Chapter 24

2956 Words
Ronnie's POV Nagising naman akong Wala ko sa tabi si Gabriel. Nasaan kaya ang lalaking iyon himala nauna siyang gumising sa akin. It's our fifth day here sa bahay nila Lola Esmeralda. Sa loob ng apat na araw andiyan iyong saya puro bangayan namin ni Gabriel minsan sweet siya na mas lalong nagpapa inlab sa akin. Nagsimula naman akong mag ligpit ng pinaghigaan namin ni Kumag. Nang matapos akong magligpit kinuha ko ang towel ko upang maghilamos sa baba. Pagkadating ko sa kusina ay nandon sila tita maliban sa tatlong lalaki. Si Kumag asawa ni ate Jona at Tito Ben. " Good morning po sa Inyo " bati ko sa Kanila. " Oh iho magkape ka na at may tinapay dito " Sabi sa akin ni Lola Esmeralda. " Sige po Lola maghihilamos lang ako. " Sagot ko Kay Lola. " Nga pala iho kasama ngayon si Gabriel sa pamamalengke baka kasa hanapin mo " pahabol na sambit ni tita sa akin. " Ah sige po titA " sagot ko nalang. Kaya Naman pala wala dahil kasama pala sa pamamalengke. Nagtungo naman ako sa banyo upang maghilamos. Nagmumog Lang muna ako dahil akoy magkakape. Nang matapos ako lumabas na ako ng banyo upang makapag kape na. . Pagkadating ko sa kusina ay si Lola Esmeralda na lang ang nandito. " Oh iho mag timpla ka na Lang diyan huh. " Sabi ni Lola kaya tumango Lang ako dito. Umalis naman ito matapos mag instruct sa akin Mukhang may gagawin ata sila kaya ako nalang naiwan dito ngayon. Habang nagtitimpla ako Ng kape may bigla na lang pumasok napansin Kong si Kumag pala dala-dala ang pinamili. Matapos tapunan siya ng tingin bumalik naman ako sa pagtimpla ng kape. " Lah ano bakla tinotopak ka na Naman ba. Ipagtimpla mo din pala ako " sabi niya. Hindi ko naman pinansin sinabi niya at kumuha na lang ako ng panibagong mug para sa kanyang kape kuno. Umupo naman ito sa tapat Kong upuan habang tumitingin sa akin ng nakangisi. Kumunot Naman noo ko dahil sa ngisi Niya. " Ano nginingisi mo diyan huh " tanong ko dito habang naglalagay Ng konting asukal sa aming kape. " Tinotopak kana Naman ano " tanong ulit nito. " Hindi no Wala Lang ako sa mood " sagot ko sa kanya. ' eh Ganun na nga tinotopak " komento Niya sa akin. " What ever oh " Sabi ko sabay abot sa kanya ng kape niya. " Para saan pala iyan kumag " tanong ko sa kanya. " Ah iyan ba may konting handaan bukas pagkatapos magpunta ng sementeryo " sabi sa akin ni kumag. Napaisip naman ako sa sinasabi Niya. May posibilidad kayang ganito din gawin namin if ever na buhay pa sila? Sana naman may mga mababait na taong naglibing sa Kanila ng maayos. Inang papang kamusta na po kaya Kayo? " Alam ko iniisip mo bakla magulang mo no? Huwag Kang mag-alala magtirik ka nalang ng kandila bukas may simbahan naman don " Sabi niya sa akin. Hindi naman ako sumagot sa sinabi nito pero tumango naman ako. " Nga pala punta daw tayo mamaya kena Jun ,gusto ka daw makilala nung jowa Niya " Sabi sa kin ni Kumag. " Anong oras ba iyan? " Tanong ko naman sa kanya. " Don na daw tayo mananghalian so Maya maya tayo punta " pagpapaliwanag niya sa akin habang may kinakalikot sa kanyang selpon. " Geh edi maliligo na ako ngayon nakakahiya naman Kung di pa ako maligo " Sabi ko. " Geh pagkatapos mo ako Naman maliligo. " Hindi na naman ako nagsalita pa, kinuha ko ang mug na ginamit niya at hinugasan ko ito sa lababo. Iniwan ko Naman si Kumag sa kusina at dali daling umakyat para kumuha ng pamalit. Naisipan kong mag Jersey shorts lang hindi naman iyong sobrang ikli tapos saktong kahabaan na t shirt. Nang nakarating ako sa kusina, nakaupo parin si Gabriel na may kinakalikot sa kanyang selpon. " Bakla bilisan mo pagligo at susunod na ako kaagad nag text na si Jun sa akin. " Pagbigay alam niya sa akin. Nang matapos niyang sabihin iyon ay diritso na akong nagtungo sa banyo upang maligo na. " Tagal mo talaga kahit kailan at anong suot iyan bakla ? " Tanong niya sa akin Ng makita ang suot ko nang makalabas ako ng banyo. " Short at t shirt " casual Kong sagot sa kanya. " Tsk magpalit ka bakla " Sabi nito sabay pasok ng banyo. Nagtungo naman ako ulit sa itaas upang mag ayos ng kaunti at upang patuyuin ang basa Kong buhok. A whole new world  A new fantastic point of view Pagkanta ko dito sa terrace habang tumitingin sa palayan. Habang pinapatuyo itong buhok ko. A whole new world a dazzling place I never know  But when a way up here  It's crystal clear  But now I mean a whole new world with you. " Para kang baliw bakla " komento ng Kumag na kakarating Lang. " Che paki mo " Sabi ko nalang sa kanya. " Diba Sabi ko sa iyo ay magpalit ka " Sabi Niya na Naman. " Alah ayoko at baka mainit don " sagot ko sa kanya. " Alam mo huwag na tayong umalis bakla " walang gana nitong sabi. Kaya padabog naman akong nagtungo sa bag ko at kinuha ang sweet pants. Hindi ko na hinubad ang short dahil manipis lang naman ito. " Yan good " ngising Sabi Ng kumag. Kala mo naman boyfriend ko siya para pagbawalan ako. " Nye Nye " Sabi ko nalang. Tumawa naman ang loko. Nang matapos siyang maglagay kuno ng mga keme niya ay bumaba na kami. " Ma kena Jun lang kami nitong si Ronnie. " Pagpaalam nitong kumag Kay tita na nasa Sala ngayon. " Mag-iingat Kayo at huwag kayong magpagabi Gabriel " Sabi ni tita. Umalis Naman kami kaagad ni kumag . Binuksan ko naman ang dala kong payong dahil mainit. Umakbay naman sa akin si Kumag at hinayaan ko nalang ito. Tahimik naman namin tinatahak ang kalsada dahil nasa highway kami ngayon. Actually nasa highway talaga ang bahay ng Lola niya kaya kalsada ang nilalakaran namin ngayon. After a couple of minutes nakarating naman kami sa isang may kalakihang bahay. " Magandang Umaga po Tito rode si Jun po? " Tanong Niya sa isang lalaking may katandaan na. " Oh iho nasa kusina Kanina pa Kayo inaantay nun pasok na kayo. Teka Sino pala iyang kasama mo Jowa mo din? " Tanong naman nitong Tatay ni Jun. " Ah tito hindi pa po " Sabi niya. Ano pinagsasabi nito? " Sus ang bagal mo naman pala iho oh siya kayoy pumasok na " Nagpasalamat naman kami bago pumasok. Nakarating naman kami Ng kusina at Nakita ko Ang isang sister na parang ako lang din. The typical gay Kung baga Yong walang masyadong kaartehan. Ngumiti naman ako dito at sya din.. " Oh pare andiyan na pala Kayo " " Hi " bati ko Kay Jun. " Hello welcome sa bahay namin. " Sabi niya. " Nga pala Jazz jowa ko " pagtukoy Niya Kay sister. Lumapit naman ako dito . " Hi sister ako nga pala si Ronnie " sabay beso dito at ganun din siya. Nagulat naman ang dalawang lalaki. " Lah close kayo kaagad " tanong ni Jun. " Well Mahal ganun talaga kaming mga unicorn no diba sis " " Trulala sis apir tayo diyan " Sabi ko at nag apir naman kami. Tinawanan lang kami nitong dalawang boylets. Nagsimula naman kaming kumain, at nakilala ko din Ang nanay ni Jun na may kabahidan din ng kabaklaan oh diba. Mamaya na naman daw kami mag-usap nitong si Jazz matapos daw lumafang para diri-diritso daw. " Mahal iinom kami nitong si Gabriel " pagpapaalam nitong si Jun Kay Jazz edi Sana all. Tumingin naman ako Kay kumag dahil alam Kong mahina tolerance nito sa alak. " Onti lang Naman " kamot sa batok nitong Sabi sa akin. Buti naman na gets Niya ibig Kong sabihin iiwan ko talaga siya dito. " Ano sister papayagan ba natin " tanong sa akin ni Jazz " Gora na sis mukhang ngayon Lang ata nagkita Ang dalawang Yan " sagot ko naman. Natuwa naman ang dalawang lalaki dahil pinayagan namin silang uminom. Matapos kumain pumunta naman sa Sala ang dalawang lalaki dahil magsisimula na daw sila habang kami ni Jazz ang naiwan upang magligpit ng mga pinagkainan namin. " Oh mga anak ako na bahala diyan pumunta na Kayo don " Sabi bigla ng nanay ni Jun na kakapasok lang sa kusina. Nagpasalamat naman kami Kay tita bago umalis ng kusina. Umupo naman kaming dalawa sa tapat ng dalawang lalaki na nagsimula nang uminom ngayon. " So sis, pano Kayo nagkakilala niyang si Jun " tanong ko Kay Jazz. " Well sis aside from dito kami nakatira magkababata kami niyang si Jun tapos lagi Niya akong binubully dati. " Paliwanag Niya. " Tapos ayon hindi talaga kami niyan magkaibigan Kasi even on our elementary days ay bangayan lagi kami niyang dalawa. " " Eh pano Kayo naging Kayo ? " Tanong ko sa kanya. " Sis nagsimula iyang pakikitungo sa akin ni Jun nung grade 8 kami dahil may ibang umaaligid sa aking lalaki. " " Tapos sis, ayon edi siya na lagi kasama ko dahil ayaw niya na may kasama akong iba bukod sa kanya. " '' Iba ka talaga sis. So pano siya nanligaw sa iyo. I mean pano siya umamin sa iyo. '' tanong ko sa kanya. '' Actually umamin siya sa akin pauwi kami galing sa school . Nagtataka nga ako kung bakit may dala siyang chocolate tapos ayon pala aamin ang loko. Sa una hindi pa ako naniniwala alam mo naman na diba bully siya sa akin baka mamaya pinagtritripan lang pala ako ng loko. Pero sa araw-araw na magkasama kami ayon pinaramdam niya sa akin na totoo talaga siya hanggang sa nung grade 10 kami naging official na kami at hanggang ngayon . '' pagtatapos niya sa kwento tapos alam niyo iyong feeling na ikaw walang jowa. '' Bongga pala story niyo sis. '' komento ko sa lovestory kuno nila. '' Ikaw naman sis mukhang nasa denial stage pa kayo niyang ni Gabriel. '' sabi niya naman sa akin. Napa isip naman ako sa sinabi niya. Nasa denial stage nga ba talaga kami or sadyang ganun lang talaga turing niya sa akin. '' ano kaba sis magkaibigan lang kami niyang si Gabriel . '' sagot ko naman sa kanya dahil ayoko naman na pati sarili ko ay bigyan ko ng false hope. '' Alam mo bang kahit na kami niyang si Jun hindi parin ako kampante na pang-habang buhay na ang relationship namin. Hindi ko masabi kong handa nga ba ako sa araw na iyong kung saan mas pipiliin ni Jun ang normal na buhay. Kaya ngayon hangga't nagmamahalan kami inienjoy ko nalang.'' paliwanag niya sa akin. '' Tama ka sis, lahat ng bagay sa mundo ay walang kasiguraduhan at panandalian lamang. Kaya sa bawat araw na nabubuhay tayo ay piliin natin lagi ang maging masaya. Okay lang na malungkot minsan pero huwag naman sana habang buhay kang mabubuhay sa lungkot diba. '' mahabang lintaya ko sa kanya. '' Bakla ano pinag-uusapan niyo diyan mukhang seryoso ata kayo . '' pagtanong ni Kumag sa akin. '' Ah wala, huwag muna kami pakialaman no this is a Gays talk che . '' sabi ko kay kumag. '' Baka naman puro lalaki yan huh Jazz . '' sabi naman nitong si Jun kay Jazz. '' alam niyo huwag niyo na kami pakialaman ni Ronnie dito mag-inom na lang kayo diyan . '' sabi ni Jazz. ''Lipat nga tayo sis kainis tong dalawa don tayo sa kubo sa likod . '' segunda ni Jazz . Tumayo naman kami ni Jazz tapos bigla namang ulit nagtanong si Jun. '' San kayo pupunta Jazz . '' si Jun. '' Maghahanap kami ng boylets diba sis . '' sagot ni Jazz '' Ano bakla umupo ka dito sumbong kita kay mama . '' sabi ni kumag. '' Neknek mo sa likod lang kami nitong si Jazz tara na sis . '' sabi ko sa kanya Hindi na namin hinintay pa ang sagot ng dalawang lalaki ay naglakad kaagad kami paalis at tuluyang nagtungo sa likod. '' alam mo sis ang labo din niyang si Gabriel ano . '' komento ni Jazz nang makaupo kami . '' True sis, ako tuloy itong mas nahuhulog sa kanya . '' sabi ko naman. '' Pero sis, sa situation mo huwag mong hayaan na mas mahulog ka lalo na't wala pang assurance. Pero alam mo sis nahihirapan din ako sa sitwasyon ngayon. '' Kung ano ano pa napa-usapan namin ni Jazz na puro kabaklaan napa-usapa pa nga namin kung may nangyari na sa kanila ni Jun at yon ang loko meron na daw dahil lasing daw ito noon. Ang hirap pala pag lasing ang isang lalaki no,you can't control them. Base sa kwento niya ang sweet nila pala sa isa't-isa. Naisipan naming puntahan ang dalawang lalaki baka lasing na. '' Hala sis mukhang tinamaan na nga ang dalawa dahil pupula na ng mga mukha nila. '' sabi sa akin ni Jazz nang makita namin ang dalawang lalaki. '' True sis kailangan na silang patagilin. '' sabi ko naman. Nang marating namin ang sala kung nasan ang dalawa at umupo naman kami sa tapat nila. ''Tumigil na kayo at kami na naman ni Jazz ang ma-iinom '' sabi ko sumang-ayon naman si Jazz sa sinabi ko . '' Tumigil ka nga bakla di ka nga nainom . '' nilaglag naman ako nitong si Kumag. '' Jun tama na iyan may lakad pa bukas '' '' Ikaw din kumag pulang pula kana oh . '' Tumigil naman ang dalawang lalaki at hinayaan na mag-usap sila habang kami naman ni Jazz ay nagligpit ng mga kalat nila. Kuha ng mga plato at baso punas dito punas doon. '' Oh ano lasing na iyong dalawa . '' tanong ni tita sa akin na kakapasok lang nang kusina. '' Hindi naman tita sakto lang. '' sagot ko naman kay tita. Nagpatuloy naman kami sa paglilinis ni Jazz hanggang sa matapos kami. '' Sis bukas nalang ulit koy tayoy magkikita pa . '' sabi ko kay Jazz habang hawak ko ang braso ni kumag. '' Trulala sis ingatsue kayo dalawa. '' Matapos magpaalam sa isat isa nagpaalam din kami sa magulang ni Jun at nagpasalamat. Medyo nasa katinuan parin namang ito si Gabriel. Medyo namumula lang ito ng onti ano kaya masasabi ni Tita dito sa kumag. '' Ano kumag ano nalang sasabihin ni tita sa iyo . '' pagbasag ko sa katahimikan namumutawi sa pagitan namin. '' Eh wala yon hindi naman magagalit sila mama huwag kang mag-alaa . '' sabi niya sa akin habang nakaakbay sa akin. '' Ewan ko sa iyo bahala ka mamaya pagdating natin . '' Hindi na naman kami pa nag-usap pa pagkatapos nun. Hanggang sa makarating kami sa bahay. Nang makapasok kami naka tingin naman sila lahat. '' Oh anong nangyari diyan iho at namumula . '' tanong ni tito ben ng makita kami. '' ay tito nag inom sila ni Jun . '' sagot ko naman kay Tito. '' Papa hindi naman ako lasing eh . '' sabi ni kumag kay tito. Hindi na naman pa sumagot si tito kaya inakyat ko na ang kumag na ito sa itaas para makapag pahinga siya. '' Matulog ka muna kumag . '' sabi ko sa kanya ng makarating kami sa kwarto namin. Hindi na naman siya nagsalita pa, bagkus humiga at dumapa ito kaya hinayaan ko nalang ito. Bumaba naman ako para tumulong doon dahil hapon na din . Pagkababa ko ay dumiritso ako ng kusina at sakto naman nag-gagayak sila. '' Ano po maitutulong ko . '' I ask them when I reach the kitchen. They're all busy doing things on their own. '' Ah iho ito gayatin mo itong karne ng baboy marunong kaba . '' tanong sa akin ni lola Esmeralda. '' Opo ako na po bahala . '' Kinuha ko naman ang kutsilyo at sinimulan gayatin ang karne ng baboy. Seryoso naman akong nag-gagayat ng karne ng bigla nalang nagtanong si Tita Mildred sa akin. '' Iho tanong ko lang nakalibing ba mga magulang mo . Ano cause of death nila . '' pagtatanong ni tita. Napahinto naman ako sa paghihiwa ng karne dahil sa sinabi ni tita. Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba or hindi. Pero dahil matagal ko na naman silang kilala ay sasabihin ko na ang katotohanan sa likod ng aking lungkot. Halos lahat sila ay nakatingin sa akin mukhang nag-aantay ng aking isasagot sa katanungan ni Tita Mildred. Huminga muna ako ng malalim bago magsimulang magsalita. '' Ah tita may pumatay po sa kanila . '' direkta kong sabi sa kanila nagulat naman sila sa aking isiniwalat na impormasyon patungkol sa aking mga magulang. '' Kita ng dalawa kong mata kong paano sila pinatay ng mga walang awang lalaking iyon . At alam ko din kung sino ang nag utos sa kanila upang patayin ang mga magulang ko.'' '' Ronnie bakit ngayon mo lang ito sinabi sa amin, tsaka pwede natin silang ipakulong. '' sabi sa akin ni ate Jona na ngayon ay hindi parin makapaniwala sa nangyari sa aking magulang. '' Ate kahit magsumbong pa ako I will not win against them. They can buy the justice that I want because they're so powerful. Ang tanging pangako ko lang naman ngayon sa aking sarili ay makapagtapos dahil gusto ko balang araw ako mismo ang lalaban para sa aking magulang. '' mahabang paliwanag ko sa kanila. Alam niyo ba iyong feeling ng biktima ka ng social injustice tapos parang iyong JUSTICE ay nararapat lang sa mga mayayaman but when it comes to those poor people our system are no longer fair in seeking justice. Just like our government nowadays and I can no longer stand with our government. Dahil sa usapan namin hindi ko na mapigilang hindi maiyak, cause those memories are nightmares that I couldnt skip. '' may punto ka iho, pero naniniwala naman ako sa iyo na balang araw makukuha mo rin ang justice na iyong inaasam para sa magulang mo. Tsaka alam ko naman na binabantayan ka ng mga magulang mo kahit saan ka mapunta . '' mahabang lintaya sa akin ni Lola Esmeralda. '' Opo salamat po lola . '' Sana nga pagdating ng araw makuha ko ang hustisya na inaasam ko. Hindi kasi nila alam na may banta sa buhay ko. Anytime and anywhere my life will end. '' Huwag naman sana '' sambit ko sa aking isipan sabay pahid ng luha at nagpatuloy sa aking ginagawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD