Chapter 22

3574 Words
Ronnie's POV " Good morning Philippines and Hello to the world it's our second day here " sambit ko sa loob ng tent. " Ano ba Yan bakla Ang ingay ingay mo " Sabi nitong katabi sabay talukbong ng kanyang kumot. " Hoy gumising ka na diyan nang makaligo na kumag ka. " Sabi ko naman sa kanya pero hindi naman ito umimik, hinayaan ko nalang na matulog pa itong kumag. Kumuha ako ng gamit ko dahil gusto ko kasi ako ang maunang maligo at ayoko ng may kasabay pa. Pagkalabas ko binati ko naman ang mga gising na binati din Naman nila ako pabalik. Actually natutulog pa iyong iba cause It's 4 am pa Lang naman kaya maaga pa. " Oh Ronnie si Gabriel tulog pa " tanong sa akin ni Kuya Bryan. " Oo kuya nagalit nga sa akin ang ingay ko daw " natatawa kong sagot Kay kuya Bryan. " Maaga pa naman kaya okay Lang. " Sabi naman ni kuya Bryan. Matapos ang usapan namin ni kuya Bryan nagpunta na ako sa CR na malapit sa Amin. Sakto ako pa Lang maliligo kaya pumasok na ako sa isang cubicle at naligo. After 30 minutes natapos din ako. I'm just wearing a comfortable outfit for today since may mga activity na gamit ang buo mong katawan. " Bakla Ang aga mo naman ata naligo teh? " Tanong Ng bruha na kakagising Lang din. " Oo eh, ayoko Kasi may kasabay. " Sagot ko sa kanya. " Pa virgin ka talaga lagi bakla " Sabi Naman ni Mariel. " Ay Ewan ko sa iyong bruha ka akoy pupunta na sa tent namin " Hindi na naman ito nagsalita pa kaya naglakad na ako papunta sa tent namin. Pagkadating ko hindi parin gising ang kumag. Nilagay ko naman ang mga gamit sa aking mga lalagyan at ginising si kumag. " Gabriel hoy bangon na madami na maliligo bahala ka " tapik ko sa kanya ng mahina. '" mamaya na bakla hayaan mo sila " Sabi Lang nito sa akin at nanatiling nakapikit. Loko talaga to ayaw pa istorbo sa kanyang pag tulog. " Hoy anong mamaya na " tapik ko ulit. " Kiss Muna " aba sinasabi ng lalaking to pilitin Niya muna ako Joke. " Hoy sinasabi mo diyan " sagot ko naman pero ang loko bigla na lang ako nitong hinigit kaya napaubob ako sa matipuno niyang dibdib. " Hmm bango mo bakla " Sabi niya sa akin. Malamang bagong ligo eh. '" bitawan mo ako kumag lalabas na ako. " Hindi Naman siya nakinig kaya may naisip akong gagawin para magising at bintawan Niya na ako. " Aray bakla bat ka ba nangangagat " Sabi niya sabay himas sa pinagkagatan ko. " Tsk ayaw mo Kasi akong bitawan. " Tumayo naman ako para lumabas na ng tent dahil tutulong ako sa pagluto ng hotdog at itlog for breakfast daw kuno namin ngayon. Buti nalang talaga provided na lahat ng utensils Ang camp na ito kaya Hindi gaano madami dala naming gamit. " San ka pupunta bakla " tanong niya sa akin. " Malamang lalabas at tutulong ako sa pagluto doon. Nga pala kapag mag kape ka samahan mo na din ako huh salamat kumag mhua mhua '" Sabi ko sa kanya. At tuluyan ng nilisan ang tent namin. Pumunta naman ako sa table na Kung saan binabalatan nila ang mga hotdogs. Nang matapos namin balatan ay nag presinta na si Kristine at Ryzza na sila na daw magluto. Hinayaan ko nalang at nanatili na lang akong nakaupo dito. Nakita ko naman si Gabriel na papalapit sa akin at may hawak na dalawang mug. " Oh kape mo " pagbigay nito sa akin ng pinasuyo Kong kape sa kanya. " Salamat " sagot ko sa kanya Umupo naman ito sa tapat ko. Kinuha ko naman ang kape at uminom ng konti. Mukhang nabuhay ata hormones ko dahil sa kape. " Akala ko tutulong ka sa pagluluto " pag-umpisa Niya sa usapan. " Eh sila na daw tumulong naman ako kanina bago sila magluto . " Paliwanag ko sa kanya. Tumango Lang Naman ito bilang pagsang-ayon sa aking sinabi. " Eh nakapag saing na ba " tanong Niya Naman ulit. " Oo nung natutulog ka pa " sagot ko sa kanya. " Okay ano naubos Muna ang Chuckie mo? " Tanong niya sa akin. Actually dalawa na Lang naiwan dahil naubos ko na Yong tatlo kahapon. " Ah oo dalawa Nalang " nahihiya Kong sagot sa kanya. " Ah okay mamaya kainin mo Yong mga pagkain don para Naman tumaba ka " pang-iinis Niya sa akin. " Hoy hindi naman ako payat ah " pagdidipensa ko naman sa aking sexy na katawan. " Eh ano tawag mo diyan bakla " sabay turo sa aking katawan. " Ito? Well sexy ang tawag dito no " Sabi ko sabay tayo at pose . " Tsk sexy daw mukha ka namang tingting " Komento niya. " Lah iwan ko sayo Wala ka talagang kwentang kausap " Sabi ko sa kanya. GANYAN kasi iyan lagi na Lang mang+aasar sa akin. Tinawanan Niya lang naman ako. Nang matapos siyang uminom kinuha ko naman baso nito upang ibalik don sa mga lalagyan malapit sa hall. '' oy Ronnie ikaw pala iyan Good morning " bati sa akin ni Darwin ng Makita Niya ako. " Good morning din , sasauli ko tong pinagkapehan namin. " Sagot ko sa kanya. Habang siya Naman sinasabayan ako sa paglalakad. " Kamusta Naman tulog mo kagabi " tanong niya sa akin. " Okay naman Dar, maaga Kasi ako natulog kagabi nakakapagod Kasi. " Paliwanag ko sa kanya. " Sabagay, kita naman kahapon halos lahat kasali ka " pagtutukoy Niya sa mga activities na ginawa namin kahapon.. " Oo eh di na nga ako sumali pa sa pa activity ng strand namin dahil sa pagod " I said. Mukhang magiging masama ata gising ko ngayon dahil sa bruha. " Look early in the morning lumalandi ang bakla right boys " biglang sulpot nitong si Bruha na kasama ang kanyang mga alipores. " Darwin I need to go I have something to do first " Sabi ko Kay Darwin . Dahil iiwas Nalang ako at ayoko masira ang magandang araw na to dahil lang sa bruhang to. " Me too, see you when I see you " Hindi ko Naman pinansin si Dindina at diritso lang naglalakad pero bigla na Lang nitong hinablot ang aking kamay. Agad ko Naman itong iwinaksi dahil ayokong mahawakan ng isang bruha. " Fagg kinakausap Kita huwag Kang bastos " sigaw nito sa akin. " The f**k ano ba problema mong babae ka huh " inis na tanong ko sa kanya. Umagang umaga sinisira niya mood ko. " Ikaw problema ko bakla ang landi landi mo tigilan mo si Gabriel. " Sabi niya sa akin. " Huh? Sino ka ba para diktahan ako? At hello, ex kana diba? Tsaka ano Sabi mo nilalandi ko si Gabriel . FYI b***h hindi ko siya nilalandi huh " sagot ko Naman sa kanya. Kainis ang bruha. Pakk Sinampal Lang naman ako ng bruha.  Napahawak naman ako sa pisngi ko dahil sa hapdi Ng kanyang pagkakasampal habang ang mga alipores Niya tumawa Lang naman. " Ano masakit? Tama lang ang sampal na yan para sa isang malanding tulad mo " singhal niya sa akin. Punong-puno na talaga ako sa babaeng to she adds more fuel to the fires burning. Pak Syempre sinampal ko din siya no ang sakit kaya Ng sampal niya sa akin. " Ano masakit? Of course oo naman masakit. Puwes ang sampal na yan ay tama lang sa kakapalan ng mukha mong bruha ka . " sigaw ko sa kanya Nang maka recover siya, agad ako nitong sinugod at hinawakan sa buhok Ko na may kahabaan na. Halos mapunit ang anit ko sa paghila Niya. " Walang hiya ka don't you dare to slap me fagg. Isa ka Lang bakla. " " Aray bitawan mo akong bruha ka " Sabi ko sa kanya pero Hindi naman siya tumigil kaya Ng makapag adjust ako ay sinabunutan ko din Naman Ito. " Sabi ko tigilan muna ako pero ano ginawa mo sinalaban mo ulit ang dapat ay apoy na Lang " Sabi ko sa kanya. " Bakla Tama na iyan " Sabi ni kumag na inaawat na kami. Pero Hindi ako nakinig punong puno na ako sa babaeng to. Ilang beses ko nang sinabi sa kanya na tigilan ako pero anong ginawa Niya, she pushes me to the limits of my patience and I couldn't hold it anymore. " Sabing tigil na " sigaw ni Gabriel, sabay tulak sa akin Ng malakas. Napahiwalay naman ako kay Dindina. At ang sakit Ng pinagbagsakan ko. Tinulungan Niya naman si Dindina na makatayo at samantalang ako Hindi Niya manlang napansin . Sabagay isa lang naman akong hamak na bakla. Nagulat naman siya Ng Makita ako.Akmang lalapit siya pero pinigil ko na siya. " Huwag Kang lalapit '' Sabi ko sa kanya. Naiiyak na talaga ako dahil hanggang ngayon pinagtatanggol Niya pa rin ang kanyang walang hiyang ex. " Sorry nabigla Lang ako " Sabi niya. Nabigla tanga ba siya. Napaluha na talaga ako dahil sa nangyayari. " Sabing huwag kang lalapit ,subukan mo Gabriel di mo magugustuhan gagawin ko sa iyo. " Banta ko sa kanya. He stop and didn't continue what he's thinking. " Pabayaan mo na iyan Gabriel Ang arte " komento ni Bruha. " Ikaw na babae ka diba sinabi ko nang tigilan mo ako? Pero anong ginawa mo. " Inis na inis na talaga ako . Kaya dinuro duro ko pa ito. " Bitawan moko Gabriel ano ba " Sabi ko Kay Gabriel habang pinipigilan niya ako upang hindi makalapit sa ex niyang bruha. " Alam mo bang inis na inis ako sa iyo huh Nanahimik ako tapos ginugulo mo ako " duro ko kay bruha habang umiiyak. " Nararapat lang sa iyo iyan bakla no napaka illusyonada mo '" sigaw ng bruha. Nainis naman ako sa sinabi niya akmang susugudin ko ito pero pinigilan ako ni Gabriel . Tinulak ko naman Ito at yon muntikan ng matumba papunta Kang Dindina. Nagulat Naman ito sa ginawa ko. " TANG INA MO BRUHA KA IYAN MAGSAMA KAYO NG KUMAG MONG EX. AT IKAW GABRIEL SUBUKAN MONG LUMAPIT AT KAUSAPIN AKO DI MO MAGUGUSTUHAN GAGAWIN KO " Sabi ko sabay punas ng luha at alis sa kanilang harapan. Buti na lang hindi pa gising ang mga teachers na kasama namin kaya Walang nakakita sa awayan namin ngayon. Dali dali naman akong pumunta ng CR para don ibuhos lahat ng frustration ko sa araw na ito . Nang maiyak ko na lahat ay lumabas na ako naghilamos ayaw ko naman na mahalata nila na galing ako sa pag-iyak. '' Bakla bakit namumula yang mata mo anong nangyari diyan, '' Tanong ni Ryzza na siyang unang nakapansin sa pag dating ko. '' Oo nga bakla . '' sang-ayon naman ni Mariel. ''Ahh napuwing kasi ako kakatingala sa itaas ng mangga, '' pagsisinungaling ko sa kanila. Naniwala naman sila at bumalik sa paglalagay ng mga pinggan sa mahabang lamesa. Tumulong na din ako para matapos na kami agad. '' Good morning guys, I have a good news sa inyo . '' pagbati sa amin ni sir na bagong ligo na. '' good morning din sir . '' pabalik naming bati kay sir Bukid. '' Okay sabi kasi sa akin ni Mr. Picondo ay once na manalo kayo sa mga palaro, may idadagdag na isang points sa grades niyo and of course isa na don ang PE. The other subject tingnan niyo na lang once na makita niyo ito. '' pagbibigay alam ni sir sa amin. Hiyawan naman kami dahil kami ngayon ang lamang sa mga palaro buti nalang palaban ang mga Humanista pagdating sa mga activities. '' WHAT'S THE WORD AGAIN . '' sigaw ni sir '' LABAN HUMANISTA '' sabay-sabay naming sigaw. Matapos ang announcement ni sir Bukid ay nagsimula naman kaming kumain. Hindi ko katabi ngayon si Gabriel dahil nga sa nangyari kanina. Minsan nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin at binibigyan ko lang ito ng blank reaction. '' Bakla bakit parang hiwalay ata kayo ni Gabriel ngayon may nangyari sa inyo ano . '' pagtatanong ni Mariel sa akin. '' Hala wala huh, hindi ba pwedeng sa iba muna ako tumabi . '' pagsisinungaling ko sa kanya. '' Nakow bakla hindi mo ako maloloko huwag ako at yong pula mong mata umiyak ka diba . '' sabi niya sa akin. Dahil mukhang wala na akong takas sa kanya sasabihin ko na lang ang totoo. '' Mamaya sabihin ko sa iyo pagkatapos natin kumain. '' sabi ko sa kanya. Hindi na naman siya nagsalita at bumalik naman ito sa pagkain at ganun din ako. After a couple of minutes natapos din kaming kumain agad naman akong hinila nitong si Mariel papunta sa kanilang tent. '' Magkwento ka na bakla . '' Sabi niya sa akin ng makapasok kami sa kanilang tent. Huminga Naman ako ng malalim bago sagutin magkuwento. Nagsimula naman akong magkuwento sa kanya. At nakita ko Naman ang pangigigil sa mukha nito habang nagkukuwento ako. '' Alam mo inis na inis na din ako sa babaeng iyan eh . Isa na lang once na makita kong nag-aaway kayo sasali talaga ako bakla at kakalbuhin ko siya . '' natawa naman ako kay Mariel dahil may pa action pa ang pangigigil nito kay Dindina. '' Kaya nga napalaban ako kanina dahil napuno na ako teh. Lagi nang ginulo ang buhay ko . '' sabi ko naman sa kanya. '' Pano na si Gabriel Baks . '' tanong niya sa akin. '' huh, edi magsama sila ng ex niyang bruha kahit maglaplapan pa sila sa harap ko . '' sagot ko naman sa kanya. Pero parang iba ata ang naramdaman ng puso ko sa sinabi ko. '' Talaga ba bakla, kahit di mo sabihin sa akin bakla alam kong may gusto ka kay Gabriel. '' sabi niya sa akin. Natahimik naman ako sa sinabi. Totoo kasi na may gusto talaga ako kay Gabriel, lalo na sa mga pinapakita niyang kilos sa akin na nagbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam. '' Tama ako diba may gusto ka nga sa kanya dahil natahimik ka. '' sabi niya sa akin. '' Bakla kasalanan ba kung bakit ako nagkagusto sa kanya . '' tanong ko naman sa kanya. '' Hindi teh, walang mali. Alam ko naman at nakikita ko sa mga mata ni Gabriel na may gusto din siya sa iyo. '' Sabi Niya naman sa akin. " Bakla binibigyan mo naman ako ng false hope eh . Tsaka galit ako sa kanya " Sabi ko naman sa kanya . " Bakla nagsasabi ako ng totoo Kita ko iyon sa mga mata Niya bakla. Isa pa iyang mga ginagawa sa iyo ni Gabriel napaka evident bakla. Tsaka ang OA mo paghumingi ng tawad iyong tao patawarin mo. Alam ko naman Hindi mo matitiis iyon eh Mahal mo diba " mahabang lintaya niya sa akin. " Ewan ko bakla ayaw ko naman umasa sa mga sinasabi mo eh , tsaka Ayoko mag assume dahil ako Lang masasaktan." Paliwanag ko din sa kanya. " Basta bakla, hayaan mong si Gabriel na ang magsabi. " Sabi Niya sa akin. " Tara na nga baka nagsisimula na ang panibagong activity. " Sabi ko sa kanya. Lumabas naman kami ng tent at nagtungo sa hall dahil may orientation muna para sa panibagong activity today. Nakarating naman kami ni Mariel at pumila sa aming section. Unang laro namin is message relay. Bali kailangan Ng ten participant each strand. Of course Hindi mawawala Ang bida, ako lang naman ang nasa pinakudulo. Takbo dito, takbo doon Kasi paunahan pagpunta sa unahan upang ipakita ang iyong isinulat Kong Tama ba. Hinahapo na ako pero kaya ko pa Naman. At the end kami ang nanalo. Another point for our strand. Muntik na nga kaming matalo nila Darwin eh buti na Lang may nakitang error sa Kanila. " Okay the next activity is running since inaapply natin ang mga lessons sa physical education. Okay 200 meter dash tayo so it means mula dito hanggang don. " Turo ni sir sa isang blue na flag. Gosh ang layo naman Ng tatakbuhan namin . " Okay this is no longer a competition okay? This is an individual grading sa Inyo sa PE niyong subject. Let's start from Humanities. " Pagbigay alam ni sir sa amin. Kaya kanya-kanyang pila para tumakbo. Nagpahuli naman ako sa lahat dahil Hindi pa rin ako maka recover sa takbo Kanina. Hinahapo pa Rin ako. " Ano vice kaya mo tumakbo " tanong ng isang lalaki kong kaklase. Tumango Lang naman ako dito bilang tugon sa kanyang tanong sa akin. Turn na ni Gabriel at ang bilis niya pa lang tumakbo nakakamangha Lang siyang tingnan. Papalapit na nang papalapit sa akin at hindi pa rin humihinto ang hirap ko sa paghinga though kaya ko pa naman. " Fuentabella are you okay? You look pale? " Tanong ni sir Picondo sa akin. " Yeah sir ganito lang po ako ." Sagot ko naman kay sir Picondo. Nang sinabing Go ni sir ay tumakbo naman ako ng naayon sa bilis ko. Bat ba Kasi ang layo ng tatakbuhin namin eh. Kung Hindi lang nakasalalay grades ko dito I won't run. I reach the finish line and yeah my heart beats so fast and my breathing is getting heavy. Naglakad naman ako papalapit sa tropa para doon sumama sa Kanila. " Bakla okay ka Lang " tanong ni Mariel sa akin Ng makarating ako. " Oo nam " hindi ko na natuloy Ang sasabihin ko Ng bigla nalang akong nawalan ng malay. Nagising na Lang ako sa iisang hindi familiar na silid sa akin. Nasaan kaya ako. Pagtingin ko sa kanan may isang taong nakaubob napagtanto kong si Gabriel pala Ito. Nagising naman ito, dahil naramdaman Niya siguro na may nakatingin sa kanya. " Gising ka na pala okay ka na ba ? Nahihirapan ka pa bang huminga? " Sunod sunod niyang tanong. " Relax pa ra ka namang iwan kumag okay na ako, okay. " Sagot ko sa kanya. " Wait tinawag mo akong kumag? It means bati na tayo? " Tanong niya sa akin. " Yeah , Wala naman magagawa inis ko eh . " Sabi ko sa kanya. " Talaga? Wala nang bawian huh. " Sabi Niya Naman. " Oo nga nasaan pala ako" tanong ko sa kanya dahil Wala talaga akong idea Kong nasaan ako ngayon. " Nasa clinic ka " simpleng sagot niya sa akin. Taray huh mukhang bongga ang camp site na ito dahil kompleto talaga. Meron din kaya silang ambulance? Napatawa nalang ako sa aking naisip. " May nurse ba dito kumag? " Tanong ko sa kanya. Tumayo naman ako dahil kanina pa akong nakahiga. " Ah oo nasa labas Lang nitong kwarto. " Magsasalita na sana ako ng bigla nalang dumating ang nurse. s**t ang gwapo niya mga bakla. " Hi good gising ka na nahihirapan ka pa bang huminga. " Tanong sa akin ni poging nurse. " Eh shelemet po Hindi na " pabebe Kong sagot. " Tsk bakla talaga " singit naman nitong isa. " Sure ka? May nebulizer Naman dito eh " sagot naman ni Nurse. " Ah gamot nalang po sa asthma meron PO Kayo? " Tanong ko, iyon Nalang Kasi iinumin ko. " Ah oo meron wait kuha Lang ako " sagot ni nurse sabay labas. " Tsk mas gwapo naman ako don eh " Sabi ni kumag ano ba sinasabi nito. " Sinasabi mo diyan kumag . " Tanong ko sa kanya. Magkasalubong Kasi ang kilay nito ngayon. " Wala ito oh tubig " Sabi Niya sabay bigay sa akin ng bottled water. " Ito oh " abot sa akin ni poging nurse ng gamot. Binuksan ko naman ito at ininom. " Salamat po " pasalamat ko Kay nurse. " You're welcome since okay ka na pwede ka na makalabas dito " naka-smile niyang Sabi sa akin. " Ah sige po thank you ulit " Sabi ko naman. " Sige I need to go Kakain pa ako " Tumango naman kami bilang sagot Kay nurse. Makalipas ang ilang minuto, naisipan ko nang lumabas. " Tara na kumag ," Sabi ko sa kanya.Sumunod naman ito sa akin palabas ng clinic. " Okay ka na bakla? " Tanong ni Mariel sa akin nang makarating kami ni Gabriel. Naghahanda Naman sila sa pagluluto ng pagkain. " Oo teh okay na akits " sagot ko sa kanya. " Ano Gabriel okay na Kayo niyang si Bakla " tanong naman ni Mariel Kay Kumag. Napakamot naman ito sa kanyang batok. " Oo " simpleng sagot niya Kay Mariel. " Buti naman . Kaya ayoko mag jowa eh " Sabi niya naman. Hindi ko na pinansin sinabi Niya tumulong Nalang ako sa paghahanda ng ilang ingredients sa lulutuing ulam. Pati na din si Kumag na nasa aking tabi. Napansin kong hapon na pala. Ang tagal ko pa lang walang Malay? Or tulog na lang talaga ako nun? Natapos naman kami sa aming paghahanda at nagtungo naman sa kusina ang magluluto ng ulam ngayon. Natapos naman ang lahat kaya nagsimula na din kaming kumain. " Hoy bat ka nahiga kaagad basa pa yang buhok mo " Sabi ko Kay kumag. Tapos na kaming kumain at maligo syempre Hindi kami sabay na naligo no. " Hindi naman ako nakaunan sa unan ko eh " Sabi niya naman sa akin kaya hinayaan ko nalang ito. " Okay Bala ka " sagot ko sabay punas ng aking buhok para matuyo kaagad. Makalipas ang ilang minuto natuyo naman ang buhok ko kaya tumabi na ako Kay kumag. " Sorry " sambit nitong isa. Kinuha ko naman ang selpon ko bago siya sagutin. " Wala yon nakalipas na iyon hayaan muna " Sabi ko sa kanya. Nakaharap kami ngayon sa isa't isa. " Halika nga payakap ako " Sabi niya sa akin. Hindi naman ako nakinig sa sinabi Niya kaya hinila Niya nalang ako sabay yakap sa akin. " Hoy ano ba yan kumag " Sabi ko sa kanya. Syempre hindi pa rin ako sanay sa mga ganyang kilos niya sa akin. " Matulog na tayo Tama na iyang selpon. " Sabi niya sa akin. Since inaantok na din ako nilagay ko naman sa uluhan namin ang aking selpon. Hanggang kailan tayo magiging ganito Gabriel? Sana totoo nga ang sinasabi ni Mariel dahil umaasa talaga ako na kahit bakla ako mamahalin mo rin ako. Pagod na akong puro self-love sana ikaw na Yong taong magbibigay sa akin Ng pagmamahal na Kay tagal ko nang hinahangad. Sana pag-gising ko isang araw ang salitang ikaw at ako ay magiging TAYO. Sambit ko sa aking isipin bago ako lamunin ng dilim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD