Chapter 1

2475 Words
Hindi ko alintana ang malakas na pagbuhos ng ulan at malamig na hangin dala na siguro ng kaba kaya hindi ko na ito maramdaman pa. Kanina pa ako tumatakbo dahil sa may humahabol sa akin ang mga tauhan ng taong pumatay sa aking mga magulang. Hindi ko na ininda pa ang pagod basta makatakas lang ako sa mga taong iyon. '' Bang, Bang, Bang... '' Tatlong magkakasunod na putok ng baril ang narinig ko. Alam kong malapit lang sila sa akin kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo kahit sobrang sakit na ng katawan ko. I need to escape from those mens dahil kailangan kong makapaghiganti sa kanila. Hindi ko namalayan dahil sa lalim ng iniisip ko nakarating na pala ako sa isang kalsada. It's not really familiar sa akin ang lugar na ito kaya dahan dahan akong naglakad dahil baka maabutan pa ako ng mga taong humahabol sa akin. Habang binabagtas ang kahabaan Ng kalsada bigla nalang sumagi sa aking isipan ang pangyayaring kailan man hindi ko makakalimutan. Napahagulgol nalang ako dahil sa galit at sakit na aking nararamdaman ngayon habang iyak Lang ako ng iyak may naaaninag akong ilaw sa di kalayuan. Dali dali akong naglakad papunta doon upang humingi ng tulong. Pero naisip ko na huwag na lang baka sabihin lang nila isa akong baliw Lalo na ngayon sa ayos Kong Ito. Isa pa lang truck ang naabutan ko. Dahan dahan naman akong umakyat sa truck para makapagtago. " Bahala na Kung san ako dalhin ng truck na to ang mahalaga mailayo ko ang aking sarili sa Kanila. " Sambit ko sa aking sarili. Wala na akong magagawa kailangan kong makalayo sa lugar na ito lalo nat hahanapin ako ng mga Ronchuelo. I am so lucky na napunta ako sa truck na ito dahil puro prutas ang karga nito. Hindi ko na inintindi pa ang mga tao sa harapan at Dali daling kumuha ng saging para makakain na dahil gutom na gutom na ako. Habang sarap na sarap ako sa pagkain ng saging nagulat ako dahil sa biglang pagtunog ng makina ng truck. Mukhang magsisimula na itong tahakin ang patutunguhan nila. Ramdam kong umaandar na ito.  Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan dahil alam kong malalayo na ako sa mga Ronchuelo. Pero, alam kong hindi dapat ako makampanti dahil alam kong ipapahanap nila ako at alam ko din na kahit San ako mapadpad mahahanap at mahahanap din nila ako dahil sa Taglay nilang kapangyarihan.  Dahil sa sobrang pagod ko hinayaan ko nalang ang aking sarili na lamunin ng dilim. Pero bago ako sakupin ng dilim nag iwan muna ako ng mga katagang ipapangako ko sa aking sarili. '' Pangako inang at papang ipaghihiganti ko kayo, nawa'y gabayan ho ninyo ako sa aking paglalakbay.'' At tuluyan na nga akong nilamon ng dilim. '' Parang awa niyo na, pakawalan niyo kami, wala naman kaming ginagawang masama'' Sabay sa pagputok ng baril napabalikwas ako sa aking mahimbing na pagkakatulog dahil sa pangyayari iyon. Napahagulgol na lang ako nang maalala ko ang tagpong iyon. Habang nagmumuni muni hindi ko namalayan natuyo na pala ang aking damit na suot suot. Napatangila ako sa kalangitan tila nag aagaw ang dilim at liwanag. Napaka gandang mensahe para sa akin, dahil naniniwala ako na matapos ang isang dilim may liwanag na sisikat. Kinuha ko naman ang aking selpon sa dala dala Kong bag Kanina. Buti na lang parang raincoat itong loob ng bag ko hindi nabasa ang aking mga gamit na nadala. I check the time and it's already 5am in the morning. Dahan dahan naman akong tumayo upang tingnan ang lugar na aming dinadaanan and base on my observation this place isn't familiar. Hanggang sa may nabasa akong mga kataga. '' WELCOME TO MUNICIPALITY OF CAPOOCAN '' pagbasa ko sa pangalan ng lugar na ito. Bahala na kung nasaan lugar na ako ang mahalaga mabuhay ako at makapag simula ulit ng panibagong buhay. Alam kong malapit na tumigil ang truck na aking sinasakyan kaya dali dali akong kumuha ng mga prutas at sinilid ko ito sa aking bag na dala dala. Hanggang sa huminto ang truck nga ang truck na aking sinasakyan sa isang palengke. Dali dali akong bumaba dahil baka makita pa ako ng may ari ng truck na ito. Nang makababa ako hindi ko na pinakialaman ang mga tingin ng taong pinupukol sa akin at naglakad na lang kasabay ang ibang tao. May mga taong wala lang paki-alam, may mga taong naawa, may mga taong nandidiri naman. Iilan lamang iyan sa aking mga nakikita sa pagmumukha ng mga taong nakakakita sa akin. Alam natin na isa lamang yan sa mga mukha ng ating lipunan diba. Kakasunod sa mga tao hindi ko namalayan nakarating ako sa isang simbahan. Namangha ako sa design ng simbahan nila, para itong sinaunang simbahan at kulay puti ang nakapintura dito. Iyong puting hindi masakit tingnan. Dahil sa pagod na aking nararamdaman naisipan kong magpahinga muna sa mga upuang nakalagay sa gilid ng simbahan. Habang inaantay ko na lamunin ako ng dilim,pinag masdan ko naman ang mga taong nandidito ngayon. May  mga taong masasaya. May magpapamilya, may magkasintahan at mga magkakaibigan na may kanya kanyang ginagawa. Samanatala ako, tila pinagkait sa akin ang kulay at liwanag na gusto ko. Dahil narin sa pagod na aking naramdaman hinayaan ko na ang aking sarili na makapag pahinga at lamunin ng dilim. Nagising nalang ako dahil sa tunog ng kampana ng simbahan. Dahan dahan akong bumangon kahit masakit pinilit ko pa rin. Dahan dahan akong naglakad patungo sa loob ng simbahan. Bukas pa ito hanggang ngayon dahil nabasa ko sa labas nito na hanggang alas 8 lang sila ng gabi. Hindi ko Alam dahil sa bigat ng aking nararamdaman bigla nalang akong napahagulgol dito sa loob ng simbahan. " Bakit? Kung totoo ka nga edi Sana buhay pa mga magulang ko ? Bakit sa dinami dami Ng Tao ako pa? Bakit ? Hindi Naman ako naging masamang Tao diba, pero bakit? Bakit pinag kait ninyo ang kulay at liwanag na gusto ko? Sumagot ka ! " Dahil sa Hindi ko na kaya pa ang nararamdaman kong sakit at puot naibulalas ko Ito sa harap pa mismo Ng rebulto Ng ating Diyos. " Bakit.?. sana Bigyan niyo ako ng reason kung bakit nangyari Ito sa akin. Pero bakit ako pa? Bakit hindi na lang ang iba " Iilan lamang Yan sa mga katagang lumabas sa aking bibig. " Bakit !!!!! " Muli Kong sigaw.  Dahil sa pag iyak ko halos naubos Ang lakas ko kaya hinayaan ko Ang aking sarili na maglumpasay sa malamig na tiles ng simbahan. Ilang minuto na akong nakalumpasay sa malamig na tiles ng simbahan habang iyak Ng iyak. Bunsod siguro sa walang tigil na pag iyak, bigla nalang sumikip ang aking dibdib at nahihirapan akong huminga. Nanlalabo ang aking nga paningin parang hihimatayin ata ako. Pero bago pa ako mawalan ng malay nakita ko ang isang bulto Ng pare na inalalayan ako hanggang sa mawalan na ako ng malay.  Dahan dahan kong minulat ang aking mata. Hinayaan ko munang makapag adjust ang aking vision hanggang sa may nag salita sa gilid Ng aking kinahihigaan ngayon. " Buti naman gising kana iho " tanong ng isang pare sa akin. " Nasaan po ba ako father? " Takang tanong ko sa kanya. " Iho nasa likod ka ngayon ng simbahan, Kung saan dito namamalagi ang ibang nagtratrabaho sa simbahan. Nakita Kasi Kanina sa loob Ng simbahan ng bigla ka nalang nawalan Ng malay kaya dinala Kita dito. Kung nagtataka. Oo narinig ko lahat Ng hinaing mo iho. Pero huwag kang mag alala I won't judge you " mahabang lintaya ni father sa akin. At muli Hindi ko na naman napigilan ang umiyak dahil naalala ko na naman ang tagpo Kung paano nila pinatay Ang mga magulang ko. " Sige lang iho iyak mo lang yang , walang masama sa pag iyak. Alam ko Balang araw bibigyan rin ng kasagutan ng Diyos ang iyong mga tanong" tango lang ang tanging nasagot ko Kay father. Gusto ko man umiyak pero pinigilan ko na Ito dahil nakakahiya na Kay father na Kanina pa ako binabantayan. " Nga pala iho ako si father Raul ang kuro paruko dito sa bayan ng Capoocan " pagpapakilala ni father. Pinunasan ko muna Ang aking mata bago magpakilala Kay father " Ronnie Fuentabella po pala father Raul. kinagagalak ko pong makilala Kayo. At lubos po akong nagpapasalamat sa pagtulong niyo sa akin. " pagpapasalamat ko Kay Rather Raul. " Nako iho, walang anuman lahat tayo anak Ng Diyos kaya nararapat lang na tulungan Kita. Kung iyong mamarapatin pwede ka bang magkwento tungkol sa nangyari sa Iyo?" Pagtanong naman sa akin ni father tungkol sa nangyari sa akin. Dahil Alam Kong pare ang kausap ko hindi ako nag dalawang isip na ikwento sa kanya ang lahat Ng nangyari sa akin. Pero traydor talaga ang mga luha ko dahil habang nagkwekwento ako Kay father Hindi ko talaga maiwasan Ang maluha. " Simula ngayon dito kana maninirahan kesa naman iho Wala kang mapuntahan, huwag kang mag-alala papunta na ngayon si Lalaine ang mag tuturo sa iyo ng mga gawain dito sa simbahan. " Pagbigay alam sa akin ni Father . "Don't worry also iho madali Lang Ang gagawin mo. " Pahabol na lintaya ni father sa akin. " Nakow father maraming salamat po asahan niyo po gagawin ko po Ang lahat at hindi ko po sasayangin Ang pagkakataong Ito. " sagot ko Naman Kay Father Raul. Ito na siguro ang simula ng bagong yugto ng aking buhay. " Oh siya bukas Nalang ulit at ako din iho ay magpapahinga na. Kaawaan ka nawa Ng Diyos " Huling lintaya ni father bago lisanin ang silid na aking kinahihimlayan ngayon. Dahil Wala pa si ate Lalaine na sinasabi ni father inayos ko Nalang muna ang pinaghigaan ko.Nakakahiya Naman Kong di ko pa to ayusin diba ako na nga Yong tinulungan tapos mag iinarte pa. Busy ako sa pag tutupi ng kumot ng biglang bumukas ang pinto hudyat na may Tao. " Ikaw ba si Ronnie iho? Ang sinasabi ni Father Raul? " Tanong ng babaeng nasalamin sa akin. " Opo ako nga po " sagot ko naman dito. " Ako nga pala si ate Lalaine mo, huwag kang mahihiya sa akin iho" pagpapakilala ni ate Lalaine sa akin. " Opo ate Lalaine " " Sa ngayon sumama ka muna sa akin sa kusina. Tanong ko Lang marunong kaba magluto? " tanong Niya sa akin Kung marunong ba ako sa pagluluto. Actually konti lang Alam ko dahil tinuturuan naman ako dati ni inang kapag walang pasok. " Opo marunong po ako mga iilan Lang din po ate Lalaine" sagot ko dito. " Good Tara tulungan mo ako magluto ng uulamin ngayon ni father at Ng iba pa " sabay lakad palabas ng aking silid. Habang papunta kami sa kusina na sinasabi ni ate Lalaine itinuturo din Niya ang mga bawat silid na nadadaanan namin. Pansin ko Lang parang di ka nasa simbahan dahil sa itsura nito. Para kang nasa sinaunang lugar. I mean mga bahay. Super nostalgic. Natapos ang pagluluto namin ni ate Lalaine nang utusan Niya akong maglagay daw Ng basura sa kabilang kalsada dahil bukas kukunin na daw ito ng mga garbage collector. Malapit Lang Naman siya kasi meron naman pintuan sa likod nitong kusina which is malapit na sa kalsada na sinasabi ni ate Lalaine. Madilim ang parte nitong kalyeng ito pero may ilaw naman na nagmumula sa poste. Habang pinagmamasdan Ang kabuuan ng lugar na to may nakita naman akong isang pamilya at ang saya nila. Siguro Kung buhay pa sila inang at papang ganun din siguro ako. " Peeppppppp" tunong ng busina ng motor. Dahil sa lakas Ng busina ng motor nagulat ako at dahil sa gulat natumba ako. Ngayon ko lang napansin nasa gitna pala ako Ng kalsada knowing na may iilan paring sasakyan ang dumadaan dito. " Ano ba magpapakamatay ka bang bakla ka? " Sambit ng isang gwapong nilalang sa akin . Gwapo sana kaso masama ugali " Pasensya na po di na po mauulit " paghingi ko ng paumanhin dito. " Bakla na nga tatanga tanga pa " panglalait nito sa akin. Problema ng lalaking Ito? Ano ba pinuputok ng butchi nito? I already apologize yet galit pa rin siya? " Kuya humingi na ho ako ng tawad tapos ganyan ka pa? Ano gusto mo lumuhod pa ako sa harap mo? " Kalmado Kong Sabi sa kanya. " At talagang sumasagot ka pa" inis niyang sambit sa akin. It's really obvious na galit siya base sa kanyang pulang mukha. Well , problema niya na yon no. " Uulitin ko po pasenya na " paghingi ko ulit ng paumanhin. " Tsk" tanging sagot niya sa akin. " Gwapo nga sungit Naman " mahina Kong sabi sabay lagay ng basura sa gilid ng kalsada. " May sinasabi ka bakla? " napansin Niya siguro na may sinabi ako. " Wala po salamat po at di niyo sinagasaan at pasensya na po ulit di na mauulit. " Sabay bow. Wala eh nasanay talaga ako sa ganung gesture when apologizing to someone. Wala Lang ang ganda Lang kasi parang mas sincere ka kapag may tanong gesture. " Diyan kana nga bakla pwe " singhal niya sa akin. Bigla nalang itong umandar di pa man siya nakakalayo sakin sinigawan ko itong ma flat sana gulong ng motor niya and boom biglang may pumutok knowing it's the tire Ng motor niya. " Putang Ina " biglang sigaw niya kaya Dali Dali akong tumakbo papasok sa simbahan baka ano pa gawin ng lalaking yon sa akin. Natatawa talaga ako sa tagpong yon. Gwapo nga sungit sungit Naman. Turn off char Lang. " Oh Ronnie natagalan ka yata? " It was ate Lalaine asking why it takes more minutes of throwing the garbage outside. " Ah may nakita Lang po akong bata ate kinausap ko muna saglit " pagsisinungaling ko dito. Baka Kasi pag sinabi kong muntik na akong masagasaan ay baka mapagalitan pa ako knowing na bago lang ako dito baka mapalayas ako kaagad char. " Oh siya , sige na kumain kana diyan at pagkatapos mo sumama ka sa akin magrorosaryo tayo. Teka teka marunong ka ba mag rosaryo? " tanong sa akin ni ate Lalaine. Kumuha naman muna ako ng pinggan bago sagutin si ate Lalaine " Ah opo ate marunong po ako "sagot ko sa tanong sa akin ni ate Lalaine.  Bigla ko Nalang naaalala si inang, tuwing biyernes Kasi pagpatak ng ala sais ng gabi magrorosaryo kami. Hindi ko naman maiwasang malungkot dahil sa ala alang iyon na mananatiling alala nalang. " Oh siya hintayin Nalang kita don sa bulwagan huh " sabi Naman nito sa akin. Tumango lang ako dito bilang tugon sa kanyang sinabi sa akin. Nang matapos ako kumain, of course naghugas muna ako ng pinagkainan ko at nang matapos dali dali naman akong pumunta sa bulwagan baka kasi kanina pa nag aantay sa akin si ate Lalaine. Nang marating ko ang bulwagan nakita ko Naman si ate Lalaine na may tinitipa sa kanyang selpon. Agad naman akong tumabi dito at nagsimula na kaming mag rosaryo. " Sa ngalan ng ama ng anak ng esperitu Santo amen " sambit namin nang matapos kami sa pagrorosaryo. Nagpaalam nadin ako Kay ate Lalaine dahil akoy magpapahinga na. Pumayag naman kaagad si ate Lalaine Kasi Alam Niya ang nangyari sa akin and Of course before I go to bed nag pray muna ako. " Alam kong dito na magsisimula ang panibago kong buhay, kailangan kong lumaban kahit mahirap. Kailangan Kong lumaban para sa aking magulang. KAYA fighting Lang" Hanggang sa lamunin na ako ng dilim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD