Chapter 23

3510 Words
Ronnie's POV Ang bilis ng araw heto kami ngayon sa classroom todo aral for the last day of examination kasi next week bakasyon na. Kung iisipin mo sa bawat gabi ay may lungkot ngunit sa bawat umaga nama'y puno ng pag-asa pero sa bawat gabi at umaga maraming nangyayari masama at mabuti. " Hoy bakla Kanina pa Kita tinatawag bingi ka ba " nagulat naman ako sa biglang pagsigaw nitong si Kumag. " Ano ka ba Kita mong nagmomoment ako dito panira ka talaga lagi . " mahinahon Kong Sabi sa kanya. Nasa mood kasi ako ngayon. " Lah moment ka diyan mukha Kang baliw tumigil ka " sagot niya naman sa akin. " Ano ba kasi kailangan mo Ramos " pagbanggit ko sa apelyido niya. " Lah Ramos , pahiram ako ng notes mo sa PR1 " Sabi niya sa akin. Kinuha ko naman ang notebook ko ng PR1 at ibinigay sa kanya. " Oh ayan may mga highlights na iyang dapat pag-aralan huh kumag " pagpapaliwanag ko sa kanya. Tumango lang naman ito sa akin sabay baling ng kanyang attention sa mga nakasulat sa aking notebook. Sa mga nakalipas na araw lagi talaga kami nitong magkasama. Minsan nga napagkakamalan kaming magjowa. Pero Wala talagang kami na hanggang ngayon umaasa pa rin ako dahil sa mga pinapakitang kilos ni kumag. Bumalik Naman ako sa pag-aaral sa MIL dahil isa ito ngayon sa mga eexam namin. Dumating naman si sir Ceej na siyang proctor namin ngayon. Naging tahimik ang aming pagsusulit. May mga espasyo sa pagitan namin upang maiwasan ang pagtutularan. Ang Hindi Alam Ng mga guro " We find ways " during examination. I bet Gawain niyo din Yan. Afternoon pala ang exam namin ngayon dahil kahapon sa umaga kami. Exam Exam Exam Exam " Good-bye students " pagpaalam ni sir Picondo sa Amin na siyang nagbantay sa huling exam namin for today na siyang pinakamatagal. " Goodbye sir " we said in unison. Naupo naman ako pagkatapos ipasa ang test paper ko dahil ayoko muna kumilos at tinatamad pa ako. Napansin ko naman na hapon na pala base sa aking nakikita sa labas ng bintana. " Hoy ano may balak ka bang umuwi bakla? " Tanong ng isa Nanatili naman akong nakatingin sa mga ulap sa labas cause it gives me chill nakakawala ng stress. Its color the shapes everything that occupy space char. I mean everything even the blue sky. " Lah tinotopak ka na Naman ba bakla " sundot niya sa akin pero hindi ko pa rin siya pinapansin. Nakatingin pa rin ako sa mga ulap na gumagalaw ngayon sa kalangitan. Napangiti naman ako dahil alam Kong masaya sila inang at papang ngayon kung nasan man sila ngayon. " Hoy tara na tayo nalang dalawa andito oh " Sabi sa akin ni Gabriel. Tumingin naman ako dito na ngayon kunot ang noo naiinip na siguro kakaantay sa akin. " Mauna kana kumag '' Sabi ko sa kanya. " Ayoko nga Bala ka diyan. Akin na nga mga gamit mo " kinuha naman niya mga gamit ko at inilagay sa bag ko. May mga araw talagang tinatamad akong kumilos. Tumayo naman ako para lumapit sa bintana dahil mas maganda ngayon ang kalangitan kulay orange na may blue pa. Nag-aagaw ang dilim at liwanag. Bigla naman tumahimik ang paligid nagulat nalang ako ng bigla nalang yumakap sa akin si Gabriel. " San ka pala pupunta this bakasyon " pagtutukoy Niya sa darating na undas mga ate huwag kayong atat. " Malamang sa simbahan na lang, hindi ko naman alam san itinapon ng ang magulang ko ipanalangin ko na Lang sila " sagot ko dito. May konting kirot pa akong nararamdaman Alam Kong isang araw matatanggap ko din na Wala na talaga sila. At Alam Kong may panibagong sakit naman ang papalit. " Sorry ang insensitive ko " paghingi niya ng paumanhin sa akin na hanggang ngayon yakap yakap pa rin ako. Nararamdaman ko tuloy Yong junjun Niya sa may bandang puwetan. " Okay lang no, konti nalang Gabriel makakamove on na din ako. " Sagot ko sa kanya. " Tara na Gabi na oh " pagtukoy Niya sa kapaligirang medyo madilim na. Humiwalay naman siya sa akin at sumunod naman ako. Kinuha ko ang bag ko at sabay kaming lumabas ng room. Umakbay naman siya sa akin habang kami ay pababa at tahimik na binabagtas ang daan palabas. " Nga pala Sabi ni mama Kung Wala ka daw pupuntahan this bakasyon ay sa Amin ka na Lang daw muna sumama kena Lola kami pupunta ngayong taon. " Pagbibigay  Alam niya sa akin. Napaisip naman ako sa sinabi niya, tutal ayoko Naman na mag-isa Ng isang linggo sasama na lang ako. " Sige sasama ako at magpapaalam din Muna ako kena ate Lalaine at father Raul " sagot ko naman sa kanya. "Sige bukas na pala ang alis " Sabi Naman Niya Nagulat Naman ako dahil bukas na pala agad ang alis. " Hala, grabe naman bukas agad " gulat Kong Sabi sa kanya. " Oo eh para daw sulit tsaka kasama naman don sila ate Jona " pagbibigay Alam niya sa akin. " Eh Tara na pala bilisan na natin baka payagan ako at para makapag impake ako baklang two " Sabi ko sa kanya. " Anong bakla halikan Kita diyan eh " Sabi Niya. Patola talaga tong kumag. " Hahahaha " sagot ko sa banta  Niya. Pinaandar Niya naman kaagad ang kanyang motor ng marating namin Ito at Iniwan Niya ako joke. " Tumawag or magtext ka nalang once na payagan ka " Sabi sa akin ni kumag ng makababa ako ng kanyang motor. " Geh ingat sa pag-uwi " paalala ko sa kanya. Tumango naman ito at umalis. Tinahak ko naman ang daan papuntang kusina dahil magpapaalam ako kena ate Lalaine. " Oh sakto iho andiyan kana Kakain na tayo " Sabi sa akin ni ate Lalaine ng Makita Niya ako. " Mano po " pagmano ko sa dalawa. Habang kumakain kami, dito ko naisipang magpaalam sa Kanila. " Ate Lalaine magpapaalam Lang po ako " pagkuha ko Ng atensyon nila. " Oh ano iyon iho " ask by ate Lalaine. " Inimbita po kasi ako ng pamilya ni Gabriel po na sa kanila daw po ako sumama this bakasyon tutal Wala naman daw ho ako gagawin at para daw po Maging masaya ang one week ko . '" pagpapaliwanag ko sa Kanila. " Oo naman iho maganda iyan saktong sakto at madami kaming gagawin nitong si Kuya Dario at alam mo naman iyon. " Sabi Naman ni ate Lalaine . " Salamat po ate Lalaine. " Pagpapasalamat ko. " Oh kelan ba alis niyo " tanong naman ni kuya Dario . " Bukas na po hehe " Sabi ko. " Oh ikaw ay mag impake na ako na bahala Kay Father Raul mag-iingat ka don iho. Hala tumayo kana diyan at ako na bahala dito sa kusina." Mahabang lintaya sa akin ni ate Lalaine. Nagpasalamat at nagpaalam naman Muna ako dito bago lisanin ang hapag kainan. Tinahak ko naman ngayon ang daan papunta sa aking silid dahil si ate lalaine na din Naman bahala Kay Father Raul. Hindi naman ako dumiritso ngayon sa restaurant ni ate Aubrey dahil Hindi niya ako pinapakanta tuwing may exam and even after exam. Nang marating ko ang aking silid kinuha ko naman ang travel bag na ginamit ko noong camping naglagay ng pang isang linggong gamit, personal hygiene and done. Matapos ko mailagay ang mga kailangan ko kumuha naman ako ng pamalit para magbihis dahil simula pa knina hindi pa ako nakakapag bihis. Nang matapos akong magbihis at gawin ang night routine ko ay humiga na ako sa aking kama at kinuha ang selpon Kong nakapatong sa lamesang Maliit na nasa aking kanan. I dial the number of kumag. Mga ilang minuto Muna bago sagutin nito. " Hello babe namiss moko no " pagbungad Niya sa akin sa kabilang linya. " Che umayos ka nga diyan Gabriel. Pinayagan ako " masayang sambit ko sa kanya. " Yown siguradong matutuwa niyan sila mama. Sunduin Kita diyan bukas mga 6 dahil ang alis ay 7 " Sabi niya naman sa akin. " Geh sige yon lang naman sadya ko " Sabi ko sa kanya. "Ayaw mo ba akong kausap babe " anong pinagsasabi ng lalaking to. " Hoy pinagsasabi mo diyang lalaki ka., Matutulog na ako dahil ilang araw na akong puyat kakaaral kaya ikaw matulog na din dahil susunduin mo pa ako bukas ang hirap mo pa Naman gisingin. " Mahabang lintaya ko. " Oo na boss goodnight " Sabi niya. " Goodnight " sagot ko naman at tuluyang binaba ang tawag. Nagpunta muna ako sa orasan ng aking selpon upang mag set ng 5:30 magkakape na Lang muna ako siguro bukas. Kinabukasan " Helo " sagot ko Kay kumag. Kasalukuyang nag-aayos ako sa aking sarili ng bigla nalang itong tumawag. " Asan kana nasa labas na ako " pagbibigay alam niya sa akin. " Wait Lang, matatapos na ako ibababa ko na to hindi ako makakilos eh " Sabi ko. Hindi ko na hinintay pa sagot niya dahil agad ko itong ibinababa para matapos ko na ang aking ginagawa. Nang matapos akong mag-ayos kinuha ko ang aking travel bag at nilock ang pinto ng aking kwarto. Nang makalabas ako nakita ko Naman siya na naka pambahay pa at halatang kakagising Lang nito. " Kakagising mo Lang ano " bungad ko dito. " Oo eh,sakay na don kana kumain "Sabi nito. " Nah, hindi na nagkape na ako. Andon naba si Marwin " tanong ko sa kanya. Tinatahak na namin ang daan papunta sa subdivision na Kung nasaan ang bahay nila. " Oo kahapon pa " sagot Naman niya sa akin. Hindi na ako nagtanong pa. Nakarating naman kami ng safe ni Kumag. " Good morning po ate Jona '" bati ko Kay ate Jona na nasa Sala ngayon habang nagkakape. " Oh buti naman nakasama ka " Sabi naman ni ate sa akin. Nilagay ko naman ang gamit ko sa isang bakanteng upaan. " Si Marwin po ate " tanong ko Kay ate Jona. " Nasa kusina na Kay mama nakain sila " pagbibigay Alam ni ate. Nagpaalam Muna ako Kay ate bago tumungo sa kusina. Pagkadating ko inaya Naman ako ni titA na kumain. " Nakow tita , busog pa ako " Sabi ko Kay titA Mildred. " Nana " Sabi nitong bulilit na siyang nagpakarga agad sa akin. " Hello baby boy " Sabi ko dito sabay halik sa pisngi nito. " Buti naman pinayagan ka iho " Sabi ni Tito Ben sa akin. " Opo baka daw po mag-isa lang din ako kaya pinasama na ako " paliwanag ko naman. " Mag-eenjoy ka don for sure malapit sila Lola sa dagat. " Singit ni kumag sa aming usapan na kasalukuyang kumakain ngayo. " Yes iho malapit sa dagat sila mama " pag agree ni tita Mildred sa statement ni kumag. " Hala oo nga PO matagal na akong hindi nakakaligo Ng dagat. " Sagot ko Naman. Kung ano ano pa napag-usapan namin hanggang sa mag-ayos na sila. Hindi naman kasama si Nanay Lusing sa amin dahil may pamilya din ito. Matapos ang isang oras at mahigit natapos din sila at sasakay kami ngayon sa isang van na nirentahan talaga Nila for this vacation. " Ano sarado na ba lahat at nakapatay na ba ang dapat nakapatay Gabriel ? " Tanong ni Tita Kay Gabriel na kakalabas lang. " Yes ma , kaya Tara na. Akin na iyang gamit mo " sabi Niya sa akin sabay kuha ng dala dala ko. " Yon pogi points anak ". Sabi ni Tito Ben Kay kumag nahiya naman ako. " Yes Naman pa " sagot naman ng kumag. Pumasok naman kami sa van. Bali si tito Ben ang driver katabi nito si Tita. Nasa pinaka likod naman kami nitong van nasa gitna namin si bulilit na panay daldal. Nagsimula namang umandar ang van at tinatahak ang daan papunta sa lugar nitong Lola ni Kumag. " Nana huli ako pish dating doon ligo din ako " pagtutukoy nitong bulilit sa dagat. '" yes baby boy manghuhuli tayo Ng pish okay " Sabi ko sa kanya. " Yehey mama huli kami nana pish " Sabi Naman nito Kay ate Jona na nasa unahan Lang namin. " Opo nak behave ka Lang Kay nana mo huh bawal pasaway " paalala nito sa Bata. " Opo mama " sabi Ng Bata kinurot ko naman pisngi nito dahil sa kakyutan. " Ako ba mawin di mo sasama si Tito " tanong ni kumag sa Bata. " No Tito, kami Lang nana " natawa naman ako sa sagot Ng Bata. " Kawawang Tito hindi pinayagan ng pamangkin " pagsabi ko Kay kumag. " Tsk. Dali na baby boy pangit Naman yang nana mo " Sabi nito. Aba pangit daw ako. " No tito ikaw pangit hindi si nana " Sabi ni mawin. Nagtawanan Naman kami dahil sa sinabi ni Mawin. " Oh ikaw pala pangit kumag eh " Komento ko. " Tsk pangit tapos crush mo Naman ako " pinagsasabi nito, Mali eh Mahal dapat joke. " Lah sinasabi mo diyan kumag " Sabi ko sa kanya. " Sus kunwari ka pa diba baby boy crush ako ni nana mo " tanong nito sa bata. " No tito, ako po clach ni nana Kasi pogi ako ikaw pangit " ayon tumpak ka baby boy. " Kiss mo nga si nana baby boy " Sabi ko sa bata dahil natuwa ako sa sinabi nito. Hinalikan Naman ako ng Bata. " Tsk magsama Kayo niyang nana mo pangit pangit Naman niyan " pagmamaktol ni kumag.Naiinis siya Kasi pinag kakaisahan namin siya ni Mawin. Kinuha naman nito ang kanyang selpon at earphones sabay lagay nito sa tenga. Tumawa naman kami ni Mawin at sabay apir. Matapos ang bangayan na yon natahimik na sa loob ng van. Umusog naman ako palapit sa bintana dahil ihihiga ko itong si Mawin dahil nakatulog na. " Kumag usog ka at ilagay mo sa taas ng upuan iyang paa ni Marwin. '' Sabi ko Kay kumag na sinunod naman Niya sabay tingin sa labas. Tumingin naman ako sa magandang tanawin na aming nadadaanan. Hanggang sa di ko namalayan nakatulog na pala ako. Naalimpungatan Nalang ako dahil sa mahinang tumatapik sa akin. " Andito na tayo kena Lola " Inayos ko muna sarili ko bago tuluyang bumaba ng van. Namangha naman ako sa laki ng bahay Ng Lola nito dahil luma ito. Mga lumang bahay noon na halos lahat ay kahoy. Lakas maka Vigan dito ah. Tapos sa likod nito ay may palayan at may mga kabahayan pa. " Mama " Sabi ni tita Ng Makita ang isang may katandaang babae ito siguro Lola ni Kumag. " Buti naman nakarating kayo ngayon. Ito ba anak mo Jona pagsagwapo Naman " Sabi ni Lola habang nagmano naman si ate Jona. Hinalikan naman Ng matanda si Mawin pagkatapos mag bless dito. " Mano po Lola " Sabi ni Kumag. " Aba Gabriel ikaw na ba iyan ang laki mo na ah binata na " Sabi Ng Lola Niya Ng Makita si Gabriel. " Magandang umaga po " bati ko dito sa matanda ng mabaling Ang tingin nito sa akin. Nahiya naman ako. " Magandang umaga din iho , jowa mo ba itong apo ako " nagulat Naman ako sa tanong nitong si Lola. " Hala Hindi po Lola kaibigan Lang po kami ni Kumag Este ni Gabriel po '' pagpapaliwanag ko dito. " Akala ko nga sayang Naman akala ko jowa ka Niya. Huwag Kang mag-alala ang isa ko ding anak ay tulad mo at may boyfriend din Ito Wala nga Lang ngayon. " Nagulat naman ako sa sinabi ni Lola. " Mama mamaya na tayo mag-usap usap pasok muna tayo " Sabi ni Tito Ben . Pumasok naman kami. Pagkapasok mas Lalo akong namangha dahil sa mga lumang gamit dito tapos may hagdanan papuntang itaas. " Ang ganda naman dito kumag Ang simple Lang " Sabi ko sa katabi ko. " Oo namimis ko nga dito ngayon Lang ako ulit nakabalik " Sabi Naman nito sa akin. " Oh Gabriel iakyat mo na iyang gamit niyo ni Ronnie sa itaas magtabi na kayo Alam ko Naman na don din Naman Kayo papunta " nahiya naman ako sa sinabi ni Tito Ben at napakamot nalang sa batok itong si Kumag. Umakyat Naman kami. Dahan dahan akong umakyat dahil sobrang dulas nitong hagdanan. Bagong bunot ata gawa nang Ang kintab. Pagkadating namin lumiko Naman kami nitong si Kumag papunta sa isang pinto. Binuksan Niya ito at napa wow Naman ako dahil may terrace ito. Nasa likod Ito Kita Ang green na paligid dahil sa palayan. " Kumag dito ba kwarto mo kapag andito kayo Ang ganda Lang " Sabi ko sabay taas ng kamay dahil ramdam ko ang simoy Ng hangin na dumadampi ngayon sa akin. " Oo " simple niyang sagot sa akin. Na nasa tabi ko na ngayon dito sa terrace. " Tara na baka kakakain na " Sabi ni kumag sa akin. Tumango naman ako at lumabas na kami Ng kwarto at bumababa. Dumiritso naman kami sa Kusina dahil andon na sila. " Oh Kain na Kayo " sambit ni Lola sa Amin na kakadating Lang ng kusina. Umupo naman ako sa tabi ni ate Jona habang katabi ko Naman si Kumag. May mga seafoods gosh I love it. May mga gulay at karne, may isda parang fiestahan tuloy ngayon sa dami Ng pagkain. " Kumain ka iho Ng madami mukhang nagustuhan mo mga pagkain ah ano pala pangalan mo iho. " Sabi ni Lola sabay tanong Ng aking pangalan. " Ako po si Ronnie Lola opo Lola ngayon Lang po Kasi ako makakain ng seafoods. " Sabi ko Naman Kay Lola habang Ang iba ay nakikinig Lang sa amin. " Ako Naman si Lola esmeralda mo iho. Siya kumain ka hinanda talaga iyan para sa pagdating niyo. " Tumango Naman ako Kay Lola at inenjoy ang pagkain. Habang nag-uusap usap sila. Nakikinig Lang naman ako even si Kumag sa mga pinaguusapan nila dahil hindi kami maka relate. Nang matapos kaming kumain umupo naman kami ni Kumag sa bahay Kubo na nasa likod nitong bahay tambayan daw ito. " Gusto mo pumunta tayo mamaya sa dagat ? Mamayang hapon? " Tanong sa akin ni kumag " Eh? Talaga game ako gusto ko makaligo ng dagat " masiglang Sabi ko sa kanya. " Sige mamaya siguro sasama din iyon sila ate Jona sa atin. " Sabi Naman nito. Nanatili kami dito sa kubo ng mga ilang minuto at napagpasyahan naming tumungo na Ng dagat. Medyo may kainitan pa pero may dala Naman kaming payong. " Huwag kayong papagabi don Jona iyang Bata huh " pagpaalala ni Tita Mildred Kay ate Jona. Tuwang-tuwa naman itong bulilit na kasama namin. Dumaan kami sa gitna ng palayan. Hindi Naman mahirap daanan to Kasi sementado na siya. Tig-iisang payong Naman kami dahil Hindi Naman pwede magdikit sa daanang Ito eh. Pagkadating namin namangha ako Kasi may basketball court pala dito may mga naglalaro pa nga. Ayon tinginan tuloy mga Tao. May iilang kilala naman itong si Kumag dito mga kababa niya daw. " Pare kamusta na " sambit nitong isang lalaking may kapogian ng unti " Oy Jun pare okay Lang ikaw " Sabi nitong kumag may Pa Bro hug pa silang nalalaman. " Okay Lang pare , wait Sino pala itong kasama mong maganda. Jowa mo? Nakow mag-ingat ka dito Kay Gabriel chickboy pa Naman Ito " sambit nitong Jun kuno . Ano daw maganda salamat naman. " Loko di ako chickboy tsaka si Ronnie kaibigan ko " Sabi nitong si Kumag. " Hi Ronnie po pala " pagpapakilala ko. " Hello beautiful Jun pala " pagpakilala nito nang may Pa taas-taas pa ng kilay. " Kala ko pa naman jowa mo itong si Gabriel. Alam mo bang jowa ko din ay bakla " nagulat naman ako sa sinabi Niya. " Wow Ang astig stay in love po " Sabi ko sa kanya. Ang swerte naman ng jowa nito. Ano ba Ang lugar na ito puro kabaklaan? Joke. " Oo eh Wala ngayon di ko kasama tinamad lumabas " Sabi Niya sa akin. Matapos ang konting pag-uusap namin nagpaalam naman kami nitong si Gabriel para maligo na. Nakita ko Naman sila ate na naliligo na kasama ang batang makulit. " Nana Tara na ligo tayo " masayang sigaw ng Bata Ng Makita kaming papalapit sa Kanila. Dali-dali naman akong tumakbo para mabasa kaagad Ng dagat hindi ko na pinansin si kumag. Bahala siya tinatawag na ako ng dagat no dahil isa akong sirena. Nagulat naman sila nang mabasa ako, umilaw ang mga paa ko at nagkaroon ng gold na buntot ng isda. Tama po Kayo naging sirena ako. Joke Lang. Nakipag laro naman ako dito Kay bulilit at Ang saya saya Lang. " Wait picture tayo " sambit ni kumag at tumayo upang kunin ang kanyang selpon. Bumalik naman itong hubad na ayan tuloy nagkakasala ako. " One two three " Sabi ni kumag. Kanya kanyang pose Naman kami kasama Ang asawa ni ate Jona. Nakailang shots kami bago bumalik sa pag eenjoy sa dagat. Tampisaw dito, langoy doon hanggang sa magpaalam na itong sila ate Jona dahil nilalamig na ang bulilit. " Tara don tayo sa sand bars " biglang Sabi sa akin ni kumag na ngayon ay visible na ang sand bars na sinasabi niya sa akin kanina. " Hala parang ang lalim pa papunta doon eh " Sabi ko sa kanya. Kahit sirena ako natatakot pa rin naman ako. " Hindi nga kumapit ka Lang sa akin. " Sabi Niya kaya Wala akong nagawa kundi ang kumapit sa kanyang braso. Medyo natatakot Lang ako Kasi Hindi ko Kita inaapakan ko habang. Hanggang bewang lang pala hanggang sa marating namin ang sand bars na sinasabi nila. " omg Ang cute naman dito kaso nakakatakot naman sa part na iyon halatang malalim na . " Sambit ko at sabay turo sa dulo nitong sand bars. Umupo naman itong si Kumag habang nakaharap sa papalubog na araw. Tumabi naman ako dito. Maya-maya ihinilig ko Ang aking ulo sa kanyang balikat. Hindi Naman siya nagreklamo so I let my head rest on his shoulder. Sana ganito na lang kami lagi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD