Chapter 20

3650 Words
Ronnie's POV Ano ba yan kanina pa ako nag-aantay ng tricycle pero wala pang nadaan sa parteng ito. alas syete pa naman simula ng first period ko pero kay sir Bukid naman ito. Mabait naman si sir kaya medyo hindi ako kinakabahan. Ang kinakatakot ko ay magkaroon ng record ng late sa prefic of discipline ayoko naman ng ganun gusto ko malinis record ko sa school no , ayoko naman na maging isang masamang model sa ibang student. '' Kuya SAA po ako , '' pagbigay alam ko kay kuya Driver. Salamat naman nakasakay na ako. Pero pagkaminalas nga naman at traffic ngayon dahil may nabanggaan daw pero wala naman daw nasaktan. I check the time on my phone 10 minutes nalang before seven sana umabot ako. After five minutes nakausad din ako. kaya ng makarating kami pagkatapos ko nagbayad ay tumakbo ako agad patungo sa room namin. konti nalang mararating ko na ang room namin and there I go nagsisimula na si sir Bukid sa lesson niya. '' Good morning sir sorry po na late ako na traffic po kasi . '' sabi ko kay sir Bukid na napahinto sa pagdidiscuss ng dumating ako. '' Okay before I let you in , I want you to answer first my question this would be your key to enter my class I hope you can answer this one. '' pagsabi ni sir. Ano ba yan mukha naman itong laro , kahit kailan talaga itong si sir madaming pakulo sa buhay. '' The question is ... '' may pa drum roll pa ang mga kaklase ko. Pinagtritripan ako ngayon ng klase. '' What is intercultural communication and give some example of it . '' madali lang naman pala ang ang tanong, Huminga muna ako ng malalim dahil hinahapo talaga ako kakatakbo. '' Intercultural communication is a discipline that studies communication across different cultures and social groups, or how culture affects communication. Language difference makes international business companies difficult to adjust to local environment and culture. For instance, Coca-Cola Company once tried to find a phonetic equivalent of their brand to be used in China and thought of using KeKou-KeLa is an example of intercultural communication. '' source ; Google Napanganga naman sila sa sinabi ko. '' Sir pwede na po ako pumasok . '' tanong ko kay sir na nakatingin lang sa akin. '' Yes you may . '' sabi naman ni sir sa akin . Akala mo sir hindi ko masasagot no syempre nag advance ako kagabi no pagkauwi ko galing kena kumag. '' Galing mo naman bakla san mo nakuha iyon. '' tanong sa akin ni kumag. '' uso kasi mag advance study Mr. Ramos at huwag kana makipagdaldalan sa akin dahil hinahapo pa ako . '' sagot ko naman sa kanya, '' Che may regla na naman ang bakla . '' sabi niya naman. Hindi ko na naman siya pinansin bagkus kinuha ko ang tubig na nasa table niya dahil hinahapo talaga ako . Hindi naman niya sinita ang pag-inom ko ng tubig niya kaya inubos ko na ito. Lesson lesson lesson Natapos din ang morning class and kasama ko ngayon ang tropa papunta na kami sa canteen upang kumain ng lunch. '' Ah guys don nalang tayo sa table ni Darwin huh para may kasama naman siya . '' sabi ko sa tropa dahil nakita ko si Darwin na walang kasama. Sanay na siguro to mag-isa kaya hindi na siya nakikisama pa sa iba kahit nag-iba na pakikitungo ng ibang estudyante sa kanya. '' Hello Dar pwede maki share kami ng table . '' nabigla naman siya sa biglang pagdating ko . '' Yeah of course '' sagot nito kaya nagsi upuan naman kami. '' Hi baby Darwin . '' malanding sabi naman ni Mariel, kaya ang bruha nakurot ko ng wala sa oras. '' Dami sinasabi mo umorder kana don . '' sabi ko sa kanya, tumalima naman ang bruha. Kanya-kanya naman silang alis para umorder ako tinatamad kasi akong kumain ngayon kaya nagpaiwan ako. '' Hoy bakla bat di ka nag order ng pagkain . '' tanong sa akin ni kumag na may dala ng pagkain. '' Tinatamad ako kumain kumag . '' sagot ko naman habang si Darwin ay nakikinig lang sa aming usapan. '' Kumain ka ayan oh bibili nalang ako ng bago. '' sabi naman niya, '' Ayoko nga kumain at wala akong gana kumag . '' sagot ko naman. '' Kakain ka o itatapon ko ito . '' bossy niyang sabi sa akin. '' Ah pare huwag muna pilitin si Ronnie mukhang kakain naman ata siya mamaya '' pagsingit ni Darwin sa aming usapan. '' Ikaw ba si Ronnie '' maangas na sabi nito kay kumag. '' Hindi naman pare ang sa akin lang huwag kang mamimilit . ''sagot naman ni Darwin '' Eh ano ba paki-alam mo bat ka ba nangingialam . '' inis na sabi ni kumag. Hindi ko alam sa dalawang ito kung bakit ang init ng dugo nila sa isa't- isa. '' Wala naman namimilit ka eh kita mo naman ayaw nung tao . '' inis na ding sabi ni Darwin '' eH gago ka pala eh . '' sabay suntok kay Darwin. Nagulat naman ako ng bigla nalang sinuntok ni kumag si Darwin. Nang makapag-adjust si Darwin sinuntok naman niya si Kumag ayon sapol din. '' Hoy tumigil kayo ano ba . '' sigaw ko pero hindi parin sila nakinig sa sinabi ko at nagsuntukan parin. Buti nalang dumating sila kuya Bryan at Mike na inawat ang dalawa. Ayoko naman umawat no baka ako masuntok nila. Lumapit naman ako sa kanila nang maawat na sila. '' Bitawan niyo na sila mike at kuya bryan ako na bahala sa dalawang ito . '' sabi ko sa dalawang lalaki. Pero nang mabitawan sila ay akmang magsusuntukan na naman sila kaya sumigaw na ako . '' ANO BA SABING TAMA NA . '' sigaw na siyang nagpatigil sa kanilang dalawa. Mabuti naman at nakinig sila sa sinabi ko. '' Sumunod kayong dalawa sa akin . '' sabi ko pero hindi naman sila nakinig sa akin at nakatingin lang at walang balak kumilos. '' ANO SUSUNOD KAYO OH MAGSUSUNTUKAN TAYONG TATLO DITO PARA MADAGDAGAN KO YANG MGA SUGAT SA MUKHA NIYO .'' sigaw ko aligaga naman kumilos ang dalawa kinuha ang kanya-kanyang gamit. Tinawanan naman sila ng tropa. '' San ba kasi tayo pupunta bakla . '' tanong ni kumag sa akin. '' Diba sabi ko sumunod kayo sa akin bat ang dami mo pang tanong sa akin kumag. '' sabi ko dito. Mabuti pa itong si Darwin tahimik lang at prenteng naglalakad. Nasa bulsa nito ang dalawang kamay at seryosong nakatingin sa daan. '' Tsk, di na nga ako magtatanong baka mamaya bugbugin mo talaga ako . '' sabi naman niya. Hindi naman ito umimik pa hanggang sa makarating sa clinic ng school. '' umupo kayong dalawa diyan ng TAHIMIK .'' pagbibigay diin ko sa salitang tahimik dahil baka mamaya mag-away na naman ang dalawang ito. Nakita ko naman ang nurse na may ginagawa kaya tinanong ko nalang kung saan nakalagay ang first aid kit at sinabi din naman nito kaya kinuha ko na ito kung san nakalagay. '' Darwin dito ka umupo .'' sabi ko sa kanya. Pinalipat ko kasi ito sa kabilang upuan malapit sa akin dahil sa kabilang side naman si kumag. '' ikaw naman kumag ka gamutin mo sarili mo nang makalabas tayo kaagad dito . '' sabi ko kay kumag habang nilalagyan ko na ng betadine ang bulak. '' Lah ang daya tapos ang isa diyan lilinisan aalis na nga lang ako . '' reklamo niya sa akin. '' Umupo ka diyan baka gusto mo talaga bugbugin kita . '' pagbabanta ko naman sa kanya at padabog naman itong bumalik . Tsk parang bata. '' daya daya dapat ako din '' bulong niyang sabi '' May sinasabi ka kumag . '' tanong ko. '' Wala boss tsk '' sagot naman niya.  Tumayo naman ako para simulan ko na ang paglilinis sa sugat ni Darwin sa gilid ng kanyang kilay. '' Aray '' biglang sabi ni Darwin '' Hala sorry napadiin ko ang paglagay . '' paghingi ko ng paumanhin dito . Nakita ko naman na nakangisi Itong si Darwin kaya nagtaka ako . '' Oh anong nginingisi mo huh Darwin . '' sabi ko sa kanya. '' Wala ang cute mo kasi . '' lah bigla tuloy nag init ang aking mga pisngi. '' Lah bolero , oh ayan tapos na . '' sabi ko sa kanya ng matapos kong lagyan ng band aid ang kanyang sugat. '' Thank you, una na pala ako huh babawi nalang ako sa susunod nag text kasi si Dad pinapauwi ako . '' sabi niya sa akin. '' Sige ikumusta mo nalang ako kay Tito Alfred . '' tumango naman siya at nilisan ang clinic. Pagkatingin ko kay kumag ay hindi pa nito nililinis ang sugat sa kanyang sugat sa may bandang kilay din. '' Oh ano pa ginagawa mo bat hindi mo pa nililinis iyang sugat mo. '' tanong ko sa kanya. '' Tsk pakialam mo ba umalis ka na . '' hala pinagsasabi ng lalaking to. Lumapit naman ako dito dahil alam ko na ang gusto nito. '' akin na nga iyan .'' pag-agaw ko sa bulak na hawak niya. Pagtingin ko laki ng ngisi ng kumag. Sabi ko naman sa inyo kung ano gusto nito. '' Aray dahan dahan naman bakla alam mong masakit. '' pagsabi niya kaya sumunod naman ako sa sinabi niya. Nang mailagay ko ang band aid ay bigla nalang ako hinapit ang aking katawan niyapos nalang ako nito bigla. Bigla naman bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa ginawa niya. '' Ang bango mo . '' inamoy-amoy naman ako nito sa aking dibdib. '' Hoy loko, tumigil ka nga baka may makakita sa atin. '' sabi ko sa kanya baka kasi may makakita sa amin at baka anong sabihin. '' nagseselos ako . '' biglang sabi nitong kumag . Ano naman kaya sinasabi nito madami talaga siyang nalalaman. '' huh '' sabi ko sa kanya. '' sabi ko nagseselos ako bingi ka ba . '' sabi niya ulit sa akin habang ganun pa din ang position namin nakaupo siya tapos nakatayo ako at yapos yapos nito. '' Bat ka naman nagseselos at kanino . '' tanong ko naman sa kanya, dahil hindi ko naman talaga alam ang sinasabi nito. '' kay Darwin na iyon . '' sabi niya sa akin . '' Bitawan mo nga ako baka makita tayo . '' pag-iiba ko naman sa usapan dahil ayoko naman patulan ang kanyang sinabi. Bumitaw Naman siya kaya inayos ko na ang mga ginamit namin at ibinalik ang first aid kit sa pinaglagyan nito. Nagpasalamat naman ako sa nurse bago kami lumabas. " Tara na kumag baka nagsisimula na ang klase " tumayo naman ito at sumunod sa akin. Habang naglalakad kami pabalik sa room ay bigla na Lang itong umakbay sa akin. " Hoy ang bigat alisin mo " Sabi ko dahil nabibigatan talaga ako. Ikaw ba naman sa laki ng braso nito Kung Hindi ka mabigatan. " Tsk arte kapag si Darwin gustong gusto. " Sabay tanggal at lakad ng mabilis. Napahinto naman ako sa inakto ni kumag. Anong kinalaman ni Darwin sa pag akbay? Dahil ayoko naman na malate ay ipinagpatuloy ko nalang ang paglalakad hanggang sa nakarating ako ng classroom. Buti nalang wala pang teacher kaya Malaya akong nakapasok at umupo sa aking upuan. Pansin Kong hindi ako pinapansin nitong si kumag. Ano Naman kaya problema nito. " Oy pansinin mo Naman ako " sundot ko sa kanya. Pero ang loko Wala pa ring reaction. " Hoy, ano ba problema mo " sundot ko ulit sa kanya. " Tsk, tumigil ka bakla " pagbabanta Niya sa akin. Kaya Wala akong nagawa kundi padabog na umayos ng upo. Problema niya siya na nga itong pinapansin maarte pa edi bahala siya. " Anong mukha iyan bakla. " Tanong niya sa akin pero Hindi ko lang ito pinansin. Manigas siya. Akala niya siya lang marunong mag drama pwes hindi. " Hoy tinatanong Kita. " Sabi Niya ulit. Pero hindi ko pa rin siya kinibo. Bahala siya diyan. Kinuha ko naman ang earphone ko at selpon makikinig Nalang muna ako ng music. Pero ang loko tinanggal niya bigla kaya napatingin naman ako ng masama dito. Nakipagtitigan din ang kumag sa akin. Dahil nangigigil ako sa kanya, kinagat ko naman ito bigla sa kanyang braso. " Aray aray bakla ang sakit tama na " sigaw Niya. Kaya nagulat naman ang mga kaklase namin. " Hala pare anong nangyayari sa Inyo diyan. " Malisyosong tanong ni Mike sa amin. " Ah ito kasing si Bakla nangagat nalang bigla. " " Hahaha inaway mo ata pare eh " natatawa namang sambit ni kuya Bryan. " Eh ayaw ako pansinin eh " sabi naman nitong kumag. Eh siya naman ang hindi namamansin eh bahala siya. " Sige pare ayusin mo Yan " Sabi Nalang ni kuya Bryan. " Bat ka ba nangangagat huh " Sabi nito sa akin. Nakikinig naman ako ng kanta kaya hindi ko na siya pinansin. " Tang Ina problema mo " padabog itong umalis ng classroom. Pati kaklase ko nagulat tuloy dahil sa ginawa ng kumag. " Hoy bakla ano nangyari don " tanong ni Mariel sa akin. " Di ko alam bakla " sagot ko Naman. " Oh ano pa ginagawa mo diyan sundan mo . Tsk kaya ayaw Kong mag boyfriend eh. " Sinunod ko naman ang sinabi ni Mariel. Hindi ko naman makita si kumag kaya hinanap ko ito. Ayon nakita ko siya papunta sa direksyon ng CR ng boys. Kaya tumakbo naman ako papunta doon. " Gabriel ano ba bat ka na Lang padabog na umalis. " Tanong ko dito at sumunod papasok ng CR. " Hoy ano problema mo " tanong ko ulit sa kanya naghuhugas Kasi ito ng kamay. " Gusto mong malaman " tanong niya sa akin gamit ang nakakatakot niyang awra. Lumakad naman siya papalapit sa akin kaya ako dahan-dahan din umaatras hanggang sa na corner ako ng loko. Itinaas naman niya ang dalawang kamay at tinukod sa pader. " Ano ba problema mo " tanong ko ulit,habang nakatingala sa kanya. " Ikaw problema ko bakla " . Sabi Niya. " Huh " sagot ko naman dahil hindi ko alam Kung bakit napunta sa akin ang problema. " Alam mo bang Kanina pa ako nagtitiis sa clinic huh? " Sabi naman niya pero hindi parin ako umiimik. " Tapos Kanina naman hindi mo ako pinapansin Alam mo bang Hindi ako sanay huh " Nagulat nalang ako matapos niya banggitin ang mga katagang iyon ay bigla nalang ako nitong hinalikan. Nagulat naman ako sa ginawa ng loko. Tapos Ang buwesit Kong puso ay sobrang bilis ng t***k. Nadadala ako sa halik niya kaya napaungol naman ako. " Hmm '' ungol ko. Buti naman tumigil ito. Pagtingin ko dito nakangisi na ito. " Bat ka ba nanghahalik bigla huh " Sabi ko dahil pangisi-ngisi na ito. Ang hirap talaga ispellingin ang kumag na ito. " Tsk Tara na bayad ka na sa ginawa mo " sabay hila sa akin, palabas ng banyo. Naguluhan naman ako sa sinabi Niya. Anong bayad sa ginawa ko? Baliw ba siya nanghahalik na lang bigla. Hinayaan ko nalang itong kaladkarin ako pabalik sa room namin. Ayoko naman mag assume no,baka sa huli ako lang din ang masaktan kaya stop muna ako sa pag-aassume. Nang marating namin ang classroom wala pa ring teacher asan na ba Kasi sila. Umupo naman ako sa aking upuan nang marating ko Ito. " Ano Gabriel okay na Kayo niyang si Bakla " tanong ni Mariel Kay kumag. " Ah oo okay na kami . " Sabi naman nito. Makapag usap sila kala mo Wala ako dito. " Eh bat ganyan pa din mukha niyan. " Tanong naman ulit ni Mariel. " Hayaan mo siya may regla Yan. " Nahampas ko naman ito bigla sa sinabi Niya. " Bwesit ka talaga. " Sabi ko Kay kumag na tinawanan Lang ako. " Mukhang okay na nga kayo, dahil may pahampas -hampas na Kayo " komento naman ni Mariel. Sakto naman dumating si sir Bukid matapos ang usapang iyon. " Nagtataka siguro Kayo Kung bakit ako ang pumasok ngayon sa oras na ito. " Sabi ni sir Bukid sabay lapag ng gamit niya sa teacher's table. Hindi naman kami nagsalita dahil nag-aantay kami sa susunod na sasabihin ni sir Bukid. " Well guys I know this would be a burden sa Inyo cause you will pay for this one. " Pagbibigay ng clue ni sir. Pabitin Naman si sir eh. Ang hilig talaga nito sa ganyan. Hindi naman nag react ang mga kaklase ko , dahil alam naman nila na madami talagang bayarin kapag graduating student ka. " Okay guys you will be having a camp lang naman for 3 days " biglang Sabi ni sir. Naghiyawan naman ang kaklase ko dahil sa excitement. Syempre natuwa naman ako dahil makaka experience na ako ng camping. " Okay enough muna guys. You will be paying 1500 pesos lahat na Yan andon. Except sa tent at mga personal hygiene niyo. " Explain naman sa amin ni sir. Kanya- kanyang chismiss naman mga kaklase ko. Tapos may nagtanong Kung kelan ito. " okay mabuti natanong niyo iyan , actually next week na siya October 3 Friday call time 5am. By the way bago ko makalimutan magkahiwalay ang babae sa lalaki tapos Kayo na bahala mag grupo sa sarili niyo. " Mahabang lintaya sa Amin ni sir. Dahil sa sinabi ni sir mas lalong umingay dahil kanya-kanya na itong plano. " Bakla huwag ka na maghanap pa ng partner dahil tayo na dalawa at huwag ka na din umayaw " bossy naman nitong Sabi sa akin ni kumag. " May magagawa pa ba ako. " Sagot ko sa kanya sabay rolled eyes. " Good. Ako din bahala sa tent natin meron naman sa amin. " Sabi naman niya sa akin. Magsasalita na sana ako ng bigla naman nagsalita ulit si sir. " Okay since nagplaplano na Kayo this time will be given sa inyo para sa pagpaplano and the payment is diritso na kayo sa cashier. Bibigyan Kayo Ng slip at huwag niyo itong iwawala. " Sabi ni sir sa Amin. Bukas na bukas pala magbabayad ako kaagad dahil malaki laki pa naman ang natabi Kong pera. Umalis Naman si sir matapos masabi lahat Ng details. " Kumag bili ka please ng konting makakain sa camping include Chucky huh " pagrerequest ko sa kanya. " Oo na bakla. " Sagot nito sa akin. " Yehey thank you kumag " sabay yakap sa kanya. Nanatili naman akong yakap yakap siya tapos inamoy amoy ko pa ito. " Hmm bango mo kumag ano pabango mo " tanong ko sa kanya sabay amoy ulit. " Tumigil ka bakla may tumitigas " napabitaw naman ako agad dahil sa sinabi niya. Tumawa Lang naman ang loko. Matapos Ang ilang minuto na pagplaplano nagsimula na muli ang klase.  " Ayts buti naman tapos na nakaka stress ang lessons ngayon " sambit ko dahil na stress talaga ako sa research. Nakaupo lang naman ako ngayon at hindi pa inaayos ang gamit ko. Naisipan ko kasing magpaiwan muna dito. Gusto ko iyong ako ang pinakahuli na lalabas sa aming classroom. " Oh hindi ka pa nag-aayos diyan bakla " nagulat naman ako ng bigla na Lang may nagsalita. " Lah bat andiyan ka pa umalis ka na bilis " Sabi ko Kay kumag. " Lah sure ka? " Tanong niya sa akin. " Oo una ka nalang gusto ko Muna mapag-isa kumag " sagot ko sa kanya. " May problema ka ba Ron " nabigla naman ako sa bigla niyang pagsambit sa pangalan ko. " Huh Wala promise gusto ko lang talaga mapag-isa pramis. Magsasabi naman ako sa iyo kapag may problema ako. " Paliwanag ko naman sa kanya. " Sige mauuna na ako sa iyo at kailangan ko maagang umuwi ngayon dahil may ipapabili sa akin si mama. Tsaka mag text ka pag nakauwi ka na bakla. " Sabi niya naman sa akin. " Opo ikumusta mo ako kina tita at tito " Sabi ko sa kanya. " Geh Alis na ako " Sabi Niya naman sa akin. " Mag iingat ka dahan-dahan sa pag drive huh " paalala ko sa kanya tumango Lang naman ito sa akin bilang sagot niya. Nang mawala na siya sa aking paningin lumapit naman ako sa bintana upang magnilaynilay. " Inang , papang kamusta na Kayo? Sana kung nasan kayo gabayan niyo ako lagi at huwag niyo po akong pababayaan. " Pagsambit ko sa hangin. Ano kaya ang buhay ko ngayon kapag kasama ko pa sila ? Masaya kaya? Malungkot? Isa Lang masasabi ko Wala talaga kasiguraduhan ngayon ang buhay ko Lalo na ngayon ramdam Kong may mga sumusunod sa akin pero hindi naman ako nito ginagalaw. Tama kayo nang nababasa nararamdaman ko minsan may nakasunod sa akin. Pano naman itong nararamdaman ko? Ayoko ng ganito , sinasabi ng isip ko na pigilan ko pero ayaw naman ng puso ko. Kailan ba magkakasundo ang isip at puso ko? Kung kelan umiiyak na ako? Masasaktan na ako? Nagsimula na akong mag-ayos dahil madilim na Kita ko naman ito sa labas. Nang matapos akong mag-ayos bigla na lang tumunog ang aking selpon hudyat na may tumatawag. " Oh hello bakit Kumag " sagot ko sa kanya. " Nakauwi ka na ba? " Tanong Niya sa akin sa kabilang Linya. " Pauwi pa lang bakit " tanong ko naman sa kanya. " Tsk , intayin moko sa labas ng campus puntahan kita huwag Kang aalis " Sabi Niya sa akin. " Okay bilisan mo Nalang " Sabi ko sa kanya sabay baba ng tawag. Naglakad na ako pababa hindi naman nakakatakot dito dahil may iilang estudyante pa naman akong kasabayan. Tahimik naman akong naglalakad palabas ng campus. Hanggang sa makalabas na ako kaya nag-antay na muna ako kay kumag. Nang makalipas ang labing limang minuto ay dumating naman ito. " Tsk sakay na bakla " Sabi Niya sa akin kaya sumakay naman ako kaagad sabay Kapit sa kanyang bewang. " Bat ka ba ginabi bakla ano ginawa mo sa taas " tanong Niya sa akin habang binabagtas namin ang daan pauwi. " Wala nagmoment Lang tapos Hindi ko na namalayan Gabi na pala " sagot ko sa tanong niya.  Hindi na Naman siya nagsalita pa at tahimik naman naming narating ang simbahan. " Bat mo pala ito ginagawa sa akin Gabriel " seryoso Kong tanong sa kanya ng makababa ako. " Hindi ko din alam Ang Alam ko Lang masaya ako sa ginagawa ko kaya hayaan muna ako. "Seryoso Niya ding sagot sa akin. " Sige salamat ulit ingat ka " tumango Lang Naman ito sa akin. Bakit mo ba ito Ginagawa sa akin Gabriel , mas lalo akong umaasa na mamahalin mo Ang isang tulad ko. Sana hindi mo ako pinaglalaruan dahil Kung oo Tama na ayoko na talo na ako Gabriel. Sambit ko sa hangin habang tinitingnan siyan papalayo sa akin. Sa ganun nalang ang pagmamahal ko sa kanya habang papalayo siya mawawala naman itong nararamdaman ko sa kanya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD