana kaso nanglait pa " bulalas ko. " May sinasabi ka bakla? " tanong Niya sa akin. " Wala Sabi ko salamat po sa pagdala " I said in my very sarcastic tone. Sabay rolled Ng aking beautiful eyes. " Tsk bakla nga . Saan ka ba bakla? " pagtanong Niya kung san ako bababa. " Sa simbahan ho ako kuya " sagot ko dito. " Hatid na kita Alam Kong di mo kaya to dalhin" Sabi Niya sa akin. Porket bakla mahina agad? Hindi ba pwedeng madami Lang talaga akong dala at mabigat Lang? Hindi Niya ba alam na strong independent woman ako? Kala mo Naman may kepay lakas maka woman. " Nye Nye. Kahit wag na kaya ko Naman . Sasakay Nalang ako para mabilis ." Pag sagot ko dito. " Hindi na bakla dala ko motor ko, no need na sumakay sa tricycle "pagbigay alam niya sa akin. " May magagawa pa ba ako? Tsk " inis Kong sagot sa kanya. " Oh ano pa ginagawa mo Jan? Sakay na " Sabi nito sakin. Kung di lang talaga ako nahihirapan sa mga dala ko Hindi talaga ako sasabay sa bwesit na lalaking to. " Pwede ba dahan dahan ka Lang sa pag momotor " nakakainis kasi kapag walang nadaan na ibang sasakyan bigla nalang niya bibilisan. " Aray ano ba " sabi niya. Kinurot ko lang Naman siya dahil hindi nakikinig. " Nakikinig kaba? Or sadyang bingi ka ba talaga? Sabi ko dahan dahan ka Lang sa pag motor malapit Lang Naman dito ang simbahan. " " Oo na wag ka Lang mangungurot tsk " Ginawa naman niya ang sinabi ko kaya wala nang problema hanggang sa nakarating kami sa likod ng simbahan. " San to bakla? Dalhin ko na hanggang sa loob " tanong Niya Ng makababa siya sa kanyang motor. Taray ha sa lalaking to nakapa gentleman. Parang binabawi ko na yong sinabi kong masungit siya. Gwapo nalang. " Hoy bakla Kanina ka pa nakatitig sakin. Alam ko namang gwapo ako tsk " nakatitig pala ako sa kanya? " Huh? Ano nga ulit Sabi mo? " Tanong ko dito. " Sabi ko San to dadalhin " pagbigay alam niya sa akin. " Ah sumunod ka sa akin " Sumunod naman siya sa akin. Halos Wala na nga akong dala dahil na sa kanya na lahat ng pinamili ko. " Oh Ronnie sino yang kasama mo? Pag sa gwapong binata " biglang Sabi ni kuya Dario Pagtingin ko sa ugok laki Ng ngisi nasabihan lang ng pogi. " Magandang araw ho, ako po si Gabriel " siya na mismo nagpakilala sa kanyang sarili dahil Hindi ko pa Naman alam pangalan nito. So Gabriel pala ang pangalan Niya. Sambit ko sa aking isipan. " Oh siya iho dito mo na yan ilagay "pagtukoy ni kuya Dario sa lababo. " Ronnie mukhang may nakalimutan Kang bilhin? " Nagtatakang tanong ni kuya Dario sa akin. Sinipat ko Naman ang mga pinamili ko at napansin Kong walang saging. " Ayts, Sabi ko na may Hindi ako nabibili pa. Ikaw Kasi ugok ka " turo ko Naman Kay Gabriel. " Oh anong ako? Ako pa talaga sinisi mo huh " Sabi Naman nito sa akin. " Ikaw Kasi bat mo pa ako kinausap don sa palengke. Naalala ko nung nabangga Kita bibili na Sana ako nun ng saging and because of our conversation nawala sa isip ko Yong pagbili ko ng saging. " Explain ko sa kanya. " Oh siya wag ka Kayo magtalo diyan. Ronnie makikisuyo nalang ako bumalik ka nalang sa palengke sumakay kana para mabilis ka " Sabi sa akin ni kuya Dario. " Ako na po, may dala Naman po akong motor " pag presinta naman ni ugok kaya Napa rolled eyes Nalang ako. " Oh siya kayoy humayo na . Ito ang pera Ronnie Yong sobra sa Iyo na iyan pang meryenda ninyo nitong si Pogi " " Salamat po kuya Dario. Nye Nye di Naman pogi " sambit ko Kay Kuya. " May sinasabi ka bakla ? " tanong ni kumag sa akin. " Wala Sabi ko tara na Mahal na prinsepe " pag-aya ko dito. Tuwang tuwa na naman si ugok sa sinabi kong prinsepe. Nakarating naman kami sa bilihan ng saging at bumili ako ng isang sipi dahil iyon ang utos sa akin ni kuya Dario. " May Alam ka bang kainan dito? " Tanong ko sa kanya dahil nagugutom na ako at parang gusto ko ng ice cream. At syempre para naman maitreat ko tong lalaking to nakakahiya Naman kasi sinamahan niya talaga ako kanina pa. " Wala ka bang Alam ? Tsk bakla " singhal niya sa akin. " Aba Malay ko kaya nga ako nagtatanong eh kasi Wala akong Alam . At Wala talaga akong Alam bukod sa palengke a Dahil bago Lang ako dito "paliwanag ko sa kanya. " Tsk sakay na may alam ako " Hindi na ako nakipag diskusyon sa kanya. Sumakay na ako dahil kanina pa talaga ako gutom. Nakarating kami sa isang pamilihan sa likod lang pala to ng municipyo. Taray huh medyo bet ko dito kahit mainit. Madaming tao pero di pa naman occupied lahat Ng tables. Bali nasa second floor kami nitong establishment na Ito. Then sa third floor naman ay Kainan pa din pero may karaoke mga daez. Parang bet ko tuloy kumanta kaso nakakahiya. " Doon tayo sa dulo " turo Naman nito sa bakanteng lamesa sa dulo. " Ano sa iyo bakla? " tanong Niya sa akin ng marating namin ang table na tinuro niya. " Meron ba ditong ice cream or kahit anong malamig ? Nag crave Kasi ako bigla " tanong ko habang tinitingnan Kong may nagtitinda ba dito. " Ano flavor ? " Tanong Niya sa akin. " Chocolate " Sabi ko naman dito. Iaabot ko na sana ang pera ko pero bigla nalang Ito umalis sa aking harap. Napaka walang modo talaga ng lalaking yon kahit kailan. Habang nag aantay ako Kay Gabriel kinuha ko naman ang selpon ko para tingnan ang mga litrato namin nila inang at papang. " Bat ka umiiyak bakla? " takang tanong niya " Huh ako? Umiiyak? " tanong ko dito. Sabay hawak sa aking pisngi. Meron ngang mga butil ng luha kaya pinahid ko naman ito. Taray ganun na ba ako kamanhid para hindi mapansin ang pagpatak ng aking mga luha? " Sorry , napuwing Lang ako " pagsisinungaling ko dito. " Bakla nga naman problema mo? "Mukhang hindi siya naniwala sa sinabi ko. " Wala napuwing Lang talaga ako promise " pagbigay assurance ko para maniwala siya. " Okay Sabi mo eh . Ano pala pangalan mo bakla Kanina pa Kita kasama di pa rin Kita kilala " bigla naman nitong tanong sa akin. " Ronnie Fuentabella , Ron Nalang tawag mo sa akin " pagpapakilala ko sa kanya. " Okay siguro Alam mo na Naman pangalan ko diba? " tanong niya sa akin kaya tumango ako dito. " Yeah . Wait Wala ka bang gagawin? Baka may importante Kang gagawin pwede mo Naman akong iwan dito" Sabi ko sa kanya. " Relax bakla, di ako sasama sayo Kung may gagawin ako " sagot Niya Naman sa akin. " Okay Sabi mo eh " I said. " Wait Lang mukhang ready na yong order natin " sabay alis sa table namin. Kung tutuusin mabait Naman itong si Gabriel kaso mayabang at mahangin ngalang. Aaminin ko gwapo siya. Makapal ang kilay parang Yong mga dream boy Kung baga itong si ugok. Samantala ako? Ito bakla Yong typical Lang na bakla. " Ito na bakla " sabay lapag ng ice cream. Natatakam ako sa itsura nito dahil madami itong toppings. " Salamat mukhang Mahal ata to base sa itsura Niya bayaran Nalang kita " Sabi ko dito. " Huwag na bakla kumain ka nalang diyan " " Okay " tanging sagot ko sa kanyang sinabi. Kung ano ano pa napag usapan namin itong si kumag. Nalaman Kong may kapatid siya na babae may asawa na daw ito at isang anak kaya mag isa nalang siya sa bahay. I mean hindi Naman literal na mag isa syempre may kasamang kasambahay. Base sa kwento ni ugok sa akin mukhang mayaman ang Lolo niyo. OFW pala both parents Niya. Pero ako hindi Naman ako nag kwento sa kanya dahil ayoko pang magsalita at mag open sa kanya. Hindi pa ako komportable. " Tara na bakla baka kailangan na yang saging doon " Sabi niya sa akin Ng Makita niyang ubos na Ang aking kinakain. Sumunod naman ako sa kanya dahil baka nga hinahanap na ako doon. Nang maihatid ko ang saging sa kusina nagpaalam muna ako Kay kuya Dario para Naman makapag pasalamat ako ng maayos Kay Kumag. " Oy buti anjan ka pa? Salamat pala sa pagtulong sa akin. " pagpapasalamat ko sa kanya. " Tsk. Wala Yong bakla . Paalam na ako kailangan ko pa kasing pumunta Kay ate may ibibigay daw siya sa akin " Sabi Niya Naman sa akin. Sumakay naman ito sa kanyang motor at inistart. " Sige salamat mag iingat ka " Sabi ko dito. Tumango Lang naman ito bilang tugon sa aking sinabi. Hinintay ko muna siyang mawala sa aking paningin bago pumasok ulit sa loob ng simbahan. Dahil linggo ngayon at Alam Kong madami Ang papakainin na mga choir at iba pa tumulong ako sa paghahanda para matapos kami kaagad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD