Chapter 21

4375 Words
Ronnie's POV " Ate Lalaine alis na po ako ," pagpapaalam ko Kay ate Lalaine dahil sasamahan ko ngayon si Kumag na mamili ng konting pagkain para sa camping namin bukas. " Anak teka Lang " bigla namang Sabi sa akin ni ate lalaine. Lumapit naman ako dito. May inabot lang pala siyang pera sa akin. " Ate lalaine huwag na po meron pa naman po akong ipon eh " Sabi ko Kay ate Lalaine. " Sige na tanggapin muna magagalit talaga ako sa Iyo. Tsaka anak ngayon na lang ulit ako nakapagbigay sa iyo kaya tanggapin muna. " Sabi sa akin ni ate Lalaine sabay tiklop ng aking palad habang hawak ang limang daang piso. " Maraming salamat po ate Lalaine " pagpapasalamat ko nalang Kay ate dahil Alam ko naman na Wala akong magagawa dito kundi tanggapin ang pera. " Oh siya anak baka andiyan na si Gabriel mag-iingat Kayo. " Sabi Naman ni ate Lalaine kaya nagpaalam na ako dito. Pagkalabas ko ng simbahan ay Wala pa si kumag. Kukuhanin ko na sana ang aking selpon upang tawagan siya pero nakita ko na naman ito paparating kaya sinara ko ulit bag ko. " Tatawagan na Sana Kita eh " Sabi ko sa kanya. Pinark naman niya ang kanyang motor sa gilid Ng simbahan at lumapit sa akin. " Maglakad nalang tayo tutal malapit na lang naman dito bilihan. " Sabi niya ng makalapit siya sa akin. " Sige Lang maaga pa din naman hindi pa mainit " sagot ko naman sa kanya. Naglalakad na kami ngayon, Wala na isa gusto magsalita sa Amin kaya inunahan ko na siya. " Nakapag ayos ka na ba ng mga gamit mo kumag " pagtatanong ko sa kanya Kung nakapag ayos na siya Ng mga gamit niyang gagamitin sa camping namin. '' Maya na lang siguro madali lang naman iyon tsaka baka si mama na mag ayos nun " sagot niya naman sa aking tanong. " Yay , kalaki mo nang tao tapos si titA pa pagaayusin mo, iba ka talaga kumag " natatawa ko namang komento sa kanya. " Eh si mama naman Kasi nagsabi kaya ko naman ayusin gamit ko no '" pagtatanggol niya sa sarili Niya. " Oo na baka mamaya magalit ka baka hindi moko bilhan ng Chuckie edi Wala akong iinumin don " tawa ko Naman. " Tsk bakla nga naman " komento Niya. Hinayaan ko nalang siya at naglakad na lang kami ngayon. Narating namin ang saveland supermarket Kung saan kami mamimili. Diritso naman agad kami sa junk food section. " Nova kumag kuha bilis " Sabi ko sa kanya masarap Kasi ang Nova yong kulay pula. " Tsk kala mo naman mauubusan. " Sabi Niya sa akin. " Iyong red huh kumag " pagbibigay Alam ko sa kanya. " Oo huwag kana maingay diyan " Sabi Niya sa akin. " Omg o puff masarap to kumag kukuha ako huh isang balot " Sabi ko sa kanya na naglalakad papalapit sa akin dala ang basket na pinaglagyan namin. " Geh kahit dalawahin mo pa " Sabi Niya sa akin. " Isa lang matamis din Kasi to baka mamaga lalamunan ko " komento ko sa kanya habang tumitingin siya ng inumin. " Root beer " basa ko hala alak iyan? " Hoy diba alak iyan Kasi beer? Diba bawal ang alak don ? " Sabi ko sa Kanya. Tumingin naman ito sa akin. " No, parang normal lang ito na inumin huwag kang mag-alala hindi naman talaga ako magdadala don no '' Sabi naman niya sa akin. " Ah kamalayan ko diyan sa inumin niyan. " Sabi ko sa kanya. Iniwan ko muna siya para kumuha ng Chuckie dahil may nakita ako sa padulo. Lima lang kinuha ko dahil ang mahal. '" kumag hati na lang tayo sa babayaran dito sa Chuckie Mahal kasi ito " Sabi ko sa kanya na tumingin naman sa akin. " Huwag na bakla ako na " Sabi niya. Natuwa naman ako ng marinig ang sinabi niya. " Thank you kumag " Sabi ko sa kanya sabay yakap . Ganito kasi talaga ako kapag natutuwa nangyayakap nalang bigla. " Tss puro ka talaga kabaklaan. Ilagay mo na yan dito at tayoy magbabayad Niya. " Nakangiti ko namang nilagay ang limang Chuckie. Nakasunod lang ako sa kanya habang siya may bitbit ng pinamili namin. " Bakla kumuha ka Ng baby wipes diyan " turo ni kumag sa kaliwa ko. Nakita ko naman ang ibat-ibang kulay ng baby wipes kinuha ko ay green dahil favorite color ko. Nilagay ko naman ito sa basket na dala dala ni kumag na nakapila na ngayon sa counter. Nasa tabi Niya lang ako. Nang amin turn na tinulungan ko naman siya ilabas lahat ng pinamili namin. " Ang cute niyo po dalawang tingnan "Sabi ni ating cashier Hindi ko Alam bigla ko nalang siniksik ang mukha ko sa likod ni kumag dahil sa Kahihiyan. Tinawanan naman nila ako. " Miss pagpasesnsyahan mo na itong kasama ko napakamahiyain nito Kasi '" Sabi naman ni kumag. Napa rolled eyes nalang talaga ako sa sinabi niya. " 1,523 pesos lahat sir " Sabi ng cashier Kay kumag. Kumuha naman si Kumag ng pera sa kanyang wallet at ibinigay sa cashier. Nagpasalamat naman kami at lumabas naman kaagad ng saveland. Kinuha ko naman ang payong ko sabay bukas at dikit Kay kumag dahil mainit. " Puntahan Nalang Kita bukas sa simbahan para sabay na tayo pumunta ng school " pagbasag Niya sa katahimikang namumutawi sa Pagitan naming dalawa habang binabagtas ang daan pabalik sa simbahan. " Sure ka? Kaya ko naman pumunta ng school mag-isa eh " Sabi ko naman sa kanya. Ayoko naman kasi na puntahan niya pa ako no. " Sige ikaw bahala edi sa school na Lang tayo magkita-kita " Sabi Niya Naman. " Opo sa school na Lang. Tsaka iwan muna sa akin iyang pinamili naka motor ka Kasi " Sabi ko sa kanya. " Geh huwag mo Lang kakainin " tawa niyang Sabi sa akin kaya pinalo ko naman ito ng mahina. " Lah sinasabi mo diyan di kaya " Sabi ko Naman sa kanya pero tinawanan niya lang ako. Nakarating naman kami ng simbahan ng pinagpapawisan. Nang maibigay ni kumag sa akin ang pinamili ay nagpunas naman ito ng kanyang pawis. " So pano Kita na lang tayo bukas " Sabi niya sa akin Ng maistart niya ang kanyang motor. " Oo ingat sa pag drive kumag " Sabi ko sa kanya tumango Lang ito at nagsimula nang umandar hanggang sa Hindi ko na siya nakita pa kaya pumasok na ako ng simbahan dala dala ang mga pagkain na pinamili namin Kanina. Kinabukasan Nagising naman ako dahil sa lakas ng tunog ng alarm ko sa aking selpon. Kaya bumangon na ako at nagsimula na akong iligpit ang pinaghigaan ko. Nang matapos ako ay diritso kaagad ako sa banyo upang maligo. After taking a bath I wear a simple oufit for this day. Tamang sweet pants Lang and white t-shirt na tinuck in ko then white shoes and voila laban na ang bakla. May kahabaan na pala itong buhok ko kasi natatakpan na nito ang aking mata. Matapos makapag suklay ay lumabas ako ng kwarto upang pumunta sa kusina para kumain. " Magandang umaga po ate Lalaine at Kuya Dario " bati ko sa dalawa na may kanya-kanyang ginagawa. '" oh iho umupo ka na diyan at ipaghahain na Kita at alam ko na maaga ang alis mo ngayon. " Sabi ni ate Lalaine kaya umupo naman ako sa bakanteng upuan sa tapat ni kuya Dario. " Ilang araw ba Kayo doon anak " tanong ni Kuya Dario sa akin na umiinom Ng kape. " Tatlo ho kuya " Tumango Lang naman si kuya at hindi na nagsalita pa. Nang mailagay ni ate Lalaine ang aking pagkain ay nagsimula na ako baka Kasi mahuli ako no. Nang matapos akong kumain nagpasalamat naman ako sa dalawang matanda at nagpaalam na din. Sakto naman pagkalabas ko ng simbahan ay may dumaan na tricycle kaya pinara ko ito. Isang travel bag lang ang dala ko na sakto lang ang laki. Nang makarating ako Ng school ground nasa loob na ng campus ang mga bus. Nang naghahanap ako ng section namin nakita ko naman si Darwin kaya binati ko ito. " Good morning Dar " bati ko sa kanya. " Good morning Ronnie excited ka ba para mamaya " tanong Niya sa akin. " Oo eh first time Kong sasama sa ganito hindi Kasi ako pinapayagan dati " pagbibigay ko alam sa kanya. " Bakla Tara na andon na sila " biglang Sabi nitong kumag na bigla nalang sumulpot. " ah Dar see you when I see you na Lang una na ako huh " Matapos Kong magpaalam kay Darwin naglakad na kami nitong kumag patungo sa section namin na nasa isang tabi ng bus. " Good morning guys " bati ko sa mga kaklase namin. Bumati din Naman sila sa akin, sabay balik sa kanya kanyang ginagawa. " Ate Jade San san ang tropa " tanong ko Kay ate Jade Wala kasi dito ang circle of friends namin. " Ah andun sa canteen Ron nakain sila '' pagbigay alam naman ni ate sa akin. " Ate madami Kang dala " tanong ko naman sa kanya. " Sakto lang Ron ayoko Naman madami ang lalabhan pagkauwi " natatawang sambit sa akin ni ate Jade. " True ate feel Kita " pagsang-ayon ko sa sinabi niya. " Bakla Good morning " kahit hindi ko na ito lingunin pa ay alam ko na Kung Sino Ito. " Bunganga mo talaga teh parang mega phone " Sabi ko naman kay Mariel syempre tawanan kami. Ang mga lalaki ayon Kanya kanya din silang usap. " Bakla huh gumamit kayo ng protection ni Gabriel '' pagjojoke ng bruha sa akin. Dahil maganda ang gising ko ngayon sasakyan ko ang kalokohan ni Mariel. " Yes teh mga tatlo dala ko dito. " Sambit ko naman sa kanya sabay apir tawanan naman kami. " Tapos ivideo niyo teh " Sabi naman ni Jam. " Bet ko Yan Jam tapos ipapanood ko sa Inyo " tawanan ulit kami. Napatingin Naman ang kalalakihan sa Amin dahil sa tawanan namin. " Hoy bakla tinatawa mo diyan " tanong ni kumag. " Wala babe " sagot ko naman sa kanya na nagpaingay sa section namin. " Yown babe Naman pala " sigaw ng isang lalaki. Kung ano-ano naging usapan namin hanggang sa magsiakyatan na kami sa bus namin. " Sa medyo padulo tayo kumag. " Sabi ko sa kanya. Sumunod Lang Naman siya sa akin. Hanggang sa marating namin ang isang bakanteng upuan. Syempre umupo ako sa may bandang bintana dahil titingin ako sa mga view na madadaanan namin. Maganda kaya iyon. " Ano gusto mo kumain bakla " tanong sa akin ni kumag nagsimula na kasing umandar itong bus na sinasakyan namin. " Maya nalang nag-eenjoy pa ako kakapanood eh " Sabi ko sa kanya. Hindi na naman ito umimik pa ulit at bumalik Ito sa pagsandig sa upuan sabay pikit. Kinuha ko naman ang selpon at earphones ko upang makinig sa music. Nagsimula na ang tugtog sa aking selpon at inihilig ko Naman ang ulo ko sa balikat ni kumag , inaantok kasi talaga ako. Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako. Nagising na Lang ako dahil may mahinang tumatapik sa akin. " Andito na tayo " sambit sa akin ni kumag. Inayos ko naman ang sarili ko para mababa na din kami. Nagulat naman ako Ng Makita ko ang lugar na pagcacampingan namin. Sobrang ganda at madaming puno Ng mangga na sakto lang ang laki at Bermuda grass. Sobrang linis ng camp site na ito. Tumayo naman ako at kinuha ang aking gamit. Kinuha naman ni kumag sa akin ang bag na pinaglagyan ko ng pagkain namin tapos pinalit niya sa tent na dala niya. " Okay guys since alam niyo na ang mga dos' and donts' pagpasok natin dito ay may makikita kayong sulat Ng strand niyo Kung saan lugar lang Kayo mag tatayo Ng tent niyo. " Pagpapaliwanag ni sir sa Amin Ng makababa kami lahat. " Okay let's go na , sa Hall muna tayo Didiritso dahil may kailangan pang ipaliwanag si Mr. Picondo regardings sa activity ngayong umaga okay " " Okay sir " sabay na sabay naming Sabi. Nang marating namin ang hall ay namangha ako dahil may mini stage din Ito. Pumila naman kami at umupo dahil naka tiles naman itong hall nila. " Good morning everyone " masiglang bati ni Mr. Picondo sa amin, kaya sabay sabay din kaming bumati. " Okay unang gagawin is tent making then followed by cooking of food for lunch iyan Lang Muna for this morning mamaya pang hapon simula ng ating activities okay? " Explain ni sir. Matapos ang orientation ay kanya kanyang punta naman kami sa designated areas namin. Buti nalang ang Amin ay malapit lang sa CR konting lakad. " Oh bantayan mo Muna iyang mga gamit natin. Ako na mag set up ng tent " Sabi sa akin ni bakla. Binigay ko Naman sa kanya ang tent na dala dala ko. Hindi ko naman Kasi alam mag set up ng tent kaya hinayaan ko na siya. " Buhay prinsesa talaga si Bakla palibhasa may prinsepe " sigaw ni Mariel kaya pati ibang kaklase namin kaya tinawanan na naman nila ako. " Pinagsasabi mo diyan bruha ka " sigaw ko din kaya ayon tawanan lang section namin. " Ayan tapos na bakla ipasok mo na iyang gamit natin " Sabi niya sa akin. Pagkatingin ko ay tapos na nga ito. Malaki laki din itong tent Niya for four person ata to. Sumunod naman ako sa sinabi Niya. Pumasok ako sa loob tapos siya taga abot ng naiwang gamit sa labas. Inayos ko naman ang pagkalalagay ng isang manipis na higaan tapos nilagay ko sa uluhan ang mga unan namin. " Buti nalang hindi mainit sa loob ano " Sabi ko sa kanya. " Eh hindi naman kasi mainit dito tsaka napapaligiran naman tayo ng puno ng mangga " paliwanag naman niya sa akin. Hindi na naman ako nagulat sa paghubad nito sa aking harap dahil nasanay na ako sa kanya na ganyan siya umakto sa harap ko. " Akin na iyang t-shirt mo na hinubad mo punasan ko muna iyang likod mo '' Sabi ko sa kanya. Kinuha na naman Niya ang t-shirt na hinubad Niya at binigay sa akin. " Usod ka muna dito ang layo mo sa akin pano Kita mapupunasan niyan. " Umusog naman ito, at nagsimula na akong punasan siya. " Papunas na din ako sa mukha ko bakla " Sabi Niya sabay ikot sa katawan Niya. " Ano nginingisi mo diyan " tanong ko sa kanya dahil ngising ngisi ito. " Wala huwag muna ako pansinin bakla " Sabi Niya sa akin. Binigay ko naman sa Kanya ang pinagpunas ko. Nagsuot na naman ito ng jersey. " Bat iyan suot mo tanong ko sa kanya. '" Kita Kasi mga muscles nito. " Lah gusto ko eh syempre para Makita ng mga chicks no " Sabi niya sa akin. Inikot ko lang naman ang mata ko sa sinabi Niya. " Hahaha sayo lang naman ito bakla huwag Kang mag-alala '' Sabi niya sa akin. " Lah pinagsasabi mo , lumabas ka na nga at akoy magbibihis " Sabi ko sa kanya. " Lah di ka naman babae bakla. " Sabi Niya sa akin. " Gusto mo bang bugbugin Kita huh? " Pagbabanta ko sa kanya. " Ito na nga boss lalabas na po " Sabi naman nito sabay labas. Kinuha ko naman ang bag ko at kumuha ng isang manipis na t-shirt. Nang matapos ako ay lumabas na ako at para makatulong ako sa pagluluto. " Ah guys ano maitutulong ko " tanong ko sa mga kaklase ko. " Ikaw pala vice marunong po ba Kayo magsaing ng bigas? " Tanong Ng isa Kong kaklase. " Oo , wait asan ba ang rice cooker " " Ito po vice may bigas na po iyan , 7 takal po iyan '' pagbibigay nila alam sa akin. Nagtungo naman ako malapit sa isang gripo dito para hugasan ang bigas. " Look who's here " biglang Sabi ng nag-iisang bruha kasama ang mga alipores Nito. Wala ba tong ginagawa at pagala-gala Lang? " Oh hi " sarkastiko Kong bati sa kanya. Patuloy parin naman ako sa pag-huhugas ng bigas. " Alam mo bakla maghanda ka mamaya dahil tatalunin namin ang seksyon niyo of course sa pangunguna ko. " Confident niyang sabi sa akin. Lakas talaga Ng loob nito bakit hindi na lang siya mamigay sa mga mabababa ang self-esteem. " Oh and do you think magpapatalo kami? Take note kami Kasi hindi ako tulad mo sobrang believe sa sarili. '' Sabi ko sa kanya sabay balik sa pag-huhugas ng bigas. " Ow, and do you think you can drag me down fagg? " Sabi niya naman ako. " Tanga ka ba? May sinasabi ba ako? Kung threatened ka dahil sa akin puwes matakot ka talaga dahil Hindi ako tulad mo weak. Excuse me " Sabi ko sabay alis dahil tapos na ako no. " Bakla " Sabi Niya nalang tanda ng pagkatalo Niya. Akala ko pa naman Wala ng gugulo sa akin dito naalala ko lahat pala ng strand dito ay kasama. " Hey kamusta kayo diyan okay Lang Kayo " tanong ko sa ibang kaklase ko na nagluluto na ngayon " Opo vice yakang yaka naman " Sabi naman nila sa akin kaya " Ah vice tikman niyo po ang sabaw Kong okay na ang timpla. " Sabi ni Kristine sa akin. Tinikman ko naman ang sabaw ng adobo nilang niluluto. " Gosh guys ang sarap saktong sakto Lang Ang timpla. " Natuwa naman sila sa sinabi ko. Nagpaalam naman ako sa tatlo upang tumulong ulit sa ibang kaklase na naghahanda ng mga pinggan sa mahabang lamesa. " Okay guys who will going to lead the prayer bago tayo kumain " tanong ni sir Bukid. " Si Jackie po sir Ang Madre ng room " pagtukoy ni Mariel Kay Jackie na Hindi makabasag pinggan. Ngumiti Lang naman ito samin. Nagsimulang magdasal si Jackie at taimtim din kaming nakikinig. " Oh bakla tubig " Sabi ni kumag na katabi ko ngayon sa pagkain. " Salamat " Sabi ko nalang. May mga kanya- kanyang usapan ang bawat isa sa amin habang kumakain. " Ah guys lend me your ears first " pagkuha ng attention sa amin ni sir. Tumingin naman kami lahat Kay sir na nasa dulo nitong mesa. " Pagkatapos niyo kumain all you need to do is to rest. Binigyan Lang Kayo ng 30 minutes okay? Huwag niyo na alalahanin ang kalat dito may maglilinis niyan pero iligpit niyo din naman pinagkainan niyo. Is it clear class? " .mahabang paliwanag ni sir Bukid sa amin. " Tara na bakla pahinga tayo " Sabi nitong katabi ko matapos naming mag-ayos ng pinagkainan namin. Nauna Naman akong pumasok sa tent at kumuha ng alcohol para mag sanitize ng aking kamay. " Oh " abot ko Kay kumag ng alcohol Kinuha naman niya ito sa akin. " Oh bakla magpahinga kana sigurado madami activity mamaya " Sabi Niya sa akin. Kaya nilagay ko naman ito sa lalagyan. Humiga naman itong kumag. Ako naman kinuha ang selpon ko para magbasa sa w*****d. " Hindi ka ba hihiga bakla " tanong sa akin ni kumag. " Lah ayoko tinatamad ako. " Sabi ko naman sa kanya. Hinila Naman ito kaya napahiga ako sa dibdib nito. " Bat ka ba nanghihila nalang bigla huh. " " Arte mo magpahinga ka na Lang para ready ka mamaya. " Inayos ko naman ang higa ko at ginawa Kong unan ang kanyang tiyan bahala siya diyan Sabi Niya eh magpahinga ako kaya magpapahinga ako. Hindi naman siya nagreklamo. o Pagtingin ko dito ay nakapikit hinayaan ko nalang siya " Edi Sana all Bakla ang landi landi mo '' nagulat naman ako sa nagsalita. " Bruha ka ano ba kailangan mo '' tanong ko sa kanya. " Bakla ka Tara na magsisimula na daw " Sabi nito kaya tumango lang ako dito at umalis Naman siya. Pagtingin ko sa isa Wala paring imik, mukhang nakatulog Ito. " Gabriel gising na magsisimula na tayo " Sabi ko sa kanya. Buti nalang nagising ito kaagad. Nauna naman akong lumabas ng tent at sumunod naman siya na inaayos ang kanyang nagulong buhok. Nakita ko naman na papunta sa hall Ang mga kaklase ko kaya sumunod kami nitong kumag. Nang present na ang lahat Ng section ay pinag form kami ng kanya kanyang circles. " Okay , the first game for this afternoon is decode the code. May ibibigay sa inyo ang mga adviser niyo na manila paper nakasulat na diyan ang Kailangan niyong i decode. " Paliwanag naman ni sir Picondo sa amin. " Wait do you have your pens and notebook? Kahit isa Lang sa isang strand " tanong naman si sir. " Sino may dala " tanong ko Kasi nakalimutan Kong magdala. " Meron baks " Sabi ni Ryzza. " Okay then we're settle. " Sagot ko naman. '" okay guys bawal pang buklatin huh " Sabi ni sir Bukid sa Amin kaya hindi muna namin binuklat ang nakatuping manila paper. Hawak ko naman ang permanent marker. " Okay since lahat na may hawak ng manila paper pag sinabi Kong go ay mag simula na okay " Sabi ni sir kaya nag yes sir Naman kami lahat. " Go " Kaya Dali dali naming binuklat ang manila paper. Clue : A- Z Note. : You need to find a way on how to decode the code by using only the letters. Code : SRUGLIB IVKZGH RGHVOU " Hala pano to parang ang complicated naman ng larong ito '" reklamo ng bruha. Samantalang ako titig na titig sa mga nakasulat. Mga 10 minutes na ang nakalipas Wala pa Rin nakakakuha even the other strand nagkakagulo na. " Using only the letters A- Z what if baliktarin ko A - Z then Z- A. " Sambit ko sa aking sarili. Kinuha ko naman ang notebook napatingin naman sila lahat sa akin. Nagsulat muna ako ng letters from A-Z tapos starting from Z ay letter A so bali pabalik na. Nang matapos ako kinuha ko ang manila paper at nagsimulang i decode ang code. Ang tapat ng S ay H sulat ko. Habang ang R ay I Then ang H ay S  Tapos ang G ay T  Then ang L ay O  Habang ang I ay R  Last is B ay Y " There you go guys naka decode na ako huwag kayong maingay bilis paki decode ng ibang words. " Natuwa naman sila sa nagawa ko. Kesyo ang talino ko daw edi wow sana all matalino. Hindi ba pwedeng may understanding Lang joke. " History repeats itself " iyan ang code kaya Dali Dali akong tumayo at pumunta ng stage Kung nasaan si sir Picondo. " It seems that someone has the answer already. Okay stop that guys. '' Sabi naman ni sir sa mga ibang estudyante. " Okay state you strand and the answer " Sabi naman ni sir Picondo " HUMSS 12 the code is History repeats itself po " pagsabi ko. '' very good you got the right answer " sigawan naman kami dahil kami ang nanalo. Bumalik naman ako sa puwesto namin ng Tuwang-tuwa even sir Bukid. Fast forward Gabi na at tapos na din kaming kumain heto ako ngayon sa tent kumuha Ng mga gamit sa pagligo. " Maliligo kana bakla " tanong ni kumag sa akin na kakadating lang " Oo nanlalagkit na ako " sagot ko sa kanya. " Sabay na tayong pumunta don " Sabi niya sa akin na kumukuha na din Ng mga gagamitin niya. Nang matapos siya nagpunta na Naman kami Kung saan pwede maligo ang mga lalaki of course sa lalaki ako no baka ma kick out ako ng Wala sa oras. " Pano iyan bakla iisa pa Lang available na CR ? " tanong Niya sa akin. Occupied pa Kasi lahat. Hindi Naman ako sumagot Kasi nag-iisip ako Kung pano matapos ang pagligo dahil gusto ko nang magpahinga. Actually may burn fire keme mamaya section namin kaso di na ako sumali napagod kasi ako. Okay lang naman sa Kanila Kasi ako daw halos lahat nagpanalo sa section namin na siyang tunay Naman. " Sabay na tayo huwag Kang mag-alala hindi ako maghuhubad " natatawa niyang sambit sa akin. Napaisip naman ako sa sinabi Niya. Tutal pareho naman kaming lalaki at sanay na naman ako dito Kay kumag kaya pumayag na ako. Pagkapasok namin sa CR ay malawak naman ito. Sa shower siya at ako naman sa tabo para mabilis. " Bakla pa kuskos ako sa likod " Sabi Niya sa akin na nagkukuskus din Ng katawan ko. " Talikod na kumag " tumalikod naman ito at sinimulan ko na ang pagkuskos sa likod niya. Napaisip tuloy ako para tuloy kaming magjowa sa set up namin ngayon. " Ayan tapos na ako naman Yong likod ko " kinuha naman niya ang Maliit na towel ko . " Ayan tapos na bakla " Sabi niya kaya nagsimula na akong magbuhos para matapos na. Natapos naman kaming maligo at sabay parin kaming magbibihis oh diba parang mag jowa lang. Sana nga kami na Lang kaso Walang kami. Gosh bat Ang laki Ng bukol Niya. Napatingin Kasi ako dito nakatapis na Kasi Ito Ng towel. Tumalikod naman ako dahil magsusuot na Ito ng underwear Niya Baka Kasi may Makita akong ahas. ' arte mo bakla " Sabi niya sa akin. " Tsk tumigil ka nga bilisan muna at akoy magbibihis mag-isa." Sabi ko sa kanya. " Tsk bat di ka pa magbihis diyan " Sabi niya. " Baka Gus.. " naputol ang sasabihin ko dahil bigla na Lang itong nagsalita. " Oo na ayan tapos na bilisan mo antayin kita sa labas " Sabi Niya sa akin. Kaya Ng makalabas siya nagsimula na din akong magbihis. " Yon ang lovebirds palagi ng magkasama '' komento ni Bruha ng Makita kami papalapit sa aming area. " Bruha ka talaga magtigil ka nga diyan. " Singhal ko sa kanya. " Pa virgin ka talaga bakla kahit Hindi na '' Sabi Naman ni Mariel. " Hoy virgin pa ako no 100% " sagot ko Naman. " Puwes so Gabriel ang tatanungin natin " Sabi naman ni Mariel. " Gabriel hindi mo pa ba nagagalaw itong baklang pa virgin " tanong ni mariel Kay kumag kaya napatingin Naman ako dito. ' actually mamaya ko pa tatanggalin " Dahil sa sagot niya sigawan ang mga kaklase ko. Buti na Lang Wala dito si sir Bukid. Hinampas ko naman ito. " Bala nga kayo diyan " Sabi ko sa Kanila sabay punta sa tent namin. Kumuha naman ako ng notebook para paypayan ang buhok ko para matuyo agad dahil gusto ko na talagang mahiga at matulog. " Ano ginagawa mo bakla " tanong sa akin ni kumag na papasok pa Lang ng tent. " Nagpapatuyo ng buhok gusto ko na magpahinga. Bat ka andito bat di ka sumali sa kanila. " Tanong ko naman sa kanya. " Ayoko magpapahinga na din ako. " Tumango lang ako sa sinabi Niya at nagpatuloy sa pagpapatuyo ng aking buhok samantalang siya ay nagpunas din Ng buhok. Makalipas ang ilang minuto ay nahiga na ang kumag siguro tuyo na buhok Niya. Samantalang ako unti pa. Dahil napagod na ako kakapaypay sa aking buhok tumabi na ako Kay kumag. " Goodnight kumag '' Sabi ko sa katabi ko " Goodnight " Pagkasabi niya nun yumakap ako sa kanya at dinantay ko ang paa ko sa Tiyan Niya. Hindi Naman siya nagreklamo kaya pumikit Nalang din ako. Sana isang araw pag-gising ko akin kana talaga kumag. May masasabi na akong TAYO. Sabi ko sa aking isipan bago lamunin ng dilim. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD